You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG PAG-UTANG AT

PAGPAPAUTANG
SA SINUMAN NA DAPAT MAKABATID:
Ang kasunduan sa pagpapautang ay ginawa at ginanap dito sa Brgy. Queens
Row West, Lungsod ng Bacoor, Lalawigan ng Cavite nina DAYLINDA A. LICARDO,
may sapat na gulang, Pilipino at may pahatirang sulat at tirahan sa Blk 29, Lot 31,
Queens Row West at dito siya ay tinalaga sa unang panig at siya ang nagpapautang
at si ____________________________________________, may sapat na gulang, Pilipino at
may pahatirang sulat at tirahan sa ________________________________________________
at siya ang itinalagangng pangalawang panig at siya ang umuutang.

PINATUTUNAYAN
Na, Ang unang panig ay namumuhunan ng maliitang pondo para makatulong sa
mga nagtitinda o nangangalakal sa Molino Wet and Dry Market, upang sa kahit
papaano maibsan ang problema ng mga nagtitinda sa palengeke.
Na, ang pangalawang panig, ay nagsadya at nagpabatid, na gusto niyang umutang
ng konting puhunan para pang suporta sa kanyang pangaraw-araw na pagtitinda at
ang unang panig ay pinaunlakan ang panagalawang panig na umutang sa mga
kondiyones o mga termino na nailathala sa ibaba:
1. Ang unang panig ay magpapautang sa pangalawang panig ng halagang
PHP_____________________, na babayaran sa loob ng ______ na araw.
2. Ang inutang na pera ay magkakaroon ng interest o tubo. Sa bawat PHP10,000 na
hihiramin ay may karagdagang tubo na PHP500 at ang hiniram na pera ay ibabalik
ng ikalawang panig sa unang panig ng hindi lalampas ng tatlong araw kasama ang
napagkasunduang interest o tubo. Ang unang araw ay magsisimula sa araw na
nanghiram ang ikalawang panig ng pera at matatapos sa pagbabalik ng pera.
Na, ang pangalawang panig o umuutang ay nangangako na susundin ang mga
kondisyones at tutupdin ang pangakong pagbabayad sa takdang araw na
napagkasunduan at bilang garantiya na tutuparin ng ikalawang panig ang
pangakong pagbabayad sa takdang araw ay isinasangla ko o ipinasakamay ko ang
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Bilang patotoo, ang mga nagkasundo ay lumagda sa kasunduang ito ngayong ika_____ ng ___________ taong 2015, dito sa lungsod ng Bacoor, lalawigan ng Cavite.

DAYLINDA ABENDAN LICARDO


__________________________
Unang Panig/ Nagpapautang
Nangungutang

Ikalawang Panig/

Sinaksihan ang kasunduan ng pagpapautang nina:


PERCIVAL JAMES L. LACEBAL

JOSEFINA L. RAGAS

You might also like