You are on page 1of 1

Kapayapaan at Katarungan, Aking Susuportahan

Marami nang isyu na nangyari sa bansa. Ang mga karaniwang dahilan ng ilang isyu ay
ang hindi pagbibigay ng hustisya at hindi pagkakaroon ng kapayapaan. Bakit kaya
nagkakaroon ng mga ganitong problema?, ang kadalasan kong tanong sa aking isipan. Bakit
nga kaya nangyayari ang mga ito? Ano kaya ang mangyayari kapag hindi ito maayos agad at
paano naman natin ito aayusin?
Halos araw-araw ay may mga nagaganap na krimen. Sa dami nito ay lahat ba ng
nabiktimay nabigyan ng katarungan o hustisya? Marami nang krimeng nagawa na naibalita na
ngunit karamihan sa mga ito ay wala pa ring hustisya. Kaya siguro may mga rebelde at
pagtatalo dahil sa hindi pantay-pantay na pagtingin sa isat isa. Maaaring nagrerebelde ang iba
dahil iyon ang paraan na alam nila upang maibigay sa kanila ang katarungan. Kung gusto natin
ng kapayapaan sa lahat, simulan natin ito sa ating mga sarili. Tanggapin muna natin ang ating
sarili upang mahanap natin ang kapayapaan sa ating mga kalooban. Tayoy maging mabuti sa
lahat ng panahon. Mabuti na ang gumawa tayo ng tama kaysa tayoy lumuha dahil mali ang
ating ginawa. Igalang natin lagi ang ating kapwa dahil ang paggalang at pagtanggap ay ang
mga tulay sa kapayapaan.
Hindi pa rin natin matitiyak kung mayroon ngang hindi patas na pagtingin o paghatol.
Ang mahalga ay maging mapayapa ang pamumuhay ng bawat tao. Kung magiging pantay ang
pagtingin at pagtrato nating lahat sa ating mga kapwa, maaaring tumigil na ang ibat ibang
pagtatalo at maging payapa na. Kahit sa pagtanggap lang sa kapwa ay maipapakita mo na
gusto mong macaroon ng kapayapaan. Mahalaga talaga ang kapayapaan dahil kung wala ito,
maaaring puro digmaan na lang ang nangyayari ngayon. Mahalaga rin ang katarungan dahil
hindi magiging payapa ang isang tao hanggat wala itong hustisya. Tandaan lang natin na ang
pantay na pagtingin at katarungan ang mga mahahalagang bagay upang magkaroon ng
kapayapaan.

You might also like