You are on page 1of 2

Pinabayaan na rin ng Siyete Richard Gomez, sasamahan na

si Lucy sa Singko?!

ILANG BUWAN NA rin nating hindi


napapanood sa anumang regular TV show ang
guwapo pa ring aktor na si Richard
Gomez. Ang last regular show nito ay ang
Family Feud pa sa GMA-7, bago palitan ni
Dingdong Dantes. Since tatakbo that time si
Goma sa pulitika, pinagbawalan ang mga
artistang magka-regular TV show.

After some weeks, binawi rin ng Comelec ang


said ruling. Huli na para maibalik kay Goma
ang show, dahil nai-announce nang si Dingdong
na ang papalit.

Natapos na rin ang one season ng show hosted


by Dingdong months ago at ngayon nga’y Take
Me Out na ni Jay-R ang naka-on air sa same time slot, pero wala pa ring bagong show sa Siyete
si Richard.

Na-disqualify ang aktor sa kanyang pagtakbo sa Congress for Ormoc, at mabilisang humalili sa
kanya ang asawang si Lucy Torres-Gomez, na pinalad namang manalo.

Hanggang sa umugong ang chismax na from GMA-7, lilipat na sa TV5 si Goma. Kesyo one year
na nga naman kasi magmula nang mag-expire ang kontrata ng aktor sa Siyete, eh wala pa rin
itong new show, or renewal ng contract.

A few weeks ago, sa Paparazzi, kunsaan na-interview ni Ruffa Gutierrez si Goma, tinanong nito
ang aktor kung magiging “Kapatid” na nga ba siya, mula sa pagiging “Kapuso”?

Ang sagot ni Richard ay, “Hindi ko pa alam, eh. Tingnan natin,” or words to that effect.
Last Sunday sa PO5, ang Sunday variety show ng Singko, ginulat ni Goma ang lahat nang
sumayaw ito kasama ang asawang si Lucy, to the excitement ng kanilang loyal fans up to now.
Katuwang mag-swing ang mag-asawa, huh!

Kaya lalong lumakas ang bulung-bulungan na lilipat na nga si Goma sa TV5, dahil tutal eh,
nandu’n na rin naman si Lucy, pati na ang bestfriend niyang si John Estrada.

Nang ma-corner namin si Richard sa Bench fashion show sa SM Mall of Asia last Sunday,
inamin nitong may meeting na naganap between his manager, Wyngard Tracy, at isang executive
ng TV5. When we asked kung sino ang executive na ito, hindi raw alam ni Richard.

“Hindi ko alam kung sino ang mga kinausap ni Wyngard eh, but there was a meeting,” sabi ni
Goma, confirming the reports na may offer nga ang network ni Manny Pangilinan sa kanya.

Kahapon ay tinext namin ni Wyngard to confirm the report, at ang sagot nito, hindi pa raw siya
puwedeng magsalita ng detalye dahil under negotiations pa ang lahat.

Hahayaan na nga kaya ng GMA-7 ang isang Richard Gomez na mapunta sa TV5?

ANG BAGONG-LIPAT SA Singko ay si Ariel Rivera, na originally ay galing din sa ABS-


CBN, bago lumipat sa GMA.

Isa si Ariel sa mga reliable singers we have in this country, pagpapatunay lang sa kanyang
maraming hit songs na forever nang nakatala sa history ng Original Pinoy Music o OPM.

Kaso, ang balitang new show ni Ariel with TV5 ay isang sitcom with Eugene Domingo (na isang
freelance artist). Nakahihinayang lang ang husay ni Ariel sa pag-awit, bakit kaya hindi pa
gawing regular host ng PO5?

“Sitcom muna, pag-guest-guest lang muna siguro sa PO5,” sabi ng isang taga-TV5 na kausap
namin.

Noong nasa GMA-7 kasi si Ariel, parang hindi rin naman na-maximize ng network ang pagiging
singer nito, kahit sa SOP na ilang taon ding namayagpag, bago pinalitan ng Party Pilipinas.

Well, malamang na bago rin kay Ariel ang sitcom kaya tinanggap niya. At Eugene Domingo
naman ang kasama, so why not? Maganda lang sana ang materyal at bagay sa mga personalidad
nina Ariel at Uge.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro