You are on page 1of 2

Madaling-araw na, nasa kalye pa: Angel Locsin, nag-taxi

pauwi!?

HINDI RAW TOTOONG si Robin Padilla ang


cause ng hiwalayan nina Mariel Rodriguez at
Zanjoe Marudo.

Ang nakarating sa amin, ang manager daw ni


Zanjoe na si Keren Pascual ang totoong dahilan
daw kaya naghiwalay ang dalawa. Noon pa
man daw ay hindi na type ni Keren si Mariel
para sa kanyang alaga. Ewan kung ano ang
inaayawan ng manager kay Mariel.

Ang irony nito, si Keren pa ang nagdala kina


Zanjoe at Mariel kasama ang iba pang Star
Magic talents sa Asian Cruise noong Holy
Week. At sinabi naman mismo ni Mariel na last
Holy Week pa ay may gusot na sa pagitan nila
ni Zanjoe.

Ang pamilya ang sinasabing dahilan ng pakikipaghiwalay ni Zanjoe kay Mariel. Breadwinner
kasi siya ng kanyang family at kailangan niyang tulungan ang mga ito.

Hello!!!! Established na naman si Zanjoe. May bahay na siya sa Valle Verde at may luxury car
na siya. Ano pa ba ang mahihiling niya?

Parang hindi pa maka-move on itong si Mariel sa nangyari sa kanila ni Zanjoe. Last Saturday
lang ay ibinuking daw ni Pokwang sa Wowowee na panay ang iyak ni Mariel lately.

Inamin ni Mariel na si Zanjoe ang nakipag-break sa kanya, bagay na hindi raw nagustuhan ng
mga taga-Star Magic.

NAKAKATUWA ITONG SI Angel Locsin.


Kasi ba naman, nasiraan ang kanyang van noong first day of shoot niya ng movie niya with Aga
Muhlach. Alam nyo ba ang ginawa ng aktres? Hayun, pumunta sa Marcos Highway para
pumara ng taxi. Atat na kasing makauwi si Angel mula sa shooting.

Imagine, past 5 A.M. nasa highway si Angel at pumapara ng taxi? Nakakaloka, di ba?

Bongga si Angel dahil take one lang ang inabot ng kanyang pole dancing sa shooting niya.
Hanggang-hanga ang kanyang direktor niya dahil ang galing niya sa pole dancing. Actually,
ilang linggo ring nag-aral ng nasabing sayaw ang dalaga at nagasgas nga ang balat niya pero
wala siyang keber.

At ang daming extra sa movie ang nababaitan kay Angel. Hindi raw kasi ito suplada at
pinagbigyan ang hiling nilang mag-pose kasama ang aktres. Talagang napaka-down-to-earth daw
ni Angel at marunong makisama.

NAG-MIGRATE NA PALA sa US si Sheryn Regis.

Ang singer na si Jed Madela ang sumagot sa matagal na naming katanungan kung nasaan na si
Sheryn.

Sa kanyang latest tweet ay sinabi ni Jed sa isang nagtatanong na fan ni Sheryn na nag-migrate na
nga sa US si Sheryn kasama ang kanyang dyowa at anak.

Actually, matagal na naming napapansin na wala na si Sheryn. Hindi naman namin alam kung
sino ang aming mapagtatanungan. Napapansin kasi namin na ang tagal na niyang wala sa ASAP
XV.

Nagagalingan kami kay Sheryn as a singer. Sayang at walang nangyari sa career niya rito, kaya
naman siguro naghanap siya ng suwerte sa ibang bansa. Hindi rin naman siya na-build up nang
husto ng Dos gayong talented naman siya. Napabayaan talaga siya ng network.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

You might also like