You are on page 1of 2

John Lloyd Cruz, bumigay na kay Boy Abunda!

Iba talaga ang tiwalang ibinibigay ng mga


artista kay Kuya Boy Abunda. Tanging ang
batikan at respetadong TV host lamang ang
may kakayahang pagsalitain o paaminin ang
mga artista sa mga isyung sensitibo. Hindi na
rin marahil kataka-taka ito dahil tunay namang
‘kuya’ at ‘kaibigan’ si Kuya Boy sa halos lahat
ng mga taong nasa loob o labas man ng
showbiz.

Nu’ng Linggo, sa taped interview ng The Buzz,


muli na namang pinatunayan ni Kuya Boy ang
‘magic’ niya nang linawin lahat ni John Lloyd
Cruz ang mga tsismis, intriga at isyung
nakapalibot sa kanya. Ilang showbiz media na
rin ang nangahas na alamin ito sa mahusay na
aktor, pero tuwina, iniiwasan niya ito.

Isa-isang sinagot ni John Lloyd ang lahat ng kontrobersiya sa kanya lately. Una na ang umano’y
pagpapaasa niya kay Sarah Geronimo. Ayon kay John Lloyd, hindi basta-bastang sasabihin mo
sa isang babae na maghintay siya ng ilang taon dahil maraming maaaring mangyari sa pagdaan
ng mga araw.

Tahasan na ring inamin ng aktor na nagkaroon sila ng special relationship ni Ruffa Gutierrez.
Pero pinabulaanan naman ni John Lloyd ang kamakailan ay kumalat na balitang nagkasama sila
ng TV host-actress na nagba-bike.

At ang pinakaaabangan ng lahat, ang pag-amin ni John Lloyd sa relasyon nila ni Shaina
Magdayao. “Yes, it’s us,” ani pa ng aktor. Ginawa na raw niya ang pagsasalitang ‘yon upang
matigil na ang patuloy na pagkakadamay ng mga taong malalapit sa kanila ni Shaina. Mas
masakit daw para sa mga ito ang mga naririnig nila, kaya’t para matapos na ang lahat, kailangan
niyang magsalita.

Inamin din ni John Lloyd na sumama ang loob ni John Prats sa kanya, ex-boyfriend ni Shaina,
pero nagkausap na raw sila ng ‘man-to-man’ sa telepono at maayos na ang lahat sa kanila. Pero
hindi raw totoo na inagaw niya si Shaina kay John. Wala na raw ang dalawa nang pumasok siya
sa buhay ng batang aktres.
Hindi man diretsong sinabi ni John Lloyd na nagkaroon ng misunderstanding sina Shaina at
Ruffa, ikinuwento naman niya na siya mismo ang gumawa ng paraan para magkausap ang
dalawa. Wala rin daw katotohanan na pinagsabay niya sina Shaina at Ruffa.

Marami ang humanga sa lahat ng mga naging pahayag ni John Lloyd – sinsero at very
gentlemanly.

MASAYA SI RICO Robles na maging bahagi siya ngayon ng Party Pilipinas. “Sabi nila, nasa
direktor daw para maging maganda ang show, pero hindi, e. We’re all working hard para
mapaganda ang show. The rating is really going up. But of course, hindi naman doon lang ang
concentration namin. Ang gusto talaga namin ay makapagbigay ng total entertainment sa
televiewers,” sabi pa ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate.

Aside sa Party Pilipinas, regular discjock din si Rico sa FM station na RX 93.9. At kapag libre
siya sa kanyang showbiz commitments, nasa gym naman siya practicing boxing. “Amateur pa rin
naman ako,” sabi ni Rico. “I have to stop for a while dahil nagkasag-basag itong ilong ko.”

Hindi ba mahirap ‘yung ginagawa niya lalo na sa showbiz na mukha ang puhunan nila?

“May protective gear naman kami, pero hindi pa rin talaga maiiwasan,” sagot niya.

Loveless daw si Rico ngayon. “Wala, e,” aniya.

Kumusta na sila ni Roxanne Barcelo?

“Wow, parang ang tagal na nu’n, huh! I can’t remember na the last time we talked. Anyway,
may TV show siya ngayon sa GMA-7, ‘di ba? ‘Yung may hotdog.”

Anong message niya sa ex-girlfriend?

“Dahan-dahan sa pagkain ng hotdog. Naka-cancer daw ‘yon ‘pag nasobrahan ka,” tugon ni Rico.

Bore Me
by Erik Borromeo

You might also like