You are on page 1of 3

Pinagsabay raw sila ni Shaina Magdayao: Ruffa Gutierrez,

Inilabas na ang Lahat-Lahat!

HINDI LANG NGA ‘yong relasyon nila ni


Shaina Magdayao ang inamin ni John Lloyd
Cruz kamakailan kundi pati ‘yong naging
special relationship nila dati ni Ruffa
Gutierrez. Dahil dito, marami ang nag-abang
kung ano ang magiging reaksiyon ng
actress-TV host na lumabas tuloy na
sinungaling dahil sa laging pagdidiin dati na
magkaibigan lang sila ng aktor.

Sa birthday celebration ni Ruffa sa


Paparazzi kahapon, sa pag-uusisa namin at
ng iba pang mga kaibigan niya from the
press na naroroon para batiin nga siya sa
kanyang kaarawan, wala na rin siyang
choice kundi magsalita na rin tungkol sa
nasabing usapin. At inamin na rin nga ni
Ruffa na totoong naging sila rin ni Lloydie.

Pero understandable naman kung bakit nagdi-deny si Ruffa kasi hindi naman din umaamin si
John Lloyd. Isa pa, nagkaroon daw sila ng usapan not to talk about their relationship in public.
Which is understandable dahil at that time, nasa proseso pa ang annulment ng kasal nila ng ex-
husband niyang si Yilmaz Bektas.

According to Ruffa, nagsimula raw mahulog ang loob nila sa isa’t isa nang magkasama sila sa
Betty La Fea.

Naging masaya naman daw sila ni John Lloyd sa panahong sila. Kaya lang, hindi na rin ikinaila
ni Ruffa na no’ng panahong sila ni John Lloyd, nag-overlap ang pakikipagrelasyon daw ng aktor
sa kanya at kay Shaina Magdayao. Ibig sabihin, totoo talaga ang napapabalita na rin dati na
pinagsabay sila ng aktor.

Sa umpisa raw, nadidinig-dinig lang umano ni Ruffa ‘yong tungkol sa tsismis na nagdi-date sina
Shaina at John Lloyd. Hanggang sa kinutuban na rin umano siya kaya tinanong niya ang aktor
tungkol dito.

Inamin daw naman sa kanya ni Lloydie na totoo nga na something’s going on between him and
Shaina sa panahong kinumpronta na niya ito. Siyempre pa, kahit sino namang babae, masasaktan
kapag nalaman at napatunayang may iba palang babae na kahati sa puso ng karelasyong lalaki.

“I maybe the sweetest girl in the world,” ani Ruffa. “Pero… anak ako ni Anabelle Rama,” aniya
nga.

So ibig sabihin, nang inamin ni John Lloyd sa kanya na may relasyon din ito kay Shaina naging
parang tigre rin siya na gaya ng Mommy niyang kilala sa sobrang katarayan at pagiging gerera?

Ayaw na lang mag-elaborate pa ni Ruffa kung ano talaga ang naging scenario ng kanilang
naging confrontation ni John Lloyd at kung ano ang ginawa niya after aminin nito ‘yong tungkol
nga sa relasyon din kay Shaina.

“You just have to read between the lines na lang. Nakaka-stress, huh!” Natawang sabi pa ni
Ruffa nang tangkain naming kulitin pa siya tungkol dito.

Hindi na rin nag-comment si Ruffa sa pagdi-deny ni John Lloyd na talagang nagkasabay sila ni
Shaina.

Ang karagdagang kuwento na lang na naibahagi pa ni Ruffa, New Year umano nang
makumpirma niyang totoo ‘yong John Lloyd-Shaina affair. Pero gano’n pa man, wala pang
naging closure ‘yong sa kanila ng aktor. Na tipong – hello tapos goodbye… hello raw ulit tapos
goodbye na naman.

“Nagkaroon na lang ng closure talaga mga two months ago. Na final na ngang – goodbye na
talaga.”

Naitanong din namin, hindi kaya bukod kay Shaina ay naging reason din si Yilmaz kaya nag-fail
ang special relationship nila ni John Lloyd? Natakot siya regarding what her ex-husband is
capable of doing kapag niresbakan ang aktor during the time na napapabalitang sila nga? Lalo
ngayong hindi na naman sila in good terms nito. Kumbaga, tinapos niya ang involvement sa
aktor para maprotektahan ito.

“No, hindi siya (Yilmaz) ang main reason. But… nakakatakot talaga. And siyempre, I wanna
protect the people in my life. Na bukod sa pamilya at mga anak ko, eh ‘yong mga kaibigan ko.
And siyempre, kasama na rin si JL.”
Si John Lloyd, magkapareho sila ng birthday (June 24). Wala ba silang naging gift sa isa’t isa
since sinasabi naman niyang they’re friends pa rin kahit si Shaina na ang karelasyon nito?

“Of course wala kaming gift sa isa’t isa. As a matter of fact, we didn’t talk to each other on our
birthday. Because nga, it’s finally out in the open that he’s seeing someone else. And I would
like to respect that. And ayoko ng gano’ng klaseng situwasyon.”

Ayaw niyang mangyari ulit na mapapabalitang nagwala na naman si Shaina dahil sa matinding
selos? Gaya ng pagwawala raw nga diumano nito nang mapabalita na nakitang magkasamang
nagba-bike diumano si Ruffa at John Lloyd sa The Fort.

Itinanggi ito ni John Lloyd. Idinenay rin ni Ruffa. Pero ang Mommy niya na si Anabelle Rama,
kinumpirmang totoo ito.

Si Tita Anabelle pa nga raw ang bumili ng bike niya na all pink. Pati raw rubbershoes na ginamit
niya.

“Totoong nag-bike ako sa The Fort. Pero iba ang kasama ko. Hindi ko na sasabihin kung sino.
Hindi talaga si JL ang kasama ko. May bago na akong ka-bike ngayon.”

Pinabulaanan din ni Ruffa ang sinabi ng ina na nag-uusap pa rin at nagti-text sila ni Lloydie sa
isa’t isa kahit umamin na ang aktor ng tungkol sa relasyon nga with Shaina.

“’Yon siguro ang hinala ni Mommy. Pero, no! Wala na talaga kaming communication since
two… three weeks ago. Period.

“And this is the last time na magsasalita ako tungkol sa topic na ito. Let us close it na. There’s no
issue anymore kasi hindi na kami nagtatawagan. Hindi na kami nagkikita. And thank God, may
final closure na talaga,” huling naging pahayag ni Ruffa.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

You might also like