You are on page 1of 5

El Filibusterismo

Kabanata 1 – Sa Kubyerta

Tauhan:
Donya Victorina
Kapitan
Don Custodio
Ben-Zayb
Padre Irene
Simoun
Padre Camorra
Padre Sybila
Padre Salvi

Pangyayari:
Sa Bapor Tabo na sumasalunga sa Ilog Pasig ay nakasakay ang ilang mga katauhan na mahalaga sa
kwento. Sila’y ipinakilala at isinalaysay din ang tungkol sa nangyaring pagtakas ni Don Tiburcio kay Don
Victorina dahil sa takot nang sinaktan niya ito. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga padre ukol sa
pagpapalalim ng ilog. Ito raw ay ipatuwid ng ayos; nagbigay si Simoun, ang mag-aalahas, ng isang lunas:
humukay ng matuwid na kanal, sarhan ang dating Ilog Pasig gamit ang lupa at mapapaikli pa ang
paglalakbay. Nakipagtalo si Don Custodio ukol dito dahil wala silang salapi na maibabayad sa mga
manggagawa. Ayon naman kay Simoun ay hayaan ang sapilitang paggawa nang walang bayad. Nag-aalala
ang padre sa maaaring paghihimagsik. Ayon kay Simoun, ang mga maggagawa naman sa Ehipto at
Romana ay hindi naghihimagsik. Sinabi naman ni Don Custodio na maaaring mag-alaga ng itik o pato na
makakakain din ng lupa. Si Donya Victorina naman ay nandiri na lamang at tumutol.

Kaugaliang Pilipino:
Pagbibigay halaga sa mga dayuhan

Sakit ng Lipunan:
Sa pagkakaroon ng dalawang lugar ng mga tao sa kubyerta – ang mga makakapangyarihan sa itaas, at
indyo, instik at iba pa sa ibaba – ipinapakita ang kalagayan ng pamahalaan kung saan mas binibigyang
halaga ang mga kastila, mayayaman at prayle.
Ang pagpapanggap ng pamahalaan ng kalinisan nito (simbolismo ng puting pintura) ngunit mayroong mga
kadumihan at kaharasan sa likuran nito.
Ang mabagal na pag-unlad dala ng kahinaan ng pamahalaan.

Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta

Tauhan:
Kapitan Basilio
Basilio
Isagani
Simoun
Padre Florentino

Pangyayari:
Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng mga tao – kasama ng mga makina, bulwak na tubig
na nakahalo, at walang tigil na paswit ng bapor – mayroong mga intsik, mga kabataan, mga mag-aaral at
indyo. Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng medisina, at si Isagani at isinalaysay ang kalagayan ni
Kapitan Tiyago na siyang nasubsob sa paghithit ng apyan. Pinag-usapan nila kasama ni Kapitan Basilio ang
ukol sa panukala nila ukol sa Akademya ng wikang Kastila. Dumating si Simoun at sila’y nagtalo ukol sa
pag-inom ng alak, na sabi ni Isagani ay sana’y makabubuti sa lahat at magtatangumpay sila. Matapos
umalis ni Simoun ay inisinalaysay ang buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si Padre Florentino, at
sinabihang anak na huwag magpapakita sa kapitan upang hindi ito anyayahing umakyat.

Kaugaliang Pilipino:
Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa; pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa
kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa mga kagustuhan ng magulang, labag man ito sa kalooban niya;
kalagayan ng pag-iisip muna sa balakid bago ang kabutihan kaya’t hindi natutupad ang mga balak.

Sakit ng Lipunan:
Ang pag-inom ng serbesa o alak at paghithit ng payan na silang nakakasira ng mga tao; pagtanggi ng
pamahalaan na bigyan ng sapat na edukasyon ang kabataan, lalo na sa wikang Kastila

Kabanata 3 – Mga Alamat

Tauhan:
Padre Florentino
Padre Sybila
Padre Irene
Padre Camorra
Padre Salvi
Simoun

Pangyayari:
Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan nila ang
kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik na tila lumalagpak at ang mga kahirapan nito. Nagsimula
silang magkwento ukol sa mga iba’t ibang alamat – ang Malapad-na-Bato na tinitirhan ng espiritu bago pa
dumating ang mga Kastila; ang tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahang nangakong siya’y
pakakasalan ay nag-arsobispo; si Simoun at nakipagtalo ukol sa ginawa kay Donya Geronima na kinulong
sa isang kweba; ang pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng
isang demonyong buwaya; ang huli’y tungkol sa isang Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siya’y binaril at
nagkaroon ng kulay dugo ang lawa’t hindi na siya muling nakita.

Kaugaliang Pilipino:
Pananampalataya sa Panginoon; paniniwala sa mga espiritu; paniniwalang ang arsobispo ay laging tama;
pagtigil sa paniniwala sa pamahiin at espiritu dala ng mga Kastila, lalo na sa Kristiyanismo.

Sakit ng Lipunan:
Pagpapatapon sa isang mabuting tao sa kulungan para lamang matahimik ito; pagtutugis sa taong walang
sala

Kabanata 4 – Kabesang Tales

Tauhan:
Kabesang Tales
Tandang Selo
Lucia
Tano
Juli

Pangyayari:
Dahil sa paghihirap nila ay inangkan nila ang isang pook sa may gubat, at dahil dito’y namatay ang
asawa’t panganay na anak ni Tales. Ipinagpatuloy pa rin ang pagsisikap na pag-ani sa lupaing ito, at siya’y
umunlad – dahil dito’y sinakop sila ng mga kastila. Naging masagana ang ani ni Tales, at tumataas pa lalo
ang buwis na sinisingil sa kanya. Siya’y ginawang Cabeza de Barangay sapagkat siya ang pinakamasipag –
nang dahil dito’y dumadami ang babayarin ni Tales. Hindi na nakapag-aral ang kanyang mga anak. Dahil
sa pang-aapi ng mga prayle at makakapangyarihan, siya’y nalublob sa utang, at naghimagsik; hindi na
siya nagbabayad, at ibibigay nya lamang ang lupa sa taong didiligan muna ito ng dugo ng kanyang
asawa’t anak. Patuloy ang pagbabantay ni Tales sa lupa na may hawak na baril. Si Tano ay naging
gwardya sibil. Nadakip din si Tales ng mga tulisan; naiwan si Tandang Selo at Juli na may mga utang, at si
Juli ay namasukan bilang katulong ng isang matandang pumayag na pautangin sila ng salaping kailangan
para sa pagpapalaya ni Tales.

Kaugaliang Pilipino:
Katamaran ng mga Pilipino (at dahil dito’y iba ang nananagutan); paniniwalang gaganda ang kinabukasan
at magkakaroon ng mirakulo sa pamamagitan ng pag-aalay ng alahas at kayamana sa imahen

Sakit ng Lipunan:
Pang-aapi at panglilinlang sa mga indyo dahil lamang sila’y mapagkikitaan nga mga Kastila; ang hindi
pagbayad ng buwis ng mamamayan kaya’t ang Cabeza de Barangay ang kailangang magbayad mula sa
sariling bulsa; pagsanay sa mga Pilipino na magtiis na lamang sa halip na ipaglaban ang sariling kabutihan
at kung may nanga-iba rito’y malalagot sila.

Kabanata 5 – Ang Bisperas ng Pasko sa Isang Kutsero

Tauhan:
Basilio
Kutsero
Kapitan Basilio
Simoun
Alperes

Pangyayari:
Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San Diego, kung kalian mayroong mga pista at sila’y naabala
sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at kinailangang bugbugin pa ito ng gwardya sibil.
Mayroong inilalakad na prusisyon ng mga imahin ng dalawang Kastila, taltong Haring mago, birhen at mga
batang may dalang parol. Nabugbog nanaman ang kutsero dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio ang
usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio, kasama ng alperes at ni Simoun. Tila sila lamang ang may
masayang kalagayan sa bayan at sila’y nagdaraos ng kalakalan sa mga alahas ni Simoun; pagkadating sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang si Basilio habang siya’y binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa mga
nakaraang pangyayari nang ito’y nasa ibang lugar. Nabalitaan niya ang nangyari kay Kabesang Tales.
Kaugaliang Pilipino:
Pagsasagawa ng mga prusisyon at pagpapalakad ng mga imahen na ginagalang tuwing pista at bisperas
ng Pasok

Sakit ng Lipunan:
Pagbubugbog sa mga taong hindi sumusunod sa tradisyon o batas sa halip na sila’y bigyan ng patas at
maayos na parusa

Kabanata 6 – Si Basilio

Tauhan:
Basilio
Simoun
Kapitan Tiyago

Pangyayari:
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Basilio kaya’y siya’y nagtungo sa kagubatang dati’y pagmamay-ari
ng mga Ibarra, at patuloy siya sa paglalakad sa loob nito hanggang sa marating niya ang isang bunton ng
bato kung saan nakalibing ang kanyang ina. Siya’y nag-isip at naalala ang kanyang nakaraan. Marami
siyang mga paghihirap na dinaanan: pagtakas sa Maynila, paghihiling na sana ay masagasaan na siya ng
mga kabayo, hangggang sa siya’y kupkupin nila Kapitan Tiyago. Siya’y nagsimulang magsikap sa pag-
aaral, kahit na siya’y hindi pinapansin ng mga guro kaya naman siya’y laging nakapapasa. Unti-unting
bumubuti ang kanyang kapalaran sa pag-aaral at siya’y inilipat sa Ateneo mula sa San Juan de Letran
hanggang sa siya’y magtapos at kumuha ng kurso sa Medisina. Sa kanyang pag-unlad ay sinikap niyang
kalimutan ang paghihirap ng nakaraan at ipagpatuloy na lamang ang pagsisikap.

Kaugaliang Pilipino:
Pagpapawalang-halaga sa pag-aaral ng mga ibang mag-aaral, lalo na sa mga mayayaman; katamaran sa
pag-aaral;

Sakit ng Lipunan:
Pag-diskriminasyon sa mga Indyo, lalo na’t kung iuukol sa kadamitang suot; ang pagpasok ng mga mag-
aaral hindi para matuto, kundi upang makapasa lamang sa mga pagsusulit; ang pangangailangan ng
maraming kaibigan at koneksyon sa mga makakapangyarihan upang manalo sa pagtatanggol ng mga
abogado sa halip na umasa sa kakayahan nito; miski ang mga guro ay tamad din magturo; dami ng mag-
aaral sa isang klase’t kaya mahirap matuto; hindi pantay na pag-unlad at kaibahan ng paaralan ng Ateneo
at San Juan de Letran

Kabanata 7 – Si Simoun

Tauhan:
Simoun
Basilio

Pangyayari:
Habang si Basilio ay nasa gubat, nakarinig siya ng mga yapak ng isang tao sa kagubatan at nang siyang
nagmasid, nakita niyang ito ay si Simoun. Dahil hindi nito suot ang kanyang salamin, nakilala ni Basilio ang
mag-aalahas na siya palang si Crisostomo Ibarra na tumulong din kay Basilio na ilibing ang kanyang mahal
na ina. Tinutukan siya ng baril ni Simoun, at ipinaliwanag naman ni Basilio na si Ibarra ay isang taong
mahal sa kanya, dahil sa pagliligtas at pagtulong sa paglilibing ng kanyang ina. Sabi ni Simoun ay dapat
silang magtulungan dahil pareho silang uhaw sa katarungan. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang
paglalakbay sa mundo upang magpayaman, at nanumbalik upang maghimagsik at makitang muli si Maria
Clara. Tutol si Simoun sa pagpapatayo ng mga kabataan ng isang paaralan para matuto ng Kastila
sapagkat isang paraan daw ito upang makalimutan ang sariling wika, humina ang nasyonalismo. Ang wika
ang pag-iisip ng isang bayan at kanyang kalayaan. Pinagtanggol naman ni Basilio na ito’y paraan upang
maunawaan, mapaunlad ang pamamahala ng mga Kastila. Ayon kay Simoun, dapat ay sumama siya sa
paghihimagsik sapagkat pareho silang tinaksil ng sariling bayan at dumanas ng napakasakit na mga
karanasan. Nabatid ni Simoun na hindi niya nakukumbinse si Basilio. Sinabi na lamang niyang kung
magbago ang isip ni Basilio at kailanganin ang tulong niya, mayroon siyang bahay sa Escolta.
Nagpasalamant si Basilio at umalis. Si Simoun naman, na punung-puno ng kamuhian at paghihimagsik, ay
naalala ang kanyang mga pinagdaanan, sina Elias, Don Rafael at Maria Clara.

Kaugaliang Pilipino:
Pagdadalaw sa mahal na yumao na at pagbibigay galang at dasal dito; pagpapahalaga sa utang na loob.

Sakit ng Lipunan:
Ang pagpapaalipin ng Pilipinas sa wikang Kastila, pati sa mga dayuhan; ang pagtanggi sa karapat-dapat na
edukasyon.

Kabanata 8 – Maligayang Pasko

Tauhan:
Tandang Selo
Juli

Pangyayari:
Paggising ni Juli ay nabatid niyang walang nangyaring himala at dalawang daa’t limampung piso na dapat
ibabayad para sa kalayaan ni Kabesang Tales. Kakailanganin niyang magpa-alila at naghanda na siya
upang tumungo sa bahay ng amo. Siya’y umalis na habang si Tandang Selo ay nanatiling napakalungkot
kahit na pasko na. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi ang matanda!

Kaugaliang Pilipino:
Pagbati ng “Maligayang Pasko” sa araw na iyon; pagtuturing sa araw na ito na araw ng mga bata at
pagdaraos ng misa kasama sila; ang iba’y tumatanggap ng mga aginaldo

Sakit ng Lipunan:
Ang pagdaraos at pagdiriwang ng Pasko nang hindi abot sa puso o kaya’y pilit lamang
Kabanata 9 – Ang Mga Pilato

Tauhan:
Mga nag-uusap-usap
Hermana Penchang

Pangyayari:
Naging usap-usapan ang nangyari kay Tandang Selo at ang karamihan ay walang pakialam.
Pinagchismisan nila ang mga nangyari at maaaring nangyari kung hindi lamang umalis ng bahay si
Kabesang Tales. Pinagbintangan naman ni Hermana Penchang, ang bagong amo ni Juli, na parusa raw ito
dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo nito kay Juli nang maayos. Sinabi rin niyang si Basilio
ay isang demonyong nagbabalatkayong demonyo. Si Kabesang Tales ay nakauwi na rin, ngunit nang
nakita ang kalagayan ng tahanan ay naupo na lamang sa isang sulok nang walang kibo.

Kaugaliang Pilipino:
Pagchichismis ukol sa mga pangyayari nang hindi inaalam ang katotohanan; paniniwala sa kaparusahan
dala ng hindi pagdadasal

Sakit ng Lipunan:
Ang kakulangan sa awa at pagtulong sa mga mahihirap; paghahatol sa tao, pagpaparusa, at matapos ay
aasal na parang wala siyang kasalanan.

You might also like