You are on page 1of 1

Define 48 years? Yes ...

it has been so long since the last time nang chumika ako ditey sa blogsiva na itey.
Sobrang plentibelles arabelles din ang mga naganap sa life ever kez. Maraming kiyemeng everloo ang nagbago
ever. Betchay ko mang ichika ang everything eh parang aabutin yata nang siyam-siyam ang talakan portion
kung magka ganon.

In fairness naman sa everybody eh siguro mas kyeri na givesungan ko lang kayez nang konting catch-up from
my last entry.

Pero bago ang lahat eh betchay ko munang mag-ask ever nang forgiveness dahil medyo may giraffe factor
akembang sa pagspluk ngayon in the "badinggerzie" way with all that 48 years without being badinggerzie and
all pero I will try my best para naman witchelles kayez malukresya kasilag ever.

It has been almost 3 years, nagsarado ever ang pinagwoworkikayan kong events/ad agency. Ang boss kong
dakilang pugita nang ilog Pasig na si Ursula eh kelangang magflyuk sa estates due to some important
kachervahan.

At that point eh waibelles akeng ibang choice ever kundi ang mag searchaloo nang ibang workikay or else eh
baka kung saanchienabelles na lang kami julutin ara nang shufatembang kez.

Hanggang sa naicipan kong jumosok ara sa isang call center sa Libis bilang isang dakilang call center agent.

YES! Siguro nga totoo ang chikang "in times of desperate needs .. we need to do desperate measures" -- as in
super wai akez na mashosukang permanenteng workikay before that. More on raket here .. raket there .. raket
everywhere na lang but then .... may mga moments na waing raket ... at kung waing raket eh for sure ... what
follows eh waing andabelles ... waing andabelles means purita gonzales ... at kasunod nang pagiging purita
gonzales eh iskwuala lumpur ang labanan. Di ko naman keri yun noh.

Sa simula eh jinisip ko lang na transition job ang pagiging call center agent -- di naman masama ang paysung
kaya kering-keri lang at parang usung-uso siya, witchelles ko naman yatang bet mapawala sa uso da vars? Pero
infairness, within a year eh na-promote naman ang beauty nang lola nyo -- ewan ko ba kung dahil lang ba iyon
sa balingkitan ang shortawan kez o kung ano -- pero nag-arrive sa aken ang thought na kering-keri ko na itong
karirin .... as in long time karir! Anufangabur ... so kinarir ko na talaga.

Ngayon lang jumosok sa kukote kong buhayin ulit si badinggerzie. Well, right now, I took may long vacation
for the first time after two years, so umuwe muna akez sa mudarala kez sa province aver. Isang gabi, habang
naghahalungkat ever akez nang mga oldies na gamit eh nasigtsiva ko ang isang printed manuscript nang
"THIRD SEX IN THE CITY", sa sobrang wala kong magawa eh super readaloo lang akey hey hey.

I realized ... magaling pala akong magsulat! ECHOZ!

Witchelles lang yon but then, naalala ko ang mga readers na sangkabaklaan, ang mga veklores na nakakarelate
sa mga kagagahan ko sa buhay at naalala ko rin ang masalimuot at mala-soap opera kong buhay.

Then I decided ... why not write as BADINGGERZIE again?

I guess it's about time para chumerva ulet ... marami pa reng mga kaganapan ang dapat na i-share sa
sangkabaklaan ...

So ... anu sa palagay nyo????

You might also like