You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA HEKASI 5

S.Y. 2009-2010

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang larawan ng panahanan ng mga Pilipino pagdating ng mga Amerikano?
a. Malinis at maayos b. magulo at marumi ito
c. namangha sila sa magandang kaayusan ng ating kapaligiran
2. Ano ang napansin ng mga Amerikano sa kapaligiran?
a. Bukod sa layu-layong tirahan, mababang uri ng teknolohiya ang ginagamit ng mga Pilipino
b. Makabago ang teknolohiya sa Pilipinas c. walang dapat baguhin sa Pilipinas
3. Bakit dumami ang bilang ng mga nabubuhay at gumaganda ang kalusugan ng mga Pilipino?
a. Namigay ng libreng gamut at pagkain ang mga Amerikano
b. Pinuksa nila ang mga mikrobyo na pinanggagalingan ng sakit at nagpatayo ng mga ospital para sa
kagalingan ng mga maysakit
c. Tinuruan nilang magdasal ng mataimtim ang mga Pilipino.
4. Anong naging epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino sa pagdala ng mga makabagong sasakyan?
a. Bukod sa napabilis ang ugnayan sa mga pamayanan at karatig bansa, umunlad din ang sistema ng
pangkabuhayan lalo na ang pangangalakal ng mga produkto nito.
b. Naging mayabang ang mga Pilipino
c. nag- paalipin ang mga Pilipino para makamit ang mga ito
5. Ano ang pinakamahalagang ipinamahagi sa ating ng mga Amerikano?
a. Teknolohiya b. edukasyon c. relihiyon
6. Anong layunin ng edukasyon na tinuro ng mga Amerikano?
a. Diwang komunismo b. demokratikong pamumuhay sa lahat ng mamamayan
c. pagsamba sa Panginoon
7. Ano ang tawag sa mga Amerikanong pumalit sa mga sundalong guro?
a. Lasallites b. Jesuits c. Thomasites
8. Ano ang sistemang panrelihiyon ng mga Amerikano?
a. Pagtangkilik sa protestanismo ng mga Pilipino
b. Malayang pagsamba sa anumang uri ng relihiyon nais ng mga mamamayan
c. Pagsa- walang bahala sa relihiyon.
9. Ano ang naging programa ng pamahalaang Amerikano sa mga Kabataan?
a. Libreng pag –aaral b. hanapbuhay
c. paghimok sa mga ito na sumali sa hukbong sandatahan ng mga Amerikano
10. Paano natulungan ng mga Amerikano ang mga magsasaka?
a. Binili ng Estados Unidos ang kanilang mga pananim b. tinuruan sila ng makabagong paraan
ng pagsasaka at dumami ang kanilang mga ani at maging kasiya- siya ang kanilang pagsasaka
c. ibinigay sa kanila ang mga karapatang mag- may-ari ng lupang sinasaka
11. Ang ____ ay nagpatibay ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerikano at Pilipinas?
a. Batas Payne – Aldrich b. Batas Jones c. Batas Tydings Mc Duffie
12. Ang ______ ay nagbigay ng karapatan sa bawat Pilipino na makapag-ari ng lupang hindi hihigiy sa
dalawamput apat na ektarya. a. Batas Taft b. Batas Homestead c. Batas Pambansa
13. Sino ang nakinabang sa malayang kalakalang ipinapatupad?
a. Mga Amerikano at Pilipino b. mga Pilipino lamang c. mga Amerikano lamang
14. Bumuti ang sistema ng pamahalaan, edukasyon, komunikasyon, transportasyon at kalusugan ng mga
Pilipino sa panahon ng ____________.
a. Amerikano b. Espanyol c. Hapones
15. Anong sistema ng pamamahala ang natutunan ng mga Pilipino sa mga Amerikano?
a. Diktador b. demokratiko c. maka- komunista
16. Anong batas ang bumabalangkas sa pamahalaang Komonwelt?
a. Batas Hare – Hawes Cutting b. Batas Jones c. Batas Tydings Mc Duffie
17. Ano ang layunin sa pagbabalangkas sa pamahalaang Komonwelt?
a. Upang ihanda ang mga Pilipino sa digmaang pandaigdig
b. Upang pag- aralan at tanggapin ang kultura ng Amerika.
c. Upang sanayin at ihanda ang mga Pilipino sa pagsasarili
18. Ano Komonwelt ay napasinayaan noong ____
a. Hunyo 12, 1898 b. Nobyembre 15, 1935 c. Pebrero 26, 1896
19. Ano ang unang programa ng pamahalaang Komonwelt?
a. Ang pagkakaroon ng Tanggulang Pambansa b. pagtayo ng mga malalaking gusali sa mga lungsod
20. Gumawa ng malawakang pag-aaral sa lahat ng katutubong wika ang ____ at napili ang tagalong bilang
Wikang Pambansa?
a. Surian ng Wikang Pambansa b. Surian ng Agham at Teknolohiya c. Asamblea ng Pilipinas
21. Ano ang pinapangarap ni Pangulong Quezon para sa mga pamilyang inilikas mula za Luzon?
a. Maayos na panirahan b. maging mabuting mandirigma c. maging dalubhasa sa kalakalan
22. Paano napaglingkuran ng pamahalaang Komonwelt ang mahihirap na manggagawa?
a. Pinagkalooban sila ng seguridad tulad ng pensiyon sa katandaan
b. Nagtakda ng batas para sa makatarungang pasahod sa araw- araw at walong oras na paggawa
c. Pinagkalooban sila ng libreng tirahan ng pamahalaan.
23. Ano ang pinakamahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt sa mga kababaihan?
a. Pinagkalooban sila ng mga kasangkapan sa bahay b. binigyan sila ng hanapbuhay
c. ibinigay sa kababaihan ang karapatang bumuto at maiboto
24. Ano ang nagbago sa sitema ng edukasyon sa panahon ng Komonwelt?
a. Binigyang – diin ang kulturang Pilipino tulad ng pag-aaral tungkol sa mga bayani at awitin
b. Idinagdag sa pagtuturo ang kulturang Amerikano bayan
c. Nagkaroon ng mga guro sa paaralan
25. Ano ang isinasaad ng malayang pagsamba?
a. Ang pagsisimba lamang sa mga simbagang Katoliko
b. Ang paggalang sa pananampalatayang ikinasisiya ng bawat mamamayan
c. Pagtangkilok sa relihiyong Aglipayano na itinatag ng isang Pilipinong pari
26. Alin sa mga ito ang pinakamabigat na suliranin sa kabuhayan ng bansa na naranasan ng pamahalaang
Komonwelt? a. Ang pamamayani ng mga dayuhan sa kalakalan b. ang kalusugan ng mga mamamayan
c. ang kawalan ng likaw na yaman ng bansa
27. Anong hakbang ang ginawa ng pamahalaang Komonwelt upang maiwasan ang pagmamay- ari ng mga
dayuhan sa ating ekonomiya? a. pinagtibay ang Anti- Dummy Law
b. pinagtibay ang Filipino First Policy c. Land Reform
28. Alin sa mga sumusunod ang natutuhan ng mag-aaral sa paaralan sa panahon ng Komonwelt?
a. Kahusayan sa mga gawaing pangkamay b. paghawak ng armas c. pagbasa at pagsulat
29. Paano makakatulong sa kabuhayan ang kahusayan sa sa mga gawaing pangkamay tulad ng pagtatanim?
a. Ang gulay mula sa sariling taniman ay laging sariwa at mainam sa kalusugan
b. Ang ani mula sa sariling taniman ay makapagbibigay ng malaking kita
c. Ang pagtatanim ay mainam na libangan bukod sa nakatutulong itong mapaganda ang kapaligiran
30. Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Hapones?
a. Asamblea ng Pilipinas b. Pamahalaang Sibilyan c. Samahang ng Pangasiwang Sentral
31. Ilan ang kagawarang tagapagpaganap sa pamahalaang Hapones a. Isa b. dalawa c. anim
32. May programa ang Hapon na tinatawag na Greater East Asia Co- Prosperity Sphere. Ano ang layunin ng
samahang ito? a.mapagbuklod ang lahat ng bansa sa Silangang Asya para sa kaayusan
b. mapagbuklod- buklod ang lahat na maliit na bansa para magkaisa sa pakikidigma sa mga
malalaking bansa c. maging kolonya ng bansang Hapon ang lahat ng bansa sa Silangang Asya
33. Ano ang tinatadhana ng Saligang Batas noong Setyembre 4, 1943?
a. Pagtatatag ng ikalawang Republika ng Pilipinas b. pagtatag ng lupon ng paghahanda
c. pagtatatag ng Pambansang Asamblea na may iisang kapulungan
34. Sino ang inihalal ng pambansang asamblea bilang Pangulo ng ikalawang Republika ng Pilipinas?
a. Manuel Quezon b. Jose Laurel c. Emilio Aguinaldo
35. Ano ang ipinagbago ng sistema sa edukasyon ng pamahalaang Hapones?
a. Pagtuturo ng araling akademiko b. pagtuturo ng kulturang Pilipino, pagpapalaganap ng
Niponggo at Tagalog at pagmamahal sa paggawa
c. ipinagbabawal ang relihiyon sa loob ng pamahalaan
36. Ano ang layunin ng mga Hapones sa pagpapalabas ng mabuting patakaran sa edukasyon ng mga
Pilipino?
a. Upang makiisa ang mga Pilipino sa mga mithiin nila b. upang ihanda ang Pilipinas sa
pandaigdigang digmaan c. upang maging mabuting mamamayan ang mga Pilipino
37. Alin sa mga sumusunod ang mga lihim na kaaway ng mga Hapones?
a. Gerilyang Pilipino b. Hukbong Amerikano c. katipunero
38. Ano ang bumubuo ng HUKBALAHAP?
a. Mga nakaririwasang Pilipino b. mga sundalong Pilipinong nakatakas sa labanan na namundok
at kumakalaban sa mga Hapones c. mga hukbong Amerikanong lumalaban sa mga Hapones
39. Sino ang matapang na pinuno ng mga Huk?
a. Emilio Aguinaldo b. Luis Taruc c. Andres Bonifacio
40. Paano naipalaganap ang wikang pambansa?
a. Ipinagbawal ang pananalita sa mga katutubong wika
b. Ginawa itong opisyal nawika at itinuro sa mga paaralan c.Inalis ang wikang Ingles sa pagtuturo
IKATLONG PAGSUSULIT – HEKASI V – 2009 – 2010

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

LAYUNIN BILANG NG % KINALALAGYAN


TANONG NG MGA TANONG

1. Nailalarawan ang uri ng panahanan ng mga


Pil. Nahihinuha ang mga dahilan ng pagbabago
Ng populasyon ng pamayanan. B.1.1.1.; 1.3 3 7.5 1,2,3
2. Nasusuri ang kinalaman sa pag-unlad ng trans at kom.
Sa pamumuhay ng mga Pilipino. 111 – B.2 1 2.5 4
3. Nasusuri ang sistema ng edukasyon at relihiyong
Ipinakilala ng mgta Amerikano. 11-B.3 4 10 5,6,7,8
4. Naipapaliwanag ang mga programang pangkabuhayan
At mga patakarang pinaiiral ng estados Unidos sa
Paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan. 111-C.1.2 4 10
9,10,11,12
5. Nakakapagbigay ng reaksiyon sa kabuuang epekto ng
(pamumuhay) pamamakala ng mga Amerikano sa
Pamumuhay ng mga Pilipino. 111.D 3 7.5
13,14,15
6. Natatalakay ang balangkas at layuninng pagtatatag
Ng pamahalaang Komonwelt. IV A, 1 4 10
16,17,18,19
7. Natatalakay ang paglinang ng pambansang wika
IV-A, 2.2.2 2 5 20,40
8. Nailalarawan ang uri ng panahanang naitatag sa
pag-lipat ng mga taga-luzon sa Mindanao. IV-B.1 1 2.5 22
9. Nagiisa-isa ang mga prog.para sa makatarungang
Panlipunan. IV – A 2.3 1 2.5 21
10. Natatalakay ang pinagmulan ng paakilala sa kakayahan
Ng mga kababaihan. IV – B. 2,2.1 1 2.5 23
11. Nakikilala ang mga pagbabagong pangedukasyon
At pangrelihiyon sa pamahalaang Komonwelt, IV – B,3 2 5 24,25
12. Nailalarawan ang mga suliraning pangkabuhayan sa
Panahon ng Kom. At naipapaliwanag ang mga patakaran
ng pamahalaan sa paglutas ng mga suliraning
pangkabuhayan IV – C, 1.2.2 2 5 26, 27
13. Natatalakay ang mga natutuhan sa panahon ng Kom.
Na nakatulong sa pagpapabuti ng kabuhayan ng bansa
VI – C, 3 1 2.5 28
14. Nasusuri ang uri ng pamahalaan sa panahon ng
Hapones. V – A, 1.1.1 2 2.5 29, 30
15. Nasasabi ang layunin ng Greater East Asia Co –
Prosperity Sphere. V – A 1.1.2 1 2.5 31
16. Nasasabi ang mahalagang probisyon sa
Saligang Batas noong Set. 4, 1943. A - A, 1.1.3 2 5 32, 33

17. Natatalakay ang naging patakaran ng pamahalaang


Hapones sa edukasyon. V – A, 2 3 7.5 34, 35,
36

18. Natatalakay amg pagtatatag ng kilusang gerilya at


Kilusang HUKBALAHAP[. V – A, 3.1 3 7.5 37, 38,
39
40 100% 40
items

1-24 = 60%
25-36 = 30%
37-40 = 10%

You might also like