You are on page 1of 2

c  

               


 
O 

Masayang-masayang nakilahok ang mga


pangunahing celebrity endorser ng isang
pizza chain na sina John Lloyd Cruz at
Anne Curtis sa games at Q&A na inihanda
para sa kanila nitong hapon, Pebrero 22,
sa SM North Edsa, Quezon City.

Kasama rin nina John Lloyd at Anne sa


media event ng Greenwich ang iba pa
nitong endorser na sina Kelly Misa,
Mikaela Lagdameo-Martines, at Lloyd
Zaragosa.

Sa mala-quiz show na programa, ilan sa


mga miyembro ng press ang nagtatanong
kung magkakaroon kaya ng pagkakataong
magkasama sa isang proyekto sina Anne
at John Lloyd.

Nang tanungin ito ng media kay John Lloyd, makikita na sa kanyang sagot na nais rin niya itong
mangyari.

Sabi pa ng three-time Box Office King, "Sana mabigyan kami ng pagkakataon. Sana mabigyan kami
ng chance."

Nabanggit din ni John Lloyd na sana dumating din ang panahon na magkaroon ng proyektong bagay
talaga sa kanilang dalawa.

"Sana magkaroon ng script na... Kami namang mga artista, karamihan sa amin, I'm sure si Anne
mag-a-agree, kapag nakatagpo kami ng script na babagay sa aming dalawa, sana maisip kami ng Star
Cinema or maisip kami ng kung sino ang may hawak."

á   
 á Napag-usapan din sa event ang tungkol sa kanila ng kanyang
girlfriend na si Shaina Magdayao.

Kinuha ni John Lloyd ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga taong nagpakita ng kanilang
concern sa kanila ni Shaina.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, muli na namang naging laman ng mga entertainment
headline sina John Lloyd at Shaina matapos aminin sa publiko ni Ruffa Gutierrez na nakatanggap siya
ng tawag mula sa huli.

Para naman patunayan na matibay pa rin ang kanilang relasyon, sinabi ni John Lloyd sa media na,
"Masaya kami, okay kami."

Dagdag pa ng u  actor, "Ang masasabi ko lang, wala nang dapat ipagalala ang mga taong nag-e-
express ng concern noong mga nakaraang buwan. Right now po, masayang-masaya po kami, walang
problema, and okay kami."
Nabanggit rin ni John Lloyd na ang mga intrigang dumadating sa kanila ay parte lamang ng mga
pagsubok sa kanilang relasyon.

"Parang ang magpapatibay naman sa isang relasyon ay 'yong mga pagdadaanan ninyong pagsubok.
Ayon, ito kami ngayon."

u 
  Tuwang-tuwa rin sa John Lloyd sa mga taong masugid na sumusubaybay sa
fantaserye nila ni Angel Locsin, ang u .

Hindi bumababa sa top five primetime shows ang u  sa parehong AGB Ratings at Kanta/TNS
ratings. Kahapon, Pebrero 21, pumalo sa 27.6 ang rating nito laban sa katapat nitong show na u

  ng GMA-7 na may 16.4 percent lamang sa Kantar/TNS ratings. Sa AGB, nagtala ito ng 13.2
percent laban sa 11.3 percent ng kalabang programa.

"Nagpapasalamat ako dahil ang daming tumututok, ang daming nagsasabi kapag maganda 'yong
episode. Like last night, ang daming nagte-text. Huwag muna kayong magalit. Pero nagpapasalamat
ako sa lahat ng mga nanonood, sumusubaybay, at tumatangkilik sa u ," pahayag ni John Lloyd.

Sa nakaraang episode ng u , nagkaroon ng kissing scene sina John Lloyd at Angel. Ngunit agad
naman dinepensa ni John Lloyd na hindi nagiging isyu ang ganitong eksena sa relasyon nila ni Shaina.

Aniya, "Trabaho 'yan, e. It's about work and talagang namang ibang paraan para hindi pabayaan
'yong respeto sa ginagawa. Kasi, trabaho 'yan, e. It's not like parang in-orchestrate mo na
mangyayari 'yan."

Sa darating na Sabado, muli namang maipapareha si Shaina sa dati niyang onscreen partner na si
Rayver Cruz sa weekly drama anthology na   . Sa halip na mabahala, inaabangan pa
ito ni John Lloyd.

You might also like