You are on page 1of 1

Rep.

Ronald Singson sentenced to one year and six months imprisonment


Mark Angelo Ching

  

Isang taon at anim na buwang


pagkakabilanggo ang naging hatol ng
Hong Kong court kay Ilocos Sur Rep.
Ronald Singson para sa kaso nitong
illegal possession of drugs.

Ngayong hapon, February 24, naganap


ang pagbaba ng hatol kay Ronald sa
Wan Chai District Court. Si Judge Joseph
Yao ang nagbigay ng hatol.

Kinunsidera ng hukom ang guilty plea na


inihain ng mambabatas at ng abogado
nitong si John Reading para sa kaso.

Kinunsidera rin ang mga desisyon sa hearing na naganap kahapon, February 23, na "for personal
consumption" lamang ang 6.67 grams ng cocaine at dalawang tablet ng Nitrazepam na dinala ni
Ronald sa Hong Kong noong July 11, 2010.

Hindi umabot sa isang oras ang pagbasa ng hatol para kay Rep. Singson, na nasa isolation booth
habang ginaganap ang huling hearing.

Matapos masabi ang jail term ay dinala na ang mambabatas sa inner chamber, at hindi na ito na-
console ng mga kamag-anak na nasa loob ng courtroom.

Nasa courtroom din ang girlfriend ni Ronald na si Lovi Poe, na nalungkot umano sa hatol ng hukuman.

You might also like