You are on page 1of 2

Sarah Geronimo on her decision to break her silence to 

YES!: "Masyado na
kasing masakit para hayaan ko na lang."

Rose Garcia

  

Matagal ang naging pananahimik ng Pop Princess


na si Sarah Geronimo hinggil sa noon ay haka-
haka lang na relasyon nila ng young actor na si
Rayver Cruz. Pero binasag ni Sarah ang kanyang
katahimikan sa exclusive interview sa kanya
ng YES! magazine na lumabas sa March 2011
issue nito.
 
Dito nalaman ng publiko ang totoong namagitan
kina Sarah at Rayver, pati na ang pagkakabaling
ng atensiyon ng young actor sa sexy star na si
Cristine Reyes. Mababasa rin sa  YES! ang panig ng
ina ni Sarah na si Mrs. Divine Geronimo tungkol sa
naging relasyon ng anak at ni Rayver.
 
Sa panayam ng The Buzz kay Sarah, sinabi niyang
hindi naging madali ang ginawa niyang pag-amin
sa YES!.
 
"Siyempre po, hindi madali. Noong una po talaga,
ayoko po talaga. Ayoko pong pag-usapan. Ayoko
pong mabulatlat pa kung anuman yung nangyari at pagpiyestahan kami, ayoko na.
 
"Pero, wala, e, masyado na kasing masakit para hayaan ko na lang. Para hayaan ko na lang ang ibang
tao na ganituhin ako, ganituhin ang pamilya ko lalong-lalo na," pahayag niya.
 
Ang sunud-sunod na pagpapa-interview raw nina Cristine at Rayver ang isa sa nag-udyok kay Sarah
para magpa-interview sa YES! tungkol sa naturang isyu.
 
"E, kasi, nagsasalita na rin sila. Para naman akong tanga kung hindi ako magsasalita, e, meron din
naman akong dila. May karapatan din naman ako na ipagtanggol ang sarili ko at pamilya ko,"
paliwanag ng Pop Princess.
 
Sa ginawa niyang pag-amin, pagbasag ng kanyang katahimikan, masasabi ba niyang nakahinga na rin
siya ngayon?
 
"Hindi completely... A, ano ba, baka naman umiyak ako diyan!" natawa na lang sabi ni Sarah, na tila
nag-iisip ng tamang salitang gagamitin.
 
Pero sinabi ni Sarah na naging maganda ang epekto sa kanya ng kanyang pagsasalita.
 
"Sa akin kasi, kung masyado mong kinu-contain sa loob ang emotion mo, wala kang outlet, wala kang
mapagsabihan, wala, mas naging ano ko, mas naging relax. Basta, mas okey po ako ngayon na
nakakapagsalita na ako.  Hindi katulad noon na itatago ko talaga, e," sabi niya.
 
Sa lahat daw ng pinagdaanan ni Sarah ay natuto naman siya sa mga naging experience niya.
 
"Ang maganda po doon, natututo tayo sa mga experiences natin. Sa mga pagkakamali natin. At yun
nga, ginagawa tayong mas malakas na tao, wiser and stronger.
 
"So, yun, pasalamat ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Sana maintindihan din ng mga tao na kami po
ay tao lang din."
 
Nakapag-move on na nga ba siya sa mga nangyari sa kanila ni Rayver?
 
"Matagal na naman po," ang mabilis niyang sagot.
 
"Hindi ko lang talaga akalain na aabot sa ganito. Matagal na po akong okay."
 
MOVING ON. Sa nakaraang Valentine's concert ni Sarah with Martin Nievera sa Araneta Coliseum,
sinabi niya na, "Hindi lahat ng gusto natin ay ibinibigay ng Diyos. Dahil ang totoo, meron siyang
napakagandang plano para sa bawat isa sa atin.
 
"Gusto kong sabihin sa lahat ng mga anak, mga anak na babae, especially, just like our parents, God
only wants the best for us as His children.
 
"And at the end of the day, we have to let go and move on. Dahil kapag nakapag-move on ka na, only
then when true love will find its way to your heart."

You might also like