You are on page 1of 3

I Nagsimula ang lahat sa kagubatan

Na may mga hayop na katatakutan


Kaya kaunti lamang ang pumapasok sa gubat na ito
Dahil maliit ang pag-asang makakalabas ditto

II Mahigpit ang pagkakatali sa puno ng lalaki


Ang ngalan ng puno ay higera
Na isang punong mayabong at malaki
Na ang nakatali ay prinsipe ng alabanya

III Ang ngalan ng lalaki ay Florante na naghihinagpis


Habang nakatali ay nananangis
Na kung ano na ang nangyayari sa bayan
Ng kanyang amang maraming kaguluhan

IV Ang puso ni Flortante ay namimighati sa sakit


At baka si Laura siya’y ipinagpalit
Mas gusto pa niyang mapasakabilang buhay
Kung ang kanyang sinta mapunta sa ibang kamay

V Florante gusto ng mamatay


Sa sobrang daming iniisip sa buhay
At si Florante’y nahimatay
Sa kanyang katawang walang kamalay-malay

VI Si Alladin ay nagpunta sa kagubatan


Dahil sa kanyang amang kinatatakutan
Kasintahan ni Alladin ay pinagpalit
Dahil sa kanyang amang malupit

VII Nakita ni Alladin si Florante na walang malay


Na napapaligiran ng dalawang leong mabangis
Tinulungan naman ni Alladin ito ng husay
Dahil ito ay kanyang nais

VIII Nang magising si Florante na kanyang iniligtas


Ay isa palang kalaban ni Allading matikas
Ako si Alladin isang gererong moro
Na may amang sa kanyang sarili lang nakasentro

IX Ako si Florante na nagpapakasakit


Dahil inagaw sakin ang aking mahal na marikit
Ako ay isang Persiano
Na kalaban ng mga moro

X Noong ako’y sanggol pa lang ay may daragit sakin


Na isang buwitreng ibong sadyang sakim
Biglang may arko’t dinagit habang ako’y nasa salas
Ang kupidong diyamanteng sa dibdib ko’y hiyas

XI Nag-aaral ako sa Atenas


Nang may sampung buwan halos
Doon nadatnan Adolfong kababayan
Na isa ko palang kalaban

XII Dito nahubdan ang kababayan ko


Na si Adolfong nagbabalat-kayo
Tinangkang patayin ako ni Adolfo
Buti na lang ako ay iniligtas ni Menandro

XIII Nakataggap si Florante ng masamang sulat


Na nagsasabing patay na ang kanyang inang matapat
Hindi pa naalis ang kanyang kalungkutan
Ay nagkaroon na ng malaking labanan

XIV Nakatanggap muli si Florante ng sulat


Na nanggaling kay Adolfong hindi tapat
Nakuha ni Adolfo ang bayan ni Florante
At ipinapatay ang ama ni Florante

XV Ipinahanap ni Adolfo Si Florante


At ipinakulong si Florante
Labing dalawang araw na ikinulong
At iginapos sa isang puno sa gubat

XVI Matapos ay tumakas si Laura


Kasabay nito ay nabawi ni Florante ang Albanya
At nawala na si Adolfo
Na sa kanilang buhay ay panggulo

XVII Naglibot ang dalawang binata


Sa kinatatakutang gubat
May nakita silang dalawang maganda’t
Kanilang sinisinta
XVIII Nagpakasal ng sabay ang dalawa
Na walang taong kinawawa
Naging mapayapa ang kanilang buhay
At nanirahan sila sa Albanya ng tahimik at makulay

You might also like