You are on page 1of 2

c 



  

  
 

i  





Nagpaunlak si Ilocos Sur Governor Luis " Chavit "


Singson na magbigay ng update sa PEP
(Philippine Entertainment Portal) tungkol sa
kalagayan ng kanyang anak na si Ronald Singson
sa Hong Kong jail.

Labingwalong buwan²o isa't kalahating taon²na


pagkakakulong sa Tung Tau Correctional
Institution ang hatol ni Judge Joseph Yao ng Wan
Chai District Court kay Ronald noong February
24, 2011 dahil sa drug trafficking.

 
Isang minimum security
jail sa Stanley, Hong Kong ang Tung Tau
Correctional Institution.

Noong nakaraang Biyernes, March 11, sinubukan


ni Gov. Chavit na dalawin si Ronald sa kulungan,
pero nabigo siya.

Kuwento niya, "Galing ako kahapon doon dahil dalawang dalaw lang sa isang buwan [ang allowed].
So, nagpunta ako dahil noong nakaraang buwan, hindi namin siya nadalaw.

"Dumating ako ng past 12 noon, hindi na puwede. Umaga lang ang dalaw, hindi na pala puwede ang
hapon. Kung alam ko lang na umaga, mas maaga sana ako. Umuwi ako na hindi siya nakausap.

"Mula noong February 24, hindi ko pa nakakausap. Biglaan kasi ang punta ko, dinalaw ko na rin. Akala
ko merong dalaw sa hapon.

"Ganoon kahigpit. Istrikto doon. 'Yon ang batas doon. Hindi kagaya dito [sa Pilipinas] na anytime of
the day, puwede.

"Doon kasi, maganda ang implementation nila. Sinusunod ang batas. Dito sa atin kung minsan, hindi
sinusunod. 'Yon ang diperensiya."

      
Ayon pa kay Gov. Chavit, hindi pa niya nakakausap ang kanyang
anak mula nang makulong ito.

"Walang cell phone, bawal. Wala pa kaming contact. After the hearing, inihiwalay na siya, wala nang
nakausap sa amin. Pati yung anak niya, sumisigaw. Hindi namin mailapit.

"Nababalitaan ko lang sa mga taga-roon na mas maganda ang kalagayan niya ngayon at puro
matatanda ang mga kasama niya

"Basta tatlong tao at dalawang beses lang ang dalaw kaya noong unang buwan niya na
pagkasentensiya. Hindi namin madalaw dahil nakunsumo na ng mga kapatid."

Nagbalik-tanaw rin si Gov. Chavit sa huling pag-uusap nila ni Ronald.

"Mga 70 percent, alam na namin na makukulong siya. Napakaliit ng chance na hindi siya mahatulan.
"Yung huling usapan namin, sabi ko, 'Ito na siguro ang huli nating pag-uusap. Diretso ka na sa
kulungan after ng hearing.' Malungkot siya, so nagyakapan na lang kami.

"Mabigat sa isang pamilya dahil 'yon ang nangyari sa buhay niya. Sabi ko sa kanya, 'Yung pagkadapa
mong 'yan, yung nangyaring 'yan, gamitin mong tuntungan para marating mo ang mas malawak na
kinabukasan.'

"Lahat ng anak ko, mahal ko," sabi pa ni Gov. Chavit. "Kapag hindi ko naturuan, pababayaan ko siya.

"Paglabas niya, sinabi naman niya na tutulong siya sa lahat, lalong-lalo na sa mga kababayan niya,
hindi lamang sa kababayan, kundi pati sa buong Pilipinas kung anuman ang maitutulong niya, yung
kawanggawa."

   
Nagbigay rin si Gov. Chavit ng pahayag tungkol sa mga kaibigan at
kasamahan ng anak sa Kongreso.

You might also like