You are on page 1of 15

KAHALAGAHAN AT KONSEPTO NG PANGANGALAKAL

Isang Konseptong Papel na Inihaharap kay:

Gng. Illuminada R. Isican

Kolehiyo ng Pangguro

University of the Cordilleras

Bilang Bahagi ng mga Kailanganin

Para sa Asignaturang Filipino-2

Ikatlong Traymestre, T.A. 2009-2010

Nina:
Aquino, Myra
Belingon, Lois
Hamchawan, Blessing
Mendoza, Thonny
Puctiyao, Floydelia
Rangel, Reyziel
Revivis, Norelle Joy
Salagma, Jenny Fe
Sansano, May Ann
Vivas, Melbert Gutzby

Ika-12 ng Abril,2010
Petsa
PASASALAMAT

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong

naglagak ng kanilang mga ideya at kaalaman upang matapos namin

ang pananaliksik na ito. Sa silid aklatan ng “University of the

Cordilleras” at sa mga kapwa naming mag-aaral na nagtrabaho

upang makatapos ng pag-aaral.

Buong puso rin kaming nagpapasalamat sa aming mahal na

guro na si Gng. Illuminada R. Isican na walang sawang gumabay sa

amin.

At sa aming mga magulang na nagbigay ng tulong

pinansyal at nagsilbing aming inspirasyon at lalong-lalo na sa

Panginoong Diyos na siyang nagbigay daan upang aming maisagawa

ng tama an gaming pag-aaral.


PAGHAHANDOG

Taus-puso naming inihahandog ang pananaliksik na ito,

unang-una sa ating Poong Maykapal na Siyang nagbigay karunungan,

kasipagan at talino na lubos na nakatulong sa paggawa ng

pananaliksik na ito. Sa aming pinakamamahal at maintindihing

guro na si Gng. Illuminada R. Isican, na lagging handang

tumulong at gumabay sa ikakaunlad ng proyektong ito.

Inihahandog din naming ito sa kapwa naming mag-aaral

na kumukuha ng kursong “ACCOUNTANCY”. Nawa’y maging gabay ang

konseptong papel na ito upang mas mapahalagahan at maintindihan

ang kahalagahan at konsepto ng pangangalakal.


PAGPAPATIBAY

Ang palarawan ng pananaliksik na ito na pinamagatang

“KAHALAGAHAN AT MGA KONSEPTO NG PANGANGALAKAL” ay inihanda nina:

Myra Aquino, Lois Belingon, Blessing Hamchawan, Thonny Mendoza,

Floydelia Puctiyao, Reyzeil Rangel, Norelle Joy Revivis, Jenny

Fe Salagma, May Ann Sansano, Melbert Gutzby Vivas, bilang bahagi

ng katuparan ng pangangailangan sa kursong Filipino-2 (PAGBASA

AT PAGSULAT Tungo sa Pananaliksik), ay tinanggap at pinayagan sa

pasalitang pagsusulit.

Gng. Illuminada R. Isican

Tagapayo
I. Rasyunale

Ang pananaliksik ay isang napakahalagang proyekto na lubos

na nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa dahilang

nakakakuha sila ng mga bagong impormasyon o ideya, nahahasa ang

kanilang kritikal na pag-iisip at higit sa lahat nabibigyang

linaw ang mga konsepto o ideyang hindi nila lubusang

naintindihan. Dahil dito, “Kahalagahan at Konsepto ng

Pangangalakal” ang napiling saliksikin ng mga mananaliksik

sapagkat sila ay naniniwala na sa pamamagitan nito mas

maiintindihan at mas mapapahalagahan nila ang mga iba’t-iba,

pabagu-bago at kumplikadong konsepto na nauugnay sa transaksyon

ng isang negosyo.

Ang pangangalakal ay isa sa pinakaepektibong pamaraan sa

ikauunlad ng buhay. Sa pamamagitan nito, di maikakailang marami

ang nakakaahon sa kahirapan, maraming nakakapag-aral na mga anak

at marami ring nakakatulong sa pangangailangan. Kinakailangan

lamang ng mahusay na pagpapasiya, epektibong pamamaraan at

estratehiya at higit sa lahat, ang pagiging moral at legal nito.

Nagsimula man ito sa tinatawag nilang barter o ang

pakikipagpalitan ng mga produkto sa ibang produkto ng ibang

tao,unti-unti itong nawawala sa paglipas ng panahon dahil sa

mabilis na pagbabago ng teknolohiya at pagiging sibilisado ng

mga tao. Kaya sa ngayon ay hindi lamang produkto ang kailangan


para makipagkalakal kundi dapat mayroon ding pera o kakayahang

magbigay serbisyo kapalit ng produktong nais makuha.

Isa sa pinakamaraming populasyon ngayon ng mag-aaral ang

kumukuha ng Business Administration at Accountancy. Ibig sabihin

nito, patuloy at lalong papaunlad pa ang larangan ng

pangangalakal. Ang mga konsepto at prinsipyo nito ay isa sa

pinakakomplikado kung kaya’t dapat itong isaayos na pag-aralan

upang sa gayon maging kapakipakinabang ito sa realidad ng

pangangalakal.

Kahalagahan

Lahat ng pananaliksik ay may kanya-kanayng kahalagahan, gay

ang aming pananaliksik na ito. Ito ay makatutulong sa mga mag-

aaral lalung-lalo na sa mga kumukuha ng kursong Accountancy at

Financial Management Accounting. Ito ay magsisilbing gabay nila

para madaling maintindihan ang mga topic nilang may kaugnayan sa

pangangalakal. Para naman sa mga kumukuha ng ibang kurso, ito’y

makakatulong upang makalikom ng mga karagdagang kaalaman tungkol

sa mga kahalagahan at konsepto ng pangangalakal.

Sa mga mangangalakal at negosyante, ito’y makakatulong

upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pangangalakal na pwede

nilang magamit upang mapabuti ang operasyon ng kanilang bisnes.

Kabuluhan
Sa mabilis na paglipas ng panahon at pagbabago n gating

ekonomiya, tiyak na kailangan ng bawat tao ang kaalaman tungkol

sa mga kahalagahan at konsepto ng pangangalakal dahil batay sa

ating obserbasyon sa kasalukuyang kondisyon ng ating ekonomiya,

ang mga taong mayayaman o may kaya sa buhay ay halos mga

matatagumpay at magagaling na negosyante, at ito ay dulot ng

pagkakaroon nang sapat na kaalaman sa pangangalakal.


II. Layunin

Ang isinagawang pag-aaral ay naghahangad na:

a. Matuklasan ang kasaysayan ng pangangalakal tungo sa

kasalukuyan;

b. malaman ang mahahalagang mga konsepto at kaisipan na

napapaloob sa nasabing topiko; at

c. makabuo ng kaisipang naglalarawan sa takbo ng

pangangalakal ngayon sa mundo ng komersiyo.

Inaasahang ang result ang pag-aaral ay makakatulong sa:

a. mga negosyante na hindi pormal na nakapagtapos ng

kursong kaugnay sa bisnes;

b. mga kabataang nais pumasok sa mundo ng pagnenegosyo;

c. mga mag-aaral sa iabng kurso upang mapahalagahan din

nila ito; at sa

d. mga mag-aaral na ukol sa bisnes ang kurso, tulad ng

mga mananaliksik, upang higit nilang maunawaan ang kanilang

kurso.
III. Metodo

Ang isinagawang pag-aaral ay ginamita ng pangalawang uri ng

pananaliksik (deskriptiv) sapagkat sumasaklaw ito sa

kasalukuyang kalagayan ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong

Accountancy hinggil sa pangangalakal.

Ang pangalawang uri ang ginamit upang mapadali at mapatibay

ang mga ideya o mga nakalap na mga datos bilang katuparan sa

isinagawang pag-aaral.
IV. Resulta

Batay sa isinagawang pag-aaral, ang mga sumusunod ang mga

naging kasagutan:

a. Nagsimula ang pangangalakal kasabay ng pagsisimula ng

komunikasyon noong panahon ng prehistorya. At noong panahon ding

iyon ang pangangalakal ay naging pangunahing fasilidad kung saan

ipinagpapalit ang kung ano ang meron sila sa mga produkto o

serbisyo sa isa’t-isa tinatayang 150,000 taon na ang nakalipas

ayon kay Peter Watson. Naglaon ay kinailangan ng tao ang isang

midyum na makakapaglagay ng tiyak na halaga sa mga bagay na

ipinagpapalit nila. Kaya nagsimula silang gumamit ng perang

barya gayon din ang mga mamahaling metal. Unti-unting nalinang

at nalilinang ang mga kasanayan sa pangangalakal hanggang sa

kasalukuyang panahon.

b. Ang mahahalagang konsepto at kaisipan dito ay:

1. Dalawang pangunahing aktibidad sa pngangalakal:

1.1. Aktibidad sa pagbili (Purchasing Activities) –

tumutukoy sa pagbili o pagkuha ng mga

produkto para ibenta sa mga mamimili. Ang mga

sumusunod ay mga karaniwang account titles

na ginagamit dito:
1.1.1. Purchases – inilalarawan ang mga

produktong binili para ibenta.

1.1.2. Freight-in – halaga ng transportasyon sa

paglipat o paghatid ng produkto mula sa

pinagbilhan.

1.1.3. Purchase Returns – mga produktong ibinalik

ng kustomer dahil sa mga depekto o hindi tinupad

na disenyo.

1.2. Aktibidad sa Pagbenta (Selling Activities) –

tumutukoy sa paglipat ng titulo o karapatan

sa produkto mula sa nagbenta patungo sa bumili

nito kapalit ng pera o isang halaga o kapalit ng

isang bagay. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang

account titles na ginagamit dito:

1.2.1. Sales – humahalili sa pagbawi ng halaga ng

produktong nababenta kasama na ang natubo sa

pagbenta.

1.2.2. Freight-out – gastusin ng nagbenta sa

transportasyon ng produktong binenta.

1.2.3. Sales Returns – mga produktong ibinalik ng

mamimili dahil sa depekto o hindi tugmang

spesifikasyon ng mamimili.
1.2.4. Sales Discount – kabawasan sa presyo ng

ibinenta upang mahikayat ang mamimili na

bayaran agad ang pinamili o bumili ng maramihan.

1.2.5. Cost of sales – halaga ng produktong

ibinenta; ibinabawas sa sales upang malaman

ang tinubo o income.

c. Ang pangangalakal sa kasalukuyang panahon ay binubuo ng

mga makabagong kaisipan:

1. International Trade - pag-aangkat (import at

export) ng mga produkto. Ang mga produktong gawa sa

labas ng bansa ay kinakalakal sa loob ng bansa

habang ang mga produktong gawa sa loob ay ikinakalakal sa

labas. Hinuhugis nito ang ikakaunlad ng mundo ng

komersiyo at ekonomiya.

2. Advertisement – isang paraan upang maakit ang mga

mamimili na tangkilikin ang produktong ineendorso.

Halimbawa ay pagkakalat ng impormasyon na ukol sa

negosyo sa dyaryo, telebisyon, radio at maging sa

electronic mail na ngayon. Paraan din ito upang

maipakita o masabi sa madla ang ano man ang bago sa

kanilan produkto.
3. Pagpapatupad ng mga estratehiya sa negosyo para

makabenta katulad ng:

3.1. Discount

3.2. Free taste strategy

3.3. Buy one, take one strategy

3.4. Savings coupon

3.5. Free premium service katulad ng libreng deliveri

at iba pa.

3.6. Cost-cutting techniques o mga paraan sa paggawa

ng produkto sa mas mababang gastos upang

maiangat ang kita.

Batay sa isinagawang pag-aaral, inirerekomenda ng mga

mananaliksik na:

a. Pag-aralan at pahalagahan ng mga mag-aaral na kumukuha

ng mga kurso sa komersiyo ang mga konsepto sa pangangalakal;

b. gumagamit ng iba pang metodo ng pananaliksik sa

paksang ito, tulad ng pakikipanayam sa mga negosyante; at

c. magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral sa mabilis at

patuloy na paglago ng mga kaalaman at ksanayan sa pangangalakal

sa ating modernong panahon.


SANGGUNIAN:

: Ballada, Win: Ballada, Susan (2007- 12th edition) BASIC

ACCOUNTING

: Cabrera, Ma. Elenita Balatbat (2009) MANAGEMENT ACCOUNTING

CONCEPTS

: Ebusca, Saturnino Yadao (2007) BOOKKEEPING CONCEPTS AND

MERCHANDISING FIRMS

: Guerrero, Pedro (2008) ADVANCED ACCOUNTING VOL. 1

: Valencia, Edwin and Roxas, Gregorio, BASIC ACCOUNTING

You might also like