You are on page 1of 2

c  


    

Ô 


May isang magandang pangyayari na naganap sa
backstage ng { {kahapon, March 20. Ito ay
ang pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine
Reyes.

Si Sarah mismo ang gumawa ng paraan para


magkaayos na sila ni Cristine. Matatandaang
nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil kay Rayver
Cruz, ang lalaking kapwa nila minahal.

Nailahad ang buong kuwento ng pag-iibigan noon


nina Sarah at Rayver sa March 2011 issue
ng 
magazine. Dito ay nalaman ng publiko sa
unang pagkakataon ang namagitan sa dalawang
young stars at kung paano nabaling ang atensiyon ni
Rayver kay Cristine.

0 0 Sa panayam sa kanya ni Boy


Abunda sa Π kahapon ay ikinuwento ni Sarah
ang pagbabati nila ni Cristine.

"Kasi, Tito Boy, matagal na matagal ko na siyang gustong makausap," simula ng singer-actress.
"Pagkatapos ng mga nangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo, gusto ko na talagang mag-sorry sa
kanya.

"Wala... walang pagkakataon po kasi. At saka, marami rin po ang nagsasabi na masyadong masakit
ang nangyari kung ako yung mauuna. Pero ako, sa sarili ko, gustung-gusto ko nang mag-sorry para
matapos na, at alam kong nasaktan din siya. Kailangan ko rin mag-apologize.

"Nagmamadali, naiwan po ng makeup artist ko po, si Ken, yung eyeliner ko po [sa dressing
room]. Tapos si Mommy [Divine Geronimo], meron din po siyang kinuha, lumabas siya.

"So, sabi ko, "Hmmm, nandiyan si Cristine, puntahan ko na.' Kinuha ko ang eyeliner, sabi ko,
'Manang, samahan mo ako, soli ko lang 'to.'

"Eksakto, palabas si Cristine, so nagkatinginan kami. Parang naano pa siya, na parang umiwas pa
siya. Sabi ko, 'Cristine...' Tapos, nagulat siya.

"Siyempre, may takot din sa akin na, 'Ano kaya, tatanggapin kaya niya? Masasaktan kaya ako? Ano
kaya ang mangyayari?' So, niyakap ko na lang siya. Hindi ko na siya pinakawalan.

"'Sorry Cristine, wala talaga akong intention... Kaya ko nilapitan si Rayver noon dahil gusto kong
makipagbati, gusto kong maipakita sa mga kasamahan ko na wala na. Merry Christmas, Ray, naaalala
mo pa ba ako? Sarah.'

"Ganoon lang po. Pero wala akong intention para makipag-flirt sa kanya, walang ganoon po."
Ipinaliwanag din ni Sarah ang ginawa niyang biro sa rehearsal ng { { noon na naging dahilan ng
pag-tweet ni Cristine ng masasakit na salita laban sa kanya.

Ani Sarah, "At yung biro ko sa stage during rehearsal, isine-set ko lang ang mood ko na, 'Okay na
tayo, Ray, ha.' At saka yung mood ko na yun, parang for John [Prats] din yun and Rayver. Kasi, totoo
naman na yung magagaling sumayaw, lapitin talaga ng magaganda at seksing babae.

"Di ba nga po, si Rachelle [Ann Go], di ba po, sexy? Si Cristine, sexy, maganda. So, yun lang po, wala
po akong ibang ibig sabihin do'n. Yun lang po ang gustung-gusto kong ipaliwanag kay Cristine."

Si Rachelle ang nababalitang girlfriend ngayon ni John.

Ano naman ang naging reaction ni Cristine sa ginawa niya?

"Sabi niya, 'O, sorry...' Nagulat din ako na na-teary-eyed siya. Sabi niya, 'Sorry rin.' Tapos, nakita rin
niya si Mommy, nag-sorry rin po siya kay Mommy.

"And then, I also told her na, 'Cristine, naiintindihan kita, in love ka, e. Nangyari rin sa akin 'yan
noon.'"

Ngumiti lamang daw si Cristine nang sabihin ito ni Sarah sa kanya.

You might also like