Professional Documents
Culture Documents
Group 4
Aclan, Alegria 2007-00292
TABLE OF CONTENTS
PROPAGANDA ......................................................................................................................................................................... 3
KILUSANG PROPAGANDA........................................................................................................................................................ 3
La Solidaridad .......................................................................................................................................................................... 6
Purpose .............................................................................................................................................................................. 7
Introduksyon .................................................................................................................................................................... 12
SOURCES .................................................................................................................................................................................... 15
3
PROPAGANDA
Labis na pagsisikap ng isang institusyon na pangasiwaan ang opinyon ng publiko
KILUSANG PROPAGANDA
Isang organisasyong pampanitikan at kultural, sinimulan noong 1872 ng mga emigranteng Filipinong
naninirahan sa Europa na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng Espana at Pilipinas. Layon nitong
makilala ang Pilipinas bilang isang lalawigan ng Espana at kung gayon magkaroon ng pantay na tingin
sa harapan ng batas, representasyon sa gobyerno, sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, at
kalayaang magpahiwatig ng opinion at magpulong ng matiwasay.
PEDRO PATERNO
Nasa Espanya noong 1871 upang mag-aral ng Pilosopiya at Teolohiya
Anak ni Maximo Paterno, isa sa mga negosyanteng pinatapon sa Marianas noong 1872
Sumulat ng Sampaguitas, isang koleksyon ng mga taludtod: ang unang pagkakataon na nagpakita ng
nasyonalismo sa publiko
GREGORIO SANCIANCO
Nagsulat ng mga artikulo sa pahayagang El Democrata tungkol sa mga pagbabagong kailangan para sa
Pilipinas
Noong 1881, inilathala ang kanyang aklat ng El Progreso Filipinas. Ipinapakita nito ang mga
kinakailangang reporma para umunlad ang PIlipinas:
o Ayusin ang mga kalsada, tulay, at iba pang imprastruktura upang mapasulong ang agrikultura, at
komunikasyon.
o Pasulungin ang sistemang edukasyon
o Magkaroon ng indirect taxation na kukuha ng pursyento ng kinikita ng mga mayayaman sa halip
na ipataw ang buwis sa mga walang kakayanan
CIRCULO HISPANO-FILIPINO
Itinatag noong 1882, sa pangunguna ni Juan Atayde
Noong unang mga buwan, nagsilbi lamang itong organisasyon para magahalubilo ang mga miyembro
nito. Ngunit pagdating ni Rizal sa Barcelona, nakita niyang maaari itong mapagkaisa ang mga Pilipino.
Nagkaroon ng pahayagan ang Circulo, Revista del Circulo Hispano Filipino
Hindi rin nagtagal dahil sa pag-alis ng mga miyembro nito, pagkawala ng pondo
JOSE RIZAL
Bata pa lamang ay sumusulat na ng mga literaturang nagtatampok ng nasyonalismo
o A la juventud Filipina
o El Consejo de los Dioses
Noong nasa Barcelona, sumulat siya ng isang artikulo, El Amor Patrio, sa Diariong Tagalog
MGA PAHAYAGAN
Los Dos Mundos
El Progreso
El Liberal
MASINSINANG PAGSULAT
ESPANA EN FILIPINAS
1887- Sina Lopez Jaena at iba pang kasama ay nagmungkahi ng pagkakaroon ng isang pahayagan na
siyang magiging instrumento upang maipahayag ang kanilang mga hinaing at layunin ng samahan.
Si Lopez- Jaena ay hindi napiling Editor in Chief sa kadahilanang kilala siya sa kanyang palaban at
mapupusok na pagbabatikos. Dahil sa paguugaling ito, wala sa kanya ang tiwala ng mga Espanyol.
Eduardo de Lete - ang napiling Editor in Chief ng pahayagan.
Marahil dahil na rin sa hindi pagkakapili bilang EIC ay hindi nakikipagtulungan at nakikipagugnayan si
Lopez Jaena sa paggawa ng pahayagan. Hindi rin siya sumasangayon sa 'moderate' na paraan ng
pagsusulat sa pahayagan. Isa na ring dahilan ay ang pagkakaiba nila ng estado sa lipunan at karamihan
sa mga nasa 'editorial staff' ay mga mestizos at creoles.
March 7, 1887 Unang paglimbag sa Espana en Filipinas. Sinasabing apat na beses sa isang buwan ang
paglilimbag ng pahayagan.
Tinalakay ang mga suliranin sa administrasyon at pangangailangan ng bansa.
Representasyon sa Cortes
Tinalakay ang mga pang-ekonomiya at politikal na isyu
Asimilasyon
The Expocision de Filipinas: ito ay ginanap upang ipakita sa publiko (ekhibisyon) ang mga likas na
yaman (hayop, halaman, produkto ng kagubatan at industriya) sa Pilipinas.
Nakatagong Layunin: Magpapadala ng mga hindi sibilisadong katutubo upang ipakita sa mga tao sa
Peninsula ang hindi pa handang kalagayan ng Pilipinas, kamangmangan at kawalang kakayahan ng
mga Pilipino para sa mga repormang idudulot ng asimilasyon.( mula sa liham ni Aguirre kay Rizal)
o Mula sa pangyayaring ito, ang di magandang pagtrato sa mga katutubo, pinagtinginang tila
parang mga hayop pinahiya at tinanggalan ng dignidad, lubos na binatikos at nagalit ang mga
mga Pilipino sa Europa.
Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Espana en Filipinas
o Personal na di pagkakaintindihan dahil sa kaibahan ng estado sa lipunan
o A Basilia - sonetang isinulat ni Aguirre
o Pinansiyal na sitwasyon
NOLI ME TANGERE
Kabuluhan:
o Naging batayan ang mga isyung panlipunang tinalakay ni Rizal sa Noli sa mga isinulat ng iba pang
Pilipino sa Madrid at Barcelona
o Nagtulak at nagbigay inspirasyon , nagpasidhi ng nasyonalismo
o Dudas
o La Frailocracia Filipina
o Caiigat Cayo
Nang umalis siya ng Pilipinas at tumungo ng Espanya, napadpad muna siya sa Hongkong kung saan
nakasama niya ang ilan pang grupo ng mga Pilipino sa pamumuno ni Jose Maria Basa.
Dumating siya ng Espanya noong Enero 1, 1889 at pinangunahan ang seksyong pulitikal ng Asociacion
Hispano-Filipina
LA SOLIDARIDAD
Binuo ng mga PIlipinong Ilustrado sa Barcelona, Spain
Itinatag ni Graciano Lopez-Jaena
Pinondohan ni Pablo Rianzares Bautista
Sinuportahan ng Junta de la Propaganda sa Pilipinas
Unang nailimbag noong Pebrero 15, 1889
Antonio de Morga's Sucesos de las Islas Filipinas sa London
Nabuwag noong Nobyembre 15, 1895
Counter propagandistas:
o Wenceslao Retana – Desengaños
o Pablo Feced – Quioquiap
Layunin:
o Ipalaganap at ipaglaban ang layon sa demokrasya
o Suportahan ang pagtubo at paglaki ng agham, panitikan, kalakal, sining at pulitika.
Abril 25, 1889: Ipinalimbag ang "The aspirations of the Filipinos" na isinulat ng Asociación Hispano-
Filipina de Madrid (Hispanic Filipino Association of Madrid)
Oktubre 31, 1889
o Pinalitan ni Marcelo H. Del Pilar si Graciano López Jaena bilang editor
o Lumawak ang mga layunin ng pahayagan
Maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas
Magtalaga ng mga paring Pilipino imbis na paring Espanyol
Kalayaan sa pagtitipon at mga diskurso
Pantay na pagturing sa mga Pilipino at Espanyol
Pilipinong repormista:
o Domingo Gomez - Romero Franco
o Antonio Luna - Taga-Ilog
o Jose Ma. Panganiban – Jomapa
o Marcelo del Pilar – Plaridel
o Mariano Ponce – Tikbalang, Naning, at Kalipulako
o Jose Rizal – Dimasalang at Laong Laan
o Dr. Pedro Paterno
o Antonio Ma. Regidor
o Isabelo delos Reyes
o Eduardo de Lete
o Jose Alejandrino
o Ferdinand Blumentritt
o Miguel Morayta
Mga akda ni Rizal na nailimbag sa unang dalawang isyu ng pahayagan:
o Filipinas dentro de cien años, The Philppines A Century Hence, inilimbag sa apat na parte
o Sobre la indolencia de los Filipinos, On the Indolence of the Filipinos, inilimbag sa limang parte
7
MGA ORGANISASYON
FILIPINO MASONRY
o Ayon sa mga tala, si Jose A. Ramos lamang ang kaisaisang Filipino na Mason noong 1891.
th
Ca. 19 century sa Europa
o 1886, naitatag ang “Solidaridad” na nagsimula sa ugnayan ng mga Filipino at Masonry sa Europa. Dalawa
sa mga nagtatag sa “Solidaridad” ay Filipino. Ito ay sina Rafael Del Pan and Ricardo Ayllon. Sa kabilang
banda, si Miguel Morayta ay binigyan ng titulo bilang “Honorary Worshipful Master” kung saan lalong
napaigting ang ugnayan ng “Solidaridad” at sa Masonic lodge na kinabibilangan ni Morayta.
Lopez Jaena, Worshipful Master ng “Revolucion”, ay nagpetisyon na gawing kasapi sa Gran Oriente Español si
Morayta.
1889, umusbong ang pagsapi at pag-akyat ng posisyon sa Masonry ng mga Filipino sa Barcelona .
Ginamit, lalong higit ni Marcelo H. del Pilar ang pagkakasapi nya sa isang Masonic lodge para sa kanyang mga
hangaring pampolitika particular sa tuluyang pagkasira ng impluwensya ng kaparian sa Pilipinas.
Matapos ang usapin ukol sa pagbawi ng pagkakaanib mula sa Gran Orienta Español, nabigyang autorisa ang mga
Masonic lodge sa bansa na magtayo ng sariling Gran Consejo Rehional Si Ambrosio Flores ang ginawarang Grand
President nito.
PURPOSE
emancipation of the Spanish American republics
Educative Function – binuo ang grupo kung saan layunin nitong unit-unting ihanda ang mga Filipino sa mga konsepto
na sya ring tumatayo sa propaganda movement sa Pilipinas gaya ng anti-friar, nationalist, at progressist (Ponce).
8
Upang mapag-aralan at makahanap ng mga paraan na mapaunlad ang political, economic, at military organization,
etc. ng bansa lalong higit ng mga bagong munisipalya (Del Pilar)
Praktikal –maghanap ng pondo para sa Propaganda movement mula sa mga buwanang koleksyon.
ASOCIASON HISPANO-FILIPINA
Itinatag ni Miguel Morayta
Pormal na pagpapasinaya noong January 12, 1899.
Seksyong Pulitikal ay pinagunahan ni Marcelo H. del Pilar, Literary section by Mariano Ponce and
Sports section by Tomas Arejola
Layunin nitong impluwensiyahan ang publiko sa pamamagitan ng legal na propaganda at masabi ng
buong laya ang kanilang mga hinaing ukol sa pulitikal at administratibong reporma na nararapat para
sa Pilipinas.
Mga Reporma:
o Pagtuturo ng Wikang Espanyol sa mga paaralan ng bansa
o Pagsugpo ng mga talikala at pambubugbog sa mga kulungan at sa korte
o Kagustuhan ng mga hukom na alamin ang wika ng bansa para maiwasan ang interbensyon ng
mga tagapagsalin sa ibang wika
o Pagpapatayo ng property register at civil register.
o Pagpapatanggal ng diezmos prediales at sanctorum tax.
o Pagpapagawa ng mga instituto para sa edukasyong pansekondarya sa dalawa o tatlong
probinsiya ng bansa
o Radikal na reporma ng Unibersidad ng Pilipinas para makasabay sa panuntunan ng mga nasa
Peninsula
o Promosyon ng lumalagong koton, kakaw at indigo
o Rebisyon o pagdiriwang ng kasunduan ng komersyo sa Tsina at Hapon
o Pagtatatag ng mga bangkong pang-agrikultura
o Bagong pagtatakda ng hangganan ng mga probinsya sa Pilipinas
o Pagpapatayo ng mga daan at kalye
o Sanhi at Dahilan ng krisis sa salapi
o Panukala ukol sa agrikultural at komersyal na krisis sa Pilipinas
o Reporma sa taripa
o Reporma sa pampublikong administrasyon
Mga Opisyal:
o Pangulo: Miguel Morayta
o Pangalawang Pangulo: Rivas Moreno
o Kalihim: Dominador Gomez
o Ingat-Yaman: Antonio Luna
o Tagabotong Miyembro: Manuel Labra and Simplicio Jugo Vidal
LA LIGA FILIPINA
Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 pagdating niya sa Pilipinas
Mga Layunin:
o Pag-isahin ang buong kapuluan
o Proteksyon sa bawat nais at pangangailangan
o Depensa sa lahat ng pagmamalupit at kawalang katarungan
o Pagsulong ng Edukasyon, Agrikultura at Komersyo
9
PAGBAGSAK NG KILUSAN
RIZAL SA MADRID
Nagdadalawang-isip si Rizal na umuwi sa Pilipinas, bagamat gusto niya sa kabila ng mga puwedeng
mangyari.
“I believe that nothing can redeem us except our heads.”-Rizal
o Nais ni Rizal na kung hindi man niya magamit ang kanyang mga kakayahan sa pisikal na
paglilingkod sa bansa, marapat na gamitin niya ito bilang isang sakripisyo ng pagiging isang
martir upang mapalaya ang kanyang bansa.
Ang mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid ay mas binibigyang importansya ang sugal at babae kaysa
sa kanilang pag-aaral at ang pagsali sa kilusan para sambayanan ng La Solidaridad.
Hindi sang-ayon si Rizal sa mga adhikain ni Del Pilar at ng kanyang delegacion.
o Nais ni Rizal na alagaan tayo ng Espanya at pumailalim tayo sa kanila kung tayo’y kanilang
aalagaan at ‘di pababayaan.
o Pinasalamatan pa ni Rizal ang mga Espanyol.
Ang kalayaan ng Pilipinas, ay batay sa kung ano ang gagawin ng Espanya sa mga kahilingan ng mga
Pilipino, ngunit ginigiit niya sa kanyang mga artikulo na hindi nakikinig ang mga Espanyol.
10
Ninais ni Rizal na maipadala ang La Solidaridad sa Pilipinas, dahil ito’y para sa pagpapataas ng moral
ng mga Pilipino.
Hinayaan ni Rizal na maganap ang mga pag-aaresto sa Maynila dahil ang mga pangyayaring ganito
raw ang siyang magpapainit sa mga damdamin ng mga Pilipino upang lumaban sa pamahalaang
Espanyol.
Ang paghihirap daw ay:
o Dahilan para mawala ang mga masasamang kaugalian ng mga Pilipino- Hindi dapat gumamit
ng mga kahiyahiyang paraan upang makamit ang Hustisya.
o Kabilang sa mga kapalit ng pagtatanggol para sa bayan- Ang katotohanan ang siyang
magpapalaya sa bansa.
Ang katapangan ng mga Pilipino sa Europa ay tinumbasan ng pagsulat nila sa totoo nilang pangalan
sa mga Lathalain ng La Solidaridad.
o Sa pagtatanggol sa bayan, marapat na ialay ang kabuuan, buhay at yaman, para sa bayan.
o Ikakatakot ng mga Espanyol ang katapangan ng mga Pilipino
o Ang kamatayan o anumang ‘di magandang pangyayari ng isa ay isang mainam na
halimbawa upang gisingin ang libu-libong tulog ang diwa para sa kalayaan.
o Ang pinaglalaban nila ay hindi para sa kanilang mga pansariling motibo, bagkus para sa
pagmamahal ng kanilang bansang sinilangan at kanilang mga kababayan.
Pagkakaiba ng pamamaraan ni Rizal at del Pilar sa pagsusulat sa La Solidaridad
o Rizal- ‘Di naisin na saktan ang damdamin ng mga Espanyol
o Del Pilar - Aktibistang pamamaraan; mapulitika
o Itinago ni del Pilar kay Rizal ang anumang ideya na alam niyang ‘di magugustuhan ni Rizal.
o Ninais ni Rizal na igapos sa kanyang pamamaraan ang mga mag-aaral at kasamahan niya sa
Europa.
Ang araw at pagkatapos ng Piging ng Bagong taon
o Ayon kay del Pilar, ang pagtanggi ni Rizal na siya ang magbayad sa champagne at ang
kanyang mga sinabi patungkol sa mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid ay nagbunsod ng
pagkakaroon ng sama ng loob ng mga Pilipino kay Rizal.
o Matapos ang piging, sa sumunod na raw, ilang mga Pilipino ang nagbigay ng suhestyon kay
del Pilar na pagisahin ang samahan at magtatag ng isang pinuno, ngunit tinanggihan ito ni
del Pilar, subalit nangyari rin ang halalan.
o Inatasan si Rizal na mamuno sa pagbuo ng konstitusyon ng samahan.
Ang La Solidaridad
o Sa konstitusyong binuo ni Rizal, ninais niya na mapasailalim ang La Solidaridad sa kanilang
nabuong pangkat, sa ilalim ng kanilang pinuno na siyang magsasaad ng kanyang mga
kagustuhan.
o Iginiit ni del Pilar na ang diyaryo ay pumapailalim sa isang kilalang pangkat rin, ang Comite
de Propaganda, kaya’t ‘di na dapat pang ibahin ang nagpapalakad nito.
Ang halalan sa pagkapinuno
o Naglaban sina del Pilar at Rizal sa pagkapinuno ng isang nagkaisang pangkat.
o Nagwalk-out si Rizal dahil sa sunud-sunod na walang kabuluhang mga boto.
o Inatasan ni del Pilar ang mga Pilarista na iboto si Rizal.
o Nahalal si Rizal bilang pinuno.
o Sinabi ni Rizal na kapag hinayaan nilang maupo si Salvador Vicencio del Rosario sa konseho
ay aalis siya sa kanyang puwesto.
Ang ideya ng ni Rizal ng pagkakatatag ng Pangkat
o Hindi nakita ni Rizal ang ideya na meron ng pinuno sa pagkakabuo (de facto leader) at iyon
ay si del Pilar.
11
o Bagamat si Rizal ang utak ng kampanya, hindi pa hubog ang mga Pilipino sa Madrid sa
malalalim naideolohiya ni Rizal.
o Hindi katulad ni Rizal, si del Pilar ay naghayag ng isang uri ng pamumuno kung saan mas
nakakagalaw ang mga miyembro ng malaya dahil sa pamumuno na rin niya sa iba’t ibang
organisasyon.(Masonry, Asociacion Hispanico-Filipina, La Solidaridad)
o Ilang lingo matapos ang pagkapanalo ni Rizal sa halalan, nilisan niya ang Madrid.
o Inihalal si del Pilar bilang bagong pinuno.
Agosto 1891
o Pinilit ni del Pilar si Rizal na muling magsulat para sa La Solidaridad dahil ‘di umano’y may
pareho naman silang adhikain.
o Dalawang dahilan ni Rizal sa kaniyang pagtanggi: 1) Ginagawa ni Rizal ang kanyang bagong
nobelang El Filibusterismo, 2) May isang polisiyang dapat masunod sa paglalathala at iyon ay
ang kay del Pilar
Inisip ni Rizal na ang lahat ng nangyari sa Madrid ay dulot ng balat sibuyas na pag-uugali ng mga
Pilipino roon at isa sa mga paraang ginamit ni del Pilar upang siya’y pataubin.
Tinanggihan ni Rizal ang anumang alok na nagmula kay del Pilar, kahit mula pa kay Blumentritt na
muling magsulat siya sa La Solidaridad.
Sa isang liham ni Rizal kay del Pilar bago siya magpunta sa Asya:
o Si del Pilar ‘di umano ang tagapagtanggol ni Rizal bagkus siya rin ang unang taong nagnais na
siya ay patalsikin.
Ayon kay Rizal, ang totoong tulong na maiaambag nila para sa bayan ay ang buhay nila sa sariling
bansa.
Ang totoong labanan ay nangyayari hindi sa Europa kung ‘di sa Pilipinas.
o Sa isang sulat kay del Pilar sinabi ni Rizal na babalik siya sa kampanyang itinatag ng kilusang
Propaganda at palalakasin niya ang Liga.
Ang pagtatag ng bagong Lathalain
o Inalok si Rizal ng Junta Directiva na maging punong patnugot ng bagong diyaryong itatatag
sa Europa kasami si Lopez Jaena bilang pangalawang punong patnugot.
o Inalok ni Luna ang kanyang tulong kung gagawing isang rebolusyonaryong lathalain ang
diyaryo.
Rizal sa Maynila
o Umuwi si Rizal sa pang-eenganyo ni Despujol na makiisa sa pamahalaan para sa ikabubuti ng
bansa.
o Inalok ni Rizal ng kaniyang serbisyo si Despujol ngunit kasabay nito ang paglabas ng El
Filibusterismo na siyang naging dahilan ni Despujol sa pagdadalawang-isip sa alok ni Rizal.
o Ang Liga Filipina - binuo ni Rizal sa bahay ng isang Chinese Mestizo na si Ong-junco; Mga
gampanin:
Pag-iisahin ang buong bansa sa isang katawang buo at may iisang adhikain.
Tugunang proteksyon sa naisin at pangangailangan ng bawat isa
Depensa laban sa anumang uri ng dahas at kawalan ng hustisya
Promosyon ng instruksyon, agrikultura at negosyo.
Pag-aaral at aplikasyon ng reporma
Batay sa mensahe ni Padre Florentino kay Simoun sa El Filibusterismo na dapat ay
walang karahasang maganap sa pagpapatalsik sa mga Espanyol bagkus ay gamitin
ang isang paraang suhestiyon ni Rizal para sa bayan.
Anumang hindi nagagawa ng pamahalaan ng Espanya para sa mga Pilipino ay gagawin ng Liga.
Natagpuan ni Despujol ang mga pulyetos na “Pobres Frailes” na nagkukuwento ng panghuhuthot ng
mga Dominikano sa yaman ng mga Pilipino at ang atake ni Rizal sa kayamanan ng Santo Papa.
July 6,1892- hinuli si Rizal dahil sa mga ebidensyang natagpuan kay Rizal na naglalaman ng
pagtuligsa sa Simbahan at pamahalaan at siya’y ipinatapon sa Dapitan.
PAGBAGSAK NG LA SOLIDARIDAD
INTRODUKSYON
Ang paghiwalay ni Rizal sa La Solidaridad noong Enero 1891 ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
kapalaran ng pahayagan na ito.
Mayroong na lamang itong limang taon
Mga manunulat nang si Rizal ay umalis: 1) Antonio Luna; 2) Mariano Ponce; 3) Eduardo de Lete 4)
Dominador Gomez 5) Jose Alejandrino; 6) Gregorio Aguillera; atbp.
Lahat ng mga manunulat sa pahayagan ay madalas gumagamit ng pseudonyms maliban kanila Lete
at Del Pilar.
Si Lopez Jaena rin ay umalis nang hindi naibigay sa kanya ang pinangakong pension
na matatanggap niya dapat sa pagsusulat.
o Bilang siya ang sinisisi sa pagkaltas sa pondong binibigay sa La Solidaridad, ginamait ni Rizal
ang kanyang impluwensya sa Filipino Masonic Lodges upang ito ay tumulong sa pagkalap ng
pondo na kinakailangan ng propaganda.
o Mga paraan na ginawa para makakalap ng pondo:
Noong Agosto 1894, inorganisa ni Mabini ang Cuerpo de Compromisarios na may 50
na myembro, kung saan ang bawat myembro ay nanumpa na magbibigay ng 5piso
kada-buwan.
Naging matagumpay ito, kasama ang dalawang Masonic lodges, sa pagkalap ng
kinakailangang pondo.
Hirap sa pagpasok sa Pilipinas
o Mas humigpit ang pagbabantay ng gobyerno upang mapigilan ang paglaganap ng
pahayagan.
o Mga taktikang di nagtagumpay:
Pagpapakilala ng pahayagan sa ilalim ng selyo ng Overseas Ministry
Ilegal na pag-aangkat sa mga barkong mula Hong Kong
Lahat ng mga kondisyon at reporma sa pamamalakad ng mga Espanol sa Pilipinas ay hindi tinanggap
ng mga Espanol.
Hindi epektibo ang pamamalakad ng administrasyon sa Espana kung kaya naman maaaring hindi
maging matagumpay ang mga reporma sakali mang ipatupag ang mga ito.
SOURCES
1. Schumacher, J. (1997). The Propaganda Movement 1880-1895: The Creation of
a Filipino Consciousness, the Making of a Revolution. QC, Philippines:
Ateneo de Manila University Press.
2. Coates, A. (1995). Rizal: Makabayan at Martir. Trans. Nilo S. Ocampo. Diliman,
QC: University of the Philippines Press.
3. http://www.wikipedia.org
4. http://web.utk.edu