You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG EDUKASYON

Kawanian ng Edukasyong Sekondari

Sangay ng Pagpapaunlad ng Kurikulum

KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKUNDARI NG 2010

( 2010 SECONBDARY EDUCATION CURRICULUM )

GABAY PANGKURIKULUM
FILIPINO I

Antas 3: Plano sa Pagkatuto ( Learning Plan )

Unang Markahan

Pamantayan sa Programa: Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at


kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal,
pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdigang tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi.

Unang Markahan: Pabula

Aralin 1: A. Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula

“Ang Matsing at Ang Pagong” na Isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal

B. Iba’t ibang paraan ng pagtatanong

Bilang ng Araw/ Sesyon : 5 araw

Pamantayang Nilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa pabula gamit ang angkop na

gamit ng gramatika/ retorika


A. Panitikan
1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
2. Mga Elemento ng Pabula
a. Tauhan
a.1 Mga uri ng Tauhan
Tauhang Bilog
Tauhang Lapad
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Mahahalagang Kaisipan
B. Gramatika/ Retorika
1. Iba’t ibang paraan ng pagtatanong
a. Mga limitadong tanong na may alternatibong sagot mula sa mga alternatibo
b. Mga tanong na may sagot na mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko, ayoko, ewan, marahil
at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa o walang gana
c. Pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang nagpapahiwatig o hindi
tuwirang nagpapahayag ng damdamin o gusting mangyari
2. Pang-uri
3. Mga bahagi ng pangungusap
4. Mga Ekspresyon sa Pagbibigay ng Payo o Mungkahi tulad ng mga katagang mabuti pa’y,
bakit hindi pa, kung ako ikaw, maari rin naman, mas at iba pa
C. Pagsasaling-wika
Mga Kakailanganing Pag-unawa:
Masasalim sa pabula ang kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at
pahalagahan.
Higit na mauunawaan at mapapahalagahan ang pabula ng sariling rehiyon kung pag-
aaralan ito sa orihinal na wika.
Sa proseso ng komunikasyon, pasalita man o pasulat, mahalaga ang paggamit ng
wastong gramatika/ retorika

Nauunawaan ng mag-aaral ang:


A. Panitikan
1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
B. Gramatika/ Retorika
Iba’t I ibang paraan ng pagtatanong
1. Mga limitadong tanong na may alternatibong sagot mula sa mga alternatibo
2. Mga tanong na may sagot na mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko, ayoko, ewan,
marahil at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa o walang gana
3. Pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang nagpapahiwatig o
hindi tuwirang nagpapahayag ng damdamin o gusting mangyari
Antas 2

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:

Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:

Paghahambing sa kalagayan ng mga pabula noon at sa kasalukuyan.

Pagbibigay ng sariling pangkahulugan sa mga nakalap na impormasyon kaugnay sa kaligirang


pangkasaysayan.

Paglalahad ng ng sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pananaw ng mga pabula sa kani-


kanilang lugar/ rehiyo sa kasaysayan.

Pagbabahagi ng sariling damdamin at damdami ng ibang tao sa kalagayan ng mga pabula sa kani-
kanilang lugar/ rehiyo sa kasaysayan.

Pagbibigay mungkahi ng mga paraan/ Gawain na dapat gawin upang patuloy na lumaganap at
tangkilikin ng mga tao ang pabula.

Pagninilay-nilay tungkol sa mga mabuting nagawa ng pabula sa kaniyang sarili.

Antas 3

A. Pagtuklas

Sa bahaging ito lilinawain ng guro ang dating kaalaman/ karanasan ng mag-aaral


tungkol sa kaugnayan ng kultura at panitikan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng
pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal sa kanyang
kapanahunan.

Ang mga mag-aaral ay:

 Nakakapagsalaysay ng pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” na isinakomiks ni Dr.


Jose P. Rizal
 Nakapag-uugnay ng mga ugali ng mga tao at ng panlipunan ng bansa sa panahong
isinakomiks ni Rizal na “Ang Matsing at ang Pagong” sa tulong ng mga tanong:
1. Nasasalamin ba ang kalagayan ng bansa sa panahong isinakomiks ni Rizal ang
poabula? Patunayan.
2. Sa iyong palagay, sa kanyang kapanahunan, sino ang hinahalintulad ni Rizal kay
Pagong at Matsing?
 Nakapagbibigay ng sariling opinyon kung masasalamin sa mga pabula ang kultura ng
lugar na pinagmulan nito at ang kalagayang panlipunan ng panahaong naisulat ito.
B. Paglinang
Sa bahaging ito, ipapabasa/ ipapakinig/ ipapanood ang pabulang “Ang Matsing at ang
Pagong” at ang tekstong kaligiran ng kasaysayan ng pabula upang masuri/ mataya
kung ang mga nabuong kakailanganing pag-unawa ng mga mag-aaral sa bahaging
pagtuklas ay tama/ katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging maingat ang guro
sa di-pagtanngap na hindi kakailanganing sa pag-unawa. Sa bahaging ito, inaasahang
naiwasto ang kakailanganing pag-unawa saq pamamagitan ng makahulugan at
mapanghamong gawain.

Ang mag-aaral ay:

 Nakapagsasalaysay ng pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” sa pamamagitan ng


alinman sa Storyboard, Masining na pagkukwento, Dulang panradyo o anu pa.
 Nakapagsasagawa ng pagsusuri sa mga tauhan at pangyayari sa pabula sa
pamamagitan ng alinman sa istratehiyang Habi ng Tauhan, Fan Act Analyzer, at iba pa.
 Nakikibahagi sa pag-uulat ng nasasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng Pabula ( kolaboratibong Gawain ) gamit ang alinman sa In the
news, History Data Bank, Video Clip at iba pa.
 Paglalahad ng impormasyon sa pamamagitan ng Fact Findin Strands, maari ding
concept map, Skit at iba pa.
Masasalamin sa mga pabula ang kulturang pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan.

Higit na mapapahalagahan at mauunawaan ang pabula kung pag-aaralan ito sa orihinal nitong wika.

Sa proseso ng komunikasyon, pasalita man o pasulat, mahalaga ang wastong paggamit ng gramatika/
retorika upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

2. Mahahalagang Elemento ng Pabula:


Tauhang:
Bilog (round)
Lapad (Flat Character)

You might also like