You are on page 1of 3

“Nasa tao na rin naman kung anong pagpapasya ang gagawin nila, hindi natin mahihikayat ang tao

dahil may sarili


tayong pag-iisip. Ang mahalaga ay sundin mabuti kung ano man ang sa tingin nyong tama.”
Where I have been able to read about it?

“di po maganda yung rhb.


hindi po daan ang ganyang batas para lang mabawasan ang populasyon ng pilipinas at isa pa kawaawa ang mga
batang dapat mabuhay!!”
naaawa ka sa mga batang hindi pa pinapanganak?
hindi ka ba naawa sa mga batang kalye na sumasampa sa jip para magpalimos at mga batang sumisinghot na lang
ng rugby para makalimot sila sa gutom na nararamdaman nila dahil walang maipakain sa kanila mga magulang
nilang walang trabaha?

REPRODUCTIVE HEALTH BILL


Ulat ni Maki Pulido

Ayon sa huling tala ng National Statistics Office, tatlo kada minuto ang ipinanganganak sa bansa --- isang
daan at walumpu bawat oras at mahigit apat na libo sa isang araw. Sa kasalukuyan, halos nasa
siyamnapung milyon na ang bilang ng mga Pinoy at patuloy pang nadaragdagan. Sa laki ng bilang ng ito, isa
na ang Pilipinas sa mga bansang "most populated" sa Asya. Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas ang
Reproductive Health Bill, batas na naglalayong pagtibayin ang ilang pamamaraan ng family planning tulad
na lang ng paggamit ng mga alternatibong pamamaraan. Mahigpit ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa
panukalang ito. Dahil dito, nagbabanggaan ngayon ang ilang pulitikong nag-e-endorso ng batas at ang
Simbahan. Paano ba sosolusyunan ang isyung ito?

INFLATION
Ulat ni Jiggy Manicad

Kaliwa't kanan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Mula pagkain, bigas, gasolina, pamasahe at marami
pang iba. Habang nagmamahal ang presyo ng mga pangunahing produkto, patuloy ang pagbaba ng halaga
ng piso dahilan upang maitala ang pinakamataas na antas ng inflation rate sa bansa sa nakalipas na labing-
apat na taon. Sa pag-aaral ng Asian Development Bank, mga mahihirap ang pinaka-apektado sa patuloy na
paglala ng inflation. Sapat ba ang mga hakbang ng pamahalaan upang tugunan ang problema?

Siguro naman po ay pamilyar tayo sa batas na gustong isulong ng nakararami sa atin, sa totoo lang po
wala akong masyadong ideya kung anong mga layunin ang nasusulat sa batas na ito kung ano-ano ang
mga advantages at disadvantages sa atin nito. Ang napapansin ko lamang po sa ngayon ay ang patuloy
na palitan ng mga saloobin ng ating mga mamamayan lalong lalo na ang simbahan at nang gobyerno.

Sasabihin ko po kung ano ang aking opinion sa RHBill na ito.

Para po sa katulad kong simpleng mamamayan ng 7,107 panahon na po ba kaya, na dapat nating gawin
ito?. Ang Simbahan na patuloy na tumututol sa adhikaing maging legal ang batas na ito, na sinasabi
nilang labag ito sa batas ng simbahang katoliko, labag sa batas at mata ng diyos. Sinasabi din ng
simbahan na hindi kasalanan ng mga taong ipapanganak pa lamang ang katayuan ng kanilang mga
magulang maging ito ay mayaman o mahirap man. Sa simbahan simula noong tayo ay musmos pa
lamang ito na ang ating tahanan ng mabubuting asal, dito tayo natuto ng mga aral at salita ng diyos
(kung meron man). Dito tayo naging isang ganap na katoliko at kapatid ni kristo. Kaya nauunawaan ko
kung bakit gayon na lamang ang mariing pagtutol ng simbahang katoliko sa mga bagay na ito. Sabi nga
nila Walang sinuman ang maaaring bumali sa batas ng DIYOS!.

Ang gobyerno naman ay naiintindihan ko kung bakit ganun na lamang ang pag suporta nila sa RHBill na
ito. Sa hirap nga naman ng buhay ngayon kahit na nasa sinapupunan ka pa lamang ay kasama kana sa
budget ng gobyerno. Kargo d’konsensya ng gobyerno ang lahat ng gastusin sa bansang ito hindi nang
Simbahan. Gobyerno ang magbibigay sayo ng mga oportunidad o tulong? At hindi ang Simbahan?. Sabi
ng gobyerno hindi naman ito patungkol sa batas ng diyos dahil wala silang kikitiling buhay sa dahilang
hindi pa naman ito buo sa sinapupunan ng mga eba. Layunin lang nila na proteksyonan ang bawat isa sa
mga makamundong pagnanasa at mga sakit na nakahahawa katulad ng pagbibigay ng mga
contraceptives, condom at kung ano-ano pa. Sa isang banda eh para bang sinusuportahan din ng
gobyerno ang PreMaritalSex (FreeMaritalSex). Kasama nga kaya ito sa sinasabi ng gobyerno na pagtitipid
sa lahat maging sa pagdami ng tao?.

Sabi sa sermon sa isang simbahan sa maynila, “sa dami ng mga sanggol na iniiwan ng kanilang mga
magulang at pinapatay habang ito ay nasa sinapupunan pa lamang ito ay gawain ng isang hindi matino
ang pag-iisip at kulang sa pananampalataya”. So ang ibig sabihin sa sermon na ito ay ang katanungang
nararapat na ba na ipatupad ang RHBill?. Sa pagkakaalam ko po na kahit si kristo noong panahon niya ay
sumunod sa batas ng tao at nagbayad din ng buwis sa gobyerno. Naiintindihan ko ang saloobin ng
Simbahan, Mamamayan at ng GObyerno sa panukalang batas na ito. Pero sana naman sa huli ay
kapakanan padin ng bawat isa ang mananaig sa usaping ito.

-Sa simbahan alam kong batas ng diyos ang unang sinusunod ninyo,pero isipin din naman po ninyo na
kaming mga katoliko ay mayroong paniniwala at pagmamahal hindi lamang sa batas ng diyos kundi pati
na rin sa batas ng tao. Bakit po ba sinuportahan ninyo ang family planning?, ano po ba ang pagkakaiba
nito sa RHBill?. Naniniwala ako na kung mabuti ang iyong hangarin at paniniwala ay tiyak na hindi ka
itatakwil sa kaharian ng Panginoon nating lahat. Alam kung isa sa mga salita kung bakit tutol kayo sa
RHBill, ito ay ang sinabi ng panginoong diyos na “HUMAYO KAYO AT MAGPAKARAMI”. Para sa akin Sinabi
ito ng Diyos noong panahong wala pa halos tao sa mundo. SA tingin nyo sasabihin pa din kaya nya ito
ngayon, gayong kada segundo ay mas marami ang isinisilang kaysa sa mga nagpapaalam!?

-Sa gobyerno naman naniniwala ako sa adhikain ninyo na masugpo ang kahirapan at mapunta tayo sa
tuwid na daan, pero sana naman inisip din natin na walang matuwid na daan at lahat ng ito ay paikot-
ikot lang at mayroon ding hangganan. Ang batas na ito lang ba ang solusyon sa problema ng paglobo ng
ating populasyon?. Ang batas na ito lang ba ang solusyon sa problema sa paglaganap ng nakahahawang
mga sakit?. Ang batas na ito lang ba ang solusyon sa pagtitipid sa pera upang sa gayon ay may sapat na
pondo ang gobyerno?
-At sa mga katulad kong simpleng mamamayan na naiipit na naman sa mga ganitong kalakaran. Tayo,
na nagbabayad ng buwis sa gobyerno at nagbibigay ng alay sa simbahan, na sana man lang ay
mapakingganan din ang ating mga hinaing at hindi yoong hinaing lamang ng iilan.!

 Nung una kong nabalitaan ang Reproductive Health Bill o RH Bill, inisip ko, "It's about time that we are seeing real
and concrete effort on the part of legislation!"

Marami nang naging attempts para maitatag o magsimula ng mga programang naka-ukol sa family planning,
edukasyon tungkol sa sexually-transmitted diseases at iba pang mga paksa sa reproductive health.  Lagi itong
nauudlot dahil na rin sa kultura ng Pilipinas.  Hindi madali para sa kahit sino na tumanggap ng bagong idea.  Napaka-
tagal na sa ating bansa na taboo ang kahit anong pag-uusap tungkol sa sex.  Ito ay pinag-iisipan ng bastos, hindi
usapan ng mga marangal na tao, at isang paksang kailangan pang pag-bulung-bulungan.

Nandyan na rin ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino.  Maraming mga religious groups na nagsasagawa ng aksyon
laban sa RH Bill.  Nagdaraos ng mga rally, signboards sa mga parokya at iba pang klase ng demonstrasyon.

Hindi daw pro-life ang RH Bill.  Hindi daw tama na turuan ang mga bata tungkol sa sex.  Sa tingin ko, kailangan na ng
pagbabago.  Pro-life ang RH Bill!  Hindi man sya sakto sa paniniwala ng Simbahang Katoliko, itinaguyod ang RH Bill
upang mapangalagaan ang buhay.  Mas maganda siguro kung ang mga magulang ay marunong mag-family
planning, hindi lamang yung tinatawag na natural family planning, kung hindi pati na rin ang artificial, para marami
silang options.  Kung gayun, sa tingin ko ay magiging mas epektibo ang family planning sa bansa.  Sakto lang ang
bilang ng kanilang mga anak, at naaalagaan, napapa-kain at napapa-aral nila silang lahat ng maayos.  Mas maganda
yun kesa sa madaming anak na hindi nila napag-handaan, pakalat-kalat sa lansangan at walang makain.

Palakihin natin ang view sa problemang ito, at makikita natin na ang overpopulation ay sanhi ng mahabang listahan
ng mga problema sa ating lipunan!  Poverty, food shortage, pollution, crime, health care, education!

Mapunta naman tayo sa sexually-transmitted diseases.  Importante ang edukasyon ukol dito.  Madaming sakit ang
maaaring maiwasan sa tamang edukasyon.  Hindi ibig sabihin nito na binibigyan mo ng permiso o sinasabing, "It's
okay to have sex because you can do all these things to prevent diseases and unwanted pregnancy."  You are giving
them tools, awareness, choice.  I mean, sooner or later, EVERYBODY finds out about sex!  Gusto mo bang mali pa
ang malaman ng mga batang Pilipino?  Na kapag may menstruation ay hindi ka mabubuntis, at iba pang mga
kwentong walang katotohanan?  Anong nararamdaman ng isang tao kapag nalaman nya na meron syang AIDS? 
Dapat bang ituring na parusa ito dahil nag-sex sya?  Hindi ganyan mag-isip si Hesus.

Ang iba naman iniisip, "Nako, simula lang yan!  Ngayon RH Bill, bukas legalized prostitution!"  Eh teka, reproductive
health ang pinag-uusapan.  Tsaka ka na kumontra kapag Legalized Prostitution Bill na ang pinag-uusapan.

Tama na ang backward thinking.  Nagdurusa na ang mga Pilipino.  Meron tayong opportunity para pagbutihin ang
isang aspeto ng ating bansa, bakit hindi natin kamtan ito?  Sa aking opinyon, masyado nang nahihirapan ang ating
mga mamamayan para pagbulung-bulungan pa 'to.

You might also like