You are on page 1of 2

Mga teorya maka agham

Teoryang nebular
Pinanukala nina: Immanuel Kant at Pierre laplace Nagmula sa mga namumuong gas at alikabok ang nebula na nakikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyon na ultra violet na nagmula sa isang mainit na bituin. Nagkaroon ng interaksyon ang mga ion sa mga malayang electron sa ulap at naging dahilan ng pagsabog nito ng liwanag sa lahat ng direksyon. Mabilis na nagpaikut-ikot sa sansinukob ang nebula sa loob ng ilang milyong taon. Pagdaan ng panahon, unti-unti itong bumagal sa pag-ikot. Naging dahilan ito ng paglamig at pagtigas ng nasabing masa hanggang sa unti-unting natuklap ang mga ibabaw nito. Subalit nagpatuloy pa rin ito sa pag ikot dahil sa lakas ng puwersang centrifugal.

Teoryang dust-cloud
Nagmula sa alikabok ng mga meteorite. Lumamig at tumigas ang masa ng matuklap ang mga balat ng nabuong alikabok sa pamamagitan ng kondensasyon. Nagkaroon ng malakas na hangin at ulan sa kalawakan na nagdulot ng pagkapuno ng malaking bahagi ng mga tubig na tinawag na dagat at ilog. Dahil sa matagal na pagkakababad ng ibabaw sa tubig, lumambot ito at naging lupa nagkaroon ng mataas na tumpok at malalim na hukay, Ang mataas na tumpok ay tinawag na bundok at burol at ang hukay ay tinawag na dagat at ilog. Dahil sa pagkalusaw ng yelo, nagkahiwalay ang mga kontinente.

Teoryang dynamic encounter


Ipinanukala ni georges louis leclerc buffon Nagmula ang sistemang solar sa banggaan ng isang malaking kometa at araw. Nabuo ang mga sangkap na nawala sa araw at naging planeta. Katulad din ng teoryang nebular at dust-cloud ang patutunguan ng teoryang ito.

Teoryang kondensasyon
Ipinanukala ni Robert jastrow Nag simula ang daigdig sa mga masa ng hydrogen gas atomic dust. Sa tagal nito sa kalawakan bigla itong sumabog,nag kapira-piraso at napasama sa mga bagong namumuong araw at bituin ang mga tipak nito. Nangyayari ang prosesong ito ng paulit-ulit at maaaring ito na rin ang naging planet.

Teoryang solar disruption


Nag simula ito ng bumangga ang malaking bituwin sa araw, nagtalsikan ang tipak na nagmula sa bangganan ng dalawang bituin.

Dahil sa pag ikot sa araw sa pamamagitan ng pwersang centrifugal. Dahil sa mabilis na pag-ikot nito sa araw, naging dahilan ito ng pag-init ng mga tipak, dumaan ito sa prosesong kondensasyon at solar disruption.

Teoryang planetissimal
Nagsama-sama ang mga kumpul-kumpol na planetoids at nagging planeta. Dahil sa mabilis na paggalaw ng mga ito,natuklap ang ibabaw na bahagi ng mga ito. at nagpaikot-ikot Dahil sa puwersang centrifugal at dumaan sa prosesong pinag daanan ng mga planeta na ayon sa ibang

teorya.

Teoryang collision
Pag babanggaan ng dalawang malaking bituin. Nag talsikan ang mga tipak nito at nagging planeta matapos ang ilang taong pag ikot-ikot nito sa sansinukob.

Teoryang big bang o supersonic turbulence


Isang malakas na pagsabog ang naganap. Ang mga nag talsikang tipak ay patuloy na nabubuo dahil sa hydrogen,na nagiging planeta.

Post as...

You might also like