You are on page 1of 12

Paggawa ng Konseptong Papel

Inihanda ni Louise Vincent B. Amante

Matapos na aprubahan ang inyong paksa para sa pampanahong papel, ANO NA? Bago ang pagsusulat, gumawa muna ng KONSEPTONG PAPEL

Ano ang KONSEPTONG PAPEL?


Ito ang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang framework ng paksang tatalakayin.
Ano naman ang framework? Ito ang pinakaistruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin, o tukuyin.

May apat na bahagi ang konseptong papel:

Rasyunal Layunin Metodolohiya Inaasahang awtput

Rasyunal
-- ipinapahayag nito ang kasaysayan o pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili ang partikular na paksa. -- tinutukoy din nito ang kahalagahan at kabuluhan ng naturang paksa

Rasyunal
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng janitor fish sa Laguna de Bai
Itinuturing na tagalinis ng tubig ang mga janitor fish. Kaya hindi mawawala sa mga aquarium, malalaki man o maliliit, ang nasabing isda. Subalit, ilang taon na ring problema ng mga mangingisda sa Laguna de Bai ang pagdami ng mga janitor fish. Imbes na makatulong sa paglilinis ng lawa, kabaligtaran pa ang nangyayari. Mahalagang malaman ang usaping ito upang mabigyan ng solusyon ang lumalalang suliranin sa pagdami ng mga janitor fish.

Layunin
-- tumutukoy ang layunin sa pakay o gustong matamo sa pananaliksik. -- maaaring pangkalahatan o tiyak ang layunin.
Pangkalahatan kung ipinapahayag ang kabuuang layon, gustong gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Tiyak kung ipinapahayag ang mga ispesipikong pakay.

Layunin
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng janitor fish sa Laguna de Bai
Pangkalahatang Layunin: Alamin at suriin ang sakop ng pinsala sa pagdami ng janitor fish, ang epekto nito sa pamumuhay ng mga mangingisda sa Laguna de Bai, at makapagmungkahi ng mga posibleng kalutasan sa pesteng ito. Mga tiyak na layunin: Alamin ang sakop ng janitor fish sa Laguna de Bai. Suriin ang kapaligiran ng nasabing lawa na kinahiyangan na ng mga janitor fish. Alamin ang naging pinsala ng mga ito sa pamumuhay ng mga mangingisda sa lawa. Makapagmungkahi ng mga hakbang sa pagbawas at pagsupil sa mga pesteng isda.

Metodolohiya
-- tumutukoy ito sa pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng mga datos at pagsusuri sa napiling paksa sa pananaliksik. -- maraming paraang ginagamit sa pagkuha ng datos gaya ng sarbey, panayam, questionnaire, case study, obserbasyon, at iba pa. -- sa pagsusuri naman, ginagamit ang empirikal na paraan, komparatibo, hermenyutika (interpretasyon), semiotika (pagkuha ng kahulugan), at iba pa. -- malalaman ng mag-aaral ang mga partikular na paraan o metodolohiya na ginagamit sa larangan at maging sa mga kaugnay nito kapag siyay nasa larangan na.

Metodolohiya
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng janitor fish sa Laguna de Bai
Kukuha ng mga datos ukol sa pagdami ng janitor fish sa Laguna de Bai mula sa mga artikulo nasulat dito sa mga diyaryo at magasin. Kukuha rin sa mga science, agriculture, at aquaculture journals na mayroon nito. Kukuha rin ng impormasyon mula sa DENR at DA. Maaari ring kumuha mula sa mga internasyunal na magasin gaya ng National Geographic at sa mga bidyong gawa ng NG at ng Discovery Channel. Kapapanayamin din ang mga mangingisda sa lawa at ang mga eksperto sa fisheries. Mula rito, susuriin ang naging lawak ng problema at sisikaping makapagbigay ng mga rekomendasyon ukol sa pagbawas at pagsugpo ng pesteng isda.

Inaasahang Awtput
-- ito ang magiging resulta ng pananaliksik.
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng Janitor Fish sa Laguna de Bai Isang pampanahong papel ang gagawin na may tentatibong haba na 10 hanggang 12 pahina.

Sa paggawa ng konseptong papel:


dalawang pahina ng short bond, font size ay Arial 12, at double spaced. isumite ang kompyuterisadong kopya sa LUNES, Enero 31

You might also like