You are on page 1of 52

ANG PAGBASA BILANG ISANG KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON

Free Powerpoint Templates

Page 1

KATUTURAN NG PAGBASA
Sa apat na makrong kasanayan, ang pagbasa ay bihirang isagawa ng mag-aaral sapagkat itoy nangangailangan ng panahon. Karaniwang ang nakalimbag sa elektroniko ang binabasa dahil na rin sa impluwensya ng teknolohiya; kayat ang mga e-book ay usung-uso sa kasalukuyan. Sa kabila ng penomenon na ito, mahalaga pa ring ikintal sa isipan ang mga kahulugang sinasabi ng mga dalubhasa hinggil sa pagbasa.

Free Powerpoint Templates

Page 2

William Gray na kinikilalang Ama ng Pagbasa - ay nagsabing ang pagbasa ay ang interaksyon ng mambabasa at ng nakalimbag na wika na kung saan ang mambabasa ay nagtatangkang bumuong muli ng mensahe mula sa kanyang pagkaunawa sa mensahe ng manunulat.
Free Powerpoint Templates Page 3

Kalimitang ang kahulugan ng pagbasa ay ipinapalagay na: pagkuha ng ideya/ kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag isang proseso ng interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng awtor proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasa ng kanyang isinulat interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan; pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. instrumento sa pag-apuhap ng kahulugan at kabuluhan ng mga bagay-bagay sa paligid o sa paglinang ng mapanuri at malikhaing kaisipan ang tagumpay o kabiguan ng mga mag-aaral sa pagbasa ay repleksyon ng kanilang ginagamit na estratehiya; ang mga estratehiyang ito ay repleksyon naman ng kanilang ganap na pagunawa kung ano ang pagbasa. Samakatwid, hindi sapat na ang tao ay marunong magbasa kundi kinakailangan din niyang maging mahusay magbasa.
Page 4

Sa kabilang banda may mga sinasabi naman ang mga dalubhasa hinggil sa pagbasa: para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa upang maiugnay niya sa kaniyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto. (Coady 1979) ang pagbasa ay isang saykolinggwistik na paraan ng pagbibigay hinuha sa isang kalagayan, nabasa o narinig. (Goodman) ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa buhay.(Toze)
Free Powerpoint Templates Page 5

ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip. (Thorndike) ang pagbasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay. (Arrogante) ang pagbasa ay dalawang proseso: pagunawa at bilis. (Holmes) dalawa ang kailangan sa pagbasa:mg a impormasyong nakikita at mga impormasyong dinakikita. (Smith) ang kinalabasang kahulugan mula sa pagkaunawa ng mambabasa ay isinasaayos ayon sa layunin ng kanyang pagbasa. (M. Tinker at McCollough Free Powerpoint Templates

Page 6

MGA FACETS SA INTERAKSYON SA PAGBASA:

Ayon kina Gephart et.al: ang materyal na binabasa ang kaalamang taglay ng mambabasa ang gawaing pisyolohikal at intelektwal

Free Powerpoint Templates

Page 7

Ayon naman kina Smith at Dechant, 1961 ang pagbasa ay: isang tugon isang interes isang prosesong sensori isang prosesong perseptwal isang prosesong natututuhan isang gawaing debelopmental isang kasangkapan sa pagkatuto isang prosesong pag-unlad sikolohikal at pisyolohikal
Free Powerpoint Templates Page 8

PROSESO NG PAGBASA
Sinabi ni Millrood (1999), ang proseso ng pagbasa ay mailalarawan sa pamamagitan ng reading dynamics. Ang proseso ng pagbasa ay maaaring talakayin sa pamamagitan ng layunin, estratehiya at bunga.

Free Powerpoint Templates

Page 9

Ang layunin ng pagbasa ay tumutukoy sa pangunahing pangangailangan o dahilan sa pagbabasa. Samantala, kapag natukoy na ang layunin, ang mambabasa ay pumipili ng estratehiyang aangkop sa layunin ito. Dito ay pagpapasyahan niya ba kung siya ay gagamit ng iskaning, iskiming, pagbasang kritikal atbp. At sa pamamagitan ng estratehiyang ito, ang inaasahang bunga ay matatamo.

Free Powerpoint Templates

Page 10

MGA KATANGIAN SA PROSESO NG PAGBASA (Romero, 1985)


Ang pagbasa ay isang kompleks na gawain. Ang pagbasa ay prosesong two-way. Ang pagbasa ay isang prosesong biswal. Ang pagbasa ay isang aktibong proseso. Ito ay isang prosesong pangkaisipan. Ang pagbasa ay gumagamit ng sistemang pangwika na tumutulong sa mambabasa na maging epektibo sa paggamit ng wika sa pagsusulat. Ang mabisang pagbabasa ay nakasalalay sa dating kaalaman at karanasan ng mambabasa.
Free Powerpoint Templates Page 11

MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAGBASA (William Gray) 1. Persepsyon o pagkilala ng mga salita o simbolong nakalimbag 2. Komprehensyon o pag-unawa sa mensahe ng tekstong binabasa . 3 Reaksyon sa mga argumentong inihain ng teksto 4. Integrasyon o ang aplikasyon ng mga kaalamang natutuhan mula sa binasa
Free Powerpoint Templates

Page 12

ILANG MGA KAISIPAN HINGGIL SA PROSESO NG PAGBASA (Ayon kay Badayos, 2000) 1. Ang pagbasa ay walang kahilingang imposible para hindi ito maisagawa ng isang tagabasa. 2. May tatlong mahahalagang hakbang sa pagbasa: paghahanda, pagpoproseso ng impormasyon at pagtugon o pagbibigay ng reaksyon sa binasa. 3. Ang epektibong mambabasa ay iyong mga interaktibong tagabasa. 4. Maraming mga suliranin sa pag-unawa na hindi lamang mga suliranin sa pagbasa. 5. Ang magaling na tagabasa ay sensitibo sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa. 6. Ang mabilis na pagbasa ay bunga ng Free Powerpoint Templates komprehensyon o pag-unawa.

Page 13

MGA URI NG PAGBASA


AYON SA PAMAMARAAN A. Mabilisang pagbasa (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

Free Powerpoint Templates

Page 14

B. Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga ritoy makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. C. Pagsusuring Pagbasa (analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ang matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pagiisip.

Free Powerpoint Templates

Page 15

Pamumunang Pagbasa (Critical reading) kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan- diin na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kailangan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at ang may-akda.

E. Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.

Free Powerpoint Templates

Page 16

Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig. G. Masinsinang Pagbasa - hindi ito under time pressure na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
Free Powerpoint Templates Page 17

Ayon sa Layunin
Pagbasang nakapagtuturo nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak. Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapatalas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

Free Powerpoint Templates

Page 18

LIMANG DIMENSYON NG PAGBASA A. Pag-unawang Literal


pagpokus ng atensyon sa mga ideya at info na maliwanag na sinasabi ng babasahin. pagkuha ng pangunahin, literal, at tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha ng kahulugan ayon sa paggamit sa pangungusap. pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa. Free Powerpoint Templates

Page 19

B. Pagbibigay ng Interpretasyon pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at taludtod kung tula pagkuha ng malalim na kahulugan bukod sa mga nakuha na literal na kahulugan pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinabi ng may-akda. paglalahad ng tunay na kaisipan ng may-akda kasama ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan nito pagkilala ng tunay na hangarin at layunin ng mayakda mabigyang kahulugan ang kaisipan ng may-akda

Free Powerpoint Templates

Page 20

C. Mapanuri o Kritikal na Pagbasa


pagbibigay-halaga ng katumpakan ng pagbabasa tiyakin ang kaugnayan nito sa isang partikular na suliranin pagbibigay ng sariling reaksyon ukol sa mga kaisipang natutuhan o tungkol sa akdang nabasa

Free Powerpoint Templates

Page 21

Paglalapat o Aplikasyon
malaman ang kahulugan ng nilalaman ng binasa sa karanasan ng bumabasa madagdagan ang pansariling pangunawa sa sarili pagpapahalaga sa lipunan o paligid

Free Powerpoint Templates

Page 22

Pagpapahalaga
pagdama sa kagandahan na ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento pagbasa upang matugunan ang bisa ng sikolohiya ng pamamaraan ng may-akda o masining na elemento nito madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin
Free Powerpoint Templates Page 23

ANG PAGBASA BILANG AKTIBONG GAWAIN


Nagbigay si Clouse (1998) ng ilang katotohanan (facts) hinggil sa pagbasa na malimit mabigyang-pansin: Ang teksto ay hindi lamang ang teksbuk. Ang mambabasa ay hindi lamang tumutuklas ng kahulugan. Siya ay kasama sa pagbubuo nito. Walang payak o tiyak na kahulugan ang teksto. Free Powerpoint Templates

Page 24

Magtiwala sa sariling reaksyon. Di lahat ng nakalimbag ay may mataas na kalidad. Normal lang ang kawalan ng kasiguraduhan.

Free Powerpoint Templates

Page 25

MGA HAKBANG SA AKTIBONG PAGBASA Paunang Pagbasa (I-preview ang teksto)


Pumili ng lugar kung saan ka maaaring maging kumportable sa pagbabasa. Pag-isipang mabuti ang pamagat. Alamin ang awtor.
Free Powerpoint Templates Page 26

Alamin ang publikasyon. Basahin ang headnote. (preface o introduksyon) Basahin ang mga captions, mga salitang naka-bold face o nakapahilig, mga tsart, mga larawan at iba pa. Basahin ang una at ikalawang talata. Basahin ang pangungusap ng bawat talata. Gumawa ng isang dyornal entri kung saan itatala ang iyong inaasahan mula sa teksto.

Free Powerpoint Templates

Page 27

Basahin ang teksto sa isang upuan o pagkakataon. - Muli, maging komportable. - Basahin ang teksto, kung may di maunawaan, balikan ito, matapos na mabasa ang kabuuan ng teksto. - Bilugan ang mga salitang di-maunawaan o kayay lagyan ng simbolong ? (tandang pananong). - Gumawa ng dyornal entri ng inyong reaksyon sa binasang teksto at sa pangunahing ideya nito.
Free Powerpoint Templates

Page 28

Basahin at pag-aralan ang teksto.


Kumuha ng bolpen at maghandang maglagay ng mga pananda. Balikan ang mga salitang binilugan at isulat sa tabi nito ang mga kahulugan.

Free Powerpoint Templates

Page 29

Salungguhitan ang tesis o pangunahing paksa. Guhitan ang mga mahahalagang puntos. Makipag-usap sa awtor sa pamamagitan ng pagsusulat ng iyong reaksyon sa teksto. Gumawa ng isang dyornal entri na sumasagot sa mga sumusunod na tanong:

Free Powerpoint Templates Page 30

Ang awtor ba ay nagpapahayag ng katotohanan o opinyon? Mayroon bang sapat at makatwirang mga detalye? Ano ang tono o himig ng awtor? (Seryoso, sarkastiko, nakatutuwa, galit, nanlilibak?) Ano ang layunin ng awtor? Sino ang inaasahang awdyens ng awtor? Nakabatay ba ang mga tinuran ng awtor sa emosyon, lohika/katwiran o pareho?
Free Powerpoint Templates Page 31

Sumulat batay sa pagkaunawa sa teksto. Hinihikayat ang pagsusulat matapos mabasa ang kabuuan ng teksto. Sa antas kolehiyo, mahalaga na matandaan at maunawaang lubos ang mga detalye ng binabasa. Dito ay mapapakinabangan ang pagsusulat mula sa binasa. Dito masusukat ang lalim o babaw ng pagkaunawa ng mambabasa sa tekstong kanyang binasa. Maaaring pumili ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan sa pagsulat ng dyornal.

Free Powerpoint Templates

Page 32

Sumulat ng iyong personal na reaksyon sa binasang teksto. Nagustuhan mo ba ito? Bakit? Ano ang bagong natutuhan mula rito? Ano ang naramdaman mo sa pagbasa mo ng tekstong ito? Hihikayatin mo ba ang iyong kaibigan na basahin rin ang tekstong ito? Mahahalaga ba ang mga ideya ipiniresenta? Ano ang kalakasan at kahinaan ng teksto? Sumulat ng buod ng teksto. Sumulat ng balangkas ng teksto. Sumulat ng isang maikling sanaysay na nagpapaliwanag ng kaugnayan ng iyong mga dati nang nalalaman sa mga ideyang inilahad ng awtor. Gumawa ng pagsusulit hinggil sa tekstong binasa at subuking sagutin ito. Hamunin ang awtor sa pamamagitan ng pagsulat ng mga argumento laban sa kanyang mga inilahad na pananaw.
Free Powerpoint Templates Page 33

IKA NGA NI BOB ONG Sa mga kabataang nanghihingi ng words of wisdom at laging nagaakalang meron ako sa bulsa, meron nga. Ito, hindi ko ginagamit, inyo na lang: Kumain ka ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog na nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan. Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haay, sarap!) Wag mawawalan ng gana sa buhay, kung ano yung galing mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban sa UAAP, NCAA, mga sportsfest, o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang konggresista na nagrereport sa trabaho para lamang matulog.

`Wag magmamadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling magbreak dance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan, e magmumukha ring pandesal. Maniwala ka.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guiness Book of World Records at maipagmamalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang mga sasabihin ng mga taong susubok humarang sa iyo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa Jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa ngayon sa Jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

Kung gusto mo maging musikero, sige lang! Pintor, ayos! Inihinyero, the best! Kung gusto mong maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng mga estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpinetro. Kung gusto mong maging tindero ka ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

Mangarap ka at abutin mo to. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kilikili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili. Hindi ako naniniwalang kailangan ng taong mangarap dahil gusto niya ng pera, o gusto niyang sumikat, o gusto niya ng impluwensiya. Side effects na lang ang mga to, tingin ko. Nangarap ang tao dahil binigyan siya ng Diyos na kakayanang mangarap at tumupad nito. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon at hindi bumili ng libro ko.

Sa panghuli, higit sa lahat, magbasa ka ng libro. Kung nabasa mo lahat ang mga libro ko, salamat. Pero kung makakabasa ka pa ng ibang libro bukod sa isinulat ko o mga ipinabili ng teacher mo, mas magaling. Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paborito mo sa buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong talentado pero hindi nagbabasa. Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad at tumanda nang walang natutunan kung paano ka! Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. At sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha. Sana mabasa ng mga kailangang makabasa. -Stainless Longaniza ni Bob Ong

MGA TEORYA AT PAG-AARAL HINGGIL SA PAGBASA IBAT IBANG PANANAW O TEORYA SA PROSESO NG PAGBASA (Badayos, 2000)

TEORYANG BOTTOM-UP May impluwensya ito ng teoryang behaviorist na nagsasabing malaki ang gampanin ng kapaligiran sa pag-unawa sa pagbasa.

Free Powerpoint Templates

Page 40

Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nagsisimula ang pagbasa sa yugtoyugtong pagkilala ng mga titik sasalita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto. Tinatawag rin itong outside-in o datadriven. Free Powerpoint Templates Page 41

TEORYANG TOP-DOWN Sina Smith at Goodman ang masusugid na tagapagtaguyod ng teoryang ito. Naniniwala sila na ang paggamit ng kakaunting oras at panahon sa pagbabasa gamit ang pagpili ng mga makabuluhang hudyat (cues) at mga impormasyong makatutulong sa pagbuo ng kahulugan ng teksto ang siyang tunay na mahusay na mambabasa.
Free Powerpoint Templates Page 42

Sa teoryang ito, ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Kung wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang babasahin. Tinatawag rin itong inside-out o conceptually driven.
Free Powerpoint Templates

Page 43

TEORYANG INTERAKTIBO Lumitaw ang teoryang ito bunga ng pagbatikos sa dalawang naunang teorya. Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang direksyon: ibaba-pataas at itaas-pababa. Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pagunawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan. Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi isang produkto.
Free Powerpoint Templates Page 44

TEORYANG ISKEMA
Iskema ang tawag sa dating kaalaman ng mambabasa. Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto, pasalita man o pasulat ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili. Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa sa kanilang paraan ng paggamit o pagbubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

Ang lahat ng natututuhan at nararanasan ng tao ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon sa teorya.
Free Powerpoint Templates Page 45

METAKOGNITIBONG PARAAN NG PAGBASA


ANO ANG METAKOGNISYON Binigyang-kahulugan sa Ingles ang meteakognisyon bilang cognition about cognition o pag-alam hinggil sa pag-alam Sinasabi ng mga eksperto na ang metakognisyon ay isang survival tool.

Free Powerpoint Templates

Page 46

Si J.H. Flavell ang unang gumamit ng salitang metakognisyon. Ayon sa kanya, ang metakognisyon ay tumutukoy sa kaalaman ng isang indibidwal hinggil sa kognitibong pagpoproseso o anumang kaugnay nito. Marami itong anyo. Sinasaklaw nito ang kaalaman hinggil sa kung kalian at paano maaaring gamitin ang isang partikular na estratehiya sa pagkatuto.
Free Powerpoint Templates Page 47

Sa metakognisyon, nakikita ng isang indibidwal ang kanyang sariling pagkakamali sa pag-unawa at nagsasagawa siya ng paraan upang ito ay maitama. Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang paraan ng pagbibigay-kahulugan sa metakognisyon. Ngunit sa kalahatan, tinutukoy nito ang pag-aaral ng pagmomonitor ng memorya at pagkakaroon ng sariling kamalayan. Ang kapasidad na ito ay mahalaga upang magamit nang wasto ang sariling kaalaman at mapalawig ang potensyal ng indibidwal na mag-isip, matuto at mag-ebalweyt ng mga katanggap-tanggap na tuntuning etikal at moral.

Free Powerpoint Templates

Page 48

Sa eksperimento sa larangan ng sikolohiya, natuklasan ang kaibahan ng metakognisyon sa pagitan ng pagmomonitor at pagkontrol. Sa una, tumutukoy ito sa pagbubuo ng pagpapasya hinggil sa kalakasan ng isang memorya. Samantalang sa ikalawa, gumagamit naman ng pagpapasya upang mapatnubayan ang kilos/gawi. Binigyang-kahulugan rin ang metakognisyon bilang lebel ng pag-iisip na kinasasangkutan ng aktibong pagkontrol sa proseso ng pag-iisip na kadalasang nagagamit sa mga sitwasyong pagkatuto.

Free Powerpoint Templates

Page 49

Ang metakognisyon ay kinapapalooban ng mga kasanayan sa:


pagpaplano ng mga pamamaraan upang simulan ang isang gawaing pagkatuto pagmonitor ng komprehensyon pagtaya ng progreso sa pagkumpleto ng mga gawain pagpapanatili ng motibasyon na tapusin ang naumpisahang gawain pagkakaroon ng kamalayan sa mga sagabal sa pag-unawa ---- ito man ay internal o eksternal.
Free Powerpoint Templates Page 50

Yamang ang metakognisyon ay may kritikal na gampanin sa pagkatuto ng indibidwal, mahalaga na ito ay maisagawa kapwa ng guro at mag-aaral. Ang mga mag-aaral na nakapagsasagawa ng metakognitibong pamamaraan sa pagaaral ay higit na may mahusay na pagganap/performans sa mga pagsusulit at gawaing pangklasrum.
Free Powerpoint Templates Page 51

Free Powerpoint Templates

Page 52

You might also like