You are on page 1of 13

Walang Sugat ni Severino Reyes Unang Yugto Tagpo 1.

a: Sa loob ng isang bahay *kantas* Julia: Iligpit na ninyo ang mga bastidor at kayoy umalis na. Tagpo 2.a Teong: Julia, patingin nga ng binuburdahan mo Julia: *ilalayo ang panyo kay Teong. Pipilitin ni Teong na makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia* Huwag na, Teong. Huwag mo munang tingnan, masama ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag maganda na. Sa ibang araw, ipapakita ko sa iyo. Teong: Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, ay may yayariin na hindi maganda? Hala na, titingan ko lamang saglit Julia: Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko! Teong: Ay! Julia: Anong lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang pagagalitin Teong: Julia, Julia ko Hindi na ko nagagalit, patawarin mo ako Julia: Masakit sa akin, magalit ka at hindi, laging bagay! Teong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na ito ay nakita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko! Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka Hindi para sa iyo ang panyong iyan. Teong: Kasinungalingan! At kanino namang pangalan ito A, Antonio, N, Narciso at F, ay Flores! Julia: Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iyay iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko. Teong: Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo may bakit ang letray A, N at F? Julia: Oo nga, ah, eh, pagkat ang A ay amang, ang N ay natin, at ang F ay frayle. Amang natin frayle. Teong: Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkol sa mga taong iyat madaling magpapanting ang tainga ko! Julia (to self): Aba, at nakaganti na ako! Teong: Julia, magsabi ka nga ng totoo! Para sa Kura nga ba? Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako *kantas*

Tagpo 3.a Juana: Julia, Julia, nakita mo ba ang baro kong makato? Lucas: Mamang Teong, Mamang Teong! Teong: O Lucas, napaano ka? Lucas: Dinakip po ang tatang mo ng boluntaryong Sta. Maria! Teong: (gulat) Diyatat dinakip si Tatang? Lucas: Opo! Sa Bulacan daw po dadalhin Teong: Tiya, ako poy paparoon munat susundan si Tatang Juana: Hintay ka sandalit kami ay sasama. Julia, magtapis ka Teong: O mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligaya na kinamtan sa dibdib ay tinutugunan kapagdaka ng matinding dusa! O mundong mandaraya! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bangot halimuyak ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas. ---bababa ang tabing. Tagpo 4. A = Musika Tagpo 5.a (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas.) Kura 1.0.: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao itoKung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siya sumulat maraming K(a), cabayo K(a). Marcelo: Hindi po ako kabayo, among! Kura 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Kura 2.0.: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi sila makakain eh! Kura 1.0: Hindi pagkain ang itinutukoy ko sa rasyon! Hindi! Ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti ngat mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
(Suggestion: sana habang ginagawa to pinapakita na si Inggo na inaapi)

Marcelo: Ah.. Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo na po silang walang tulog! Kura 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban ang rasyon? Ang rasyon ng palo, ha.

Marcelo: Dati poy tatlong kabanngayon poy lima ng kaban, at makalima po sa isang araw. Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 625 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan ni Kura 2.0 si Marcelo ng kuwalta at tabako). Kura 1.0: Kahapon ilan ang namatay? Marcelo: Walo po sana, subalit nang mag-uumaga po ay pito lamang. Kura 1.0: Aba e, bakit ganoon? (gulat). Marcelo: Si Kapitang Inggo ay pinagsaulan ng hininga. Kura 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo? Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso poy litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Kura 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban. Kura 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo: Opo, Among Kura 1.0: (Sa mga kasama niya) Compaeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? Kura 2, 3, 4: Si, si, hemos traido. Kura 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Hindi po makalakad, eh! Kura 1.0: Dalhin dito pati ang papag. Kura 1.0: Kapitana Putin, mga dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). Tagpo 6.a (Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.) Kura 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tuluganKami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pakawalan na lahat ang mga bilanggo, kaawaawa naman sila.

Putin: Opo, among, mano na nga po. Salamat po, among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki.)
Kura 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Kura 2.0: Ya lo creo que va mal. Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar.

(Papasok ang mga pare.)

Tagpo 7.a Putin: Tenyong, kay sama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong nanatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan. Huwag po kayong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si tatang ay pakawalan! Bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan! (Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.) Putin: Inggo ko! Tenyong: Tatang! Julia: Kaawa-awa naman! Tenyong: Mahabaging Langit! Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng itoy gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugaliAh, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil. Tenyong: Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalay Inggo: Huwag na.anak ko.hindi na maaariluray luray na ang katawanTayoy maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pabayaan ang inang mo! Putin, ay PutinJuana-Juliakayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila.Ang kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala. Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Anot inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? Tenyong: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iyay tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.OOt di ko matingnan, puso koy sinusubhan sa ginawa kay amang ng mga taong hunghang ang away nilimot sa kalupitan. Julia: Tenong koy huwag ng isipin mo pa ang ipaghiganti buhay ng iyong ama. May diyos na tanto na nakakakakita, lahat ng gawa ng frayleng khul.a

(Mga babaet lalaki): Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap. Lalakit babae: Wari mukha nang bangkay. Tenyong: Inang, masdan mo po.at masama ang lagay ni tatang,,,Inang, tingnan mot naghihingalo.Tatang, tatang. Putin: Inggo ko..Inggo Tenyong: Patay na! (Mangagsisihagulgol ng iyak) ---bababa ang tabing. Tagpo 8.a Putin: Tenong, hindi na yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katwan ko; nagsisikip ang aking dibdib, ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay Tenong, hindi ako makahinga. Ang puso koy parang pinipitpit sa palihang bakal! Tenong: Langit na mataas! Tagpo 9.a (Tenyong at mga kasamang lalaki, mamayay si Julia.) Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin. Isa: Akoy merong iniingatan. Isa pa: Mayroon din ako. Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. Isa: Nalalaman mo bang silay mangagsisilulan? Tenyong: Oo, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy nasasabihin daw nila sa Heneral na tayoy pagbabarilin na. Isa: Mga tampalasan. Isa pa: Walang patawad! (Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia) Julia: Tenyong, Tenyong! Tenyong: Julia! Julia: Matitiis mo bang lisanin ang ina mo, gayot ganito ang kaniyang anyo? Hindi mo ba alam na ikaw lamang ang tanging makapagaaliw sa kaniya? Bakit mo siya iiwan? Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwat sa sarili mong loob, di ba si inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di katumbas ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis! Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid. Tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib koy tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: Mga anak ko, anya, ngayoy kapanahunang akoy ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutangmga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin. Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang gargantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang itoy aking isasabit sa tapat ng pusoy huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siyay masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. /Kung saka-sakaling irog koy masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat moy aking huhugasan ng masaganang luhang sa matay nunukal. Tenyong: Sa Diyos nananalig. Julia: Puso koy dinadalaw ng malaking hapis. Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. Tenyong: Ang ulap Julia koy di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati. Julia: Tenyong na poon koy kahimanawari. Magliwayway ulit dilim ay mapawi. Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Akoy tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog koy aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikawy kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako! Julia: Akoy lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Tenyong: Juling aking sinta! Julia: Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.) Julia: (Biglang lilingon) Te! Yumao na! (Papasok) Tagpo 10.a (Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.) Isa: Ah, lahi ni Lucifer! Magsisi kat oras mo na! Tenong: Ikaw ang natay sa ama ko, taksil!

Kura 1.0: Perdon, patawarin ninyo! Kura 2.0: Desgraciadas! Tenong: Walang utang na hindi pinagbayaran! Wakas ng Unang Bahagi Ikalawang Bahagi I TAGPO (Bahay ni Julia) (Julia at Juana) Salitain Juana: Julia, igayak ang loob mo; Papunta na si Miugel at ang kanyang ama, silay pagpapakitaan nang mainam. Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! Juana: Bakit ba ganiyan ka makasagot, Julia? Hindi naman siya pangit Kung tutuusin ngay siyay lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasaano pa kulang? Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay. Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang maintindihan ko. Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. Juana: (Natatawa) Julia, akoy natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo ngat noong unay kapag may lalaking nangingibig ay tinatatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod. Subalit ngayoy iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon ngayoy kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siyay nagpapahingalay na Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo! Ako poy hindi makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso. Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka na bang iba? Julia: Wala po! Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalaway mag-aasawa ka rin lamang ay kung mapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na! (Papasok)

Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong! II TAGPO (Julia at Monica) Salitain Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa Monica: (Sa loob) Pooo! Julia: Halika!(Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka.. Monica: Opo (Papasok) III TAGPO (Julia-mamayay Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana) Musika Dalit ni Julia Oh, Tenyong niyaring dibdib, diyata' akoy iyong natiis na hindi mo na sinilip sa ganitong pagkahapis. Ay! Magdumali kat daluhan, tubusin sa kapanganiban, huwag mo akong bayaang mapasa ibang kandungan. Halika, Tenyong, halika, at baka di na abutin si Juliay humihinga pa papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutin itong iyong nalimutan

ang bangkay ay dalhin na lamang sa malapit na libingan. Huling samo, oh! Tenyong, kung iyo nang maibaon sa malungkot na pantiyon, dalawin minsan man isang taon. P. Teban: (Pumalakpak) Kaganda ng dalit mo Julianapakalumbay lamang Julia: (Gulat) Narito po pala kayo! Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayoy nangagsirating Kahiya-hiya po. P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo? Julia: Nariyan po sa labas, a, e, tatawagin ko po. (Papasok). P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa.Marunong kang pumili, Miguel. Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel poy hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana). Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among. P. Teban: Ah, Juana, kamusta? Juana: Mabuti po among. Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo. Miguel: Baka po ako murahin ah! Tadeo: Bakit ka mumurahin? Juana: Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana, tila yata itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting suweldo dahil sa kamiy alipin ng mga prayle; subalit ngayon nga, kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa ang mga patay ay hindi na dinadapit; ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. Juana: Totoo po ang sabi mo. P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin. Juana: Bakit dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko. Miguel: Ay! Aling Juliaay..mamamalapit na po. Julia: Alin po ang malapit na? Miguel: Angangang Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tadeo: Miguel, tayo nat nagkayari na kami ng kaniyang ina. Miguel: Aysalamat (tuwang-tuwa) Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? Tadeo: Ano ba ang sinabi mo? Miguel: Sinabi ko pong ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko! Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na ay? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo? Miguel: Sinabi ko pong malapit na. Tadeo: Malapit na ang alin? Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalata P. Teban: Oo nga, Adios Juana Magpapakumpisal pa. Adios, Julia! Juana, Julia: Adios! Tagpo 4.a Lucas: Magandang araw po! Julia: Lucas! Tuloy ka. Alam mo ba kung nasaan si mamang Tenyong? Lucas: Hindi po. Ngunit kung kailangan niyo talaga ay aking hahanapin siya. Sabihin niyo lang po Julia: Salamat, Lucas. Subalit ang tanging nais ko ay ihatid lamang sa kanya ang sulat na ito. Lucas: Maaasahan niyo pong darating ito sa kanya. Kung wala nap o kayong iuutos, akoy aalis na. Julia: Wala na, Lucas. Sanay makabalik ka agad, ibalita mo sa kanila na wala nang Kastila rito, iniwan at sukat itong bayan. Tagpo 5.a

10

*musika* Tagpo 6.a Kabo: Limang buenas na kayo. Sarhento: Kami ay walang malas pa lamang. Kabo: Hari na kayo Sarhento: At ang rebesino?

IKATLONG YUGTO Lucas: Tao po! Tao poooo (repeat if necessary) Julia: Aba Lucas! Kailan ka dumating? Nakita mo ba siya? Lucas: Kararating ko pa lamang. At opo, nabigay ko na. At wala po siyang sagot. Sa oras na sasagot na siya ay bigla namang dumating ang kaaway Julia: Kung gayoy napapalaban si Tenong? Naku! Hindi kaya masugatan! Kay laking panganib! Lucas: Pinaalis po akod ako ni Kapitan Tenyong at baka raw mapahamak pa ko at wala nang makapagbalita sa inyo. Subalit kung ako lamang ang masusunod ay tutulong po ako sa kanila! Hindi ako natatakot sa mga putok, ang totoo ngay hilig ko ang putukan. Julia: Ano ba ang bilin sa iyo? Lucas: Sabihin ko raw po sa inyo na siyay uuwi na. Julia: Maaasahan ko kaya? Lucas: Marahil po, maliban lang kung.. Kung silay magkaroon ng ligamgam. Sige po, akoy aalis na. Julia: Oo, Lucas. Marami na kong utang sayo. Tagpo 2.a

11

Miguel: Julia, salamat at ngayoy napapanood ko na ang liwanag ni Febo Julia: Narito na naman ang ulol na ito.. Babanggitin uli ang buwan, araw at mga bituin.. Pagkatapos ang ulan, alimuum at huni ng ibon Miguel: Bakit ba ayaw mo kong sagutin? O talang maliwanag, daig mo ang araw na bagong sumikat. Julia: Miguel, totoog masakit na ang ulo ko. Huwag mo akong kausapin. Bawat tunog na nadidinig ko ay tila nginangatngat ng aso ang ulo ko, at ang kumausap sa akin ay ibig kong Miguel: Bakit baa yaw mo kong sagutin? Julia: Masakit ang ulo ko. Miguel: Ay, sumagot din! Salamat at akoy iniibig mo na. Julia: At sino naman ang nagsabi sa inyo niyan? Miguel: Sinabi mo na ang kumakausap sa iyoy ibig mong Julia: (laugh) Ulol nga pala? Ang kumausap sa akin ay ibig ko nang dikdikin. Naintindihan mo ba? Marteng matapang Julia: Tenong, nilimot mo na ako! --music Tagpo 3.a Juana: Miguel, bat naguumiyak si Juana? Anong ginawa mo? Miguel: Kinausap ko lamaong po tapos pumadiyak-padiyak na at akoy iniwan *tinatawag ni Juana si Julia* Juana: Kinakausap ka lamang ni Miguel tapos nagalit ka na? Julia (sa sarili): Aba nakapagsumbong pa ang tunggak! Julia: Sinabi ko pos a kanyay huwag akong kausapin sapagkat masakit po ang ulo ko. Ngunit lalo pa niya akong kinausap at sinabi pang ako si Febo, tala, Venus at marami pang kaulolan. Juana: Ganoon naman pala eh. (Kay Miguel): Julia lang ang itatawag mo sa kanya. Ayaw niyang pagwikaan ng mga tala, Venus.. Siya nga pala, ang tatang moy hindi ba paririto? Miguel: Patungo nap o rito, dumaan lamang sa bahay ni Fiscal Manuel.. Hindi naman po siya engrandeng engrande, subalit pumunta siya roon para pasindahan ang lahat ng simbahan.. at sisita pa raw po ang lahat ng orquesta Julia (sarili): Tunggok na nga, manununog pa! Tagpo 4.a

12

Miguel: Ah, narito na po si Tatang Tadeo: Ano balae, hindi ba nagkakasakit? Juana: Wala naman pong nagkakasakit sa amin. Kamusta naman po kayo? Tadeo: MAbuti, parehas pa rin ng dati. Si Miguel lamang ang palaging sinisinat Si Julia? Juana: Narito po. Julia! Julia! Pumarito ka, tinatanong ka ng magiging biyenan mo. Tadea: Hija, ibig koy ikaw ang pipili ng damit mong bibilhin.. Juana: Opo Julia (sarili) Kay bigat nga naman talaga ng duko ko sa matandang ito, mukha ngang manununog. Tadeo: (to Juana) Balae, ako sanay may ipakikisuyo sa iyo na isang mumunting bagay. Huwag na nating hintayin pa ang ikadalawamput lima; sa araw ng Sabadong darating ay iraos na natin ang mga bunso. Julia: Ano itong narinig ko?! Ibig pang pabilisan ang pagsabi ng mabangis na kamatayan! Mga walang awa! Juana: Tatanungin ko po si Julia kung pumapayag siya. (to Julia) Julia ipinakikiusap ng biyenan mo na sa Sabado na lang daw ang kasal. Julia: Inang, sabihin mo pos a kanila na antabayanan ang araw na napagkasunduan! Bakit po minamadali nila? Juana: Siyanga po naman, maghintay na po tayo.. Tadeo: Miguel, maghintay na! Ikaw ay umuwi na at dumaan kay Fiscal Manuel. Sabihin mo sa kanya na hindi na matutuloy sa Sabado. Tagpo 5.a Recitado: Magsilayo kayo, akoy bitiwan Dumating na ha, ha, ha Sugatan lamang Lumayas ka Miguel, huwag na matingnan Kay Tadeo: ikaw matanda kay Kitay uunatan Mga walang awa, ah mga kuhila! Koro, may bandat orchestra Koro (sigaw) Mabuhay ang Filipinas, mabuhay ang kasal! *kanta* Miguel: Julia! Nasan ka na? Naghihintay na si Pari Teban! Ano bang tagal ng salubungan yan? Napakatagal nga naman talaga! Julia: Pakasal kang mag-isa mo. Miguel: Kay sama naman ng sagot nito! Aling Juana, sabihin mo p okay Julia na totoong tanghali na. Magaalas-dose na nga yata eh!

13

Juana: Julia naghihintay na raw si Pari Teban Julia: Hayaan niyong maghintay siya! Si Tenong poy mamamatay na Kaaawa-awa naman, hindi po dapat iwan. Juana: Mamamatay pala! Ginoong Heneral, masama raw po ang lagay ni Kapitan Tenong. Heneral: Ginoong medico! Tignan niyo nga po ang Kapitan Tenong! Mamamatay pala.. Ginoo, mangyaring tawagin ang kura nang makapagkumpisal ang Kapitang Tenong Miguel: Hindi po, ako nap o ang tatawag Kura: Akoy may ipahahayag sa inyo na isang malaking bagay ang Kapitan Tenong na sa oras na itoy lilipat sa baying tahimik, ay may huling kahilingan. Ipinagmamakaawa niya sa iyo Juana, at kay Ginoong Miguell, na yayamang siya ay mamamatay rin sa oras na ito, ay mangyaring ipakasal sa kanya si Julia Juana: Ipakasal sa kanya si Julia?! Bakit? *nagtatanong din sina Miguel at Tadeo* Kura: Sapagkat noon p amay may kasunduan na silay magpapakasal sa oras na ito. Juana: Julia, halika. May salitaan nga ba kayo ni Tenong? Julia: Inang, ang tao pong nasa mahalagang oras ng kamatayan, at malapit ng dumulok sa hukuman ng Diyos ay hindi na nagsasasabi ng kasinungalingan. Juana: AH totoo nga! Lilong anak! Sukab na pamangkin! Julia: Inang! Juana: HINDI KITA ANAK! *kanta parts*

14

You might also like