You are on page 1of 7

Simula pagkabata, pangarap ko na ang maging isang guro katulad ng aking mga magulang.

Naaalala ko pa noong sampung taon ako, madalas kaming maglaro ng aking mga kaibigan ng titser-titseran, at sa tuwing ginagawa namin iyon, masaya ako at talaga namang ramdam na ramdam ko ang pagiging isang guro. Gayun din nang akoy mag-hayskul. Tuwing pinag-uulat ako sa aming klase, todo-todo ang aking paghahanda at ang aking pag-aaral ng paksa, kayat puno ako ng kumpyansa sa sarili kapag dumating na ang araw ng pag-uulat. Bukod sa matataas na grado, marami rin akong inaning papuri mula sa aking mga kamag-aral. Si Roma talaga ang Best Reporter, ang sabi pa ng ilan. Akala ko noon, lahat ng tao ay nangangarap maging guro, o kung hindi man ay may mataas na pagturing sa mga guro. Marami kasi akong kamag-aral noong hayskul na tuwang-tuwang ginagaya ang mga guro namin na iniidolo nila. Kaya nga sa tuwing may nagtatanong sa akin kung ano ang gusto kong maging sa hinaharap, buong pagmamayabang kong sasabihing nais kong maging isang guro. At nagtataka ako sa reaksyong kanilang ibinibigay sa akin, Talaga? Gusto mong maging teacher? na may kahalo pang kakaibang ngiti na noong mga panahong iyon ay hindi ko agad natanto ang ibig sabihin. Lalo na noong nasa ikatlong baiting ng hayskul ako, nagsimula na ang aming mga guro na kausapin kami ukol sa kurso na binabalak naming kunin, at nang sa isang pagpupulong sa bulwagan ay magtanong sila kung sinong nais maging guro balang araw, tila apat o lima lang ang nakataas na kamay na aking nakita, kasama pa ang sa akin. At naroon na naman ang mahiwagang ngiti sa kanilang mukha. Gayon pa man, hindi nawala sa aking sarili ang kagustuhang maging isang guro. Tulad ng dalawa ko pang nakatatandang kapatid, pinakuha ako ng aking mga magulang ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong nasa ikaapat na baitang na ako ng hayskul at kung papalaring pumasa, nakatakda sanang mag-aral sa kampus ng Baguio sa kursong BS Mathematics, dahil nasa Baguio rin ang aking mga kapatid. Sa tantiya ko noon, masyadong mataas ang UP Diliman para sa aking kakayahan at hindi ko inisip kahit kalian na papasa ako doon. Ni hindi ako sigurado kung makakapasa nga ako sa kahit anong UP campus. Ngunit nang makita ko na may kursong B Secondary Education sa Diliman campus, nagbakasakali akong pumasa doon, kayat inilagay ko iyon bilang first choice ko. Ganun katindi ang kagustuhan ko na maging guro. Hindi naman tumutol ang aking mga magulang. Sa awa ng Diyos, pumasa ako sa UP Diliman sa kursong BSEd. Nang malaman namin ang resulta, kinausap ako ng aking guro sa Matematika, at ito ang kanyang sinabi: Si Roma, sinayang yung talino niya sa Math. Nag-eduk lang. Sana nag-BS Math ka na lang! Halos hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Isang malaking tanong ang pumuno sa aking isip: BAKIT? Kayat tinanong ko ang guro kong iyon kung anong ibig niyang sabihin. At ang sabi niya, kapag BS Math ang tinapos ko, maaari pa rin akong magtuloy sa pagtuturo at umakyat sa iba pang propesyon kung nanaisin ko man. Ngunit kapag BSEd, talagang teacher lang daw. Teacher lang! Nang mga sandaling iyon, gulong-gulo ang isip ko. Kung sa bagay, may punto nga siya mas marami talagang oportunidad kung BS Math ang tinapos kumpara sa BSEd. Ngunit wala naman akong ibang nais gawin (at alam gawin) kundi ang magturo ng Matematika sa mga mag-aaral na hayskul balang araw.

Ngunit ang pinakagumulo sa isip ko ay kung paano niya siya na napakabait at karinyosong tao, siya na sa lahat ng tao ay hindi ko inaasahang marinigan ng ganoong komentaryo, siya na mismong ang sarili ay guro nasabi ang ganoong bagay? Pagkauwi ko sa bahay noong araw ding iyon, ikinuwento ko agad ang insidente sa aking mga magulang. At noon nga ako namulat sa nakalulunos at masakit na katotohanan. Noon ko lamang natanto ang napakababang pagtingin ng mga Pilipino sa mga guro sa Pilipinas. Sa aming limang magkakapatid, isa ang nagtapos ng BA Psychology, dalawa naman ang sa kursong BS Computer Science, at ako nga ay kumukuha sa kasalukuyan ng BSEd. Ang sabi ng aking ina, lahat daw halos ng aking mga kapatid ay nais magturo pagkatapos mag-aral, ngunit hindi nila pinayagan ng aking ama dahil mahirap daw maging isang guro, at mababa nga raw ang estado ng mga guro sa lipunan, bukod pa sa mababang sweldo na natatanggap nito. Iniisip ko nga kung bakit sa lahat-lahat ng kanilang anak, ako ang pinayagan nilang kumuha ng ganoong kurso. Kung dahil ba sa mababa rin ang tingin nila sakin. Ngunit napag-isip-isip kong nakita lang talaga nila ang kagustuhan sa akin na sundan ang kanilang mga yapak. Nang sa wakas ay makapasok na ako sa UP Diliman, lalo pa akong nalungkot sa aking mga narinig mula mismo sa aking mga kamag-aral sa kolehiyo. Kaya daw kinuha ng ilan ang kursong iyon ay dahil sa mahirap lamang sila at walang pera, kayat wala na silang ibang napagpilian kundi ang mag-guro, kasi raw praktikal ito. Ang sabi naman ng iba, nag-Eduk sila para pagnakatapos na sila ng pag-aaral ay makapagtrabaho sila sa ibang bansa. Ang katuwiran naman ng ilan, kinuha nila ang kursong iyon para lamang madaling makapasok sa UP at plano rin nilang lumipat agad ng kurso, kumbaga stepping stone lang daw ang Eduk. Paminsan ay binibiro pa ako ng aking mga kaibigan na kaya daw ako pumasa sa UP Diliman ay dahil Eduk ang kurso ko, na kesyo kaunti lang daw ang kumukuha noon, at non-quota pa! Ang sabi pa ng isang propesor mula sa aming kolehiyo, ang College of Education daw ang universal recipient sa UP. Dahil kapag daw ang isang estudyante ay hindi na makayanan ang hirap ng pag-aaral sa mga quota courses, sa Eduk din daw ang bagsak! Naalala ko pa sa isang asignatura namin (Educ 100), naatasan kaming panoorin ang pelikula ni Alessandra de Rosi na pinamagatang Munting Tinig. Ipinakita doon ang napakababang pagtingin sa mga guro. May eksena pa doon kung saan sinabi ng isang magulang sa kanyang anak, Napakaboba mo! Mag-teacher ka na nga lang! Nang mga panahong iyon, bumalik sa aking alaala ang mga mahiwagang ngiti na nasaksihan ko noon, at nabigyang-kahulugan ko na iyon. Para bang sinasabi nila sa kanilang isip, Nakakaawa naman ang taong ito balang araw kapag naging guro na siya, o di kayay Naku, maaga itong tatanda dahil sa kunsumisyon! o kaya namay, Bakit kaya gusto niyang maging teacher e matalino naman siya? Bakit sila ganoong mag-isip? Bakit napakababa ng tingin nila sa pagtuturo? Ang sama-sama ng loob ko noon. Naririndi na ako sa masaklap na katotohanang umaalingawngaw sa paligid. Paulit-ulit pa na parang nananadya nangungutya.

Unti-unting nabago ang aking pananaw sa pagiging isang guro. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahiya at kababaan. Kayat kapag may nagtatanong sa akin kung ano ang kurso ko, may pagaalinlangan kong sinasabi ang Eduk, habang ang iba ay mga Engineering, Political Science, Biology, Economics. Unti-unti, nakaramdam ako ng inis sa aking sarili. Bakit ko ba nararamdaman ang ganito? Bakit ba ako masyadong nababahala sa iniisip ng iba? Hindi bat ito naman ang pinangarap ko simula pa pagkabata? Bakit ko minamaliit ang aking sarili? Bakit ko ikinahihiya ang aking pangarap? Matagal-tagal din akong nakaramdam ng ganoon maraming tanong, pagkalito, pagdaramdam. Hanggang sa napagtanto ko na naging katulad na ako ng mga taong kinaiinisan ko. Naging mapanghusga ako. At hindi iyon nararapat. Nagkamali ako na paniwalaan at panindigan ang mga pang-aalipustang naririnig ko ukol sa mga guro. Oo ngat ito ang realidad na talagang mababa ang pagtingin sa mga guro sa ating bansa, ngunit hindi ibig sabihin na ang pagtingin ng nakararami ay siya nang tama. Marami ang hindi nakakaunawa sa propesyon ng pagtuturo. Hindi nila naiintindihan ang tunay na kahalagahan nito. Ang aking mga magulang ay parehong naging guro. Sa katunayan, ang aking ina ay naging guro sa buong paghahanapbuhay niya, sa loob ng mahigit tatlumpung taon. Ang mga gurong ito ang nagbigay sa aming limang magkakapatid ng maganda at maayos na pamumuhay. Ang mga gurong ito ang nagtanim sa amin ng kagandahang asal at sumubaybay sa amin upang kamiy maging mga mabubuting mamamayan. Ang mga gurong ito ang nakapagpaaral sa amin, at nagsilbing gabay namin sa paggawa ng aming mga takdang aralin paguwi sa aming bahay. Ang mga gurong ito ang nagsumikap sa pagtatrabaho upang hindi kami maghirap at upang mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Ngayon, ano ang kahiya-hiya doon? Ang mga guro ang nagsisilbing pundasyon ng edukasyon. Kung walang mga guro, sino na ang magtuturo sa mga paaralan? Kung walang mga guro, wala ring mga engineers, computer scientists, economists, biologists. Walang magsisilbing tulay sa mga luma at bagong kaalaman. Ang hindi alam ng karamihan, wala naman talagang pinagkaiba ang Eduk sa mga quota courses na iyan kung hirap rin lang ang pag-uusapan. Kanya-kanyang hirap yan, at kanya-kanya ring kalakasan. Kaya nagmumukhang madali ang isang kurso ay dahil sa iyon ang larangan o specialty ng isang tao, o di kaya iyon ang talagang nais niyang gawin. Kung titingnan ang kurikulum checklist ng isang mag-aaral ng UP BSEd, kinakailangan niyang magtapos ng sumatotal 151 units 45 units ng GE courses, 37 units ng Education courses, 42 units ng Major courses (sa kaso ko, Matematika ang aking major), 18 units ng Minor courses, 6 units ng Language electives, 3 units ng Mandated course (PI 100), at nararapat ding kumuha ng apat ng PE courses at dalawang CWTS courses. Tulad ng ibang kurso, marami ring teoryang kailangang pag-aaralan, gabundok na papel pa ang kailangang isulat, at may practicum din na kailangang tapusin sa Eduk. Hindi biro ang maging BSEd student. Sa totoo lang, malaki ang pangangailangan ng ating bansa sa magagaling at mapagmalasakit na mga guro. Ang mali at mababaw na pananaw sa propesyon ng pagtuturo ang nagiging dahilan

nito. Nanghihinayang ang lipunan sa tuwing may mga matatalino at marurunong na mag-aaral na magpapasya lamang na mag-guro itoy isang malaking kalokohan! Sino ba ang inaasahan nilang maging guro, iyon bang mga wala lang ibang mapagpilian kayat nag-teacher na lang? Sino ba ang inaasahan nilang magturo sa kanilang mga anak, iyon bang mga walang alam? Iyon ba ang nais nila? Kung gayon, ano pa nga ba ang aasahan nating mangyari sa edukasyon sa bansang ito na tila unti-unti nang bumabagsak? Kung ganito ang pagtingin natin sa sitwasyong ito, hindi na tayo dapat magtaka sa nabubulok na sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang propesyon ng pagtuturo ay higit pa sa isang hanapbuhay, higit pa sa pagkita ng salapi. Sa ganitong propesyon kinakailangan ng responsibilidad, pagmamalasakit, at pagmamahal hindi lamang sa sarili kundi sa bansa at pati na rin sa karunungan. Katulad ng liderato, hindi lahat ng tao ay angkop maging guro. Naalala ko ang pag-uusap namin noon ng tiyahin ko na isa ring guro. Tinanong niya ako kung bakit ko gustong mag-titser. Ang sagot ko naman ay dahil dakila ang propesyong ito. Matapos kong magsalita ay ibinalik ko sa kanya ang tanong. Ang sagot niya, hindi sa gusto ko iyon, kundi linya ko iyon. Hindi lahat ng tao e pwedeng mag-titser, dapat nasa linya mo. At sumasangayon ako sa paniniwala niyang iyon. Marahil kahit hindi niya nais talagang maging teacher ay naramdaman niya ang tawag ng pangangailangan, at sinunod niya ito dahil alam niyang may kakayahan siyang tugunan ito. Hindi bat wala naman talagang dahilan upang bigyan natin ng ganoon kababang pagtingin ang pagiging guro? Bagkus, dapat nga natin itong bigyan ng mataas na pagkilala, dahil sa kabila ng napakaliit na sweldo, napakahirap na trabaho ang ginagampanan ng mga guro. Sa halip na isipin natin kung pasado ba sa ating paghuhusga ang pagiging guro, tingnan muna natin ang ating sarili kung pasado at karapatdapat ba tayong maging guro. Isinulat ko ang lathalain na ito bilang panawagan na baguhin na ang maling paniniwalang ukol sa pagiging guro. Para sa akin, sigurado na ako sa aking mithiin sa buhay at ipinagmamalaki ko ito at iyon ay ang pagiging isang magaling na guro balang araw. Masasabi kong mas matatalino tayo sa mga ibang lahi dahil mas marami tayong nalalamang wika kaysa sa kanila. Ang mga Pilipino kahit na hindi ganon kagagaling sa Ingles ay kahit papano nagagawa natin itong gamitin at naiintindihan natin ito. Ang mga Pilipino ay maraming ibat ibang alam na wika. nandiyan ang Tagalog, Sebuano, Ilokano, Bikol, Waray, Kapampangan, at Pangasinense. Ang ating bansa ay mayaman sa wika kung saan habang tumatagal ay lalo pa itong napapaunlad. Naging isang dahilan ito kung bakit naging matatag na bansa ang Pilipinas. Kahit na ibat iba ang ating wika ay nagkakaisa pa rin tayo. Hindi naging hadlang ang maraming wika ng Pilipinas upang magkaisa-isa ang mga tao. Kahit na binubuo tayo ng magkakahiwalay na pulo, ay nagagawa pa rin nating magkabuklod buklod. Hindi nawawala sa ating puso at isipan ang pagiging Pilipino. Mapapansin natin na marami ang mga Pilipino ang mga lumaki sa ibang bansa tulad ng Amerika. Pero hindi nila nalilimutan ang pagka Pilipino nila. Kapag bumabalik sila sa bansa ay magugulat tayo dahil Wikang Filipino pa rin ang ginagamit nila dahil hindi mawawala sa kanilang Puso ang pagka Pilipino. Mamamangha ka dahil kung gano sila kagaling mag Ingles ay ganon pa rin sila kagaling mag Tagalog. Isa lamang dahilan yan na ang ating bansa ay matatag. Nagkakaisa ang bawat tao para sa bayan.

Maraming Wika, Matatag na Bansa Mabuhay ang Pilipinas!


3. Register Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa: sayantipikong register panrelihiyong register pang-akademikong register Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay

Bayani Mendoza de Leon, a well known Philippine-American composer, is also one of the foremost master teachers of the rondalla, a native string ensemble that is dying away in towns and cities of the Philippines. Bayani's rondalla involvement goes back to 1964 when he joined the world tour of the famed Filipinescas Dance Company as an all-around musician, including as a performer on the bandurria, the principal rondalla instrument. Since then, he has developed a passion for not only promoting the rondalla but also elevating it to a serious concert ensemble besides its traditional roles as accompaniment to folk dancing and singing. In 1968, Bayani wrote "BatongBuhay" ("Living Stone"), a symphonic poem for flute, french horn, strings, and rondalla that was premiered by the Centro Escolar University Rondalla. This work won rave reviews and demonstrated successfully Bayani's ambitious aim for the rondalla. Another work of his, "Bahay-Bata"("Mother's Womb"), a chamber piece for bandurria, laud, clarinet, harp, and indigenous percussion, which won an international prize in 1976, furthered the same goal. Bayani has written some 400 arrangements and pieces for rondalla. In San Diego, California where Bayani was initially based, he became a dynamic force in the development of several native ensembles including the rondalla, kulintang-basalan(bossed gong ensenble from southern Philippines) and gangsa-tuppaya(flat gong ensemble from northern Philippines). He founded and nurtured these ensembles as music director of the SAMAHAN Philippine Dance Company and the PASACAT Performing Arts Company. He has been awarded grants by the National Endowment for the Arts to conduct seminars and workshops on Philippine indigenous arts and culture.

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).

Mga Parangal
Humakot ng parangal si Abueg sa gaya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).

Iba pang Gawain


Sumulat at nag-edit ng maraming sangguniang aklat si Abueg at ginagamit magpahangga ngayon sa kapuwa pribado at publikong paaralan, mulang elementarya hanggang hay-iskul tungong kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor. Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University (19651972), Philippine College of Commerce (19711972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (19741977), Ateneo de Manila University (19771978), at De La Salle University (19792006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 19861988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society

Benigno R. Juan
Mula Wikifilipino Jump to: galugad , hanapin

Si Benigno R. Juan ay kuwentista, nobelista, sanaysayista, at editor na naglingkod nang labinganim na taon bilang tagapangasiwang editor ng Liwayway. Sa nasabing panahon, nakasulat siya ng maraming akdang ang iba'y ipinailalim niya sa mga sagisag panulat. Nang magbitiw siya sa Liwayway, lumipat naman siya sa Philippine Journalist, Inc., ang tagapaglimbag ng mga pahayagang People's Journal, Times Journal at People's Taliba, upang maging editor at kolumnista.

Pinatanyag ni Juan ang kaniyang kolum na pinamagatang "Teka Muna," na nagtutuon sa samotsaring paksang may kinalaman sa politika, lipunan, kultura, at personalidad. Nakatoka rin sa kaniya noon ang pahinang laan sa opinyon hanggang ganap na magretiro siya noong 1998.

Edukasyon at Parangal
Si Juan ay nakatapos ng AB Journalism sa Manuel L. Quezon University. Kabilang sa kaniyang natamong parangal bilang manunulat, lider sibiko, at politiko ang sumusunod: pitong ulit na pangunahing gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature; sampung ulit na gantimpala sa taunang Patimpalak ng Surian ng Wikang Pambansa para sa sanaysay; isang ikalawang Gantimpala sa Timpalak Panitik ng Samahang Balagtas,1974; at ikalawang gantimpala, Binhi Award, bilang Manunulat sa Agrikultura sa Pilipino noong 1978 at siyang itinaguyod ng Philippine Agricutural Journalists (PAJ); Outstanding Pasigueo Award sa Literatura at pamamahayag noong 2003; Outstanding Senior Citizen of Pasig City noong 2005. Pinakamabigat na pagkilala ang natamo ni Juan nang bigyan siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 2006. Ang nasabing Gawad Balagtas ay may kasamang tropeong ukit ni Manuel D. Baldemor at sertipiko mula sa pamunuan ng UMPIL.

Pamilya
Asawa ni Juan ang dating guro sa Palatiw Elementary School na si Gng. Juana C. Juan na nagbigay sa kaniya ng limang anak na pawang propesyonal na. Kabilang dito sina Minerva, na isa nang doktora sa isang ospital sa Germany; Ma. Juliana, na biyulinista at guro sa musika; Francis Saturnino, na abogado at ngayon ay Executive Director ng Energy Regulatory Commission; Juan, isang negosyante; at Donato, isang negosyante.

Mga akda
Inilathala ng Ateneo de Manila University Press ang pinakabagong aklat ni Juan, na pinamagatang Malikmata at iba pang Kuwento (2008) na binigyan ng matalim na introduksiyon ni Roberto T. Aonuevo. Nakapaloob sa nasabing aklat ang mga premyadong akda ni Juan, at nagtatampok ng pambihirang pagdama sa buhay ng mga karaniwang tao mula man sa nayon o lungsod. Ginamit din ng awtor ang mga dalumatang bayan, ang mga salitaang matalik sa Tagalog Rizal, at ang kaisipang magmumula lamang sa tao na dumanas na hirap sa buhay. Ang mga kuwento at sanaysay ni Juan ay napabilang din sa teksbuk at antolohiyang gaya ng Hiyas ng Lahi, Sining ng Komunikasyon, Hiyas ng Wika, at Filipino sa Bagong Henerasyon.

You might also like