You are on page 1of 1

REKTA (Aug.

12,2011) Kataga ni Batangenyong Noli


Patuloy tayo sa ating paglilibang para sa siyam na karerang nakahanay ngayong gabi diyan sa pista ng SAP sa Naic, Cavite, pero bago ang ating giya ay may ibabahagi lang muna ako na hindi kinagustuhan ng mga BKs at maging ang inyong lingkod nung mapanood ko ang mga replay sa Youtube. Iyan ay iyong klase ng pagdadalang nagawa sa mga kabayong sina Open Slew nung Martes at kinabukasan naman ay kay Take Me Tonight. Sa laban ni Open Slew sa salida ay medyo nahuli siyang lumabas at animoy nasalto pa (?), pero yung nakasakay ay nakaupo naman. Pagdating sa unang likuan ay natanaw na gumalaw naman at naghabol sa puwestuhan, hanggang sa makakuha ng ikaapat na posisyon at nakalapit sa mga nasa harapan niya. Pagpasok ng medya milya (800mtrs) ay halos nasa unahan na rin siya habang nakapirmis ng husto at naglalaro habang kasabayan na iyong mahigpit na kalaban niyang si Money Queen. Subalit bago mag-tres oktabos (600mtrs) ay nakapitan ng higpit ang renda, kung kayat agad na lumayo ng may mga tatlong kabayo yung katabi niya na patuloy namang inaayudahan nung kalabang hinete. Pagsungaw sa huling kurbadahan ay nakahigit pa rin ang renda at akala moy siya iyong bandera, higit pa riyan habang lumiliko ay kitang-kita pa ang pagmenor at ibinubuka ang kabayong si Open Slew. Sa puntong iyan ay maliwanag pa sa sikat ng araw na super-mega delaying the game ang ginagawang pagdadala sa ibabaw. Tapos nung makalayo-layo na iyong kalabang nasa harapan at tiyaka umayuda ng husto sa nalalabing mga kalahati ng haba sa rektahan. Haay naku, kaya ang overall assestment diyan bukod sa delaying the game ay best actor pa sa ibabaw bilang pakitang-tao. Kaya sa pangyayaring iyan ay tinatawagan ko ng pansin si Kagalang-galang na Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na paki imbestigahang mabuti ang sumakay sa kabayo ninyo at malamang na mayroon sa likod niyan na maaari na ninyong ikambiyo hanggat maaga pa, concern lang naman ho ang inyong lingkod sa mga alaga ninyo na ginagastusan ng labis. Maraming Salamat Mayor in adavance sa gagawin ninyong mabilisang pag-adjust sa kuwadra. Baka nagagamit na angmga alaga ninyo (?) Dumako naman tayo kay Take Me Tonight na maituturing din na hindi pinatakbo ng maayos (?), lalong-lalo na iyong sobrang pag-memanor or pagpigil mula nung makapasok na sa medya milya. Akala nga nung iba ay namilay si kabayo bago lumiko doon sa may pader dahil nawalang bigla sa eksena at nasabi pa nung club announcer na nasa kulelat na. Ang kaso ay nung pagpasok sa huling diretsahan ay andun pa muli at tila kahit sa timbangan ay walang interes maipasok (?) Haaay naku, para bagang isang prosti na yata talaga ang dating ni Ana dahil sa sobrang napakaluwag sa kanyang pista (?) Ano nga bang mayroon diyan sa SAP (?) Kaya ayon sa ating mga bubwit ay mataimtim nilang pinapanalangin na matapos na kaagad ang ikatlong pista o karerahan diyan sa lugar ng Malvar, Batangas upang makalipat na ang kanilang mga alaga mula diyan sa SAP. Teka, eh kung sa kabilang pista kaya ng SLLP naganap at nakita iyang mga hindi pagpapatakbo ng natural sa kabayo na mga bumenta pa naman sa takilya (?) Malamang na ang sasabihin ni kumpareng Batangenyong Noli ng Marulas ang katagang... Ay siya, kapag nagpa-gay-on gay-on sila ay tiyak na kastigo kaagad. Sabay sundot pa ng... Ala eh, sayang ang inyong mga lisensiya at hindi bagay sa inyong propesyon ang inyong ginagawang kalupitan sa industriya ng karera. Amen. Anyway, makaiiging panoorin na lamang ninyo sa computer ang mga replay niyan sa Youtube. I-type lang ninyo sa search kasama ang petsa katulad nito, mhp sap aug. 9, 2011. Panoorin ninyo at rebisahin ding mabuti. Okidoks. Narito na ang ating giya. Race1 : (2) Dehere Song, (8) Run Away Star, (7) Classic Quality. Race-2 : (3) Action Sailor.Race-3 : (4) Lucky Find/Ready To Rumble. Race-4 : (2) Dugo's Sprite, (1) Hot Gossip, (5) Karma. Race-5 : (5) Thief In The Nite, (2) Lakay, (1) Oh Wacky. Race-6 : (2) Pure Energy, (1) Royal Family. Race-7 : (5) A Toy For Us, (1) Devega, (2) Fly Aday Fly. Race-8 : (4) Lucky Lorhke, (6) Go Vinnie, (7) Forest All. Race-9 : (9) Don Exequiel, (4) Winning Habit, (10) Mutiara. Goodluck. Sa pagkakataong ito ay nais kong batiin ng Maligayang Kaarawansila kinakapatid Arthur Carrasco, Jona Dalumpines, Chin-Chin Mendoza, Jockey Louie Balboa, Brother Michael Rojales, Officemate Bhey Cadelina, klasmeyt Lexii Supercrezeesayo at kay Binibing Crizteena Caling. Siyempre pa ay isama ko na rin diyan ang aking Mother Dear na Asuncion Magno at pamangkin na si Jing-Jing De Loyola ng Paraaque City. Akoy magpapaalam muna pansamantala mga klasmeyts, GOD Bless at Diyos Mabalos.

You might also like