You are on page 1of 2

Trinidad Tecson

Si Trinidad Tecson (18


Nobyembre 1848 28 Enero 1928) na
kilala na Ina ng Biyak na Bato at
Mother of Mercy. Si Tecson ay
kabilang sa ilang babaeng Filipino, na
nakipaglaban kasama ang mga
rebolusyonaryong, noong panahon ng
mga Espanyol. Si Tecson ang tinuturing na ina ng Philippine
National Red Cross, dahil sa kaniyang naging tulong sa
kasamahangKatipunero.
Isinilang si Tecson sa San Miguel de Mayuno, Bulacan, na isa sa
16 na anak nina Rafael Tecson at Monica Perez. Siya ay
tinuruang mabasa at magsulat ni Quinto, na isang kilalang guro
sa kanilang bayan. Natutong mag-eskrima sa pamamagitan ni
Juan Zeto, na isang maestro ng eskrima.
Kinatatakutan si Tecson, ng kaniyang mga kalaro at mga
nakakakilala sa kaniya dahil siya ay mahusay mag-eskrima at sa
angkin niyang taas, Tangkad kung tawagin siya ng kaniyang
mga kaibigan. At nang maulila si Tecson, tumugil siya sa pag-
aaral, at sinamang manirahan ang kaniyang mga kapatid sa
kamag-anak.
Noong 19 na taon pa lamang si Tecson, nang siya ay ikasal.
Biniyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak, na sina Sinforoso
at Desiderio. Ang pagbili at pagbenta ng baka ang pangunahing
ikinabubuhay ni Tecson, nagbebenta rin siya ng isda, talaba, at
banagan (lobster) , sa Maynila.

You might also like