You are on page 1of 1

Jackylin Tan May 5, 2008

1NU06 Histo101 Mr. Pepa

Ang bansang Pilipinas ay nainpluwensiya ng Amerika, o kaya Estados Unidos, sa


mundo ng pulitiko.

Hindi pa tayo malaya kahit tayo ay isang demokratikang bansa. Hindi rin tayo
maituturing na “democratic” dahil hindi pa tayo sadyang malaya kasi dinidikta tayo ng
mga matataas na opsiyal.

Alam na natin na nangagaling ang demokrasya sa bansang Estados Unidos. Ang


bansang nito ay may pagkakurakot noong ika-dalawampu dekada. Ito ay maituturing na
pinakakorupt sa mga kapangyarihan industriya. Ang mga “Blacks” at ang mga
kababaihan ay ipinagbawal mag-boto sa eleksiyon. Gumagamit ang mga opisyal ng
maruruming paraan gaya ng pangdadaraya sa eleksiyon, pangungurakot ng pera, at
biolensiya – pagpatay ng kaaway - upang hindi sila mawala sa pwesto. Madumi na talaga
ang paraan ng politika sa Estado Unidos tapos ganito din ang nangyayari sa bansa natin.
Hindi nalang tayo magugulat na ang nagpapakilala ng demokrasya – bilang parte ng ating
pulitiko – ay naging instrumentong nagpapasira ng fundasyon ng demokrasiya sa ating
bansa.

Sa bansa natin, hindi lahat ng mamamayan ay pwede bumoto. Hindi pwede


bumoto ang taong wala pa sa edad ng labingwalo, ang nakatira sa Pinas wala pa sa anim
na buwan, yung hindi marunong bumasa at sumulat at yung mga nasa bilanggo.
Binababoy ng gobyerno ang systema ng pulitiko ng Pilipinas sa pangungurakot ng pera.
Responsibilidad ng COMELEC na mapanatili maayos ant malinis ang eleksiyon. Subalit,
hindi nila ginagawa ang tungkulin nila marahil dahil sa korupsiyon.

You might also like