You are on page 1of 3

DASMARINAS, CAVITE

Ang Dasmarinas ay dating bahagi o visita ng Imus, Cavite noong panahon ng mga Espanyol. Ito ay naging munisipalidad noong 1868 at binigyan ng pangalang Perez Dasmarinas. Ipinangalan ang lugar kay Don Gomez Perez Dasmarinas y Ribadeniera, ang ikapitong Gobernador at Kapitan-Heneral ng Pilipinas. Siya ay galing sa Galicia, Espanya at isa siyang knight of the Order of Santiago. Naging gobernador siya noong Mayo, 1590 hanggang Oktubre 1593. Si Perez Dasmarinas ang unang nagpagawa ng makakapal na haligi ng Intramuros o Walled City. Naglagay siya ng mga artillery dito at siya rin ang nag-umpisang magpagawa ng Fort Santiago. Hinikayat niyang gumawa ang mga taong nakatira sa loob ng Intramuros ng mga bahay-na-bato. Lumakas ang kalakalan ng Pilipinas at Tsina noong panahon niya. Noong Oktubre, 1593, naglunsad siya ng ekspedisyon papuntang Moluccas ngunit siya ay pinatay ng mga Tsinong kinuha niya para magsagwan ng barko. Dahil sa pagkamatay niya nagpalikha ang kanyang anak na si Luis Perez ng imahen ng Our lady of the Rosary of La Naval. Mahahalagang Pangyayari: Ang lalawigan ng Cavite ay isa sa mga pinagsimulan ng himagsikan laban sa mga Espanyol. Naging madugong lugar ang Dasmarinas noong himagsikan. Sa Pasong Santol nakipaglaban sa Heneral Emilio Aguinaldo sa mga pwersa ni Gobernador Jose Lachamber noong 1897. Dahil sa pag-aaklas ng gobernadorcillo ng Dasmarinas noong 1896, dumating ang mga pwersa ng Espanyol at sinira ang buong bayan. Halos kalahati ng populasyon ang namatay at maraming gusaling nasira. Tinawag itong Battle of Perez Dasmarinas. Sa Kasalukuyan: Sa ngayon, ang Dasmarinas ay isang maunlad at mayamang siyudad ng Cavite. Ito ay sentro ng mga economic growth. Maraming mga industriya, paaralan at mga subdibisyon ang matatagpuan dito. Nasa Dasmarinas ang First Cavite Industrial Estate,

De La Salle University- Dasmarinas at iba pang mga mahahalagang institusyon. Noong 2007, ang Dasmarinas ang ika-labing-isang pinakamalaking lungsod sa bansa ayon sa populasyon nito at ang pinakamayamang local government unit sa Cavite.

Mahalagang alalahanin na may mga lugar sa Pilipinas na ipinangalan sa ilang mga Espanyol. Ito ay upang magunita natin ang mayaman na kasaysayan ng ating bansa at ang kontribusyon ng mga Espanyol sa ating kultura. Kapag nalalaman natin ang tungkol sa mga pinagdaanan ng unang mga Pilipino, lalo nating maipagmamalaki ang ating lahi at pagka-Pilipino.

http://philmuseum.tripod.com/natartist.htm http://www.filipiniana.net/publication/letter-of-the-governor-of-filipinas-don-luis-perezdasmarinas-informing-his-majesty-of-the-poor-reception-the-portuguese-gave-his-cousindon-hernando-de-castro-whom-he-sent-to-look-for-the-galley-that-the-chinese-whomutinied-and-killed-his-father-took-and-brought-to-cochin-china-etc/12791881602907/1/0 http://www.zamboanga.com/html/Spanish_governors_of_the_philippines.htm http://en.wikipedia.org/wiki/Luis_Prez_Dasmarias http://sinupan.blogspot.com/2008/05/history-of-dasmarias.html http://www.dasmarinas.gov.ph/ http://www.cavite.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=212&Itemid=1 49 http://en.wikipedia.org/wiki/Dasmarias http://www.experiencefestival.com/dasmarias_cavite_-_history http://sinupan.blogspot.com/2008/05/history-of-dasmarias.html http://www.flickr.com/photos/10104161@N08/4476184378/ http://cityofdasmarinas.blogspot.com/

You might also like