You are on page 1of 2

Ang Susi at ang Biblia

Minsan, may isang binatang malapit ng magtapos sa kolehiyo. Bago pa ang araw ng kanyang pagtatapos, matagal na niyang pinangarap ang isang magarang sports car na kanyang nakita minsan na nkadisplay sa showroom ng isang brand ng oto sa Makati. Dahil ang kanyang ama ay matagumpay sa larangan ng negosyo, at kayang-kaya niyang bilhin kaagad iyon para sa kanya, kaagad na sinabi ng binata ang kanyang mithiin sa kanyang ama.

Hindi nagtagal pagkatapos makabalik ng binata sa kanyang silid, tinawag siya kaagad ng kanyang ama. Inisip ng binata na marahil ay ibibigay na ng kanyang ama ang kanyang hinihingi. Yinakap siya ng mahigpit ng kanyang ama at sinabing mahal na mahal niya ito, sabay abot ng isang regalong magarang nakabalot.

Dumating ang araw ng kanyang pagtatapos. Maagang nagising ang binata. Sabik na sabi, at naiisip na niya ang magara at makintab na sasakyan na ireregalo sa kanya ng kanyang ama. Pumunta siya sa garahe upang subukang tingnan kung doon itinago ng kanyang ama ang kotse ngunit wala doon iyon. Malungkot na bumalik ang binata sa kanyang silid, ngunit di parin ito nawalan ng pag-asa dahil alam niyang mahilig ang kanyang ama sa sorpresa.

Dahil sa mga tanong sa kanyang isipan, binuksan ng binata ang regalong noon ay nakabalot. Isang napakagandang Bibliya ang laman noon, na yari sa balat, at sa harapan nito ay naka-ukit ang pangalan ng ng binata. Sa halip na magpasalamat ay nagalit pa ito sa kanyang ama at pinagsabihan ng mga masasakit na salita. Pagkatapos mismo ng kanyang pagtatapos ay naglayas ang binata.

Matapos ang ilang taon, naging matagumpay ang binata sa kanyang buhay, nagkaroon ito ng sariling negosyo, nakabili ito ng sarili niyang kotse, bahay at lupa, nakapag-asawa, at nagkaroon ng tatlong supling. Noon niya naalala ang kanyang ama, at napagtanto na marahil ay panahon na upang muli siyang bumalik sa kanyang ama dahil

ang huli nilang pagkikita ay noong araw pa ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Bago pa siya makapaghanda ng kanyang mga gamit upang bisitahin ang kanyang ama ay isang telegramang naglalaman ng masamang balita ang dumating sa kanilang bahay. Namatay na ang kanyang ama, at ang lahat ng kanilang ari-arian ay siya ang naging tagpagmana.

Pagkabalik niya sa kanilang lumang tahanan, sa burol, ay napuno siya ng lungkot at pagsisi, ngunit huli na ang lahat. Humingi man siya ng tawad sa bangkay ng kanyang ama ay wala na siyang aasahang mahigpit na yakap tulad noon. Ngunit ginawa parin niya iyon.

Pagkatapos ng libing ay naisipan ng binata na muling pumasok sa silid ng kanyang ama. Doon ay nakita niya ang mga paboritong bagay nga kanyang ama- ang jaket na kanyang suot kapag malamig, ang silyang de tumba kung saan siya nagpapahinga pagkatapos kumain. Nakasabit din sa dingding ang isang larawang kuha noong pitong gulang palang ang binata, kasama ang kanyang ama, noong una niyang beses na makasakay sa kabayo. Doon ay nakita din niya ang regalong Biblia ng kanyang ama. Kung paano niya itong iniwan noon ay ganun na ganun parin ang hitsura. Napuno ng lungkot ang binata dahil nawari niyang hindi niya pinahalagahan ang regalo ng kanyang ama.

Binuksan niya ang Bibliya at napansin niyang binigyang pansin ang isang bahagi dito, Mateo 7: 11-

Kung kayo na masama, ay marunong magbigay ng mga mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Ibibigay niya nag mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya!

Noong kanyang isara ang Biblia, biglang mayroong nahulog mula dito. Isa itong susi ng kotse na idinikit sa likod ng Biblia. Ito ang susi ng regalo ng kanyang ama para sa araw ng kanyang pagtatapos.

You might also like