You are on page 1of 2

5 DIMENSYON SA PAGBASA 1. Pag-unawang Literal - pagfokus ng atensyon sa mga ideya at info na maliwanag na sinasabi ng babasahin.

- Pagkuha ng pangunahin, literal, at tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha ng kahulugan ayon sa paggamit sa pangungusap. - Pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa. 2. Interpretasyon - pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at taludtod kung tula. - Pagkuha ng malalim na kahulugan bukod sa mga nakuha na literal na kahulugan - Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinabi ng may-akda. - Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may-akda kasama pati ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan nito - Pagkilala ng tunay na hangarin at layunin ng may-akda. - Mabigyang kahulugan ang kaisipan ng may-akda 3. Mapanuring Pagbasa - pagbibigay-halaga ng katumpakan ng pagbabasa - tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular na suliranin - pagbibigay ng sariling reaksyon ukol sa mga kaisipang natutuhan o tungkol sa akdang nabasa 4. Aplikasyon - malaman ang kahulugan ng nilalaman ng binasa sa karanasan ng bumabasa - madagdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili - pagpapahalaga sa lipunan o paligid 5. Pagpapahalaga - pagdama sa kagandahan na ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento - pagbasa upang matugunan ang bisa ng sikolohiya ng pamamaraan ng mayakda o masining na elemento nito. - Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin.

1. pag-unawang literal 2. pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may akda lakip ang mga karagdagang kahulugaan 3. pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad 4. pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa. 5. paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.

You might also like