You are on page 1of 1

Pagbuo ng Konseptong Papel Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat.

Gabay ito sa mga hakbaning nais isagawa mula sa simula hanggang sa katapusan ng pagsisiyasat. Nagsisilbi itong outline o istruktura ng kabuuang pag-aaral. Dito nakapaloob ang mga sumusunod: 1. Paksa: Ano ang paksang nais mong gawan ng akademikong papel? Ang paksa ay maaaring mga suliranin o isyung napapanahon, mga bagay na kung saan ka interesado, o mga usaping may kinalaman sa kursong kinukuha mo o mga isyung kasalukuyang pinag-uusapan sa bansa o sa lipunan kung saan ka kabilang. 2. Tulak o Rasyunal. Ito ay tumutukoy sa kaligiran ng suliranin. Mga impormasyon ito na may kinalaman sa paksang nais talakayin. Naguumpisa ito sa mga sitwasyon sa pangkalahatan hanggang sa particular na lokasyon (general to specific). Saan mo nakuha ang inspirasyon upang piliin ang paksang iyong gustong siyasatin. 3. Layunin. Ano ba ang gusto mong malaman batay sa paksang napili mo? Ano ang gusto mong mabigyang linaw? Ano ang gusto mong mapatunayan? Ang layunin ng paksang nais siyasatin ay puwedeng isulat sa paraang patanong. 4. Panimulang haka. Ito ay panimulang tugon sa nais tunguhin ng paksang sinisiyasat. Base ito sa mga layunin inilatag. 5. Metodolohiya. Ang mga katanungan sa ibaba ang madalas tinutugunan ng bahaging ito. a. Ano ang metodo na karapat-dapat gamitin sa aking pagsisiyasat? (descriptive o experimental) b. Sinu-sino ang aking mga respondents (tagatugon) o sinu-sino ang mga dapat kong pagkuhanan ng mga datos? c. Kalian ko dapat isagawa ang pagsisiyasat o pangangalap ng datos? d. Anu-ano ang mga instrumentong aking kakailanganin upang makalap ang mga kinakailangan kong datos? e. Ano ang aking gagawin sa mga nakalap na datos. Paano nito masasagot o matutugunan ang mga layunin ng pagsisiyasat?

You might also like