You are on page 1of 3

Paano nagkakaroon ng Rabi sang Isang tao?

Ang rabis ay isang inpeksyon na dulot ng isang virus na may parehong pangalan (rabies virus). Naikakalat ang virus na ito sa pmamagitan ng laway o kagat ng isang hayop na may rabis sa isang tao. May ilang kaso na ang rabis ay nakuha ng malagyan ng laway ng hayop na may rabis ang sugat ( open wound) o napunta ang laway sa bibig at mata. (kung didilaan ng hayop ang bukas na sugat ng isang tao). Mga hayop na maaring magdulot ng rabis Mga Hayop na alaga sa bahay o sa bukid at maging mga ligaw na hayop. Aso Pusa Baka Kambing Kabayo Kuneho Paniki Unggoy

y y y y y y y Sintomas

Hindi kaagaran lumilitaw ang tanda at sintomas ng rabis, nakikita ang mga senyakes na ito sa kalaunan ng inpeksyon karaniwan mga ilang araw bago mamatay ang taong may rabis. Ang mga tanda at sintomas ay ang sumusunod: y y y y y y y y y y y Lagnat Sakit ng ulo Pagkabalisa (agitation) Pagkabahala (anxiety) Pagkalito (confusion) Nahihirapang lumunok Paglalaway Takot sa Tubig (hydrophobia) dahil sa hirap sa paglunok Nakakakita ng mga bagay na hindi naman totoo (Hallucinations) Hindi pagkakatulog ( insomnia) Bahagyang pagka paralisa

Mga Pangunang Lunas

1. Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito
maaari, hanapin ang bakas ng kagat. Ang bakas ay maaaring matagpuan sa halos ano mang

parte ng katawan ngunit kalimitang nasa mukha, kamay, braso at binti. Ang kagat ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa balat o di kaya simpleng galos lamang. Dahil sadyang madiin ang kagat ng aso, maaari itong magdulot ng punctured wound o butas na sugat.

2. Kapag nakagat ng hayop, ang unang dapat gawin ay linisan nang mabuti ang sugat gamit ang
tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.

3. Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies.
Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidone-iodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat.

4. Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari (kung alagang hayop ang
nakakagat) at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. Kung mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag nang tangkaing hulihin ang hayop kung walang makakatulong na talagang marunong dahil baka madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot. Tandaan rin na may posibilidad na naipasa na ang rabies kahit wala namang halatang ebidensiya ng kagat, halimbawa sa mga kasong paniki ang pinanggalingan ng atake. Kailan nararapat pumunta sa Doktor? Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus. Karaniwang ibinibigay ang bakuna laban sa rabies kung hindi matagpuan ang hayop para maobserbahan. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic (madalas panggagalingan ng mga kaso) ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit. Depende sa timbang ng pasyente ang dosis na ibinibigay. Batay sa rekomendasyon ng Advisory Committee for Immunization Practices (ACIP), mainam kung ituturok ang kalahati ng dosis sa mismong lugar ng kagat. Ginagamit ring bakuna ang hyperimmune equine rabies serum at Human diploid cell vaccine (HDVC).

Mga Paraan upang makaiwas sa rabis Ito ang mga paraan: y Pabakunahan ang mga alagang hayop. Ang mga alagang hayop gaya ng aso, pusa o kuneho ay maaring bakuhan, pumunta sa beterenaryo upang malamang ang dapat na iskedyul ng bakuna.

y y

Itali ang mga alagang hayop. Panatilihin ang mga lagang hayop sa loob ng bakuran mkatutulong ito upang hindi rin mahawa ang mga alaga sa ibang hayop. Ireport ang mga ligaw na hayop sa otoridad. Huwag rin lapitan ang mga ligaw na hayop lalo na kung ang mga ito animoy hindi takot sa mga tao.

Source: http://www.mayoclinic.com/health/rabies/DS00484/DSECTION=prevention http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Rabies

You might also like