You are on page 1of 12

Korupsyon sa Pilipinas: Isang pagsasakonteksto Ni Jo Lontoc

Ayon sa ilang mga dalubhasa, tayo raw mga Filipino ay ipinanganak na walang tiwala sa gobyerno. Marahil, likas na nga sa mga mamamayang matagal na napasakop na magkimkim ng galit sa mga kapangyarihang kadalasa y bumibiktima sa kanila, umaagaw sa kanilang mga lupa, sumusupil sa kanilang kalayaan, nagdidikta kung saan sila tutungo. Kumbaga, nadidiin sa sensibilidad na ang pamahalaan ay likas na mapang-abuso. O kung hindi man ay sagabal lamang. Imbes na maging kinatawan ang gobyerno ng tao ayon sa prinsipyo ng demokrasya, ang mga tauhan nito ay nag-iibang-anyo habang naluluklok sa kapangyarihan at nagiging kinatawan na lamang ng iba pang mga interes, hindi ng bayan.

Nakuha natin ang ganitong impresyon sa pamahalaan mula sa ating mga karanasan sa ilalim ng Espanya, ng Amerika, ng Japan, at kahit sa sarili nating mga gobyerno, lalung-lalo na ang gobyerno ni Marcos. Sapagka t walang gobyernong mangangalaga sa interes ng lahat, ang mga may kaya sa bansa ay natutong protektahan ang kanilang mga sarili, marami ang nagpapatatag ng kani-kanilang mga angkan, o nagtribu-tribo. Napasok sa atin ang kulturang parokyal.

At nang mawalay ang mga dayuhang mananakop, ang gobyerno ay naging ekstensyon na lamang ng kulturang ito. Ang estado ay naging isang malaking sabungan ng mga parokyal na interes.

Kaya t naging natural ang korupsyon sa gobyerno. Ang paggamit kasi sa posisyon sa gobyerno sa pansariling interes ay popular na konsepto ng korupsyon. Ngayon nga, ang impresyon natin sa pamahalaan ay wala nang pinag-iba sa mga

pamahalaan ng mga mananakop noong sinauna. Hindi rin nagbago ang istruktura ng lipunan. Nagawa ng dati nang makakapangyarihan na manipulahin ang pamahalaan upang pangalagaan ang kanilang mga interes. Sino nga ba ang gustong baguhin ang status quo, kahit di makatarungan, kung pabor ito sa kanila? Samantala, ang mga mahihirap ay wala pa ring boses; at ang panggitnang uri naman ay winatak-watak ng mga isyung etnisidad, lengguwahe, heografiya, relihiyon, distinksyong urban-rural, at iba pa, na may sari-sarili ring mga interes.

Samakatwid, may malaking bangin sa pagitan ng gobyerno at pangkalahatang publiko bunga ng korupsyon, lalung-lalo na kapag nalingat ang huli sa pagbabantay sa una na mas madalas ay nangyayari simula nang hindi magkapalagayan ang gobyerno at pamahalaan. Kumbaga, alienated na ang pangkalahatang publiko sa gobyerno. Ito ang karakter ng korupsyon sa Pilipinas na isinasakatuparan ng tradisyunal na uri ng pulitika na pinamumugaran naman ng mga trapo o tradisyunal na pulitiko.

Marami pang mga salik ang iniuugnay sa ganitong klase ng balintunang relasyon sa pagitan ng gobyerno at mamamayan na nagpapasiglang lalo sa korupsyon, ayon sa mga dalubhasang sina Emmanuel de Dios at Ricardo Ferrer ng UP School of Economics at Philippine Center for Policy Studies sa kanilang pag-aaral na pinamagatang Corruption in the Philippines: Framework and Context na nalathala sa Public Policy (vol. 5. no. 4), pandalubhasang lathalain ng UP Center for Integrative and Development Studies.

Una ay sa lebel ng institusyon o burukrasya. Kumplikado raw ang saklaw ng kapangyarihan ng isang opisyal ng pamahalaan. Dahil nasa estadong naghahanap pa lamang ng tamang mga pamamaraan ang burukrasya, malaking bahagi ng tungkulin ng isang opisyal ang di nagigiyahan ng mga tiyak na alituntunin. Nangangailangang bigyang-laya ang opisyal na gawin ang ilang mga bagay upang makita ang mas magaganda pang paraan upang maisakatuparan ang mga

lehitimong obhektibo ng ahensya. ring nagagamit sa pang-aabuso.

Yun nga lang ang kalayaan ding ito ay siya

Isa ring salik sa relasyon ng gobyerno at sambayanan ang kahinaan ng legal na kita o suweldo sa mga pampublikong posisyon. Kadalasan, ang kadalubhasaang kinakailangan sa posisyong panggobyerno ay may karampatang mas mataas na sahod sa labas ng gobyerno. Dahil dito, umaasa ang tumatakbo sa posisyon na mababawi niya ang dapat sana niyang matatanggap na kabayaran sa mga kaparaanang di na malalayo sa korupsyon mula sa kaniyang makukuhang puwesto. Sa gobyerno, maraming oportunidad sa ganitong klase ng pagkita.

Isa pang salik ay ang kapalpakan ng sistema ng pagkuha at pagtanggap ng impormasyon lalung-lalo na ng mga taumbayan tungkol sa mga pinipili nilang mga kinatawan sa pamahalaan. Halimbawa, malaking mal-impormasyon ang imahen ni Erap bilang tagapagtanggol ng mga mahihirap na siyang naglapit sa kanya sa mga mahihirap. Nagagawa nitong bigyang-lakas ng apog ang mga opisyal na gumawa ng kung anong nais nilang gawin.

Ipinunto pa nina De Dios at Ferrer ang pagkakaroon ng kabalintunaan sa relasyong kinatawan-kinakatawan ng gobyerno at sambayanan, kung saan nagagawa ng pulitiko na magmanipula ng kilos ng kanyang publiko, lalu na sa panahon ng eleksyon. Bunga na rin siguro ng sistemang pyudal, ang pulitiko ay ang pyudal na amo, ang panginoong may-lupa na siyang sinusunod ng kanyang mga pinapatron. Maaring hindi lupa lamang ang basehan ng ganitong sistema; sa halimbawang ipinakita ng pagkakahalal kay Mark Jimenez, maaring salapi at pangakong gantimpala ang ipain ng pulitiko sa publiko upang gawin ng huli ang nais ng una ang iluklok ito sa gobyerno. Isa itong korupsyon ng proseso ng paghahalal na magbibigay-posibilidad pa sa ibayo pang korupsyon upang manatili ang panginoon sa puwesto.

Nagbubunsod din sa korupsyon ang pagiging makapangyarihan ng gobyerno, halimbawa ay ang Ehekutibo. Hindi maiaalis na mag-angkin ito ng mga monopolyo sa pamamahagi ng mga kailangang-kailangan at kadalasa y mapagpayamang mga bagay tulad ng mga prangkisa, kontrata, tulong-pinansyal, at iba pa. Nakasentro pa rin ang kapangyarihan sa Ehekutibo at dahil maraming benepisyo ang makukuha sa pagkapit dito, nagagawa nitong masunod ang kaniyang gusto. Wala rin naming malakas na sistemang partiduhan dito sa Pilipinas na sapat upang masiguro ang tamang check and balance. Kahit mismo ang mga hukuman ay sinasabing napasasailalim sa impluwensya ng Malakanyang.

Hindi nakaligtaan na idiin nina De Dios at Ferrer na hindi lamang nakasentro sa gobyerno ang korupsyon at hindi lamang ito ang gumagalaw sa korupt na paraan. Dahil malawakan ang pakikinabang sa korupsyon, nagiging lehitimo ang silbi nito sa lipunan. Ito ay nagiging kalakaran at katanggap-tanggap. Ginagawa ito ng marami sa lipunan. At sa paglago ng korupsyon, di malayong manghina ang mga nagbabantay laban dito. Dahil hindi naman ito maaring isabatas, malaki ang posibilidad na lumaganap ang ilegalidad sa bansa at pumalya nang husto ang buong sistemang pangkatarungan at ang mga ahensyang itinakdang labanan ang korupsyon ang Ombudsman, at mga hukuman mismo. Samakatwid, may kapasidad ang korupsyon na maglatag ng pundasyon upang makapanatili at magibayo. Napapanatili ang status quo at walang nagbabago, kahit ang hilahil ng buong bansa sa pangkalahatan.

Dahil ang korupsyon ay kultural, sosyal, pulitikal, at di lamang suliranin ng burukrasya, ang pagsugpo nito ay hindi madali tulad ng ipinapangako ng ilang mga pulitiko. Isa nga raw sa pagtutuunan ng pansin ng gobyernong Arroyo ay ang paglilinis ng gobyerno upang lalong mag-ambag sa isang strong republic. Sana ay magkaroon si Presidente ng malawak na pag-unawa sa isyu ng korupsyon.

Sa mga nakaraan kasi ay nasesentro sa burukrasya ang mga istratehiya laban sa korupsyon, kaya puro maliliit na isda lamang ang naaapektuhan.

At sana kapag nalaman ng Presidente kung gaano kalalim at kalawak ang suliranin, hindi siya panghinaan ng loob. Dapat tandaan niya na korupsyon ang nagpabagsak kay Erap. Ayaw pa rin pala ng mga mamamayan mga mamamayang nagkaroon ng sapat na kaalamang pulitikal at di nalingat sa korupsyon. At dahil natuto ang grupo ng mga taong ito na tumugaygay, malaman kung alin ang pagpapanggap at kung alin ang totoo, kung alin ang makasarili at pambayan, hindi nakalusot si Erap.

Kung pababayaang lumago ang korupsyon, baka malaman na lang natin na kriminal na pala ang nakaluklok sa posisyon, at hindi basta-basta trapo na lamang.

Korupsyon at Kahirapan Oct 18, '09 12:45 AM by Emmanuel for everyone Sa totoo lang, mas na-appreciate pa ang kagalingan at kahusayan ng mga Pinoy sa ibang bansa. Hindi natin masisisi ang mga Pinoy kung magsipag-alisan sa Pinas

dahil sa kahirapan. Gusto rin nating mamuhay ng marangal at maginhawa, ang bilang sukli ay kinailangan nating iiwan pansamantala ang ating mga mahal sa buhay sa Pinas.

Kung hindi lang sana kurakot ang ating gobyerno, kaya sanang pantayan ng ating bansa ang pa-sweldo ng ibang bansa. Halimbawa na lang ay ang pagiging isang kasambahay walang kasambahay sa Pinas ang sumusweldo ng P15,000 o mahigit. Kahit "white-collar" job nga sa atin ay mahirap makakuha ng P15,000 na sahod kada buwan. Kaya tuloy ninanais na lang ng ating mga kababayang propesyonal na mamasukan bilang kasambahay o sikyu o kung anong marangal na trabaho sa ibang bansa para lang maitaguyod sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya.

Kaya tuloy ang ating mga skilled workers ay nagsipag-alisan na sa ating bansa. Libo-libong mga Pinoy ang lumilipad patungong ibang bansa. Nagkakaroon ng "brain drain" ang ating bayan. Hindi na nakikinabang ang Pinas sa ating kagalingan, kahusayan at katalinohan. Ang hangad lang naman ng gobyerno natin ay ang billion-dollar remittances natin. The more money we send home, the more money our government will corrupt!

Dahil sa korupsyon, kokonti na lang ang natitirang pondo para sa mga infrastructure projects, kaya sub-standard ang mga ito. At dahil kokonti ang pondo, pati pasweldo sa mga workers ay below minimum na rin. At dahil below minimum na ang pasweldo, karamihan sa mga construction workers nangungurakot na rin. Maraming mga construction materials ang itinago nila at ibinenta para lang magkapera. Ito ang sinasabi na "vicious cycle". Corruption begets corruption! Corruption is the root of poverty; and poverty breeds corruption!

May pag-asa pa ba ang ating bayang sinilangan? Darating kaya ang panahon na aahon tayo sa kahirapan at tayong mga Pinoy na naman ang mag-hire ng mga Intsik o Hapon o Amerikano para magtrabaho sa ating mga construction at magiging kasambahay? Or, are we doomed to be poor and susceptible to abuses as "modern slaves"? reply kamenridaa07 wrote on Oct 18, '09 actually, noong 2000 pa may mga pinoy na na ang mga employees ay foreigners..one of them is architect Felino Palafox....ang tanong dyan ay hindi kelan, kundi paano...kasi andito na e...take Palafox for example...ang firm nya is top 200 architectural firms sa buong mundo..mundo yun.madami silang projects sa ibang bansa...at dito din sa pinas...actually he had better plans for metro manila pero what can he do?wala namang nakikinig...madami syang maipapayo tungkol sa pag unlad, tulad din ng ibang mga kagaya nya...pero walang nakikinig sa kanila...maging politiko man o mahihirap na madla....kasi hardheaded tayo...at yan ang itinuro satin mula pa nung mga bata tayo...mabuti sana yun ganun..kung nasabayan ng pride ang itinuro satin...ito yung tipo ng pride na about sa honor... oo, madami ang corrupt saatin, pero sa ibang bansa naman may korapsyon a...ang us super corrupt, ang mga asian countries din tulad ng china, korea and japan...di naman nawawala yan e.pero bakit sila maunlad?kasi they value thier honor so much na hindi pwedeng hindi nila kayang gawin. siguro dahil nadin kasi nakatatak saatin na mga slaves tayo kaya tayo ganito...may mga taong kontento na maging katulong nalang, kaya ganun nalang sila pati mga anak nila...mali e...kaya ang society natin nasisira...pano kaya kung kahit sampung taon lang, tanggalin natin sa mga history books na naging mga alipin tayo at ipagyabang na mas magaling tayo sa iba? may katangahan tong sinasabi ko pero ano pa ba ang magiging mas pathetic sa kalagayan ng bansa natin?

ang mga mauunlad na pinoy, nasa ibang bansa....bakit kaya hindi sila bumalik dito at irebuild ang pinas?kagaya nalang ng ginagawa ng mga south koreans..dati mas basura pa satin ang south korea, ngayon ano?pati mga teledrama nila naglalaway tayo...nasan na ang mga bagong bayani, tay nyo kaya muna bumalik dito at tumulong...ang mahirap kasi kontento na ang karamihan sa ibang bansa kasi stable dun..ayaw na magsugal dito...bayani pa ba sila?no offense sa mga makakabasang ofw ah..hindi ko naman hinuhusgahan ang mga rason nyo kung bakit kayo nananatili sa labas ng bansa, pero ang punto ko, may mga ilan na sobrang ganda na ng buhay sa ibang bansa, bakit kaya di nyo subukang tumolong dito firsthand, hindi lang yung magpapadala kayo ng pera thru bank donations etc...

ang korapsyon ay korapsyon, pero bakit ba kasi tayo nakatali ka kakahanap ng mali?edi mali din tayo...alam na natin kung ano ang mali sa bansa natin, let's grow up naman and try to solve this without overstaying sa thought na masama ang corruption...gumawa ng batas laban dito...san na yang mga representatives natin?yun mga aktibista sa kongreso?kung yang mga budget nayan e ginagamit din sa paggawa ng batas kesa na paggawa ng mag paper mache na susunugin lang sa rally edi mas maganda sana....ang mahirap kasi satin, kunwari pang masa tayo, pero hindi naman,ano pang pinagkaiba natin sa mga buwayang politiko na tinatawag natin?

alam nyo, kailangan nyo manood ng anime at magbasa ng sandamakmak na comic books and start taking their concepts seriously....dun nyo mahahanap ang tunay na bayani..pambatang mga tv shows....pero ano ang maituturo nila satin?honor ulit.kunwari sa japan, nakapanood kana ba ng mga super robot show na natalo ng america ang japan?hindi pa....sa states naman, kanino lang bumabagsak ang mga alien?at sino lang ang kayang sumugpo sa kanila?diba usa lang?satin, kailangan pa natin ng mga bagay na tunog stateside..or foriegn para maintindihan at kagatin ng mga tao ang ibig natin ipahiwatig...parang itong sinasabi ko...pano kaya kung gumawa ang abs-cbn ng mga teleserye na tungkol

kay lapu-lapu, at gawin nilang modern superhero?kasi after nung march sumthing 1521 nakalimutan na sa kwento ang mga pinoy e..ang naalala natin e yung mga gobernador heneral at kung pano tayo inapi...kaya malamang lamang lang..magiging alipin tayo na nakaraan at pati na lahat ng tuturuan nating mga bata....

ang haba na ng sinabi ko...malamang yung iba pointless na...pero sana may nakakuha ng punto ko...

UMAHON KA PILIPINAS KONG MAHAL!!!!

reply emmanueldispo wrote on Oct 18, '09 psychologically speaking, siguro andun pa tayo sa "role-modeling" stage ng ating political consciousness. parang isang bata, lahat nang nakikita nya sa matatanda ay sinusunod nya sapagkat tingin nya ang mga ito ay tama. ganun din ang pagtingin ng mga pulitiko sa pamamalakad ng ating bayan. dahil corrupt ang previous generation, magiging corrupt na rin sila. mali ito, pero ang kasalukuyang nangyayari sa ating bayan. we have not grown politically and morally mature. totoo, may korupsyon din sa ibang bansa, pero wag na muna nating pag-usapan yan. unahin na muna nating linisin ang ating sarilin bakuran.

politics in the philippines is a business investment. bakit kaya gagastos ang mga pulitiko ng milyones o di kaya bilyones kung wala silang makukuha sa gobyerno? tingin nyo kaya willing ang bilyonaryong si manny villar to spend his billions kung ang kapalit lang ay 65K pesos na sahod kada buwang bilang pangulo ng pilipinas?

lahat ng political virtues ay pinatay na nang korupsyon. nakakalungkot mang isipin na kahit eleksyon lang ng Sangguniang Kabataan ay talamak na ang vote-buying! ano pa kaya kung highest post ang pag-uusapan?

dahil sa korupsyon, wala nang pera ang gobyerno para pangtustos sa mga inventions ng mga pinoy. maraming mga pinoy na imbentor na ang ibang bansa ang nakikinabang di dahil sa walang interes ang ating bayan sa kanilang mga inventions, kung di dahil ibinenta na ng mga korap na pulitiko ang ating bayan sa mayayamang bansa thru pautang at kung anu-anong proyekto na pinunduhan ng mga mayayamang bansa. hindi kayang banggain ng pinas ang mayayamang bansa dahil tinatanaw pa rin nitong utang-na-loob ang tulong na iniabot ng mga mayayamang bansa. yan ang mga conditions na ipinapataw ng mayayamang bansa sa atin, kaya whether we like it or not, the philippines is doomed and damned!

totoo, palafox may have hired foreign employees to work for and with him. but his firm is an international firm. he goes international dahil hindi na-appreciate ng pinas ang kanyang talento. top-200 architectural firm pala si palafox. di ko nga alam yan until you mentioned it here.

totoo din, the philippines hired chinese, japanese and korean engineers and technicians dahil ang gobyerno mismo ay walang tiwala sa kakayahan ng manggagawang pilipino. at tignan nyo naman ang resulta ng mga proyekto ng mga overseas workers sa pilipinas -- world standard talaga. they built infrastructure projects that would last for centuries. samantalang kung pinoy ang contractor, ang mga aspaltadong kalsada, after a few months, natutuklap na ang mga aspalto at parang sungkaan na ang mga kalsada.

ang puno't dulo ng lahat ng ito ay korupsyon -- economic, political, moral. there's no stopping to corruption, but we can minimize it, we can avoid it.

reply kamenridaa07 wrote on Oct 18, '09 very true!ang hirap ng estado ng bayan natin ngayon kasi ang hirap magshift na galing sa isang ugali, papunta sa isa pa, lalo na't nakasanayan na natin gawin ito sa mahabang panahon...

reply emmanueldispo wrote on Oct 18, '09 ang kelangan ng pilipinas ay rebolusyon! it took us 300 years to rebel against the spaniards. cguro it will take us another 300 years para mamulat sa katotohanan at makaahon ang ating bayan. but we can't afford another 300 years more of corruption, of slavery, of dehumanization, of poverty. the revolution should start now or never. this is going to be a revolution not of arms, but of morals. magkaisa na sana ang sambayanang pilipino na labanan ang korupsyon. unless we start now, nothing positive will change in our country.

reply kamenridaa07 wrote on Oct 18, '09 totoo yan!at hindi lang basta rebolusyon na sobrang cliche na!ang rebulusyon na nagmumula sa puso at isang malupit na radical change..yan ang kailangan natin...magkaisa na tayo sa pagbabago!

reply rjmvelasco wrote on Oct 19, '09 ang pag-asa ay nandyan lang kung hindi natin ito ikikilos nawawalan ito ng silbi. ang mga salita ay nagiging totoo kung ito'y ating iginagalaw. kahit na ang pinakamabuting salita ay nagiging tao kung mayroong gumagawa. ang salita ay nagiging tao dahil may taong gumagawa. maari nating tanggalin sa talaan ang salitang koruption kung walang gumagawa nito. mas marami ang mabubuting tao ngunit wala namang ginagawa kaya ito'y namamatay. ang isang lider kung sasabihing ang isang dahon ng mangga ay magiging halagang piso at atin itong tinaggap maaari itong mangyari. marami ang natatakot sa kamatayan kaya hindi nagtatagumpay ang kabutihan. mas mahal ng tao ang pisikal na buhay. ngunit ipinakita na sa atin ni Hesus ang paraan sa tunay na pagbabago. hindi mahalaga ang pisikal dahil maaari pa itong mabuhay ng walang hanggan. si jose rizal ay buhay na buhay sa isipan at puso ng bawat pilipino at siya ay nabubuhay sa mg a taong gumagawa ng kanyang ginawa. ang mga great heroes natin ay buhay sa historia ng ating bansa. Dahil tinakot ng ating mga pinuno ang mga mahihirap dahil daranas sila ng gutom, pagkakulong kaya wala ng martir. kailangan nang magising ang lahat tungo sa bagong bukas dahil maraming tao na inuuna ang sarili kesa sa bansa