Professional Documents
Culture Documents
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng mga Amerikano. Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga Pilipino.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
Tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat nang panahong ito bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking halaga.Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari sa Panitikang Pilipino sa panahong ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat. Naging mga ulirang manunulat na Amerikano sina Ernest Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck sa kanilang mahusay na teknesismo ng panulat.Sila ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang Tagalog at Ingles.
MANLILIKHA, MGA PILING TULA (19611967) ni Rogelio Mangahas MGA PILING AKDA NG KADIPAN (1965) ni Efren Abueg PITONG DULA (1968) ni Dionisio Salazar MANUNULAT:MGA PILING AKDANG PILIPINO (1970) ni Efren Abueg SINING AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN (1965) ni Rufino Alejandro
ANG TIMPALAK-PALANCA
Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad ng Timpalak-Palanca o Palanca Memorial Awards for Literature na pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay gantimpala ang timpalak na ito bagamat ang nagtatag ay yumao na. Ang larangang pinagkakalooban dito ay ang MAIKLING KWENTO, DULA at TULA.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong 1970-1972. Samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista. Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating mga kabataan ang naniniwalang di na demokratiko kundi isang gobyernong kapitalista ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay may patuloy na
Nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan. Ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng sosyalismo o komunismo ang bulok na pamahalaan. Ibat ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong ito. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan [ New Peoples Army], may mga naging burgis radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang walang pakialam sa takbo ng pamahalaan. Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming makabayan at upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang
Kanilang kahingian ay naging matalim at mabalasik ang panunulat ng ilan nating kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang rebeldeng manunulat, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa. Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa ang mga akday mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang na paglalahathala at karamihan sa mga umakday kailangang lapitan pat makapanayam, ang pangangalap at pagpapahalaga ng mga akdang ito ay ipinauubaya na sa mga masusing nagsaliksik.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
** Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik ** Nagkaroon ng kamulatang panlipunan ** Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng PINSEL at isinulat sa mga plakard, sa PULANG PINTURA ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka ** Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika
PANULAANG FILIPINO
Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga tulang naisulat ng mga batang makata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo: A. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan B. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at; C. ang tahasang masasabing labag sa kagandahangasal na panunungayaw at karahasan sa pananalita
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin ang gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak. Halos tungkol sa IKAUUNLAD NG BAYAN ang karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), Pagpaplano ng Pamilya, Wastong Pagkain ( Nutrition), Drug Addiction, Polusyon, at iba pa.Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masasamang impluwensya sa moral ng mga mamamayan.Ang lahat ng mga pahayagang
pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaaralan. Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagon kagawaran na tinawag na MINISTRI NG KABATIRANG PANGMADLAupang siyang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at iba pang babasahing panlipunan. Muling naibalik ng dating Unang Ginang IMELDA MARCOS sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga SINAUNANG DULA tulad ng SENAKULO, EMBAYOKA NG MGA MUSLIM at iba pa.Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay muli niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino.
Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit Ang mga lingguhang babasahin tulad ng KISLAP, LIWAYWAY at iba pa ay malaki ang naitulong sa pagpapaunlad ng Panitikan. Naging Lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda. Tahasang masasabi na nagningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.
Naging paksa ng mga tula ang PAGKAKAISA, TIYAGA, PAGPAPAHALAGA SA PAMBANSANG KULTURA, UGALI, KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN. Kabilang sa mga nagsisulat ng tula sa panahong ito sina PONCIANO PINEDA, ANICETO SILVESTRE, JOSE GARCIA RELEVO, BIENVENIDO RAMOS, VICENTE DIMASALANG, CIR LOPEZ FRANCISCO.
Madaling araw/ ay nagdiriwang Sa umagang daratal/ IV. Ngumiti ang pag-asa/ Sa umagang anong ganda (ulitin ang I)
Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting Pilipino nang ang TL Ako sa Iyo ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay naging popular sa tawag na HIMIG-MAYNILA. Binubuo ito ng ilang balbal na Pilipino may kakaibang kumpas kaya mabilis na tinanggap ng mga tao. Narito ang awit.
TL AKO SA YO
Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo Kahit malabo ang pagpili ko/ TL ako sa iyo Panay kantyaw ng mga utol ko/ Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko/ Malabo na raw ba ang mata ko/ at TL kita [KORO] Kalyeng liku-liko ang takbo ng isip ko/ Sabi ng lolo may toyo ang utak ko. Sabi ng lola ay humanap ng iba/ may pormat mayaman TL wala naman. [ulitan ang unahan] at na TL- kita..Ikaw ang true love ko.
Naging tanyag din si RICO J. PUNO sa pag-awit ng himig-Maynila tulad ng kanyang The Way We Were. Narito ang isang saknong ng kanyang awit.
Alaala/nang tayoy mag-sweetheart pa Namamasyal sa Luneta Nang walang pera/ So its the laughter/we will remember/ The way we were/Remember the way we were.
Sa kaligirang ito, ang ilan pang mga mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang Tito, Vic at Joey. Naging matagumpay ang ANAK ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito ng salin sa Hapon at sa iba pang wika. Narito ang awit:
ANAK
Nong isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo. At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabiy napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga namay kalong ka ng iyong amang Tuwang-tuwa sa iyo.
III.
Ngayon ngay malaki ka na At nais moy maging malaya Di man sila payag walang magagawa Ikaw ngay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nilay sinuway mo.
IV. Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagaway para sa yo. Pagkat ang nais moy masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin. V. Nagdaan pa ang mga araw At ang landas moy naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong Anak, bat ka nagkaganyan? VI. At ang iyong matay biglang lumuha Nang di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mot nalaman mong Ikawy nagkamali [3x]
Narito pa ang awit ni FLORANTE na kaisa ng Bagong Lipunan sa panawagan sa lalong makabuluhang pamamayan.
AKOY PINOY
I. Akoy isang Pinoy sa pusot diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Akoy hindi sanay sa wikang mga banyaga Akoy Pinoy na mayroong sariling wika. KORO Wikang Pambansa/Ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan/Hangad kong lagi ay kalayaan
II.
Si Gat Jose Rizal nooy nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
1. PETA nina Cecille Guidote Alvarez at Lino Brocka 2. REPERTORY PHILIPPINES nina Rebecca Godines at Zenaida Amador 3. UP REPERTORY ni Behn Cervantes 4. TEATRO FILIPINO ni Rolando Tinio
Nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan hanggang 1979 ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian nito, tulad ng :
-MAYNILA..SA MGA KUKO NG LIWANAG sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka at sa pangunguna ni Bembol Roco -MINSAY ISANG GAMUGAMO- ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor -GANITO KAMI NOON..PAANO KAYO NGAYON?pinangunahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz -INSIANG pinangunahan ni Hilda Koronel -AGUILA pinangunahan nina Fernando Poe Jr., Jay Ilagan , at Christopher de Leon
1. BULLETIN TODAY 2. TIMES JOURNAL 3. PEOPLES JOURNAL 4. BALITA 5. PILIPINO EXPRESS 6. PHIL. DAILY EXPRESS 7. EVENING EXPRESS 8. EVENING POST
Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing LIWAYWAY simula pa noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang: 1. KISLAP 2. BULAKLAK 3. EXTRA HOT 4. JINGLE SENSATION
Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod: 1. PILIPINO 2. EXTRA 3. LOVE LIFE 4. HIWAGA 5. KLASIK 6. ESPESYAL
Walang pinag-iba ang mga maikling kwento nang panahong ito sa mga naisulat noong bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at dula.