You are on page 1of 2

Bicol University College of Arts & Letters Legazpi City

ISYU

: BAKIT NAUUSO ANG MGA BORLOLOY NA DILA

REAKSYON: Magmula nang mauso ang cellular phone o cellphone sa ating bansa ay nauso na rin ang mga borloloy na dila o sa lokal na salita ay jejemon. Ang mga nasambit na mga salitang gamit sa pagtetext sa cellphone ay para bang nakasanayan nang tanggapin at gamitin nang karamihan sa atin. Ang mga salitang ito ay kadalasang mali mali ang spelling o di naman kaya ay kulang sa mga patinig, tinitipid o di kaya ay pinapalitan ng bilang ang titik gaya ng d2 na ibig palang sabihin ay dito. Kahit ako ay gumagamit din ng mga salitang jejemon pagdating sa pagtext sa cellphone, hindi ako sang ayon na ito ay mamayani lalo na sa mga kabataang nagsisimula pa lamang mag-aral at matuto sa pananalita, lalo na sa sarili nating wika at sa wikang Ingles. Ang paggamit ng mga salitang jejemon ay may masamang epekto sa pag-aaral lalo na sa tamang paggamit ng mga salita. Oo ngat mapapadali ang paggamit ng jejemon pagdating sa pagpapaabot ng mensahe sa patututungkulan nito subalit sa kabuuan ay hindi ito makakatulong sa paglago ng karunungan lalo na sa kabataan. Sa halip na jejemon, maaaring gamitin ang diksyonaryo sa cellphone na siyang tumutulong para mabuo ang tamang salitang nais gamitin. Sa halip na tangkilikin natin ang jejemon, dapat ay matuto tayong gumamit ng mga tamang salita upang mapaunlad ang ating wika. Sana naman ay magkaroon ng batas ukol sa pagbabawal ng paggamit ng jejemon o borloloy na dila upang ito ay mapigilan sa paglaganap. Hindi pa naman huli ang lahat upang mamulat ang karamihan sa atin sa tamang paggamit n gating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa cellphone.

Ipinasa ni:

IRO A. RIVERO I-A, AB- English

You might also like