You are on page 1of 4

NAT V FILIPINO VI Pangalan_________________________ Piliin ng wastong salita o mga salitang angkop sa pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Nagulat ang mga tao _____ makita ang mabilis na paglaki ng tubig. a. nang b. ng c. noon d. datapwat 2. _____ mo si Clara ng damit sa aparador. a. Hanapin b. Hanapan c. Kunin d. Kuhanin 3. Ang pagkakalat o pagtatapon ng basura kung saan-saan ay _____ batas. a. sang-ayon b. hinggil sa c. laban sa d. labag sa 4. _____ maaari ay magtipid tayo nang husto sa lahat nang bagay. a. Kung b. Dahil c. Kong d. Dapat 5. Tayo ay patuloy na magdadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo _______nandito sila sa evacuation center. a. samatala b. palibhasa c. hanggang d. bagaman 6. Marami akong _______ na mga gulay nang pumunta ako sa bukid. a. pinipitas b. pinitas c. pumitas d. pipitasin 7. Pangkaraniwang makikita ang suman _____ lugar sa probinsiya ng Rizal. a. kailanmang b. ninumang c. saanmang d. sinumang 8. Dahil sa bagyo, ang presyo ng mga gulay ay _______. a. biglang bumaba b. talagang tumaas c. lubhang mabili d. lalong bumaba 9. Ang halaga ng mga bilihin sa kasalukuyan tulad ng bigas, gulay, de lata at tinapay ay binabantayang mabuti Ano ang angkop na bantas para sa pangungusap? a. tuldok b. gitling c. panipi d. kuwit 10. Nagtatrapik si Mang Rey sa kalye _______ siya ay isang pulis. a. dahil b. kung c. ngunit d. bakit 11. Ang nagtalumpati ay ang pangulo Amerika. Siya ay ____ nang malakas. a. palakpakan b. pinalakpakan c. papalakpakan d. palakpakin 12. ______ suliranin ng pagtaas ng presyo nang langis ang paksa ng pulong ng mga kinatawan ng bansa. a. Hinggil kay b. Ayon kay c. Ayon sa d. Hinggil sa 13. Ang ______ ng mga mamamayan na nawalan ng tirahan ay huwag mo muna silang paalisin sa kasalukuyan nilang tinutuluyan. a. pakiusap b. ipakiusap c. pakiusapan d. pakikiusap 14. _______ paligsahan sa pagbigkas na gaganapin sa plasa. a. Mayroon b. May c. Sino d. Anong 15. Alin sa mga pangungusap na ito ang nagsasaad ng lubos na paghanga? a. Maganda ang suot mong damit. b. Sana magandang damit ang suot mo. c. Wow! Ang ganda ng suot mong damit. d. Saan mo binili ang maganda mong damit? 16. Ang patron ______ ng Manaoag ang nagpakita ng himala na nakapagpapagaling sa may sakit. a. ba b. din c. ron d. daw 17. Ang barangay San Roque ay ginawaran ng parangal _______. a. dahil ito ang napiling pinakamalinis at pinakamaayos na barangay b. sapagkat ang kapitan ay mahigpit c. kaya ito umunlad na lugar d. kung ang mga tao ay nagkaisa Para sa bilang 18 hanggang 20, piliina ang panlaping dapat gamitin sa salitang-ugat na nasa loob ng panaklong. 18. Sinabihan ng guro ang mga bata na (pulot) ______ ang mga ginupit na papel bago lumabas ng silid. a. um b. at c. an d. in 19. _______ (basa) kayong mabuti nang may pang-unawa para masagot ninyo ang mg tanong tungkol sa talata. a. Nag b. Mag c. Pag d. Ipag 20. Ang ating mga kapatid na sinalanta ng bagyo ay ay dapat nating (tulong) _____. a. an b. in c. hin d. din Para sa bilang 21-24, pag-aralan ang grap.

21. Anong mahihinuha sa mga inpormasyong nasa graph? a. Mas marami ang may sakit ng Cholera. b. Marami ang nagkasakit ng Dengue. c. Pareho ang dami ng maysakit ng Tuberculosis at Diarrhea. d. Kakaunti ang nagkasakit ng Pneumonia. 22. Anong taon ang may mas maraming nagkasakit ng Dengue? a. 2006 b. 2007 c. 2008 23. Ano ang bilang ng nagkasakit ng Pneumonia noong 2006? a. 15,000 b. 25,000 c. 40,000 24. Anong paglalahat ang mabubuo sa mga impormasyong nsa grap? a. Ang Diarrhea ang pumangatlo sa pangunahing sakit. b. Ang Cholera ay hindi naging karamdaman sa mga nabanggit na taon. c. Ang Pneumonia ang pangunahing sakit noong 2008. d. Ang Dengue ang pangunahing sakit noong 2006. Para sa bilang 25 hanggang 27, basahin ang talata at sahutin ang mga tanong.

d. 2009 d. 50,000

Ikaw ay inutusan ng nanay mo na magdeposito ng pera sa bangko na nagkakahalaga ng tatlong libreta ng nanay mo ay may pangalang Anita Cruz at may numerong 106124123.

25. Ano ang isusulat mo sa Account Name? a. East West Bank b. Anita Cruz c. Luz Cruz 26. anong impormasyon ang isusulat mo sa Account Number? a. 102461321 b. 106124123 c. 106124213 27. Saang lugar sa deposit slip mo isusulat ang halagang idedeposito? a. Account Number b. Account Name c. Amount

d. Tellers name d. 102432161 d. Type of Deposit

Para sa bilang 28 hanggang 30, pag-aralan ang grap ng nagastos ni Liza sa unang buwan ng kanyang unang taon sa kolehiyo. Suriin ang grap at sagutin ang mga tanong.

28. Alin sa talaan sag rap ang may pinakamaliit na halagang nagastos ni Liza? a. pang-matrikula b. Pamasahe c. Pagkain 29. Ilang bahagdan ang inilaan para sa araw-araw na pamasahe ni Lliza? a. 15% b. 10% c. 20% 30. Anong mahihinuha sa mga impormasyong nasa grap? a. Malaki ang halaga na inilaan sa pambayad ng pang-matrikula. b. Pareho ang nagastos ni Liza sa pamasahe at mga gamit sa paaralan. c. Walang nagastos si Liza sa pagkain. d. Mas malaki ang nagastos ni Liza sa pagkain kaysa sa gamit. Para sa bilang 31 hanggang 33, basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

d. Gamit d. 25%

Si Melchora Aquino ay kilala sa pangalang Tandang Sora. Siya ay nag-alaga ng mga maysakit at sugatang mga katipunero. Ginawa niyang taguan ng mga nasugatang katipunero ang kanilang tirahan sa Balintawak. Tinawag siyang Ina ng Katipunan dahil sa pag-aalaga sa mga sugatang katipunero. Nang malaman ito ng mga Kastila, siya ay pinadakip at ipinatapon sa Marianas Island. 31.Anong uri ng seleksiyon ang tumatalakay kay Melchora Aquino? a. Piksyon b. Di-piksyon c. Tula d. Sanaysay 32. Alin dito ang buod ng kuwento? a. Ipinatapon sa Marianas Island si Tandang sora dahil sa kanyang pagtulong sa Katipunan. b. Si Tandang Sora ay isang tinder sa Balilntawak at lihim na mensahero ng Katipunan. c. Si Tandang Sora ay nag-alaga ng mga sugatang katipunero kaya siya ay tinaguriang Ina ng Katipunan. d. Si Tandang Sora ay may-ari ng tindahan sa Balintawak na pinamamalagian ng mga katipunero. 33. Ano ang tamang paglalahat sa kuwento? a. Si Tandang Sora ay magaling na ina ng Katipunan. b. Si Tandang Sora ay isang magaling na nars.

c. Si Tandang Sora ay mabuting ina ng tahanan. d. Si Tandang Sora ay isang mabuting guro. Si Aling Tinay ay nagpunta sa palengke. Ibinilin niya ang kanyang bunso sa panganay niyang anak na si Nena. Maya-maya si Nena ay tinawag ng kanyang kapitbahay na maglaro sa harap ng bahay nila. 34. Ano ang angkop na sumunod na pangyayari sa kuwento? a. Natulog ang bata sa duyan b. Naiwangsa mag-isa ang bata sa bahay. c. Bumalik kagad sa bahay si Nena. d. Naglaro nang matagal si Nena 35. Alin ang nagsasaad ng katotohanan batay sa kuwento? a. Mapagagalitan si Nena sa ginawa niya. b. Panganay si Nena sa magkakapatid. c. Pumunta ng Maynila si aling Tinay d. Si Nena ang pinagbilinan ng kanyang ina na alagaan ang bunsong kapatid. 36. Alin dito ang opinyon? a. Ang gatas na evaporada ang pinakamasarap. b. Ang gatas ng ina ang natural na gatas. c. Nagbibigay ng gatas ang inahing baka. d. nagbibigay ng itlog ang inahing manok.

Ang mag-asawang mang Ding at Aling Fe ay mayaman. Ang kanilang kaisa-isang anak na si Maria ay masunurin ngunit ayaw makipag-usao sa ibang tao. Nagkukulong lamang siya sa kaniyang silid para makaiwas sa mga ito. Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga bandido. Sa takot na mapahamak si Maria, itinago siya ni Mang Ding at Aling Fe sa halamanan. Dumating ang mga bandido sa bahay nila. Pinukpok sa ulo ang mag-asawa at kapwa nawalan ng malay. Hinalughog ng mga bandido ang buong kabahayan at sinmsam ang lahat ng kayamanan ng mag-asawa. Nang hindi makita si Maria ay bigong umalis ang mga bandido. Nang matauhan ang mag-asawa kaagad pinuntahan ang halaman kung saan itinago ang anak. Doon nakatapak si Mang Ding ng isang halamang sumundot sa kanyang paa, isang uri ng halaman na mabilis tumikom ang mga dahon kapag natatapakan. Nagpatuloy ang mag-asawa sa paghahanap, ngunit hindi nila Tira natagpuan si Maria. Dito lumuha si Aling Fe at bawat patak ng luha niya sa halamang iyon ay naging maliit na bilog na bulaklak na kulay rosas. Naisip ng mag-asawa na ang halaman ay parang si Maria na mahiyain. 37. Alin sa mga ito ang pangunahing diwa ng kuwento? a. Ang pagigigng mahiyain ni Maria. b. Ang pagtira ni Maria sa bundok. c. Ang pagtatago kay Maria sa halamanan. d. Ang pagkawala at pagsibol ng halamang tumitikom. 38. Paano mailalarawan si Maria sa ipinakitang kilos niya? a. maawain b. mahiyain c. masipag 39. Ano ang nangyari kay Maria nang siya ay itinago sa halamanan. a. Si Maria ay naging isang halaman b. Si Maria ay tumanda. c. Si Maria ay naging bulaklak. d. Si Maria ay nakita ng mga bandido. 40. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento. 1. Dumating ang mga bandido. 2. Natauhana ang mag-asawa at hinanap si Maria. 3. Itinago si Maria sa halamanan. 4. May tumubog isang halamang tumikom kapag natapakan. 5. Ang bayan nina Maria ay pinasok ng mga bandido. a. 4-1-3-5-2 b. 3-1-4-2-5 c. 1-3-5-5-2

d. masinop

d. 5-3-1-2-4

You might also like