You are on page 1of 7

KABANATA I

Introduksyon Ang Pre-marital sex ay sensitibong salita. Ito ay may kaugnayan sa pagtatalik ng lalaki at babae ng hindi pa nakakasal. Maaari itong iugnay sa isang sagrado o sensitibong usapan. Usapan kung saan pang matatanda lamang. Subalit, sa panahon ngayon, ultimo mga musmos na kabataan ay mayroon ng kaalaman sa sex. Kung ating oobserbahan, kahit saang sulak na lugar maririnig mo ito mapamatanda man o bata. Ayun sa pag-aaral ng UP Population Institute 1 sa mga kabataang nasa edad 15-24 ay gumagawa ng pre-marital sex ito ay mahigit kumulang 18% ng populasyan ng mga kabataan. Ang isyu ng teenage pregnancy ay laganap sa ibat ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyan, tayong nahaharap sa napasakit na katotohanan na sa napaka batang edad, karamihan sa mga kabataan ngayon ay may sariling mga anak. Pilipinong bilang ng 88,600 ayon sa 2007 cencus, Ang Maynila may mga 88,570,00 Pilipino bilang ng Agosto 1, 2007, batay sa (NSO). Ang mga resulta ng senso ng populasyon (POPCEN 2007). Ang maagang pagbubuntis ay hindi magandang tignan sa ating mga kabataan ito ay nakakababa katangian bilang isang babae at nakakaepekto sa ating emosyonal na damdamin.

Bakgrawnd ng Pag-aaral Ayon sa simbahan, ito ay isang kasalanan sa Diyos. Dahil sa ang katawan ng tao ay sagrado, hindi dapat basta-basta ito ginagalaw ng walang basbas. Isa pa sa mga dahilan ay ang pagpapatay sa panibagong buhay. Paano? Ang mga kabataan edad 17 pababa ang kadalasang gumagawa nito. Isang rason na kung saan ang mga batang ito ay wala pang kakayahang bumuhay ng pamilya kayat ang tanging solusyon na ginagawa ay ang paglaglag ng sanggol sa sinapupunan. Mayroon din mga kabataan na gumagamit ng condom na nagpipigil sa mga sperm cell na makarating sa mga egg cell ng babae upang

di makabuo ng mga supling. Hindi pinapayagan ng simbahan ang mga bagay na ito dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa Diyos. Ang karaniwang biktima ng pre-marital sex ay ang mga kabataan. Marami ang sumusubok sa gawain na ito sa kadahilanan ng kanilang malikot na isip. Hindi na halos mabilang ang dami ng gumagawa nito. Madalas ay nagbubunga ito ng mga batang magulang. Na kung saan ay hindi dapat. Bakit nga ba ito nangyayari? Hindi lalaganap ang ganitong bagay kung di minumulat o pinapakita sa mga kabataan ang mga ito. Mulat ang mga kabataan dahil sa mga paglabas ng mga media. Kung pinagpatuloy ang pagbawal dito, naiwasan sana natin ang makapal na bilang ng gumagawa nito. Sa kasalukuyang panahon, may mga grupo na naghahanap/gumagawa ng paraan upang maiwasan ito. Ang iba ay hinihiling na dapat ituro sa iswkwelahan ang mga simpleng bagay na kung saan ay pwede magresulta ng kamalian. Subalit mayroon din kumokontra rito sapagkat lalo daw maiintriga ang mga bata sa bagay na ito kung ituturo ito ng maaga sa mga bata. Matinding pag-aaral/pagsusuri pa ang dapat gawin upang masulusyunan ang problema tungkol sa pre-marital sex.

Theoritikal Framework Ang Health Belief Model at Teorya ng Reasoned Action ang ilan sa mga konseptong mapagbabasehan sa mga argumento ukol sa pagsasaliksik ng Premarital sex.Ayun dito ang ang mga kabataang gumagawa nito ay nagbabatay sa pagtingin ng mga kabataan sa ideyal na edad na sa tingin nila ay maaring gumawa ng premarital sex at ang kahalagahan ng epekto nito sa kalusugan tulad ng AIDS/HIV at mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

Konseptwal Framework

Premarital Sex
Relihiyon

Kamalayan sa media

Kamalayan mula sa paaralan Kabataan

Peer pressure

Pamilya

Paglalahad ng Suliranin Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang kaalaman , pag-uugali at kamalayan ng mga mag aaral ng North Negros College ukol sa premarital sex. Ispesipikong layunin ng mananaliksik na alamin ang mga sumusunod: Iprisenta ang demograpiya ng mga mag aaral na isinali sa pananaliksik 1. Sekswalidad 2. Edad 3. Relihiyon 4. Lokasyon (rural o urban) 5. Antas ng pinag aralan

6. Istruktura ng pamilya 7. Estadong pinansyal ng pamilya Impresyon ng mga kabataan sa moralidad ng premarital sex Kahalagahan ng peer pressure sa paggawa ng premarital sex Kahalagahan ng premarital sex para mapatunayan ang pagmamahal sa kapartner Kahalagahan ng premarital sex para magtagal ang relasyon Katwiran na lumulukob sa mga gumagawa ng premarital sex Kamulatan sa mga epektong pangkalusugan ng premarital sex Kahalagahan ng media sa kamalayan ukol sa premarital sex Mga solusyong pipiliin /pinili sakaling mabuntis bunga ng premarital sex

Delimitasyon ng Pag-aaral Layon ng pananaliksik na ito na alamin ang kaalaman, kamulatan at pag-uugali ng mga mag-aaral ng North Negros College.Naka base ang pag-aaral sa populasyon ng particular na mga mag-aaral. Nililimita ng mga resulta ayon sa mga katanungan na inilahad sa pagsusuri.Naka talaga rin ang pag-aaral sa mga estudyanteng naka rehistro sa taong 2011-2012 lamang.

Depinisyon ng mga Salitang Gamit Premarital sex ay pakikipagtalik nang hindi pa kasal at pakikipagtalik ng maaga gaya ng mga teenagers na maaaring mabuntis dahil rin dito.Ito ay pakikipagtalik bago ang kasal. Pre ibig sabihin bago, marital ibig sabihin kasal at sex ibig sabihin pakikipagtalik.

Kabataan- na tinatawag ding tinedyer, tin-edyer, adolesente, o lalabintaunin ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang bata o kilaw at hustong adulto, o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohiyal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang maturidad. Ang mga edad na itinuturing na bahagi ng adolesensiya ay iba-iba ayon sa kultura. Halimbawa, sa Estados Unidos ang adolesensiya ay nagsisimula sa bandang edad na 13. Teenage Pregnancy- ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa satamang gulang. STD ( Sexually Transmitted Disease)- mga sakit na napapasa sa isang tao patungo sa isa pang tao sa paraan ng pakikipagtalik. WHO( World Health Organization)- isang ahensiya ng nagkakaisang bansa (UN) na tumutulong sa pagbubuti sa kalagayan ng kalusugan.

KABANATA II: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 1. Mga Literatura at Pag-aaral sa Labas ng Bansa Sa panahon ng adolesensiya, karamihan sa mga bata ang dumaraan sa mga yugto ng mga pagbabagong pisikal na kung tawagin ay pubertad: o mas espesipikong ang pagbibinata sa mga lalaki at ang pagdadalaga ng mga babae, na karaniwang nagsisimula bago umabot ang isang tao sa gulang na 13. Karamihan sa mga kalinangan ang nag-iisip na ang tao ay nagiging adulto sa loob ng samu't saring mga edad ng mga taon ng pagiging adolesente. Halimbawa, sa tradisyon ng Hudaismo, ang mga tao ay iniisip na adulto na sa edad na 13, at ang pagbabagong ito ay ipinagdiriwang sa Bar Mitzvah para sa mga batang lalaki at sa Bat Mitzvah para sa mga batang babae. Sa pangkaraniwan, mayroon isang pormal na edad ng mayorya o mayor de edad (mayor na edad (kabaligtaran ng menor de edad o menor na edad) kung kailan ang mga adolesente ay pormal (ayon sa batas) na nagiging mga adulto.

2. Mga Literatura at Pag-aaral na Lokal Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save the Children, 13 milyong babae sa ibat ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy. Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad. Pinatunayan ito ng World Bank at sinabing ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mga kabataang maagang nabubuntis ay nabibilang sa low-income generating group. Dahil wala pa sa hustong gulang, karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho. Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng kahirapan. (2)

You might also like