You are on page 1of 4

Komite sa Sining at Kultura

Panukala ni Eds Gabral Kinatawan Kolehiyo ng Arte at Literatura Pampamantasang Konseho ng Mag-aaral UP Diliman

Makatwirang Paliwanag
Ang ibat ibang anyo at porma ng sining na nahubog sa kurso ng ating kasaysayan ay isa sa mga pangunahing salik na humulma at patuloy na humuhulma sa kulturang taglay ng ating bansa. Salimbayan dito, kinikilala natin na ang kulturang mayroon tayo sa kasalukuyan, sa unibersidad man, sa pamayanan, sa kanayunan, lalong higit na ang sa samabayanan, ay isang makapangyarihang puwersa na tunay namang nakaiimpluwensiya sa pag-aanak ng maraming anyo ng likhang-sining sa loob man o labas ng pamantasan. Ang Komite ng Sining at Kultura, sa patuloy nitong pagtalima sa tungkulin nitong paglingkuran ang sambayanan, ay magsisilbing tulay sa pagkakaroon ng ibat ibang malikhaing pamamaraan upang maitaguyod ang samut saring programa at aktibidades sa pamantasan at maging sa mga komunidad na kabahagi nito. Layon nitong patatagin at palaganapin ang ating kakanyahan bilang mga mag-aaral ng unibersidad at bilang mga Pilipino nang sa gayon ay puspusang pagyamanin ang mga pamana ng ating kultura at payabungin pa ang taglay na talento ng mga mamamayan.

Tanaw at Talima
Bilang pagpapatuloy sa marami nang matagumpay na simulain, kinakailangang puspusang ibalik ang sining, arte, at literature sa pinaglilingkurang masa. Kasabay nito ay ang matuwid na pagtahak sa landas tungo sa pagpapanibagong-hubog at patuloy na pagyabong n gating kultura. Pagpapatuloy Pipihitin natin ang mga pahina ng kasaysayan upang paghugutan ng samut saring karanasan upang pagmulan ng panlipunang kamulatan sa sining at kultura. Paglilingkod Lilikha tayo ng sining na sasalamin sa kultura ng mga lugar at tao na mistulang pinagpikitan na ng mata ng sentro. Paghubog Paglilok sa mga karanasan ng bawat Iskolar ng Bayan at paglalapat sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan upang maipagtalab ang kanilang kaisahan. Pagyabong Paghahatag ng landas upang lalo pang mamulaklak ang kasalukuyang antas ng ibat ibang sining. Tinatanaw ang isang kinabukusan kung saan muli na namang mamamayagpag ang angkin nating mga kagalingan.

MGA TAMPOK NA PROYEKTO


KultNayt
Isang gabi ng pagdiriwang kung saan itatampok ang ibat ibang pagtatanghal ng kahusayan at kagalingan ng mga Artista ng Bayan. (Freshie Concert, UP Fair)

KultuRada
Gagamitin ng bawat Artista ang kalsada bilang espasyo ng kanilang malikhaing pamamahayag at artistikong ekspresyon. Sa panahong nililimitahan ang espasyo, ipakikita ng UP na hindi kailanman mahahadlangan ang kanyang pamamaraan sa pagpapaabot ng sining sa malawak na bahagi ng mamamayan. Fashion Fusion Isang rampa na magpapakita ng mga likhang kasuotan mula sa mga Iskolar-Artista na sumasalamin sa mga napapanahong isyung panlipunan at ibat ibang adbokasiya. KomyunitTikim Isang pagsasalu-salo ng mga kabahagi ng komunidad ng UP kung saan bibida ang mga putahe at lutuin mula sa ibat ibang sulok ng bansa. Tao, Tauhan, Tao-Tauhan Bibigyang-buhay ang mga kilalang karakter mula sa mga akdang pampanitikan, awiting katutubo, epiko, alamat, at ipa pa. Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang mailalapit nating muli ang mga akdang bahagi na n gating pagka-Pilipino at mapasigla ang pagkahilig ng mga mamamayan sa pagbabasa.

KulTrans
Patuloy ang pagtatasa sa kasalukuyang namamayaning kultura upang hubugin ang karanasan at kasanayan ng bawat Iskolar-Artista tungo sa isang transpormatibong kultura. Arts and Humanities Advocates Assembly (AHAA) Isang samahan ng mga taong nagtataguyod ng Sining at Humanidades ang bubuuin na naglalayong makapagsinsin ng mga pangangailangan at masolusyunan ang mga kakulangan sa mga nasabing kalinangan. Vandalismo Bilang sagisag ng represyon ng marami nating kababayan, sinasalamin ng mga pader sa kalakhan n gating pamantasan ang opresyong nararanasan ng lipunan. Sa proyektong ito, hihikayatin natin ang komunidad na makiisa sa gawaing pagpapalit-balat ng mga dingding patungo sa pagiging mga biswal na likhang-sining.

MGA SUSOG NA GAWAIN


Buwanang Dalaw
Regular na eksibisyon ng ibat ibang likhang-sining sa mga espasyong madalas na tinutungo ng mga mag-aaral at maging sa mga espasyong hindi inaasahang malalagyan ng ganitong palabas. Aralin sa Sining at Kultura Napapanahong talakayan ukol sa mga kultural na usapin tulad ng mga sumusunod: - Kasarian at Kultura - Kasaysayan ng Pilipinas - Kultura at Pananampalataya - Wika at Lipunan - Kulturang Popular Folio Koleksiyon ng mga sulatin mula sa ibat ibang bahagi ng UP na ilalathala upang mabilisang mabasa ng mga mag-aaral. Tampisaw Pakikipamuhay sa isang komunidad upang higit na makilala ang kulturang namamayani rito at maipakita ito sa pamamagitan ng mga masining na likha. Karol Fest Paghahatid ng himig ng samabayanan sa panahon ng Kapaskuhan. Lantern Parade Makulay na parada ng mga likhang-parol kung saan itatampok ang identidad ng bawat kolehiyo.

ISTRUKTURA

Best Actor/Actress

Best Supporting Actor/ Actress in a Major Role

Best Supporting Actor/Actress in a Minor Role

Pinansiya

Kalihim

Pagaaral at Pananaliksik

Pagpapalaganap

VolCorps

You might also like