You are on page 1of 11

STRAW Committee Proposal

STUDENT RIGHTS AND WELFARE COMMITTEE PROPOSAL

ni: Leila Nur Aryanna Canacan

STRAW Committee Proposal

"A nation that does not continuously renew itself through progressive-minded and militant youth cannot possibly advance. A world of timid and apathetic youth will merely feed all the regimes of injustice and exploitation... The unfulfilled aspirations of the nation and the masses throb in the hearts and minds of the young. This generation strives to recoup the failures of the past and girds for the triumphs of the future." - Youth on the March (published in the Philippines Free Press, November 2, 1968)

Ang istorya ng unibersidad ay kasaysayan ng pakikibaka ng mga estudyante laban sa mga isyu at hinaing na hinarap, di lamang ng kanilang sariling sektor, ngunit maging ng sambayanan. Ang konseho ng mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, sa kanyang sarili ay bunga ng pagiging aktibo ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan sa praktikang panlipunan. Nang minsang pagkaitan ang mga estudyante ng representasyon sa ilalim ng diktadurang Marcos, nagkaisa ang sang-magaaral at kolektibong kumilos upang bawiin ang karapatan sa institusyon; gayunarin sa pagpapabagsak ng kontra-mamamayang administrasyon. Sa mga ganitong tagumpay na natamo natin sa nakaraan, patunay ito na ang kabataan ay may angking lakas sa kolektibong pagsusulong ng kanilang batayang karapatan at pangangailangan, mangyari mang itoy nasa loob ng pamantasan o sa higit na malawak na larangan. Sa kabila ng mga tagumpay at pagkukulang, mga pagsulong at pag-atras, at pagpapasapasa ng kapangyarihan, ang hamon sa kabataan na patuloy na protektahan ang kanyang karapatan at paglingkuran ang sambayanan ay hindi nagtatapos.

STRAW Committee Proposal

Rationale Nitong mga nagdaang taon, naging tampok ang laban ng unibersidad sa sunud-sunod na kaltas sa badyet sa edukasyon at serbisyong panlipunan. Naging malakas ang inilunsad na Strike! noong 2010, na siya ring sinundan ng isang higit na malakas, malawak at militanteng 3day Srike! upang igiit ang karapatan ng mamamayan sa serbisyong panlipunan. Naging maugong rin ang kampanya para sa pagbabasura ng kontra-estudyanteng Draft of the Code of Student Conduct, na kung saan hindi naging ganap ang representasyon ng mga estudyante sa pagbubuo nito. Sa sunud-sunod na bigwas sa ating karapatan, ay naging sunud-sunod rin ang tagumpay na nakamit natin sa kurso ng ating pakikibaka. Nadagdagan ang badyet sa edukasyon. Gayun rin, naging parte ang mga estudyante sa pagbubuo ng Student Manual, na siyang pumalit sa represibong Draft of the Code of Student Conduct. Dagdag pa, napadali ang recognition process ng mga organisasyon sa loob ng pamantasan, at naipabalik ang default bracket ng mga freshman mula Bracket A tungong Bracket B. Ngunit sa pagpasok ng panibagong akademikong taon ay nanunumbalik ang banta ng panibagong kaltas sa badyet ng edukasyon, samut-saring dagdag bayarin, malisyosong STFAP, isyu sa campus security, mga nakabimbing human rights violation, at kung anu-ano pang isyu na ilang taon nang hindi nareresolba. Sa gabay ng USC Constitution na nagsasabing itoy mangangalaga at magsusulong ng karapatan at pangkalahatang pangangailangan ng mga estudyante ng UP at sambayanang Pilipino, ang STRAW Committee, datapwat, ang siyang mangunguna sa pagbabantay sa mga banta sa karapatan at pangangailangan ng kanyang mga pinagsisilbihan. Ito ay lulubog sa mga estudyante upang malaman ang kanilang mga isyu at hinaing; bitbitin ang mga ito sa dialogo sa administrasyon; mangangalap ng iba pang impormasyon sa loob at labas ng pamantasan. Ito rin ay magpupulong kasama ng mga estudyante upang pagplanuhan kung paano pagtatagumpayan ang mga laban. Magiging instrument ito sa pagmumulat at pamamahayag ng mga impormasyong kritikal, at magiging kaisa nila sa pakikibaka sa lahat ng maaaring pormakahit saang larangan ng pakikipaglaban.

STRAW Committee Proposal

Vision Tinatanaw ng STRAW Committee ang isang nagkakaisang hanay ng mag-aaral na magiging kritikal at mapanuri sa mga kaganapan sa lipunan; isang kolektibong hanay na tapat na tutugon sa mga isyu, at mapagpasyang idi-direkta ang laban sa pagsusulong ng karapatan di lamang ng kanilang sektor, bagkus maging ng mas malawak na hanay ng mamamayang Pilipino.

Mission Ang STRAW Committee ay magiging instrumento sa pagmumulat ng mga mag-aaral, sa pagtataas ng kanilang kaalaman ukol sa kanilang mga batayan at demokratikong karapatan; at sa pagtitipon ng kanilang mga isyu at hinaing. Responsibilidad ng komite na maging tulay sa pagitan ng hanay ng mga mag-aaral at administrasyon; at ang pagbubukas ng lahat ng maaaring espasyo upang makakilos ang mga mag-aaral tungo sa pagta-tanggol at pagsusulong ng kanilang demokratikong karapatan at pangangailangan.

GPOA & SPOA 1. Maging bukas sa kanilang mga hinaing at pangangailangan. a. Grievance, Response and Information Desk (GRIDs): magiging istasyon ang USC office upang idulog ang kanilang mga problema at pangangailangan. Magbubukas rin ng Online Desk para sa mas mabisa at mabilis na pagsangguni ng mga estudyante ng kanilang mga hinaing. i. Magkaroon ng hotline para sa GRIDs. ii. Magbukas ng pages sa Facebook, at gumawa ng Twitter account. iii. Magkaroon ng form na maaaring i-fill up at ihulog sa isang drop box, kung sakaling walang kinatawan na nakaistasyon sa opisina. (Lalamanin ng form ang pagre-require na iwan ng sumasangguni ang kanilang contact details at pangalan, para sa mas mabisang pagtugon ng komite.) b. Konsultasyon at dialogo sa mga Organisasyon, Kolehiyo at Alyansa i. Katulong ang COFS, magkakaroon ng konsultasyon sa mga organisasyon ukol sa kanilang mga isyu at hinaing. 1. Gaganapin sa mga assembliya ng OFS o sa pamamagitan ng OFS hopping.
4

STRAW Committee Proposal

ii.

iii.

iv.

v.

vi.
5

2. Maaring sa porma ng isang pormal o impormal na diskusyon, na kapapalooban rin ng mga pagpa-plano sa paga-aksyon sa kanilang mga hinaing at reklamo. Patatatagin ang ugnayan ng USC-STRAW at ng mga lokal na yunit ng STRAW. 1. Sa loob ng LCC, magkakaroon rin ng konsultasyon sa mga lokal na yunit ng STRAW. 2. Maaaring magpatawag ng isang STRAW meet upang mapagusapan ng mga kinatawan ng lokal at USC-STRAW ang mga isyu na kanilang kinakaharap. Pagpapatawag ng college assemblies. 1. Gaganapin sa tuwing may maiinit na issue na kinakaharap ang kolehiyo at/o ang unibersidad. 2. Pupulungin dito ang pinakamalawak na hanay ng affiliated at unaffiliated na estudyante sa loob ng kolehiyo. 3. Gagamitin itong mainam na benyu upang marinig ang mga isyu ng mga estudyante sa loob ng kolehiyo at ang mga pamamaraan kung paano nila ito ninanais na tugunan. 4. Magiging din itong daluyan ng impormasyon na nauna nang nakalap ng UCS at STRAW committee na ibabahagi sa mga estudyante. Paglulunsad ng Diliman Student Summit. 1. Maglulunsad ng isang pulong na kung saan papadaluhin ang lahat ng lider-estudyante ng unibersidad, upang magbigay ng praymer sa kasalukuyang estado ng pamantasan, edukasyon at ng bayan. 2. Sa pulong na ito rin ipepresenta ng komite ang mga proyekto nito at ang mga naabot ng mga kampanyang inilunsad sa nakaraan. 3. Magsisilbi rin itong lugar upang maidulog ng mga estudyante ang kanilang mga isyu at hinaing. Katuwang ang BSS Committee, maglulunsad rin ng isang ebalwasyon ng basic social services ng pamantasan ang STRAW Committee 1. Magbubuo ng isang evaluating committee upang makita ang kalagayan ng basic social services sa loob ng pamantasan, at matunton ang mga kahinaan at pagkukulang pa nito na maaaring tugunan. Sa lahat ng benyu na nasaad na magkakaroon ng konsultasyon ng hinaing, gagamitin din ito upang maibahagi ang lahat ng kritikal na

STRAW Committee Proposal

impormasyon na natipon ng STRAW ukol sa mga usapin ng estudyante at ng unibersidad.

2. Magsilbing tulay sa pagitan ng mga estudyante at administrasyon sa pamamagitan ng mga pakikipagdialogo at diskusyon. a. Regular na makipag-ugnayan sa OVCSA at sa iba pang opisina nito upang pagusapan ang mga isyung kinakaharap ng mga estudyante i. Papadaluhin rin ang mga STRAW committee heads mula sa ibat ibang kolehiyo ii. Ilulunsad ang pulong na ito sa tuwing ikaapat na linggo ng buwan b. Ipanawagan na magkaroon ng representasyon ang mga estudyante sa college executive committees upang matiyak na nadidinig ang interes ng mga estudyante. c. Ipanawagan na magkaroon ng representasyon ang mga estudyante sa lahat ng drafting at review committees ng mga polisiya na direktang maaapektuhan ang mga mag-aaral ng pamantasan. d. Tiyaking mayroong tamang konsultasyon sa mga estudyante bago ipasa ang mga polisiya.

3. Maging instrumento sa pagbubukas ng espasyo upang makakilos ang mga estudyante para sa pagtatanggol at pagsusulong ng kanilang mga karapatan a. Maglunsad ng mga forum at diskusyon na magtatalakay tungkol sa mga isyu ng mga estudyante, pamantasan, at ng sambayanan. b. Magsagawa ng mga exhibit at cultural events katuwang ang CCA, na sasalamin sa laban ng mga estudyante. c. I-pulong muli ang UMAKSYON bilang sentruhan ng laban ng mga mag-aaral sa tumitinding komersyalisasyon ng pamantasan. d. Makiisa sa mga aktibidad ng mga organisasyon at alliances na mapagkakaisahan sa mga pulong at konsultasyon, at magbigay ng tulong at suportang kakailanganin nila.

STRAW Committee Proposal

4. Pag-aayos ng pablisidad at dokumentasyon ng mga proyektot kampanya para sa mas mabisang pagpapakalat ng impormasyon a. Makipag-ugnayan sa Mass Media Committee upang mailathala ang mga proyekto at kampanya. i. Gamitin ang mga online pages ng USC at STRAW committee. b. Katuwangin ang mga organisasyon sa paghahanda ng mga materyales sa pablisidad gaya ng teasers, posters at flyers, at sa pagpapakalat nito. c. Regular na maglabas ng statement tungkol sa mga isyu na kinakaharap ng mga estudyante at pamantasan. d. Gumawa ng isang compilation ng lahat ng mga dokumento at case study sa mga isyu at proyektong hinawakan ng STRAW.

5. Isaayos ang programa ng recruitment para sa Volunteer Core ng STRAW a. Sa loob ng mga diskusyon at konsultasyon sa mga estudyante, isama sa agenda ng komite na tumatanggap ito ng mga interisadong volunteer. b. Makipag-ugnayan sa mga organisasyon upang makakuha ng suporta sa mga gawain ng STRAW sa pablisidad man, dokyumentasyon, trabahong teknikal, konsultasyon, o sa org-to-org at room-to-room discussions. 6. Pagpapatuloy ng mga laban ng pamantasan a. Kaltas sa Badyet i. Makipag-ugnayan sa mga tampok na alyansa na nanguna at tumugon sa pakikipaglaban sa pag-aabandona ng estado sa serbisyong panlipunan. 1. UNA 2. UP KILOS NA 3. SANLAHI 4. Alliance of Nationalist Fraternities ii. Maglabas ng update tungkol sa mga nagdaang kampanya laban sa budget cuts iii. Maglabas ng isang infograph ng proseso ng deliberations ng budget, at ang mga kritikal na punto sa pagpapasa nito. iv. Maglabas ng inisyal na pahayag ukol sa tindig ng konseho sa isyu ng sunud-sunod na kaltas sa budget ng social services.

STRAW Committee Proposal

b. STFAP i. Ipablisa ang mga resultang nakalap ng nagdaang STFAP review committee na pinamumunuan ng OSR at STRAW ii. Muling magpatawag ng konsultasyon sa mga estudyante sa mga hakbang na maaaring tanganan upang tugunan ang mga kakulangan ng STFAP. iii. Isalang ang mga napag-usapan sa mula sa konsultasyon, sa isang dialogo sa administrasyon iv. Maghanap pa ng ibang paraan upang matustusan ang pangangailangang pinansyal ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon ukol sa scholarships. c. Student Manual i. Ipablisa ang naging resulta ng nagdaang kampanya sa pagtunggali sa Draft of the Code of Student Conduct at magbigay ng praymer hinggil sa nabuong Student Manual d. Usaping Panseguridad sa loob at labas ng pamantasan i. Tumulong sa paghahanap ng suportang pinansyal para tustusan ang mga gastusin ni Lordei Hina. 1. Maglunsad ng isang fund-raising activity katuwang ang CCA. 2. Makipag-ugnayan sa mga politiko at institusyon na maaaring magbigay ng tulong pinansyal. ii. Makipagdialogo sa administrasyon ukol sa kanilang pananagutan sa nangyaring insidente. 1. Itulak na sagutin ang lahat ng gastusin ng pamilya ni Lordei Hina. 2. Piliting makapaglabas ng malinaw na resolusyon ang administrasyon upang magkaroon ng isang konkretong solusyon sa problema ng seguridad sa loob ng pamantasan iii. Ipagpatuloy ang kampanya ng mga nakabimbing kaso ng human rights violations 1. Free Ericson Acosta and Maricon Montajes 2. Surface Karen & She: Patuloy na pagpapanawagan na panagutin sina Jovito Palparan at GMA. 3. Ipagpatuloy ang laban ng UP Community sa pagpapanagot sa mga resposable sa mga nagdaang paniniktik at pananakot sa mga estudyante ng UP. 4. Maglunsad ng mga Educational Discussions at forums hinggil sa mga kaso ng human rights violations.
8

STRAW Committee Proposal

Committee Structure

Committee Head

Publicity Head

Secretariat

Logistics Head

OFS/Alliances Coordinator

Local Colleges Coordinator

Committee Head ang siyang: Mamumuno at magsusubaybay sa mga gawain ng komite. Magtitiyak na ang lahat ng gawain ng mga myembro ng komite ay naisasagawa. Magpapadaloy ng lahat ng pulong. Makikipag-ugnayan sa ibang komite ng USC.

Secretariat ang siyang: Magtatala at magtatago ng lahat ng minuto ng mga pulong ng komite. Magtatago ng lahat ng dokumento na tinatanggap at inilalabas ng komite Tagapagtiyak ng lahat ng aktibidad ng komite at siya ring tapagpaalam nito sa lahat ng miyembro ng komite. Mag-aayos ng lahat ng papeles para sa mga aktibidad ng komite.

Organizations, Fraternities, Sororities and Alliances Coordinator ang siyang: Magbibigay ng napapanahong impormasyon mula sa mga organisasyon at iba pang pormasyon ng estudyante, hinggil sa kanilang mga isyu at aktibidad. Nakapailalim na rin dito ang asembliya ng STRAW Committee Heads.

STRAW Committee Proposal

College Student Councils Coordinator ang siyang: Magbibigay ng napapanahong impormasyon mula sa mga lokal na konseho ng magaaral, hinggil sa kanilang mga isyu at aktibidad. Magtitiyak ng asembliya ng STRAW Committee Heads ng ibat ibang kolehiyo.

Logistics Head ang siyang: Magtitiyak sa lahat ng pangangailangan ng komite sa kanyang mga aktibidad.

Publicity Head ang siyang: Magtitiyak na ang lahat ng mga aktibidad ng komite ay maayos na napapablisa. Magtitiyak ng online pages ng komite.

Mga Aktibidad Budget Cut - update tungkol sa nagdaang kampanya laban sa budget cut: 3nd week of June. - Infograph ng proseso ng deliberations ng budget: 3nd week of June. - Statement ng USC hinggil sa budget cut: 2nd week of June. - Pakikipag-ugnayan sa mga alyansa kontra-budget cut: 2nd week of June STFAP - Ipablisa ang mga resulta ng nakalap ng nagdaang STFAP review committee: 4th week of June Praymer hinggil sa Student Manual: July Usaping Panseguridad sa loob at labas ng pamantasan - Suportang pinansyal kay Lordei Hina o fund-raising activity katuwang ang CCA: 1st half of First Sem. o mag-ikot para mangalap ng pondo sa ibat-ibang institusyon: Month of June - Dialogo kasama ng administrasyon: month of June - Forum hinggil sa seguridad sa loob ng pamantasan: 4th week of June Forum at ED hinggil sa human rights violations: September. SONA Forum: 3rd week of July.

10

STRAW Committee Proposal

Personal Profile Bilang parte ng pambansang minorya, hindi na bago sa akin ang mga karanasan kung saan napagkaitan ako ng aking mga batayang karapatan, direkta man ito o hindi. Kung kayat pagpasok ko ng pamantasan, una kong hinanap ang organisasyong kumakatawan sa sensibilidad na aking kinalakhan. Nung naging miyembro ako ng UP SOX, at ng UP Muslim Students Association, na kung saan tumangan ako ng posisyon sa loob ng dalawang taon bilang Secretary at Vice Chairperson for External Affairs. Sa pangalawang taon ko sa UP naging myembro ako ng STAND UP, na siyang nagmulat sa akin tungkol sa pagkakaugnay ng aking personal na hinaing sa problema ng mas malawak na hanay ng mamamayan. Kalaunan ay naging miyembro ako ng ANAKBAYAN, kung saan naisapraktika ko ang mga teorya na nagbigay daan upang maipaglaban at maisulong ang karapatan at interes di lamang ng komunidad na pinanggalingan ng aking sector, kundi maging ang hinaing ng sambayanan. Noong 2010 naging aktibo ako sa national elections. Naging myembro ako ng Kabataan Partylist at nag-organisa sa komunidad sa 4th District ng Quezon City. Dito ko nakasama at nakahalubilo ang mga kabataang nasa labas ng paaralan. Kaya ko nakita na may mas malaking hamon na kailangang harapin ang mga lider-estudyante sa labas ng pamantasan. Kayat nitong mga nakaraang taon ay naging convenor ako ng UP KILOS NA sa aking kolehiyo, at dito ko natutunan ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga estudyanteng nakapaloob at hindi sa mga organisasyon.

11

You might also like