You are on page 1of 3

Bantay Lasalyano, Sulong Pilipino Central Plaza Final Draft By: Chelsea Jeanne De Castro Olaya

VO: Tayo ay mga mag-aaral ng isang unibersidad tapat sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating bansa at handang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kapwa tao. Pero higit sa lahat, tayo ay mga Pilipino, inaasahan para magsimula ng pagbabago para sa kinabukasahan hindi lamang ng ating bansa, pati na rin ng buong mundo. Inaanyayahan ang lahat na magtungo sa Amphitheatre para paunlarin ang ating kamalayan sa ating bansa sa tulong ng Ako ay Lasalyano, Tapat na Pilipino. VO: We are students of De La Salle University, dedicated for the betterment of our country and ever ready to answer the call of service for our fellowmen. Most of all, we are Filipinos, counted on to start change for the future of our brothers and sisters not only in our country but all over the world. Let us start to raise our awareness by supporting the Ako ay Lasalyano, Tapat na Pilipino at the Amphitheatre.
H1: Tumayo po tayong lahat para sa Pambansang Awit, ang Lupang Hinirang. Entrance of Colors Video and Song performance of Philippine National Anthem by DLSU Chorale H1: Inaanyaya namin ang lahat na pumunta sa Amphitheater at sumali sa Misa para sa pamilyang Lasalyano at para sa bansa. H2: We invite everyone to join us in the Amphitheater for the Renewal Mass, Renewal of Filipino Lasallian communitiessFilipino Lasallians, schools, and our nation. Mass Proper by LSPO H1: Inaanyaya ang lahat na sumabay sa DLSU Chorale sa pagkakanta ng Prayer for Change. Performance of Prayer for Change by DLSU Chorale H2: Salamat sa DLSU Chorale para sa magandang patatapos nila ng Misa sa kanilang kantang pagdarasal para sa pagbabago sa atin at sa bansa. H1: Magandang hapon mga Lasalyano, maari po naming ipakilala ang aming mga sarili. Ako po si _______________. H2: At ako naman po ay si ________________, galing sa Green Media Group ng De La Salle University, at kami po ang magiging inyong host para sa hapong ito. H1: Isang magandang karanasan nga naman ang makapagmisa muli kasama ang buong pamilyang Lasalyano, upang ipagdiriwang ulit ang ating pagiging mga Pilipino. H2: Salamat kay Br. Jun Erguiza, ang President and Chancellor sa DLSU, para sa kanyang napaka-makahulugang mensahe tungkol sa Lasalyanong Totoo sa Sarili at Sa bayan. At tama siya, dahil ang ating pag-uunlad bilang mga Lasalyano ay hindi lamang para sa kabubutihan atin, kundi para sa kabubutihan ng ating bayan. H2: At bilang mga Pilipino, tayo ay may responsibilidad para sa ating mga kilos at desisyon na makakaapekto sa ibat ibang tao.

H1: Bilang mga Pilipino, tayoy may responsibilidad na maging simula ng pagbabagong magpapatuloy sa mahabang panahon. H2: Maaari lamang natin magawa ito kung tayo ay magiging tapat hindi lamang sa ating salita ngunit pati na rin sa ating mga ginagawa. H1: Sa pamumuno ng ating University Student Government ilulunsad natin ang adbokasiya para sa buwan ng Agosto na ang Ako ay Lasalyano, Tapat na Pilipino. Kaakibat naman dito ang kampanya na may temang Bantay Lasalyano, Sulong Pilipino, na susunod na parte ng nakaraang adbokasiyang Boto Lasalyano, Sulong Pilipino na nagsumikap na ipaboto ang mga Lasalyano sa national elections. H2: Narito si Cabe Aquino para tayo ay paunlakan at markahan ang simula ng ating programa ngayon. Opening Remarks on Ako ay Lasalyano, Lasalyano, Sulong Pilipino by Cabe Aquino Tapat na Pilipino and Bantay

H1: Salamat Cabe, para sa isang makabuluhan at makahulugan na pagbubukas ng ating programa. Totoo nga at madami ang nakahanda para sa atin ngayong hapong ito. H2: Ang selebrasyon natin ngayon ng Ako ay Lasalyano, Tapat na Pilipino ay napupuno ng ibat-ibang programa at palabas na magdudulot ng pagmamalaki sa ating pagiging Pilipino. Ang programang nakahanda ay may kasamang mga speaker H2: Oo, sana ay maisapuso at maisabuhay nating lahat na nandito ngayon ang sinabi mo. H1: Samantala, meron naman tayong bisita na magpapakita sa atin na ang katotohanan ay isang mahalagang susi para makamtan natin ang pagbabago. H2: Katotohanan, yan ay isang bagay na maaaring umakit ng kapahamakan pero hindi ito dapat maging alintana para panindigan kung ano ang tunay at totoo. H1: Ang pagkamit sa katotohanan at malampasan ang mga peligrong kasama nito ay mga bagay na kahanga-hanga, sapat para tawagin ang isang tao na isang bayani. H2: Siya ay nangunguna sa pagsugpo sa pagnanakaw, simula sa pagbuo ng grupong Organisasyon Ng Galit sa Magnanakaw. H1: Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga biktima ng pagnanakaw ng cell phone sa ating bansa, binuo ang organisasyong ito upang matigil at tuluyang mapukaw ang pagnanakaw sa Pilipinas. H2: Nangunguna rin siya sa pagpapatibay ng ating kultura at pamunuan. Sa pagbuo ng Liga ng Pilipino, nais niyang mai-angat ang karangalan ng bawat Pilipino. H1: Tama, at makakamit lamang ito sa pamamagitan ng pagpapatotoo at pagprotekta sa karapatan nilang mamuhay ng masagana. H2: Narito para paliwanagin pa ang mga maaari nating gawin para sumulong ang ating bansa, palakpakan natin, ang isang bayaning tunay na maituturing, si Ginoong Jun Lozada. 1 st Speaker: Jun Lozada H1: Maraming salamat, Ginoong Lozada, alam kong maraming natutunan ang ating mga manonood mula sa inyo. Sa simpleng ehemplo ng iyong buhay, naipatunayan ninyo ang depinisyon ng isang Pilipinong tapat sa bansa. H2: Upang ipabahagi pa ng lubos ang ating adbokasiya sa mga estudyante, ipaparinig sa atin ng De La Salle Innersoul ang isang awiting magpapakita ng tunay nating tungkulin bilang Lasalyano at Pilipino. Ang awit na ito ay ang ___________________. Palakpakan natin ang DLSU Innersoul!

Performance of DLSU InnerSoul H1: Salamat, De La Salle Innersoul para isang magandang awit na inyong inihandog sa amin H2: Magtungo naman tayo sa isa pang kilalang Pilipino na hindi tumigil hanggat nakamit niya ang katotohanan. H2: Hindi lamang yan, isa rin siya sa mga gumagalaw laban sa korupsyon na laganap hindi lamang sa ating gobyerno pati sa iba pang sangay ng tagapagmuno ng ating bansa. H1: Salubungin natin ng masigabong palakpakan si Binibining Heidi Mendoza. 2 nd Speaker H2: Maraming salamat, Bb. Mendoza, tiyak na maraming natutunan ang ating mga tagapakinig ngayong hapon. Tiyak na ang inyong salita at kwento ay nakapagbigay inspirasyon sa mga Lasalyano na maging bigilante sa ating gobyerno. H1: Tama yan, siguradong isasapuso at isasagawa natin ang mga aral na napulot natin mula sa ating mga tagapagsalita. Dahil tama nga ang ating tema para sa hapong ito na dapat binabantay ng Lasalyano ang ating gobyerno at ang ating bansa, upang sumulong ang mga Pilipino H2: Kayat ngayon, at hanggang sa susunod na mga taon, dapat nating ipagpatuloy at isabuhay ang Bantay Lasalyano, Sulong Pilipino. Sana ay hindi lamang tayo makikinig sa mga mararangal na Pilipinong nagsasalita laban sa katiwalian at katunggalian, kundi tayo mismo, sa bawat bagay ng ating buhay, ay gumagawa ng konkretong panibago na makakaapekto sa iba. H1: Pero hindi nagtatapos diyan ang ating programa, dahil sa susunod na parte ng hapon, isang importanteng bahagi ng ating adbokasiyang pang-nasyonalismo ang pagmamalaki ng ating kulturang Pilipino. H2: Ang pagmamalaki ng ating kultura, musika at sining ay mahalaga upang ipakita ang ating galing at talento bilang mga Pilipino. Kayat sa araw na ito, salamat sa ating sponsor na ang Channel V, idinala nila dito ang kanilang school caravan na ang Dyip ni Juan. H1: Ang Dyip ni Juan ay isang programa ng Channel V kung saan silay umiikot sa mga paaralan at unibersidad upang ipalaganap ang adbokasiya ng pagmamalaki ng musikang Pinoy. H2: Kayat sa hapong ito, sa tulong ng Channel V, mayroon tayong madaming mga artista at banda na magtatanghal at magpapakita ng talentong Pilipino. H1: At para simulan ang programa, maaari na namin tawagin ang mga host galing sa Channel V. H2: Maraming salamat sa inyong akitb na partisipasyon. Muli ako po si _______ H1: At ako naman po si ________. H1 and H2: ANIMO LA SALLE. Enter hosts from Channel V to start program on Ang Dyip ni Juan.

You might also like