You are on page 1of 4

(SANAYSAY NA PORMAL-PAGLALAHAD) Pamahalaan Natin Ngayon

Ni Christine Tiara T. Zamora

Ang pamahalaan ay isang institusyong pinamumunuan ng mga taong naihalal o pinili ng mamamayan Ang pamahalaan ay ditto nagtipon tipon an mga may mga kapangyarihan na gumawa ng batas para sa ating bayan. Itoy isang organisaysyon na may kapangyarihan ng gumawa at magtupad teritoryo. Bagamat karamihan ng naihalal na mga opisyalis sa ating pamahalaan ay nahahantong sa katiwalian, marami parin ang umaasa na sa huli ay masusulosyunan parin ang problema ng bansa tulad ng kurapsyon at pagbaba ng ekonomiya. ng batas sa isang nasasakupang

Sa kasalukuyang pamumuno ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III, unti-unti nitong nililinis ang katiwalian ng bansa. Nauna na dito ang pag papatalsik kay Gng. Merciditas Guttierez sa Ombudsman. Naakusahan siya sa umanoy hindi niya pagiging epektibo sa kanyang tungkulin sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Nasampahan na siya ng unang impeachment complaint noong taong 2009, ngunit na dismis din ito sa 14th Congress dahil karamihan ng mga kasapi nito ay pabor kay Gng. Arroyo na kanyang ka alyado. Ngunit ng naihalal si Pangulong Noynoy Aquino, tuluyan na nga siyang naipatalsik sa pwesto.

Isa lamang ang kaso ni Gng. Merciditas Guttierez na ipinakita ng Pangulong Aquino na sensero siya sa paglilinis sa katiwalian ng bansa. Marami man ang

nagsasabi na umiiral na ang diktatora sa pamahalaan sa Pilipinas, umaasa parin ang nakakarami na sa mabuti ang patutunguhan nito.

(SANAYSAY NA DI PORMAL) KABATAAN NGAYON


Ni Christine Tiara T. Zamora

Kabataan ang pag-asa ng bayan, yan ay ayon kay Dr. Jose Rizal. Ngunit paano nalang ang pag-asa ng ating bayan kung ang kabataan ngayon ay parang wala nang direksyon at kabuluhan ang tinutungo ng kanilang buhay.

Karamihan sa mga lumalabas na balita sa dyaryo ay mga krimen na gawa nga mga menor de edad o kabataan. Nakakalungkot isipin na ang pamahalaan ay walang magawa dahil ayon sa ating batas walang menor de edad na pweding hatulan o litisin sa batas.

Sa mga palabas sa telebisyon, ang mga kabataan ang laging naitatampok. Unti unti na nilang ipinapakita ang liberal na pag-iisip. Naiwawaglit na nila ang mga kaugaliang para sa kanila ay panahon pa ni Kupong-kupong at din a uso sa ngayon. Ayon nga sa kanila baduy at jeprox daw ang tawag sa mga taong nagpapakita ng kaugaliang Maria Clara. In at sosyal naman kung liberal na ang kanilang ipinapakita.

Sa mga paaralan man, bihira nalang ang mga estudyante na nagbibigay galang sa mga guro maliban nalang kung meron silang kailangan dito. Para sa kanila, ang paaralan ay isa na lamang requirements para makahanap ng trabaho hindi katulad noon na ang paaralan ay isang institusyon na humuhubog sa pagkatao ng isang magaaral. Ang nangyayari sa ating kabataan ngayon ay isa lamang reyalidad na nag-iiba na talaga ang takbo ng pag-iisip ng mga Pilipino. At ito ay isang katotohanan na maaring mawala na talaga ang kaugaliang Pilipino sa susunod ng henerasyon. Ika nga ng ating mga kabataan ngayon, sila na ang tinatawag na generation X. Henerasyon na walang sinasanto, henerasyon na walang kinatatakutan Matatawag ba silang pagasa ng bayan?

(TALUMPATING PAMPASIGLA) Christine Tiara T. Zamora Akoy nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa akin na makapagbahagi sa ating mga magtatapos ng isang mensahe sa panahon ng kanilang pagtatapos sa mataas na paaralan ng Dr. Cecilio Putong National High School.

Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang aking sariling karanasan sa buhay, at sana ay kapupolutan ninyo ng isang aral.

Akoy isang ordinaryong tao lamang ngunit dahil sa pagsisikap ay masasabi kong naabot ko na ang tugatog ng tagumpay sa aking buhay. Noon ako ay isang mag-aaral na tulad ninyopuno ng pangarap, puno ng katanungan sa buhay kung ano ang mangyayari pagkatapos ng hayskul. Ngunit sa bawat hakbang na aking tinatahak sa aking buhay lagi kong isinasapuso na sa darating na panahon, makakamit ko rin ang akong tagumpay.

Simple lang akong mangarap ngunit hindi ko tinitipid ang aking pagpupursige na magtrabaho at magsipag. Nagtratrabaho ako, habang nag-aaral sa kolehiyo. Kung may panahon sa Sabado at Linggo, kumukuha pa ako ng isa pang ekstrang trabaho para matustusan lamang ang aking pangangailangan at makatulong kahit kaunti sa pamilya. Nag-aral ako san g kolehiyo na walang kahit isang singkong duling na hiningi sa akong mga magulang. Ang pagtitiis at sakripisyo ay ginawa ko nang kaibigan para lamang hindi ako mahirapan. Inisip ko nalang na kung gusto kung magtagumpay, kailangan kong kalimutan ang salitang pahinga at maglibang. At sa awa ang Dios, nagtapos ako sa kursong pagpupulis. Agad agad naman akong nakapasok sa serbisyo at ngayon tinitingala nang isang General sa pulisya ng Pilipinas.

Libre ang mangarap, lalong lalo na para sa mga taong nagsusumikap. Huwag kayong huminto sa hayskul lamang, meron kayong magagawa para mapabago ang inyong buhay. Kumayod kayo at magsipag. Iyan lamang ang paraan upang makamit ninyo ang inyong tagumpay. Maraming salamat.

Pagtatalo Christine Tiara T. Zamora Ika-apat ng tagapagsalit Magandang umaga sa lahat ng inampalan at panauhin. Ang aming panig ay hindi sumasang-ayon nag awing legal ang diborsyo sa Pilipinas. Nang isalang ang bill para maging legal ang diborsyo sa Pilipinas, sari-saring emosyonal na opinyon at pananaw ang naglabasan lalo na sa sektor ng Katoliko. Malaking porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay Katoliko. Sa batas ng mga Katoliko, hindi nararapat na maghiwalay ang mga taong pinagsama ng kasal. Ang kasal ay isang banal na unyon at marami pa din ang konserbatibo na naniniwala na ang sinumang pinag-isang dibdib sa harap ng Diyos ay di maaring paghiwalayin ng tao. Kahit ang presidente ng bansa ay di naiwasang magbigay ng pananaw niya ukol dito. Ayon kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III, hindi daw siya sang-ayon sa diborsyo ngunit pabor naman siya sa legal na separasyon na magbibigay ng laya at karapatang mag-asawa muli ang mga taong hiwalay na.

Rebuttal Mahigpit na sinasalungat ng simbahang Katoliko ang panukalang-batas na ito. Ayon sa tagapagsalita ng simbahan, ang diborsyo ay hindi solusyon sa isang masalimuot na pagsasama ng mag-asawa. Para kay Fr. Castro, ang diborsyo ay magiging instrumento lamang ng madaling pagtakas sa mga problemang mag-asawa. Hindi daw dapat itong sang-ayunan dahil ang kasal ay isang banal at panghabangbuhay na kontrata. Katanungan 1. Masasabi mo ban a sulosyon ang diborsyo sa problema ng mag-asawa? 2. Naranasan mo na bang mabugbog? 3. Naniniwala ka ba na ang dalawang taong handa sa pag-aasawa ay hahantong sa isang diborsyo?

You might also like