You are on page 1of 7

Kultura Gikan sa Wikipedia, ang gawasnong ensiklopedya Kultura (gikan sa Kinatsila nga gikan sa Linatin cultura nga gikan

sa colere, ang gipasabot "pagkultibar" o pag-alima) mireper sa mga aktibidad sa katawhan ug sa mga simbolonga mihatag og importansya sa maong aktibidad. Ang mga nagkalainlaing depinisyon sa "kultura" nahitabo depende sa teyoretikal nga gibasehan sa pagsabot, o sa kriteriya niini. Napakita ang kultura sa musika, literatura, estilo sa pamuyo (lifestyle), pamintal ug eskultura, teyatro ug pelikula, ubp. Ang uban mitudlo sa kultura isip pagkonsumo ug isip mga produkto (sama sa taas nga kultura, babaw nga kultura, banay nga kulura (folk culture), o popular nga kultura), ang mga antropologo misabot sa "kultura" nga dili lang sa maong mga produkto, gipasabot sab niini ang mga heneral nga proseso nga mihimo sa maong mga produkto ug sa paghatag ug kahulogan, apil na sab ang mga katilingbanong relasyon ug kinaiya diin kabahin na ang maong mga butang. Mao nga kabahin sa kultura ang arte, siyensiya, ug ang moralidad. Kasagaran sa mga kultural nga antropologo migamit sa terminong "kultura" isp nagpasabot sa unibersal nga kapasidad ug aktibidad sa katawhan aron maklasipikar, makowd ug makomunikar ang mga kasinatian pinaagi sa mga simbolo. Ang kini nga kapasidad giisip nga mihimo sa tawo isip tawo. Ano ang kultura? ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. AngWikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan. there are 6 kinds of kulturang pilipino.tese are tradisyon , wika ,kaulgalian,sining, kasuotan at relihiyon. Ano ang kulturang popular?

ito ang mga kulturang kinagat ng panlasa ng tao. halimbawa na nito ang ukay-ukay na hanggang ngayon ay patok na patok parin sa mga pinoy.
Nakita ko sa bookstore ang series of books na ito na sinulat ni Rolando B. Tolentino. Nagkainteres agad ako dahil isa sa mga libro ay pinamagatang Si Darna, ang Mahal na Birhen ng Peafrancia, at si Pepsi Paloma.Sa isang aklat naman na pinamagatang Ang Bago, Bawal, at Kasalukuyan ay mababasa sa

likuran ang ganito: Kahit pa ang kulturang popular ay dinadambana na para sa lahat, marami pa ring complex na usapin na kaakibat nito. Kailan nagiging bago ang bago? Ano ang ipinagbabawal sa baliw? Ano ang kasalukuyang sining sa espasyo ng mall at kasaysayan sa komiks? Masarap basahin ang laman ng dalawang librong ito. Lumampas pa ito kesa sa ini-expect ko. Mababasa sa loob ang mga talatang: Si Narda ay nagiging si Darna dahil sa kolektibong ideal tungo sa pagbabago, sa paglaban para mabago ang mga kalakarang di umaayos sa interes ng nakararami. Ang pagsigawa ng Darna ay ang kolektibong impit na tinig ng mga historical na naisantabi. Ito ang tinig na hudyat ng pagbabago. Kakaiba ang ganitong proseso dahil ang tanging nagpapaiba ng personalidad ni Superman kay Clark Kent o ni Wonder Woman sa kanyang totoong pagkatao ay ang makapal na grado ng salamin. Ang pagtanggal ng salamin ang hudyat ng ating suspension o disbelief. Muling idinidiin nito ang kapangyarihan ng bisyon para sa pag-unawa at suspension ng realidad. Kung ganito, naiigpawan ang Kanluraning modelo ng pagbuo ng sabjek at identidad. Sa modelong ito, lumilikha ng hierarchy ng identidad at ang kawalan nito. Ako ay nagiging ako dahil kayo ay kaiba. Pananatilihin ko kayong kakaiba dahil kailangan kong panatilihin na ang ako ay ako. Marami ring mga palaisipan sa mga aklat na ito. Gaya ng: Ang basehan ng ating pag-asa ay ang ating kakulangan. Tunay ang sinabi ni St. Brad Pitt sa pelikula na Things that you own eventually own you. Ang pinaglilingkuran at nagmamay-ari sa ating komoditi ang nagdidikta kung ano ang dapat nating piliing libangan. Manonood tayo ng sine, at napapaisip tayo tungkol sa mundong isinisiwalat sa atin ng higanteng tabing. Napapaiyak at tumatawa tayo sa mga taong hindi naman natin kaanu-ano. Nakikita natin sa kanila ang ating buhay. Pinagtatrabaho tayo na matagpuan natin ang ating sarili sa kanila, mga taong kilala na natin pero hindi naman tayo kilala maliban sa masa ng manonood at fans. Kilala natin silang gumaganap sa pelikula bago pa man tayo nanonood, pinagtatrabahuhan na natin ito para maging kakilala natin sila. Sila na alam natin ang kasaysayan ng mga relasyon, paboritong awit at pagkain, memorable na anecdotes at iba pasila na mas kilala natin kaysa sa ating mga kaibigan at kapamilya ay hindi man lamang tayo bibigyan ng limang segundo kung sakaling makita natin sa loob ng mall. Kilala natin sila pero hindi nila tayo kilala. Anong klaseng relasyon ito? Maganda. Ayaw ng lipunan ng pangit. Walang santo at birhen na pango, may peklat, maitim, mataba. Maganda ang nagmamaganda. Kahit pangit ang nagdarasal, maganda ang kanyang pinagdarasalan. Kung ang tao ay hind hayop, bakit maraming taong nag-aasal hayop? Kung ang tao ay tao, bakit mahirap magpakatao? Kung ang tao ay mas mataas sa hayop, ano ang giraffe? Hayop. Parang mura. Puwedeng para sa kahit ano. Hayop sa ganda! Hayop ka! Hayop ka man, ang galing mo! Hayop sa sarap. Masahol ka pa sa hayop! Hayop, kahayup-hayupan! Nasa paraan ng

pagbigkas ang kahulugan ng salita. Kaya kailangang may social skills ka para makarinig di lamang ng salita, kundi pati tono ng pananalita at ng konteksto ng pagsasalita. Ilan lamang iyan sa maaring mababasa sa mga aklat na ito. Highly recommended ito sa mga seryosong nag-aaral ng pop culture. Kulturang Popular, Buhay at Karanasan (Vol 1 Intro) Introduksyon sa Serye ng Libro: Kulturang Popular, Buhay at Karanasan sa Pang-araw-araw Mula Pagbangon Hanggang Pagtulog (unang serye, para sa Vol. 1) Mula sa ating paggising at pagtulog, ang substansya ng kulturang popular ang siyang gumigiya sa ating buhay--paghinga, pagtibok ng pulsot puso, pagtunaw ng pagkain at pagkagutom, pagkaantok at pagkasigla, pagtawa at pag-iyak. May malaking pagtataya ang kulturang popular sa ating katawan bilang behikulo para masulong ang pagdanas sa lipunan, kasaysayan at (post)modernisasyon. Hindi nga bat ang ating katawan ang siyang sintomas at manifestasyon ng pagkalalim na tagos ng malaganapang kulturang popular sa ating buhay? Pero higit pa sa biolohikal na oberdeterminasyon ng kulturang popular sa ating katawan, may mas malalim na sugal ang kulturang popular sa pagsubstansya paghubog at pagpapalaman, o pagpapalawak at pagpapalalimsa ating kamalayan. Makakapasok ba tayo sa mall nang hindi man lamang naaambunan, basang-basa pa sa karanasan sa mga produkto ng kulturang popular? Makakaalis ba tayo sa ating bahay na hindi nakakapagpahid ng isang daan at isang produkto sa ating katawan? Bakit tila tayo kulang kapag nakalimutan natin ang ating cellphone? Hindi bat nabuhay naman tayo na wala ito sa nakaraan? Bakit hindi tayo mabuhay sa hinaharapo isang araw man lamangna walay sa teknolohiyang ito? Bakit para tayong nanghihina kapag hindi tayo nakainom ng ating pang-araw-araw na adiksyon sa bitamina at energy drink? Bakit tayo conscious kapag nakaligtaan nating magdeodorant, na kahit hindi naman tayo pagpapawisan ay tila automatiko ang panunumbalik ng putok sa katawan? Bakit tayo tila nasa loob ng pelikula kapag conscious tayong pinapanood tayo at nagugustuhan natin ito? Bakit iba ang ating pagkatao kapag magkakasama ang kabarkada at kaopisina natin (sa pagkakataong nasa labas tayo ng opisina) kaysa sa pang-araw-araw na kasama natin ang ating kapamilya? Bakit tila nadanas na rin natin ang mga nadaranas ng mga karakter na pinapanood natin sa telebisyon at pelikula? Bakit nasaulo natin ang mga kantang sinusuka natin? Bakit hindi na natin ibig ang mga kantang bigla na lamang nagustuhan din ng mga jologs? Bakit sumasagi sa isip natin ang pagpapakamatay at pumatay? Bakit tayo nananaginip ng gising? Bakit hindi tayo makatulog nang hindi nagpapahidna namanng isang daan at isang produkto sa ating katawan? Ang kulturang popular ay may kapangyarihang lumikha ng kulang at sobra sa atin. Sa paratihan, ipinamumukha nito ang ating kasalatan sa ideal na ginawang masibong pamantayan ng panggitnang uri na pamumuhay. Panggitnang uri ang pamantayan ng kulturang popular dahil ito ang nililikhang ideal na imahen na maaring makamit ng mayoryang nananatiling mahirap sa bansa. Ang pagsna-snatch o hold-up ng cellphone, halimbawa, ay maaring tignan bilang paghihiganti ng masa sa inaakala nilang normal na bahagi ng (middle-class na) buhay. Ang kulturang popular ang nagbibigay ng normative function sa mga produkto, na tila kinakailangan ito ng mga tao hindi lamang para mapabuti ang buhay, kundi mismo, para mabuhay. Ang panggitnang uri din ang pamantayang maaring bumaba ang nakakataas na uri. Masyado namang malungkot ang buhay kung iilan lang silang nagkukuwentuhan ng bagong Louis Vitton bag o Channel na pabango. Tila mula CK at Bench hanggang Axe ang nagiging kolektibong amoy ng

nagnanais makaangat sa nakararami. Ang kulturang popular ay ang kultura ng panggitnang uri at para sa marami, mayroon itong kaakibat na dilemma ng naturang uriparating nakakasapat lamang ang kita, madalas kulang pa nga na magbibigay sa gitnang uri ng afinidad sa uring anakpawis (working class) pero sa taas ng kanyang aspirasyon at pangarap sa buhay, ang kanyang identifikasyon naman ay tungo sa pribilihiyadong uri. Ito ang bind ng kultura ng panggitnang uridahil wala siyang nakakasapat na materyal na batayan para makamit ang kanyang pangarap, paratihan lamang inilulugar niya ang kanyang sarili sa pasakit para sa pangako ng temporal na kasiyahan. Nabubuhay ang panggitnang uri para sa posibilidad na makamit ang pangako ng pag-angat, ng pag-igpaw sa kanyang mismong uri. At sa kolektibong aspirasyon na ito, tanging si Cinderella (one-in-a-million) ang makakamit ng pangarap na makaahon sa kinasasadlakang kumunoy ng lipunan. Tunay tayong mababaliw sa kaligayahan kapag tayo ang nanalo sa Who Wants to be a Millionaire, Game ka na ba? o Weakest Link. Pero masaya na tayo sa panonood ng ibayung mismong contestantat sa posibilidad ng pag-ahon ng isa sa ating uri. Ang kulturang popular ay hindi libre. Ito ay isang karanasan na tanging ang may kapasidad bumili at magbayad ang makakadanas. Sa nakararami, ang pagdanas ay nagaganap lamang sa kanilang kamalayan. Sa sobrang gusto nila itong maranasanang bagong amoy, bagong modelo ng Nokia, bagong skin whitener, bagong jeans, bagong buhayay mas nadanas pa nila ito. Paulit-ulit itong umaalingawngaw, sumasalat, namumutiktik, nakikinita, nalalasahan--paulit-ulit na nila itong nadaranassa kanilang utak. Rehersado na ang kanilang pagdanas kahit hindi pa ito aktwal na nadanas. Ang kulang na nga lang ay ang materyal na gratification sa karanasanna sa akto lamang ng pagbili magkakaroon ng release ang matagal at paulit-ulit nang pagmamaniobra sa karanasan, na sa pang-arawaraw ay nirerepress at ino-oppress naman. Itong akto ng pagbilina tila minamaliit ng maykayaang siyang nagpapaiba sa karanasan sa kulturang popular. Hindi naman lahat ay may kapangyarihan nito, lalo na sa isang lipunang di hamak na mas marami ang mahirap kaysa maykaya. Kaya ang maykaya ay may pasaporte sa mga produkto at arena ng kulturang popular samantalang ang mahirap ay kailangan na lamang makuntento sa posibilidad nito, na kahit papapaanoy sa tanang buhay niya ay makakapagJollibee at MacDo siya. At ito naman ay ipinapangalandakang abot-tanaw, abot-kamay na pangarap para sa nakararami. At ito ang karanasan sa malling, isang kakatwang pang-araw-araw na kaganapan sa mga syudad sa bansa. Una, ang malls ang bagong sentro ng publikong buhay. Dito nagaganap ang sosyalisasyon ng mg tao tungo sa panlipunang relasyon (kitaan ng mga kaibigan, book fair, profesyonal na serbisyo, tulad ng dentista, travel agent, dollar exchange, at iba pa). Sa kawalan ng mga parke sa syudad, ito na ang pasyalan, me pera man o wala, maayos lang ang pananamit ay makakapasok pa rin sa loob ng mall. Sinababi na ang mall ay democratizing device sa lipunanpinagpapantay-pantay nito ang akses ng mga tao sa mabuting (nabibiling) pamumuhay kahit pa ito ay mito lamang. Ang maykaya pa rin ang ideal na konsumeristang mamayan sa lipunan ng mall. Ikalawa, ang malls ang nagpapakita ng produksyon ng magic sa intermittent na yugto ng komodifikasyonsa gitna ng produksyon at resepsyon ng mga komoditi. Ang pagkapasok sa mga tindahan sa mall ng mga produkto ay dobleng pagtatanggal sa moda ng produksyon nitouna, ang mismong produkto ay maaaninagan ng kawalan ng anumang bahid ng paggawa at aktwal na produksyon (ang mga isda sa sardinas ay hindi makakakitaan kung paano ito pinagsiksikan sa maliit na lata, paano nagkaroon ng sarsa, at nawalan ng daliri ang manggagawa sa pabrika nito); ikalawa, dobleng magical sa pagkadispley nito sa mall bilang lunan na may orihinaryong orkestradong magic na kapaligiran. Hindi nga bat mas natutuwa ang mallers dito kaysa sa aktwal na plaza sa kanilang pinanggalingang bayan? Dahil mas kontrolado ang mga marka ng gitnang uri sa mallair con, kawalan krimen, maayos na pananamit at dekorum sa lahat ng nasa loob nito, kalidad ng serbisyoay mas naiibigan ito bilang

parang life-choice ng mga tumatangkilik nito kaysa, halimbawa, sa usok at traffic sa labas, delikadong paglalakad sa sidewalk, maduduming pagkain sa kalsada, namamalimos, at iba pa. Ang mall ay espasyo ng posibilidad ng panahonna kahit hindi lubos na maunlad ang bansa ay may showcase ng posibilidad ng kaunlaran, mga oasis of love sa duhaging bansa, at ang engrandeng posibilidad na hihigit sa lahatang porma ng bansa kapag ito ay ganap na maunlad na bansa. Sino ang aayaw na ang buong Kamaynilaan ay maging higanteng mall, tulad ng orkestrasyon para sa luntiang syudad sa Singapore o mga high-tech science na syudad sa Japan, halimbawa? E di magiging one big shopping showcase tayo ng Asia. Pero ang realidad ay hindi mangyayari ito dahil napakaliit ng aktwal na gitnang uri sa bansa. Kaya ang mall ay pribiliheyadong espasyo ng kaunlaran, ng display ng gitnang uring kabuhayan at ng mismong gitnang uring kapangyarihang makabili. At sa naratibo ng shopping spectacle, nagiging korolaryo ang buhay ng mga mababang uri, lalo na ang mga nagtataguyod ng lifestyle sa mall, ang libo-libong subcontracted laborers nito. Nabubura ang moda ng produksyon nila dahil ang mismong kalakaran ng pagtingin sa mall ay tungo sa gentrified na visualisasyon. Tunay na malawak ang sakop sa ating kamalayan ng kulturang popular. Binibigyan tayo ng mga bagong pangangailangan at desire, na dati naman nga ay hindi natin kinailangan. Dahil sa masibo nitong pagpapalaganapwalang takas sa cellphones, halimbawa, sa pang-araw-araw na ads at komersyal ng mga kompanya nito, sa mismong mga taong tumatangkilik nito, sa ibat ibang larangan ng buhay na ating ginagalawan, tulad ng mall, tiangge, palengke, opisina at skwelahanwalang hindi mababahiran ng kaakibat nitong karanasan: paano ba dinadanas (paano hihinga at mag-iisip) ang karanasang dulot ng ibinebentang produkto? Ano ang transformasyong magaganap sa pagbili nitong produkto? Bakit kulang pa rin kahit na nakabili na? Dahil ba sa may mas magandang brand at modelo? Dahil ba ang bago ay ginagawang luma kaagad sa kulturang popular na kinapapalooban natin? Bakit kulang pa rin kahit na labis na? Sa introduksyong ito, nais kong ipaliwanag ang mga komponent na bumubuo ng kulturang popular at ang paraan ng pagdanas dito. Paano ba natin muling imamapa ang karanasan nang hindi lang natin ito dapat tanggapin bilang nandiyan na, isang given sa ating buhay, na sa ayaw at sa gusto natin ay sapilitan tayong ipinapasabay dahil tila walang ibang siwang para sa kontra-pagkilos at kontra-kamalayan? Paano ba nanormalisa ang ating karanasan sa mall, cellphones at mismong panggitnang uring buhay? Sa muling pagmapa lamang tayo makakakita ng siwang para sa indibidwal at kolektibong pagbabago at transformasyong pangkamalayan at panlipunan. Kung hindi ito, para tayong automatons o robotics, na bawat kable, kalamnan at microchip na bumubuo sa atin, ay mas ginagawa tayong sunod-sunuran kaysa matuklasan natin ang ating historikal na pagkatao. Tulad si Neo sa pelikulang Matrix, kinakailangan nating pumili sa pula at asul na kapsulapara matunghayan natin ang loob ng artiface o manatili sa ating kamangmanganat matapos, kung pipiliin nating sumulong, ay wala nang muling pagbabalik sa dati. Sundan din natin ang white rabbit May anim na bahagi ang seryeng ito tungkol sa kulturang popular: Volume 1. Kulturang Mall. Ang mall ay isang media na nagdudulot ng sosyalisasyon tungo sa gawi ng isang transnasyonal na mundo. Paano tayo tinuturuan ng kultura ng mall? Paano ugma ang pagtingin at malling sa transnasyonal na mundo at realidad sa isang di pa lubos na transnasyonal na lipunan? Volume 2. Disaster, Droga at Skin Whitener. Ang mundo ng kulturang popular ay mundo ng politikal.

Mayroong nakikinabang sa mga itinuturong kaisipan at kagawian. Ano ang sigalot na dulot ng pagkabagsak ng mga eroplano at sunog sa Ozone? Bakit bigla itong nakakalimutan? Paano tayo lumilikha ng popular na alaala sa kultura ng droga? Bakit gusto nating pumuti? Volume 3. Si Darna, ang Mahal na Birhen ng Penafrancia at si Pepsi Paloma. Mga babae ang imahen ng kulturang popular at mass consumption. Ang ang sinasabi ni Darna hinggil sa paghahanap ng tinig ng kabataang manunulat? Paano magkatulad ang pagsalat sa Birhen ng Penafrancia at ang konsert ng South Border? Paano si Pepsi Paloma naging magandang buhay at lalong naging magandang kamatayan? Volume 4. Ang Bago, Bawal at Kasalukuyan. Kahit pa ang kulturang popular ay dinadambana na para sa lahat, marami pa ring komplex na usapin na kaakibat nito. Kailang nagiging bago ang bago? Ano ang ipinagbabawal sa baliw? Ano ang kasalukuyang sining sa espasyo ng mall at kasaysayan sa komiks? Volume 5. Paghahanap ng Virtual na Identidad. Ang pagtangkilik ang siyang nag-uugnay sa atin. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng identidad, virtual man. Paano hinuhubog ng bida sa pelikula, ng retro fashion at computer games, at ng mall para tayo magkaroon ng virtual na identidad? Ano ang challenge sa pangkulturang gawain sa edad ng globalisasyon? Volume 6. Lalakeng Pin-up, GRO at Macho Dancing. Mahirap maging lalake sa kasalukuyang edad. Kailangan mong maging feminisadong lalake para mapanatili ang pribilihiyadong posisyon sa lipunan. Ano ang sinasabi ng proliferasyon ng lalakeng pin-ups at magazines? Bakit mayroon nang lalakeng GRO? Ano ang ikalawang yugto ng macho dancing sa gay bars? PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR ikalawang sem 2010-2011 | prop. mykel andrada | FC 3011 | sirmykelandrada@gmail.com | http://aklatandrada.multiply.com LAYUNIN NG KURSO 1. Masuri ang mga batayang konsepto sa pagluluwal ng panitikan at kulturang popular sa pilipinas 2. Mabusisi ang ugnayan ng kulturang popular, pantikan, ideolohiya, uring panlipunan, at bayan 3. Mausisa ang mga kamalayan at karanasang nalilikha ng industriya ng kulturang popular 4. Makita ang transgresibong potensiyal ng kulturang popular para sa pagbabagong panlipunan 5. Masuri ang papel ng Pan Pil 17 sa RGEP DALOY NG KURSO A. Sulyap-suri sa Institusyunalisasyon ng Kulturang Popular Key terms: ideolohiya, diskurso, kultura, kulturang popular 1. Gawain: Whats in a name?: Kasaysayan ng Pangalan 2. Sanaysay: Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon ni Jennifer Padilla B. Bida at Kontra-bida sa Industriya ng Kulturang Popular Key terms: kapitalismo, globalisasyon, reaksyonaryong modernismo, komoditi 1. Nang Sumali si Inday sa Deal or No Deal 2. Esem ng Yano 3. Para Sa yo ang Laban na to inawit ni Manny Pacquiao

4. Order of Lakandula, rank of Champion for Life, for Pacquiao ni David Cagahastian 5. Mandirigma at Alipin ng Ating Panahon nina Soliman Santos at Kenneth Guda 6. Upuan ni Gloc 9 7. Aralin sa Ekonomyang Pampulitika ni Kerima Lorena Tariman 8. Pag-uulat ng Grupo 1: Bayan at Kulturang Popular C. Kulturang Masa Bersus Kulturang Popular Key terms: commodity fetishism, co-optation, reification, surplus value, political economy 1. Para sa Masa ng Eraserheads 2. Maiikling pelikula ni Ramon Bautista: Dan Michael at One Sip at a Time 3. Naging Mahirap ni Merlee Jayme 4. Villar Pahirap ni Anonymous 5. Pag-uulat ng Grupo 2: Masa at Kulturang Popular 6. Ukay-ukay ni Delfin Tolentino 7. Intellectual Mass Starvation ni Vlad Gonzales 8. Gawain: pagkalap / pagpicture ng mga textong MMDA: art, signs, stickers, posters, tarpaulin atbp D. Transgresibong Potensiyal ng Kulturang Popular Key terms: subversion, cultural revolution, tradisyon 1. Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar 2. Aba Santong Diyablo ni Anonymous 3. Aba Naman Gloria ni Anonymous (Text Message) 4. Pasyong Mahal ni San Jose ni Jose F. Lacaba 5. Pag-uulat ng Grupo 3: Relihiyon at Kulturang Popular 6. Vandalismo ni Rolando B. Tolentino 7. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes 8. Gawain: pangangalap ng mga graffiti 9. Etika ng Protesta ni Danilo A. Arao 10. Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong Pag-aaral sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong Sumagot ni German V. Gervacio 11. Gawain: paglikha ng sariling politikal na bugtong 12. Mensahe sa Paksa Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura 13. Ni Uncle Sam ni Anonymous 14. Pag-uulat ng Grupo 4: Indie: Rebolusyon at Kulturang Popular MGA KAHINGIAN quizzes, assignments, seatworks, attendance, recitation 25% pag-uulat at mga mayor na papel 25% unang mahabang pagsusulit 25% ikalawang mahabang pagsusulit _25% 100%

You might also like