You are on page 1of 3

Gavin S.

Golingan

BSIT 2A

ANG KONSEPTONG PAPEL Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin. Sa tulong ng konseptong papel, na magsisilbing isang proposal, maihahanda na ang binabalak na pananaliksik. Ang framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa nais na patunay, linawin, o tukuyin. Bahagi ng Konseptong Papel Rasyunal (Rationale) ang pagtukoy ng pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng pagsisiyasat. Taglay ng rasyunal ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at kahalagahan ng naturang paksa o pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito. Halimbawa: Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon Rasyunal: Bago sumapit ang makabagong teknolohiya katakot-takot na pasakit at paghihirap ang ating dinanas upang makatanggap ng o makapagpadala ng mensahe. Ilang araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na rin na isang beses makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance. Samakatuwid, mabagal ang paraan ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong ay Divisoria. Kaunting pihit lang sa kompyuter ay konektado ka na sa kabilang bahagi ng mundo. May mga pagkakataon pa ngang makausap o makita ang isat isa sa screen ng kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya. (Julie Ebal, Wika At Lipunan Sa Panahon Ng Impormasyon). Layunin (Objective) ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng napiling paksa. Maaari itong pangkalahatan(general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang
1

Gavin S. Golingan

BSIT 2A

layunin, ipinahayag nito ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinahahayag nito ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa. Halimbawa: Paksa: Ang Wikang Filipino Sa Larangan Ng Text Messaging Pangkalahatang Layunin: Malalaman ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino sa larangan ng text messaging. Mga Tiyak Na Layunin: 1. Natutukoy ang lawak at hangganan ng paggamit ng Filipino sa larangan ng text

messaging; 2. Naibibigay ang mga paraan ng paggamit ng mensahe sa Filipino gamit ang text

messaging; 3. Nailalahad ang implikasyon ng pagpapaikli ng pahayag sa Filipino gamit ang text

messaging. Metodolohiya (Methodology) o Pamamaraan ng Pananaliksik - mga balak na hakbang sa pangangalap ng datos at pag-iimbestiga ukol sa napiling paksa. Ang paraan (technique) at pamamaraan (method) na ginagamit sa pagkuha ng datos at pagsusuri ng piniling paksa sa pananaliksik ay nasa bahagi ng metodolohiya. Maaaring gamitin sa pagkuha ng datos ang serbey, questionnaire, case study, obserbasyon, intervyu at iba pa. Kung magsusuri, magagamit ang paraang empirical, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan. Magagamit ang mga ito depende sa larangang gagamitin. Inaasahang Bunga (Expected Outcome/Output) - ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinasagawang pananaliksik. Maaarig banggitin dito ang mga idinagdag gaya ng apendiks. Direktang sipi - pagtatala sa eksaktong ginamit na salita sa pinagkuhanan ng datos at ito ay nakapaloob sa mga sipi.

Gavin S. Golingan

BSIT 2A

Sinopsis (Buod) - pagpapaikli sa orihinal na teksto sa pamamagitan ng pagpapahayag muli sa sariling pananalita. Itoy nasa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Maikling buod ito ngunit malaman. Presi (Prcis) - tiyak na paglalahad ng mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso gamit ang sariling salita. Parapreys (Paraphrase) - may eksaktong katapat na ibig sabihin ng orihinal na akda. Abstrak (Abstract) - pahayag o pangungusap na binubuod ang mga mahahalagang impormasyon o ideya mula sa teksto.

WEBLIOGRAPHY Facebook https://www.facebook.com/notes/uap-block-k-2010/akademikong-pagsulatgrp3/193882243965848 Slideshare http://www.slideshare.net/jakeDsnake/ang-pagbuo-ng-konseptong-papel-3227289

You might also like