Professional Documents
Culture Documents
kasiyahan ni Ibarra ay nadawit na naman siya sa isang kaguluhang ibinintang s akanya matapos looban ang kwartel ng sibil, walang katibayang siya ang namuno rito kung kayat binalewala ang bintang na ito sa kanya. Kinausap siya ni Elias upang pamunuan ang pag-aalsa sa mga kastila ng taong bayan subalit tumanggi siya at nagsabing hindi siya naniniwala sa gayong paraan. Gayunman, muli siyang nasangkot ng gamitin ang sulat niya kay Maria Clara bago siya tumungo sa Europa kahit wala naman talagang kaugnayan ito sa mga paghihimagsik na nagaganap sa bayan. Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Naganap ito habang nangyayari ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tyago. Ang hapunang iyon ay ukol sa pag-iisiang dibdib ni Linares at Maria Clara. Sinadya ng binata si Maria Clara bago ito tuluyang tumakas, sinumbat ng binata kay Maria Clara ang pagkakanulo nito sa kanya sa pag-aabot ng sulat sa hukuman subalit itinanggi ito ni Maria Clara at sinabing siya ay tinakot lamang. At ang mga sulat ay naging kapalit ng 2 sulat na ginawa ng kanyang ina bao pa siya pinanganak. Ang mga sulat na iyon ay natagpuan ni Padre Salvi, sulat na nagpapatotoo na si Maria Clara ay anak ng kanyang ina kay Padre Damaso. Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal sa binata kahit siya ay papakasal kay Linares. Sakanilang pagtakas sa tulong ni Elias, pinahiga niya si Ibarra sa bangka at tinabunan ng damo, binagtas nila Ilog Pasig hanggang sa marating ang lawa ng Laguna. Naabutan sila roon ng mga sibil, upang iligtas ang binata ay lumukso si Elias sa tubig at doon siya napaulanan ng bala. Nangmamula ang lawa ay iniwan sila ng sibil sa pag-aakalang ang kanilang napatay ay ang binatang si Ibarra. Nang mabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang di umanoy sinait ng kanyang kasintahan ay hiniling nitos a kanyang ama na si Padre Damaso na payagan siyang magmongha kung hindi ay magpapakamatay siya. Matapos ay ikalawang araw ay sinapit ni Elias ang maalamat na bundok ng mga Ibarra, nochebuena noon, sugatan at naghihingalo, humarap siya sa silangan at waring nagdadasal na binigkas Mamamatay akong hindi nasisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan, Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi.