Professional Documents
Culture Documents
Walang pagbabago
Sa darating na Mayo, muling namumutawi ang mga pangako ng pagbabago. Kaliwat kanan ang mga pinalalaganap na mito -- ng eleksyon bilang solusyon, ng matiwasay na pamumuhay para sa nakararami umano. Subalit sa mata ng mga kabataan at mga obrero, isa lamang ang totoo -- walang tunay na pagbabago, sa maraming aspeto, gaano man pagbali-baliktarin ang kuwento.
WALANG NAGBAGO
SAAN MAN LUMINGON, HINDI matatakasan ang muling pagbaha ng retorika ng pagbabago sa mga lansangan, sa telebisyon, sa radyo. Panahon na naman ng eleksyon. Panahon na naman ng pangangako. Muling naglipana ang mga kandidatong umuusal ng mga platapormang magpapaunlad umano sa bansa at mag-aangat sa masahol na estado ng pamumuhay ng milyun-milyong Pilipino. May mga baguhang inuulit lamang ang mga pangako ng nakaraan, at may mga datihan din namang OPINYON pulitikong kritikal sa kasalukuyang pamamalakad ng gobyerno ngunit Biyernes tila nakalilimot sa sarili nilang rekord 26 Abril noong silay nakaupo pa. 2013 Tatlong taon na ang nagdaan mula nang mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nasa parehong posisyon ng mga kandidato ngayon. Noong kampanya ng halalang 2010, tumakbo siya gamit ang islogang tuwid na daan at nangakong iaangat ang pamumuhay at kabuhayan ng karaniwang tao. Tatlong taon na ang nagdaan, ngunit walang nagbago. Bagkus, ang tuwid na daan ay humantong sa higit pang pagpapahirap sa sambayanan. Pinakamasaklap ang sinapit ng sektor ng paggawa sa nakalipas na mga taon. Gayong sinasabing umuunlad ang ekonomiya ng bansa na pinatutunayan umano ng 6 na porsyentong paglago ng gross domestic product noong nakaraang taon at ang paggawad ng investment grade ng Fitch Ratings sa Pilipinas hindi ito ramdam ng kalakhan ng mamamayan. Datos na mismo ng gobyerno ang nagpapatunay sa patuloy na pagkalugmok ng mga manggagawa sa bansa. Ayon sa pinakabagong Labor Force Survey ng Department of Labor and Employment (DOLE), bumaba ang bilang ng nalilikhang trabaho sa Pilipinas mula 1.1 milyon sa taong 2011 tungong 600,000 noong 2012. Libu-libong trabaho rin ang nawala, partikular sa sektor ng agrikultura, kung saan mahigit isang milyong magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda ang nawalan ng hanapbuhay sa taong 2012. Halos 200,000 skilled artisans rin gaya ng mga mason at pintor ang nawalan ng trabaho sa nagdaang taon. Kung tutuusin, mas masahol pa nga ang gobyernong Aquino kung ihahambing sa mga presidenteng kanyang sinundan. Hindi naampatan ng gobyernong Aquino ang laganap na kontraktwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa. Walang makabuluhang umento sa sahod na naipatupad sa kanyang tatlong taon sa posisyon, at higit pa roon, pinatupad ni Aquino ang twotiered wage system, kung saan mas mababa pa sa minimum wage
Punong Patnugot Kapatnugot
Patnugot sa Balita
Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Grapix
Mga Kawani
Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers Organizations, College Editors Guild of the Philippines Ukol sa Pabalat Dibuho ni Luigi Almuena
Editors Note
ang natatanggap na sahod ng mga manggagawa. Ilang araw bago ang Mayo Uno Araw ng Paggawa inanunsyo ng DOLE na wala na namang dagdag sahod para sa mga obrero. Tatlong taon ang lumipas matapos pangakuan ni Aquino ang mga botante ng pagbabago sa sektor ng edukasyon. Ngunit ang pagbabagong hatid ng kanyang administrasyon ay pinangangambahang higit pang magpapalala sa krisis sa edukasyon. Pilit ipinatupad ng gobyernong Aquino ang K-12 program na nagdadagdag ng dalawang taon sa basic education system sa bansa, para umano makahabol sa international standards ang kurikulum ng Pilipinas. Ngunit ang dagdag na dalawang taon ay hahantong lamang sa higit pang gastusin para sa mga pamilyang Pilipino, at isang paraan ng rehimen upang matugunan ang pandaigdigang pangangailangan para sa murang lakas paggawa. Habang papalapit ang halalan, patuloy sa pagpapabango si Aquino para sa kanyang partido sa kabila ng kanyang pagkabigong ipatupad ang kanyang mga pangako sa nagdaang halalan. Ginagamit ni Aquino ang lahat ng sangay ng kanyang gobyerno mula sa Korte Suprema (SC) hanggang sa Commission on Elections (COMELEC) upang mapalawak at lalo pang makonsolida ang kanyang kapangyarihan. Kamakailan lamang, naglabas ng desisyon ang SC na nagsasabing hindi na lamang para sa mga marginalisado ang eleksyong partylist, bagay na magbubukas sa partylist system sa higit pang pambubusabos at panggagamit ng mga mayayayaman at makapangyarihang pulitiko. Sa kabilang dako, patuloy namang ginigipit ang mga progresibong partylist sa pamamagitan ng pagsasampa ng COMELEC ng mga gawa-gawang kaso ng diskwalipikasyon. Sa kabila ng muling pagbaha ng mga pangako ng mga tumatakbong kandidato, nararapat na matamang kilatisin ng taumbayan kung sino nga ba ang karapat-dapat na mahalal sa puwesto, kung anong mga partido at kandidato ang tunay na kakatawan sa interes ng nakararami. Higit pa rito, nararapat na mabasag ang ilusyong magdadala ng malawakang pagbabago ang darating na halalan. Matibay na patunay na ang nagdaang tatlong taon sa ilalim ni Aquino, kung saan walang napala ang mamamayan kundi higit pang paghihirap. Nararapat matamang maunawaan ng sambayanan na higit pa sa pagpapalit ng mga pinuno ang kailangan upang mabago ang nabubulok na sistemang panlipunan sa bansa; na wala sa balota kundi sa kolektibong pagkilos ang lakas na magdadala ng tunay at pangmatagalang pagbabago.
The legislature must open its gates to the representation of the basic masses - the farmers and laborers who suffer the brunt of the absence of progress despite a semblance of political democracy.
MAY 11 ELECTIONS: PROGRESS IN RESTORATION Ma. Cristina Godinez 1987
As the Philippine Collegian celebrates its 90th year, we revisit lines from prized editorials that defined the publications tradition of critical and fearless journalism.
further increased to P1,000 per unit. Arguelles also said the BOR resolved to pilot test the proposed STFAP criteria, which is based on the new Philippine Socio-Economic Classification endorsed by the Marketing and Opinion Research Society of the Philippine, where clusters are based on household spending.
New STFAP
Drafted by former Office of Scholarships and Student Services Officer-in-Charge Richard Gonzalo, the proposed STFAP reform was presented to UP students in a round of open fora conducted in different campuses of the UP system from February to March. If approved, the new STFAP will enforce a new bracketing criteria based on family expenditures rather than income, provide higher stipends and more housing benefits to qualified students, and simplify the application process. First instituted in 1989 when base tuition was hiked from P40 to P300 per unit, the STFAP determines how much a UP student needs to pay for matriculation and other fees based on socioeconomic indicators. In 2007, the STFAP was further restructured when base tuition was place of origin ang point system. Nagkakaroon ng conflict [sa dalawang factors]. Paano kung taga-Mindanao nga pero mataas naman income [ng mga magulang], o maliit ang income [ng mga magulang] pero malapit naman ang place of origin? Dahil walang human intervention, wala [ring] emotional consideration [The point system] merely looks at an individual as a number, ani Lanuza. Sa kabila ng ganitong limitasyon, gagamitin pa rin sa mga susunod na dorm applications ang nasabing sistema. Upang mapunan ang kakulangan nito, bibigyang ng mas
EDUCATION NOT FOR SALE. Various students from the graduating batch of the University of the Philippines Manila staged a lightning protest during the commencement exercises at the Philippine International Convention Center on April 19. They called for the junking of the Forced Leave of Absence policy and the Socialized Tuition and Financial Assistance Program, which according to them, further limit democratic access to UP education.
Pamantayan sa pananatili
Para mapili ang mga estudyanteng bibigyan ng slot sa dormitoryo, kailangan nilang makakuha ng higit sa 85 puntos sa ilalim ng isang point system sa Computer Registration System (CRS). Nakabatay ang bilang ng puntos ng mga aplikante sa layo ng kanilang tirahan mula sa kampus at sa kanilang nakuhang bracket sa STFAP. Binibigyan ng prayoridad ang mga estudyanteng galing sa mga probinsya ng Visayas at Mindanao at iyong mga nasa mas mababang bracket ng STFAP, ani Lanuza. May pagkukulang gayunman ang nasabing point system, ani OSH Executive Officer Noel Marquina. Nakabase kasi sa family income at
MALIKHAING PAGTUTOL. Nagtanghal ang mga artista ng Cultural Center of the Philippines sa selebrasyon ng Earth Day ng isang maikling palabas noong Abril 21 bilang panunya sa itatayong gusali sa Manlia Bay. Save Manila Bay ang sigaw ng mga artista at environmentalist para hindi matuloy ang gagawing reclamation sa lugar na makasisira sa kalikasan.
ng Katipunan Ave. Ext. Nagtamo siya ng mga galos at nabali ang kaliwang tuhod. Personal na pinuntahan ni Jose ang tahanan ng presidente ng Bolinao na si Geoffrey Mendoza para ayusin ang kanyang insurance. Wala raw akong makukuha sa insurance dahil hindi raw naman ako namatay... nanghina na lang ako dahil ang aking inaasahan na insurance ay di ko pala mapapakinabangan at sa huli ay magiging problema ko pa pala, ani Jose.
manggagawa, lalo na ang hindi pagbigay ng tamang sahod sa kanila. Maliban dito, karapatan din ng mga manggagawang magkaroon ng retirement benefits at holiday pay. Ang bond ay bawal na ikaltas sa mga empleyado at ayon sa batas, ang salary bond ay nasa pananagutan ng employer, ani Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog. Ilang ulit na sinubukang makapanayam ng Philippine Collegian si Mendoza, ngunit wala pa ring tugon ang Bolinao hanggang sa kasalukuyan. *Hindi tunay na pangalan
Sidebar 1: The nominees Leila Nur Aryanna Canacan BS Material Engineering, UPD Former UPD USC Councilor Marikris De Guzman Master in Public Administration, UPD Former Graduate Councilor, National College of Public Administration and Governance Student Government Hannah Keila Garcia Juris Doctor, UPD Former Batch Representative, Law Student Government Allen Lemuel Lemence BS Industrial Engineering, UPLB Former Councilor, College of Engineering and Agro-Industrial Technology Student Council Victor Gregor Limon BA Political Science, UPD Former News Editor, Philippine Collegian Krista Iris Melgarejo BS Food Technology, UPMin Former Chairperson, UPMin USC
UPDEPP UP Visayas Tacloban College UPM School of Health Sciences Leyte UPM School of Health Sciences Aurora UPM School of Health Sciences Koronadal VOTE EACH
I believe the [majoritys decision] may have further marginalized the already marginalized and underrepresented of this country. In the guise of political plurality, it allows national and regional parties or organizations to invade what should be constitutional and statutorily protected space, ani Sereno sa kanyang hiwalay na opinyon. Batay sa panuntunan ng Comelec sa pagpapatupad ng BALITA Republic Act 7941 o Partylist Biyernes System Act of 1995, 20 porsyente 26 Abril ng mga puwesto sa Mababang 2013 Kapulungan ng Kongreso ang nakalaan para sa mga marginalized na sektor tulad ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, kabataan, katutubo, at kababaihan. The ruling effectively erases this equalizer and reinvents the system as a free-for-all for the rich and powerful to fully exploit, without bothering to feign representation of the people they oppress, ani ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio.
WWW.PHILIPPINE COLLEGIAN.ORG
NAKAUPO SA GITNA NG SILID ANG ISANG binibini. Pinalilibutan siya ng mga artistang may tangang papel at pangguhit mga instrumentong magtatangkang isalarawan ang bawat linya ng mukha at katawan ng mayuming paraluman. Ang hugis ng mga mata at haba ng kanyang buhok. Ang tabas ng panga, pisngi at hubog ng pangangatawan. Maaaninag sa malamlam na liwanag ng auditorium ang porma ng piniling binibini. Subalit sadyang kapos ang paningin upang maimapa ang katangian ng musa. Ang datiy tahimik at payapang modelo, binigyan ng mikropono at naglahad ng kanyang kwento.
sinasabing nangyari raw noong 2007 sa Mauban, Quezon. Ayon kay Niki, ang pag-aresto at pagkulong sa kanyang ama ay bunsod ng mahaba at mabungang kasaysayan ni Gamara bilang lider ng mga unyon at tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa. Habang nakikinig kay Nikki, tinangka ng mga artista na iguhit siya at bigyan ng porma ang naratibong ngayon lamang nailahad sa kanila. Iba-iba ang naging hitsura ng mga portrait kay Nikki, ayon sa interpretasyon sa kwento at kumporme sa partikular na estilo ng bawat artista. Gayunman, malinaw na tumampok sa hapong iyon ang dalawang katotohanan: ang patuloy na pandarahas ng estado sa mamamayan, at ang hamon sa mga artistang makisangkot sa pagpawi sa karahasan.
Dibuho at diskurso
Bilang musa, naging instrumento si Niki sa paglikha ng mga kathang-siningkwento niya ang naging materyal para sa sketching, at ang kanyang presensya ang nagsilbing object ng pagguhit. Ang konsepto ng musa bilang inspirasyon ay nakatala sa mitholohiya ng mga Griyego. Ayon sa kwento, nilikha ni Zeus at Mnemosyne ang siyam na musa ng sining upang kilitiin ang imahinasyon ng mga manunulat, musikero at pintor at tulungan silang lumikha ng mga kathang-sining tutulong diumano sa mga tao na limutin ang kanilang mga problema. Ngunit sa disensyo ng ginanap na sketching sa ARTLETICS, hindi pasibong inspirasyon si Niki. Sa nakasanayang sketching ng mga artista, [an artist] almost does not think that the model is a person, ani Emmanuel Garibay, organizer ng ARTLETICS. Ganito ang nakagawian dahil ang pakay sa pagsesketch ay karaniwang nakakulong sa pag-capture sa pisikal na katangian ng subject at pagpapaunlad sa angking galing sa pagpipinta. Malaki ang papel ng pagsasalita ni Niki para baguhin ang ganitong oryentasyon. The very process of testimony somehow negates her objectification. [Hindi mo lang sinesketch si Niki], nakikinig ka rin sa mismong salaysay niya bilang anak ng political detainee at human rights advocate, ani Lisa Ito, lecturer sa UP College of Fine Arts at miyembro ng Concerned Artists of the Philippines. At bagamat mistulang nakasasagabal ang mikroponong hawak ni Niki upang masipat ng mga pintor ang kabuuan ng kanyang mukha, hindi ito naging hadlang upang matigil ang proseso ng kanilang paglikha. Gayundin, hindi rin pasibong tagapakinig ang mga artista. Kumpara sa mga forum at mga programa kung saan nagsasalita ang mga biktima ng political persecution gaya ni Niki, hindi lang simpleng pagtanggap sa impormasyon ang ginawa ng mga artista. Dinisenyo talaga ang sketching with the hope na ma-engage yung mga artists at [mapatagos ang sinasabi ni Niki], paliwanag ni Garibay. Sa ganitong interaksyon, tinibag ng pag-uusap ni Niki at ng mga artista ang pader na datiy naghihiwalay sa artista at musa. At mula sa dating isang-panig na produksyon kung saan ang artista lamang ang may nakakatha, ngayoy nakalikha rin
ang musa isang naratibong tatanim sa kamalayan sa mga nagpinta sa kanya. Ang arts ay magandang venue para makita ang social realities, at makita kung ano ang pwede i-contibute ng mga artists para sa lahat, palagay ni Niki. Higit sa lahat, nilampasan ng sketching kay Niki ang layunin ng sining na ipinakalat ng mitolohiyang Griyegoang pagpapalimot sa mga tao sa kanilang mga hinaharap na suliranin. Nang boluntaryong ibinigay ng mga artista ang kanilang mga likha kay Niki sa pagnanais na makatulong ang mga portrait sa pagsusulong ng hustisya para sa kanyang ama, pinatunayang maaaring maging gamot sa paglimot ang sining.
Sining at pakikibaka
Kasaysayan, lipunan at proseso ang mahahalagang salik na bumubuo sa mga kathang sining. Sa nangyari sa ARTLETICS, makikita kung paano ang pagsubok sa nakagawiang porma at proseso ng live sketching ay nakaambag sa mabisang paglalahad ng mga realidad ng lipunan. Paalala [ang sketching kay Niki] sa artists na maraming realities at stories of our time na dapat macapture ng sining, ani Ito. Tunay na mabisang armas ang sining sa pandarahas. Sa kabila ng pagkakapiit, lumilikha ng mga awit ang ama ni Niki at mga kasama niyang political prisoner upang labanan ang lumbay at panatilihing buhay ang diwa ng kanilang pakikibaka. Marami rin sa humigit 400 political prisoner sa bansa ang sumusulat ng mga tula o di kayay gumuguhit. Nagagamit ang kanilang mga likha sa mga kampanya para sa pagkilala sa mga karapatang sibil at pulitikal ng mamamayan, at sa pagpapatampok ng kabalintunaan ng namamayaning demokrasya sa bansa. Ito ang inspirasyong iniwan ng musang si Niki sa mga artista: may kapangyarihan ang mga gawang sining na mangusap sa isip at damdamin ng tao, at sa kalaunay maghulma ng kamalayan na naghahangad ng pagbabago. At sa kalaunan, mga gawang sining na rin ang magiging mga musa ng paglika sa lipunang makatarungan at malaya.
*Pasintabi sa Eraserheads
kalulu g n a wa ti a P
MADALAS MAGMISTULANG TAGISAN sa pagpapatawa ang pagpapaskil ng maiikling mensahe sa Twitter. Ngunit nang bumida kamakailan sa mga balita ang mga yumaong lider na sina dating United Kingdom (UK) Prime Minister Margaret Thatcher at Venezuela President Hugo Chavez, higit pa sa mga patawa ang kalakip ng mga tweet patungkol sa kanila. I feel sorry for Thatcher. Feel sorry she wasnt alive to celebrate Thatcher dying, anang isang tweet ukol sa tanging babaeng prime minister ng UK. Umulan naman ng biro ukol sa pangalan ni Hugo Chavez, gaya ng Wake me up before Hugo Go! May mga nagluksat nakiramay, may mga nagdiwang sa kalsada. Nagtapos man ang buhay ng dalawa sa pinakakontrobersyal na mga pambansang pinuno, tiyak na patuloy silang magiging paksa ng mga biro, talastasan at diskurso mapa-online man, o tunay na mundo.
din si Thatcher sa mga satire at komedya, at maging sa isang aklat gaya ng Satanic Verses ni Salman Rushdie, kung saan tinawag siyang Ms. Torture. Kamakailan lang, naging number one sa UK hit charts ang awit na Ding Dong The Witch is Dead mula sa Wizard of Oz, matapos mangampanya ang mga kritiko ni Thatcher bilang pagbubunyi sa kanyang kamatayan. Tinangka man ng state-owned media gaya ng British Broadcasting Corporation (BBC) na pabanguhin ang legasiya ni Thatcher, mamamalas sa social media ang
Dikta ng masa
Salungat naman sa kalagayan ni Thatcher ang nangyaring pagsasamito ng media kay Chavez na isang sosyalistang lider sa Latin America. Batay sa mga balitat pagsusuring naiuulat tungkol sa kanya ng Kanluraning mainstream media, laging katambal ng kanyang pangalan ang mga salitang diktador at brutal. Nang mamatay dulot ng cancer si Chavez noong March 5,
sa kanyang legasiya. Isang dahilan din ang paghahari ng Kanluraning mainstream media, na siya pa ring nasa tuktok at may hegemony sa mga balitang lumalaganap sa buong mundo. Isa ang The Economist, isang Ingles na magasin, sa nagtakdang bulok ang kanyang legasiya. Kagaya ng iba pang tanyag na pahayagan tulad ng The New York Times, tinuligsa ng magasin ang pagiging authoritarian ni Chavez, at ang mga sosyalista niyang palisiya. Si Chavez ang pinunong direktang tumugon sa mga kakulangan
Kamay na bakal
Kilala si Thatcher bilang isa sa mga pinakamapanghating pinuno sa kasaysayan ng pulitika ng Europa. Kaya naman sa loob ng 11-taon niyang pamumuno sa UK, mula 1979 hanggang 1990, nakilala siya bilang Iron Lady. Mga Soviet journalist ang unang nagbigay sa kanya ng nasabing alyas, bilang tanda na hindi siya nagpapatinag sa kahit anong pambabatikos na ibato sa kanya ng kanyang nasasakupan. Maraming bagong palisiyang ipinatupad si Thatcher sa UK noon, tulad ng pribatisasyon ng mga pangunahing serbisyo at deregulasyon ng mga industriya. Nagdulot ang mga ito ng malawakang kawalan ng trabaho, pagbagsak ng kita ng mga manggagawa, at paglaganap ng diskontento sa mamamayang Briton. Sa kabila nito, pilit pa ring ibinandera at patuloy na ipinalalaganap ng kalakhan sa Kanluraning mainstream media ang umanoy pagiging freedom fighter ni Thatcher. Bagamat kinikilala ng media ang pagbatikos ng masang UK, pinaninindigan nitong ipinaglaban lamang ni Thathcer ang karapatan ng indibidwal sa kawalang-panghihimasok ng estado sa kanilang mga buhay. Sinubukan ding ipatampok ng media ang personalidad ni Thatcher bilang mula sa pamilya ng mga manggagawa. Ngunit tumagos maging sa popular na kultura ang diskontento sa mga palisiya ni Thatcher. Noong 1980s, masasabing tunay na naging pulitikal ang pop songs sa UK, kabilang na ang hits na Stand Down Margaret ng The Beat at Tramp the Dirt Down ni Elvis Costello. Naging patok na paksa
pagsasawalang-bisa dito ng mga mamamayang Briton. The coverage by the British media of Thatchers death has been exclusively absorbed in Thatchers canonisation [that] we suddenly see the modern British establishment as an uncivilised entity of delusion, ani Morrissey, isang musikerong Ingles. Malaganap din ang mga tweet, kahit sa mga mas batang Briton na hindi direktang nabuhay sa ilalim ng pamumuno ni Thatcher. Maaari rin itong ituring na tagumpay ng sining at kultura. Marapat kilalanin na bagamat pilit nililikha ng media ang isang mito ng matagumpay at matatag na babaeng lider, lumalagos sa henerasyon ang kamulatang kipkip sa mga awitin at teksto.
kapansin-pansin na halos puns at mga biro ukol sa kanyang pangalan ang karamihan sa mga tweet na lumitaw. Kumpara sa mga mensahe tungkol kay Margaret Thatcher na hitik sa reference ukol sa kanyang mga palisiya, masasabing tila halos walang nakakilala kay Chavez at sa uri ng pamumunong kanyang ipinaglaban sa Venezuela. Maraming posibleng dahilan kung bakit hindi popular si Chavez sa mas maraming tao kagaya ni Margaret. Maaaring dahil wala o mas mahina ang access sa social media ng mga tagahangat nasasakupan ni Chavez na direktang magpapatunay
ng palisiya ni Thatcher. Sa halip na pribatisasyon, isinabansa ni Chavez ang mga pangunahing serbisyo at industriya sa Venezuela. Maraming pagsusuri mula sa mainstream media ang magsasabing swerte lang umano ang Venezuela dahil may deposito ito ng langis. Ngunit kung pagbabatayan ang estadistika, masasabing maginhawa ang kabuhayan ng mga mamamayan dito. Hindi kailanman naipatampok sa media, halimbawa, na may 100 percent literacy rate sa nasabing bansa, at na bumaba ang poverty rate dito mula 42.8 porsyento noong 1999 tungong 26.5 porsyento noong 2011.
habang iniulat ng Kanluraning mainstream media ang magarbong libing ni Thatcher, tahimik ito sa napakalawak na suportat pagluluksang inani ni Chavez mula sa kanyang nasasakupan, at pati na sa mga lider ng iba pang mga bansa. May sarili ring pagtanggap ang social media sa libing ng dalawa. At siyemprey tanyag iyong mga biro ukol sa pagratrat ng 21 gun shots sa kabaong ni Thatcher, o sa paglisan ni Chavez kapag binalahura ang buo niyang pangalan. Kung ihahambing sa mainstream media, masasabing nasa laylayan pa lamang ang social media. Mistula itong bagong luwal na sanggol, na may potensyal na magpanday o bumasag ng alamat na binubuo ng mas makapangyarihang lunsaran ng mga balitat kaisipan. Masasabing relatibong demokratiko kasi ang espasyo ng social media. Kanya-kanyang account, at maaaring sabihin ang nais sabihin nang walang inisyal na panghuhusgat pagtatangi sa kung sino ang nasa likod ng username. Ang user ang nagpapasya, at malayang nakikibahagi sa talastasan. Ngunit maaaring sabihing hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakatutulong ang higit na liberal na espasyo ng internet. Sa pagpapaskil ng mensahe at ng opinyon, hindi rekisito ang mas malalim na pag-aaral sa isyu upang makabuo ng mas matalas na opinyon. Maaari mong ipahayag ang suporta o pagtuligsa kina Thatcher at Chavez at sa kani-kanilang uri ng pamumuno, halimbawa, nang hindi inaaral ang pasikot-sikot ng neoliberalismo at sosyalismo. Kapuri-puri man ang social media sa kakayahan nitong umukit ng lamat sa alamat na binubuo ng mainstream, mapanganib din ang kakayahan nitong mas magpatibay pa sa isang miskonsepsyon. Sa huliy nananatili ang pangangailangan sa pagsusuri at pag-aarok sa mas malalalim na diskurso, sa loob at labas ng birtwal na mundo.
y babango mo
Pr is Ti tine a n gc o
*Pasintabi sa Eraserheads
Lamat sa alamat
Kapwa malaking kaganapan sa kani-kanilang bansa ang libing nina Thatcher at Chavez. At
GRAPIX
Kamay na bakal
Taong 1991 pa nang huling maglunsad ng malaking pagkilos ang mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. laban sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Ayon sa mga obrero, makailang beses na umanong idinaan sa backdoor negotiations ang paglutas sa nakaraang mga alitang bunsod ng mababang pasahod o kulang na benepisyo. Matagal na nagtiis ang mga manggagawa sa salimuot na gawa ng pananamantala. Ngunit ngayon, hindi na sila magkikibit-balikat.
Tinitiis ng mga manggagawang lumahok sa piket sa harap ng Pentagon Steel Corp. ang matinding sikat ng araw upang manindigan laban sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Panawagan nila: itigil ang panggigipit sa mga manggagawa at diskriminasyon sa mga miyembro ng unyon. Mahigit 130 manggagawa na magmula pa noong Abril 13 ang lumahok sa piket na isinasagawa magpahanggang ngayon sa Kaingin Road sa Lungsod ng Quezon.
Ayon sa mga manggagawa, tinanggalan ng karapatan ang kanilang unyonang Pentagon Workers Union--na pumili ng sariling mga opisyal.
May araw umano na marahas na pinaalis ng kapulisan at management goons ang mga nag-piket sa labas ng kumpanya. Anim sa kanilang mga kasama ang ikinulong at may isa namang itinakbo pa sa ospital dahil sa natamong mga sugat.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga miyembro ng unyon at pamunuan ng kumpanya. Hiniling ng mga manggagawa na bawiin ang mga kasong isinampa laban sa kanilang mga lider dahil sa pag-oorganisa ng welga. Gayundin, ipinaalala nila sa pamunuan na ang mga manggagawa ang nararapat na pumili ng kanilang mga lider sa unyon.
Bitbit ang kanilang mga placard, umupo ang mga manggagawa sa tabi ng nakapatay na mga makina. Sinisimbolo umano ng kanilang sit-down protest na walang silbi ang mga makina kung wala ang mga manggagawang bumubuhay rito.
Ayon sa mga manggagawa, nananatiling nakapako sa minimum wage ang natatanggap kahit ang mga miyembrong 30 taon nang nagseserbisyo sa kumpanya. Wala rin umano silang natatanggap na holiday at overtime pay.
Bukod sa panggigipit, nakararanas din umano ng diskriminasyon ang mga manggagawang sumasapi sa unyon. Marami na umano ang tinanggal sa trabaho dahil sa kanilang pagiging kritikal sa pamamalakad ng kumpanya.
Kahit na karamihan ng mga manggagawa ng Pentagon ay lumalahok sa piket, nananatiling suliranin ang hindi mapagkaisa ang buong hanay ng mga manggagawa ng kumpanya. Ayon sa mga nag-piket, may iilan na pinipiling magpatuloy sa pagtatrabaho sa kumpanya at iniinda na lamang ang pamamalakad nito.
ALAS-KWATRO NA NG MADALING araw ngunit bukas pa rin ang lahat ng ilaw sa isang bahay na ginawang opisina. Nagpipinta ng mga headdress at nagtitiklop ng mga leaflet ang mga residente ng bahay-opisina: sina Sakne, Carl at Otep, mga kabataang aktibistang kasapi ng Kabataan Partylist. Kapos sa pondong pangkampanya ang partylist, kaya mano-mano ang pagtapos sa mga headdress at iba pang mga materyales. Pagkatapos umidlip, lalarga naman ang tatlo para sa house-to-house sa Maynila. Tiyak na aabutan ng umaga sina Sakne na maiitim ang mga kamay at madudungis ang damit; madaling humahawa ang tintang ginagamit sa mga polyeto at leaflet. Hindi na nila alintana ang ganitong mga problema. Ilang beses na ring nangahas ang mga progresibong kabataan na lumahok sa eleksyon, at handa silang baguhin ang kalakaran ng pangangampanya.
kung anu-ano pang dagdag na palamuti, tiyak na mahihirapang makipagsabayan sa kampanya ang walang pera. Ang paggasta ng malaking halaga para sa eleksyon ay bahagi ng paniniwalang nagwawagi ang kandidatong pinakasikat at pinakamaingay, bagay na sinusuportahan ng resulta ng nagdaang mga halalan. Nariyang nangangako ng mga ipatatayong basketball court, health center, at kung minsan pa, ang palihim na paglalakip ng pera sa mga ipinamimigay na leaflet at sample ballot. Subalit para sa mga progresibo, walang puwang ang pera sa eleksyon kung prinsipyo ang pinaglalabanan. Hindi kami nangagako ng pera [o] namimigay ng kung ano-anong freebies. Inuuna namin ang pagmumulat at pag-oorganisa, ani Terry.
Para sa masa*
Sipat sa progresibong pangangampanya
partido sa ideolohiyang malayang kalakalan ang magdidikta sa hinaharap ng bansa. Ito ang puwang na ginagamit ng mga progresibo upang patampukin ang alternatibong at radikal na pulitika. Lumalahok kaming mga aktibista sa eleksyon hindi dahil gusto naming magkamal ng kapangyarihan. Lumalahok kami sa eleksyon dahil gusto naming palaparin ang pulitikal na espasyo ng karaniwang tao, ani Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan, isa sa mga organisasyong nagtatag ng Kabataan Partylist. Sakne, Carl at Otep. Matiyaga rin nilang inaalam ang mga problemang kinahaharap ng masa at ipinaliliwanag kung ano ang maaaring gawin ng masa para wakasan ang mga suliraning ito. Ayon sa progresibong manunulat na si Ewan Robertson, sinasalamin ng kabuuang larga ng eleksyon ang antas ng pampulitikang kamulatan ng mga mamamayan nito. Sa Venezuela, pinanday ng tunggalian sa ng sosyalistang perspektibang kinakatawan ni Nicolas Maduro at ng neoliberal na patakaran na bitbit ni Henrique Capriles ang pampulitikang kamulatan ng mamamayan. Susi sa pagpapakilos sa mamamayan ang pag-aangat ng kanilang pampulitikang kamulatan. Kay Sakne kami natuto na dapat kumilos tayong mga simpleng tao para may magbago sa sistema, sabi ni Aling Eden, isa sa mga bagong organisador ng partylist. Kaya samantalang laganap pa rin ang tradisyunal na kampanya at larga ng eleksyon sa bansa, ubos-lakas pa ring kumakayod ang mga aktibista upang baguhin ito sa pamamagitan ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa. Sa huli, ang kaya lang namang ibigay ng eleksyon ay mga bagong lider, reporma. Pero alam nating hindi lang iyon ang kailangan para buong-buong mabago ang sistemang panlipunan sa bansa, paliwanag ni Crisostomo. Agahan natin mamaya ha, sambit ni Sakne sa mga kasama habang binibilang ang mga natapos na headdress at natuping leaflet. Ilang araw na lang at eleksyon na, ngunit ang kampanyang kanilang nilalarga ay hindi lang para manalo sa halalan. Ang kampanyay tungo sa pagpapalawak pa ang hanay ng mamamayan na mulat at aktibong kumikilos upang baguhin ang takbo ng kasaysayan.
Arjuna de Leon
Kontradiksyon, kontra-tradisyon
Walang malinaw na alternatibong ihinahapag kung kayat labanan na lamang ng yaman at kasikatan ang nagaganap sa mga eleksyon sa bansa. Ayon sa Center for People Empowerment and Governance, makikita ang pamamayani ng tradisyunal na pulitika sa eleksyon sa pagmimistulang popularity contest ng mga kampanya, kung saan pangalan at hindi plataporma ang pilit na ipinapaalala sa mga botante. Kada eleksyon, kanya-kanyang pauso ng palayaw at slogan ang mga kandidato. May namumuhunan sa hitsura (Maganda ang laban), gumagawa ng acronym mula sa pangalan (Bida Ang Mamamayan) o kayay nagrerecyle ng slogan ng magulang (Gusto ko may pagkain ka). Paliwanag ng Australian campaign journalist na si John Pilger, ang pagmimistulang popularity contest ng eleksyon ay bunsod ng mahinang pampulitikang kamalayan ng mamamayan na pinapalala pa ng mga kandidatong magkakaiba man ng partido ay tila pare-pareho rin lamang ng pinanggagalingang ideolohiya. Ganito ang kaso sa Pilipinas, kung saan walang pinag-iba ang nagtutunggaling Team PNoy at UNA. Gayong paulit-ulit na ginagamit ang salitang pagbabago sa kanilang mga slogan, nanggagaling pa rin ang halos lahat ng kandidato sa magkabilang
Kampanyang masa
Para sa grupo ni Vencer, ang pangangampanya para sa eleksyon ay pagpapalawig ng kampanyang masa o kampanya sa pagmumulat at pag-oorganisa ng mga mamamayan. Paniwala ng mga progresibong grupo, dapat tingnan ang eleksyon hindi bilang pangunahing solusyon sa mga problema ng bansa, kundi isang pagkakataon upang mailantad ang banggaan ng mga tradisyunal na pulitiko at mapatampok ang mga isyung kinakaharap ng mamamayan. Kaya sa mga house-to-house, hindi lang namimigay ng leaflets at campaign materials sina
*Pasintabi sa Eraserheads
Sa wakas. Gasgas nang kataga ngunit wala pa ring kupas bilang paboritong panimula sa bawat status o mensaheng kalakip ng mga grad pic na naglipana online. Kung di man, marahil minsan mo na rin itong nasambit nang mabunutan ng isang tumpok ng cactus at maipasa ang final draft ng iyong thesis kahit pa walang tulong o offer man lang ni Ely. Sa loob ng isang araw, ipagbubunyi ang tagumpay ng mga estudyante, magulang at pamantasan sa pagluluwal ng panibagong henerasyon ng mga edukadong dadagdag sa lakas-paggawa ng bansa. Sa Abril 28, magbubuklod ang mga estudyante mula sa ibat ibang dako ng unibersidad bitbit ang kanyakanyang kwentong naimpok sa ilang taong pag-aaral. Sa araw na iyon, kolektibo naming mararanasan ang huling paghuhukom ng UP at ni Oble sa mga Iskolar ng Bayan, sa harap ng aming mga magulang, kapamilya at kaibigan. Subalit sa paghupa ng kasiyahan, ng kaliwat kanang handaan, inuman o pagdiriwang, hindi maiiwasan gaano man tanggihanna harapin ang perenyal na tanong sa bawat gradweyt: ano na?
Ako man sa sariling grad pic, hindi naitago ang lubos na pagkagalak. Wagas kung makangiti, akala mo totoo, biro ng isang tagaKul. Bukas-makalawa, marahil ay mapapabilang na ako sa mga Iskot Iskang naka-sablay mode na ang display picture. Para sa lahat ng mga rekisito, papel at eksam na pinasa at pinas, tila nagiging pa-konswelo nang makita ang sarili na nakasuot ng sablaytanda ng isang lehitimong gradweyt ng premyadong unibersidad ng bansa.
magsisipagtapos sa UP bilang estudyante, ngunit hindi bilang Iskolar ng Bayan. Grumadweyt man, mayroon pa ring pananagutang ipagpatuloy ang mga nasimulang laban para sa susunod pang mga Iskolar ng Bayan at mas magandang kinabukasan.
priority raw kaming mula sa opisyal na pahayagan ng UP Diliman, ayon sa Manila Times, isa sa mga tanyag na broadsheet sa bansa.
g n o y a Ng o k s o p a t g n a a n * o k s i thes
The search is on. In a few weeks, the UP General Assembly of Student Councils (GASC), the official congregation of all university and local student councils from all UP units, will select the lone representative of over 50,000 UP students to the Board of Regents, the universitys highest policymaking body. As UPs foremost student leader, the Student Regent (SR) performs the crucial duty of upholding and defending the rights and interests of students, including other members of the UP community and societys underrepresented sectors. Such weight of responsibilities underscores the necessity of carefullyand wisely selecting the next SR. With the beginning of every SR selection process marks the nearing end of another year of struggle for students and peoples welfare. Consequently, it is in such times that periodic assessments are LATHALAIN made, if only to look back at the performance and achievements of Biyernes the Office of the SR (OSR) during 26 Abril the year, and ultimately, improve 2013 the quality of service it extends to its constituents. Last years UP Manila nominee, outgoing SR Cleve Arguelles vowed to carry on and intensify the fight. Confronted with a range of university and national issues from the opening salvo of the Bracket B Certification Scheme, the perennial debate over the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), and the suicide incident of a UP Manila freshman after being forced to go on a leave of absence due to incapacity to pay tuitionArguelles actively contributed to the historical and glorious narrative of the OSR. As his stint ends, Arguelles will join the ranks of SRs to have concluded his or her term, in the hopes of passing the OSR to another student capable and worthy of advancing the cause for genuine social change. *With apologies to Eraserheads
Prologue*
Cha Caeto
The first thing Silang*, 43, does after getting off the jeepney to work is meet her two most reliable co-workers: her mop and broomstick. Together, they tackle common enemies that plague the halls and rooms of decades-old UP Diliman (UPD) buildings every day, from dusty surfaces to dirty toilets. Silang doesnt mind the dirt and sweat she gets from cleaning all day. After all, she has been working as a janitress since 1989 for her familys living. Meanwhile, Engr. Alden Aynera, 43, stays in his air-conditioned office in the Campus Maintenance Office, reading and signing countless papers all day. Only when hes called to work on the field does he get to break his monotonous desk job. Despite having different job orientations, Silang and Aldens lives become disturbingly similar after the clock strikes 5 p.m. They return to their respective homes, bringing salaries that cannot make ends meet, revealing narratives of a perennial problem affecting rank and file workers in the university.
Blue-collars
For 23 years, Silang worked in UPD without being assured of tenure, a prized recognition guaranteeing job security. With six children to feed and monthly rent to pay, Silang took the risk to get by somehow. Silang first started working in the university under a private agency, which ensured her of benefits, such as paid leaves, on top of her monthly salary. Such perks took care of her familys welfare until 2009, when she was laid off after taking too many maternal leaves. Nagkasunod-sunod kasi ang anak at [family issues] kaya pala-absent ako, Silang explains. With six young kids to feed two of which are babies, and the elder two now in elementary school Silang could not afford to lose her
job. Fearing unemployment, she opted to be a non-UP contractual worker. She retains her job as a UP janitress, and still earns the National Capital Region minimum wage of P456 per day. The similarities of her previous and current job situation, however, end there. Unlike the terms of her agency, non-UP contractual workers serve the university but do not receive any benefits since their contracts do not have the employer-employee clause that guarantees their right to receiving benefits and securing tenure. As of December 2012, almost one-third of the UPD campus workforce are non-UP contractuals hired to temporarily address the lack of employees who could fill the slots for regular workers, according to the UPD Human Resources Development Office (see sidebar). If Silangs situation is any indication, temporary actually lasts longer than expected, earning Silang the title permanent contractual among her colleagues. Labor union Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) believes the government encourages the proliferation of contractuals like Silang to save money. Kasi kung may tenure [at] benefits, gagastusan pa, explains COURAGE national president Ferdinand Gaite. Silang is therefore barred from receiving subsidiary social services such as the privilege to enrol her children to UP Integrated School and the cheaper access to the University Health Service. Maliit na nga sweldo, wala pang benefits, she laments. Her two babies weekly formula milk already costs a daunting two days worth of salary. [Kaya] di talaga magkakasya ang P456 ko kada araw, Silang laments. Despite her condition, Silang still prefers to stay in her job, still
hoping that she would be given tenure in time. But prospects of her regularization are dim as UPs liability to her remains inexistent on paper. Indeed, as workers like Silang spiral into poverty, it would seem there is no way out of their deplorable working conditions but receiving tenure. Reality however, shows that even tenured workers face the same woes.
Job insecurity
As a regular university engineer since 1997, Alden earns P32,000 per month, clearly exceeding the NWPCs P28,710 monthly minimum cost of living. Every payday though, Alden and his family braces for the dramatic reduction of that amount to a barely livable P5,000. Nag-start kasi kami from scratch na walang bahay at sasakyan kaya naglo-loan ako in advance [to be paid on later paydays], Alden explains. Also, Alden finances his three kids private school tuitions by tapping several months of salary in advance. These big investments have trapped Alden in a debt cycle. Since his paycheck is routinely reduced to an unsustainable amount to cover his familys bills and basic needs, he is compelled to loan more money. Mahirap gumalaw kapag may utang ka, shares Alden. At home for instance, his family employs every single tactic to save money for food, such as cooking only one meal a day that would be served for breakfast, lunch and dinner. Essentially, when prices of goods do not match wages, expenses get pinned down, explains All-UP Workers Union national president Felix Parinas. Working benefits such as cheap housing rent and monetary bonuses then becomes crucial but not entirely liberating for Alden. Kailangan talaga kapag nasa government service, may other sources of income ka, says Alden.
To earn extra, Aldens wife bakes pastries. Although this may earn them around P600 per week, their small business does not spell stability as cake orders are not fixed. Alden now becomes part of the 7.1 million Filipinos research institution IBON Foundation classifies as employed yet insufficiently compensated. As government salary policies fail to keep up with workers basic needs, Silang and Alden are ultimately in the same boat, despite Alden being an already tenured employee. In the face of misguided priorities, the government has stood firm in downplaying the plight of workers like Silang and Alden. Proworker bills such as House Bill (HB) 3746 demanding a P6,000 monthly salary increase for government employees and HB 5110 seeking to abolish contractualization continue to stagnate in Congress. Clearly, the
enhancement of working conditions for government employees is not top priority for the current administration. It is ironic that employees like Silang and Alden are working under unjust terms in a university touted to be at the forefront of social justice. Until the time that UP and the government provides them with decent wages and better benefits, they would trudge to work every day, certain only of their return to a cycle of exploitation. *not her real name
UP Workforce
Non-UP contractuals personnel whose contracts do not include an employer-employee clause guaranteeing eventual tenure and benefits. These are 24% often low-level jobs such as janitors, 29% Faculty messengers, and receptionists. Non-UP Faculty Employees whose work involves contractuals academic pursuits in the university. They are instructors, associate professors, and full professors. 47% Regular Staff non-faculty workers whose Regular staff contracts include an employer-employee clause. Among their ranks are secretaries, directors, and accountants.
5 year plan*
Naaalala ko pa ang unang beses na inakyat ko ang ikaapat na palapag ng Vinzons Hall limang taon na ang nakaraan. Ikatlong linggo ng Hunyo noon, kasisimula lang ng semestre. Unang taon ko iyon sa UP, sariwa pa ang lahat ang paligid, ang mga tao, ang kultura. Matapos ang panghapong klase sa English 1, literal akong kinaladkad ng isa kong kaklase mula CAL New Building paakyat ng Vinzons Hall. Mag-exam ka sa Kul, paulit-ulit niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at sa tingin niyay dapat akong pumasok sa pahayagang iyon, liban sa seatmate ko siya sa isang GE subject. Pagdating sa Room 401, agad akong binigyan ng kopya ng exam, na tinapos ko kahit napakahaba. Napasubo na rin naman, tapusin na rin, sabi ko sa sarili ko. Doon nagsimula ang limang taon kong pamamalagi sa Kul. Marami na rin akong napagdaanan bilang manunulat, patnugot, at kalaunay punong patnugot. Nariyang maghagilap ng case study sa kalaliman ng gabi sa mga madilim na kalsada ng Quezon City, ang dumaan sa napakaraming checkpoint ng militar sa ibat ibang hasyenda sa bansa, ang makipagusap sa isang nagtatagong source sa isang safehouse. Sa Kul ako natuto ng maraming bagay ang mag-analisa ng sitwasyong panlipunan, ang magpakabihasa sa pagkilatis sa panukalang badyet ng bansa, ang pagsukat sa tantos ng pagsasamantala, ang pag-unawa sa ugat ng krisis panlipunan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang artikulo na ang naisulat ko mula sa mga batang namumunas ng paa sa mga dyip hanggang sa pagsuri sa lagay hanggang sa pagharap ko kay US Secretary of State Hilary Clinton, natutunan kong hindi nararapat magpadala sa agos ng kawalangpakialam. Natutunan kong ang pagiging peryodista ay higit pa sa pag-uulat ng mga datos. Natutunan kong ang hindi pagpanig ay katumbas ng pagsang-ayon sa kasalukuyang sistema. Limang taon ang mabilis na lumipas, at wala akong pinagsisihan ni isang araw doon. Walang katumbas ang pagkamulat na dala sa akin ng pagsali sa Kul, walang kaparis ang mga alaala ng mga lugar at taong sangkot sa ibat ibang tunggalian. Marami sa mga kasabayan ko sa Kul ay may iba na ring landas na tinatahak ngayon may nangibangbansa, may nagkapamilya, may nanatili sa akademya, at syempre, may mga piniling ipagpatuloy ang laban kasama ang masa. Panahon na nga upang pumili ng bagong landas na tatahakin, at sigurado ako kung saan ako patutungo. Maraming maaaring maganap sa loob ng maikling panahon, ngunit hindi tayo dapat basta na lang magpatangay sa hinaharap. Aktibo nating pandayin ang kinabukasan, dahil baka sakali maganap na ang ating pinakamimithi sa susunod na limang taon. *pasintabi kay Maykel at sa mga kabanda niya
Walang katumbas ang pagkamulat na dala sa akin ng pagsali sa Kul, walang kaparis ang mga alaala ng mga lugar at taong sangkot sa ibat ibang tunggalian
ng mga pampublikong ospital. Sa loob ng limang taon, nasaksihan ko kung paanong lagit laging nariyan ang tunggalian, mula sa banggaan sa loob ng akademya hanggang sa mga piketlayn sa pabrika ng mga panty at bra. Samut saring tao na ang aking nakausap at nakilala mula sa dating bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta hanggang sa puganteng heneral na si Jovito Palparan. Sari-saring istorya, sari-saring alaala. Sa Kul ako natutong tumindig at lumaban. Mula sa paminsanminsang pagdalo sa mga rally
Undecided
Bilang mga mag-aaral ng UP, karaniwan na siguro sa atin ang mga katagang paglilingkod sa bayan. Nararapat lamang, sapagkat isa ito sa mga responsibilidad na ipinataw sa atin simula nang tawagin tayong mga Isko o Iskolar ng Bayan. Paraan na rin ito upang maibalik kahit papaano ang pagpapaaral sa atin ng bansa. Subalit ano nga ba ang dapat nating gawin upang masabing naglilingkod tayo sa sambayanan? Karaniwang sagot na dito marahil ay ang ngunit hindi bat sisirain lamang nito ang buong saysay ng pagkakaisa para sa iisang layunin? May nakita akong listahan para sa mga Freshmen ng mga hindi dapat kalimutang gawin habang nag-aaral sa pamantasan. Kasunod ng pagbili ng isaw kay Mang Larry, panonood ng Cheerdance Competition, at pagpunta sa UP Fair ay ang pagdalo sa isang rally. Hindi ko naman tinututulan ang pagdalo sa isang rali. Kung tutuusin, sinusuportahan ko pa nga ito. Ang nalilimutan lamang natin ay hindi lang naman sa ganitong paraan makapaglilingkod sa bayan. Pinakaimportante pa rin ay ang pakikialam sa mga isyung nagaganap sa bansa. Kung wala ito, walang mangyayari kahit gaano karami pang rali ang iyong puntahan. Uusbong kasi mula dito ang kakayahan at dedikasyon upang ipamahagi ang iyong mga nalalaman at ipaglaban ang mga ito kung dumating ang pagkakataon. Magsisimula muna ito sa mahaba at tuloy-tuloy na proseso ng pag-alam at pagsusuri sa lahat ng panig ng isang isyu. Mula dito, dadami ang iyong kaalaman sa mga bagay at makabubuo ng sariling paninindigan sa mga isyung nabanggit. Matapos magkaroon ng sariling paniniwala ukol sa isang sitwasyon, magiging parte mo na ito. Masasabi mo ito sakaling mabanggit ang isyu sa inyong kwentuhan ng iyong mga kaibigan, at maibabahagi sa klase kung dumako dito ang aralin. Sa
Jogs
mga ganito kaliliit na bagay, hindi mo namamalayang nakakatulong ka na rin sa sarili mong paraan para sa kamulatan ng ibang tao sa mga nagaganap sa bansa. Dito ka na rin makakakilala ng mga taong katulad ng pag-iisip, o di kayay mga taong may ibang paniniwala na maaaring makapagpaunlad pa ng iyong kaalaman. Hindi masamang huminto sa bahaging ito at maraming tao din ang nakararating dito. Pagkatapos ng lahat, darating ka ngayon sa isang desisyon, kung handa ka bang kunin ang isa pang hakbang upang mas mapaunlad ang iyong sarili at makatulong pa sa bansa. May mga sariling bentahe ang pagsali sa mga demonstrasyon o sa isang organisasyon, tulad ng mas maraming taong maaari mong maabot, at mas mapalawak pa ang iyong sariling kaalaman sa mga isyu dahil sa napapalibutan ka ng mga taong kapareho ng paniniwala. Hindi rin naman masamang piliin na lamang na manatili sa tabi kung gusto mong maging tahimik ang iyong pananatili sa pamantasan o di kayay hindi ka naniniwala sa mga pamamaraang nabanggit. Isang tanong na lamang ang iiwan ko, sa panahong mas nagiging marahas at mapanikil ang pamamaraan ng mga may kapangyarihan, hindi bat mas makabubuti sa ating magkaisa sa pagtulong hindi lamang sa pagprotekta sa karapatan ng ating mga kababayan, kundi pati na rin sa ikauunlad ng ating bansa?
Pagkatapos ng lahat, darating ka ngayon sa isang desisyon, kung handa ka bang kunin ang isa pang hakbang upang mas mapaunlad ang iyong sarili at makatulong pa sa bansa
pagdalo sa mga rali at demonstrasyon na isinasagawa sa pamantasan o di kayay mismong pagsali sa mga organisasyong may nag-oorganisa ng mga ito. Samantala, kung hindi rin naman alam ang isyu at iba ang pakay sa pagdalo, mabuti pay hindi na tumuloy. Makadadagdag nga marahil sa bilang ng mga dadalo,
Newscan
UPFI Film Center April 2013: In the Realm of the Indies
CINE ADARNA: ANIMAHENASYON Festival Prize Winners April 26 Fri 5/7 p.m. Gabby Fernandezs NASAAN SI FRANCIS April 29 Mon 7 p.m. May 1 Wed 2:30/5/7 p.m. May 2 Thurs 2:30/5/7 p.m. VIDEOTHEQUE: The Learned Film Buff April 29 Mon 2:30 & 4:30 p.m. In the Year of Faith - April 27 Sat 2 p.m..: Pier Paolo Pasolinis Il Vangelo Secondo Matteo 4:30 p.m. Nanni Morettis Habemus Papam - April 30 Tue 2:30 p.m.: Pier Paolo Pasolinis Il Vangelo Secondo Matteo 5 p.m.: Nanni Morettis Habemus Papam
Eksenang Peyups
UPFI SUMMER WORKSHOPS:
Studio Photography with DAEMON BECKER : Apr 20, 27, 4, 11 Basic Scriptwriting with RAZ DE LA TORRE : Apr 22 - 26 Non-Linear Editing with APOL DATING : Apr 22- 25 Digital Cinematography HDSLR with NAP JAMIR : May 4, 5, 11, 12 Digital Video Production with MILO PAZ : May 6 - 10 Commercial Photography with MILO SOGUECO : May 6 - 9 Intermediate Scriptwriting with BING LAO : May 13 - 17 Adobe After Effects with CYRIL BAUTISTA : May 13 - 16 On Going Registration. Limited Slots only. http://filminstitute.upd.edu. ph/?page_id=45 pangmanunulat, at publikasyong sangay ng mga konsehong pangmag-aaral sa 2013 Solidaridad Congress hatid ng UP Solidaridad Systemwide Alliance of Student Publications and Writers' Organizations. Gaganapin ito sa Mayo 16-19 sa UP Visayas, Miag-ao, Iloilo. Layunin ng Congress na pagsama-samahin ang lahat ng mga miyembrong publikasyon, pahayagang pangmag-aaral at mga organisasyong pangmanunulat sa buong UP System upang talakayin ang kalagayan ng Katipunan sa buong UP at pag-usapan ang mga isyung kinahaharap ng mga kasapi nito. Mayroon ring journalism skills training, socio-political discussions at mga teknikal na diskusyon hinggil sa pagpapaunlad ng operasyon ng mga pahayagang pinatatakbo ng mga mag-aaral. Kung may katanungan o paglilinaw, makipag-ugnayan sa upsolidaridadsystem@gmail.com o sa pinakamalapit na contact person sa inyong lugar: Luzon | Aries Joseph A. Hegina (09352821147) Visayas | Melanie Montao (09224697390) Mindanao | Kit Iris Frias (09232336046) Abangan ang iba pang detalye sa www.facebook.com/upsolidaridad. Come one, come all. Takits!
Get free publicity! Send us your press release, invitations, etc. DONT TYPE IN ALL CAPS. And go easy on thepunctuations?! dOnt uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1213@gmail.com CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us kule1213@gmail.com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details.
Financial Statement
Philippine Collegian 2011-2012
Status of funds as of June 1, 2012
Approved budget a
Collections Balance as of June 2011 First semester Second semester Summer 2012 Interest incomeb Less: Student refund TOTAL Expenses Printingc Honoraria Food subsidy Training and seminarsd Editorial examinationse Office supplies and other operating expenses Utilities and newspaper subscription TOTAL BALANCE
The Philippine Collegian AY 2012-2013 is set to release its financial statement in the first issue of the next editorial term in June 2013. The Collegian still has to account all the expenses it incurred during the Ma. Katherine Elona term, which has only ended recently as of this issues publication (29-30). -Eds
Actual, AY 2011-2012
206,766.95
NOTES a - Chancellor Ceasar A. Saloma; with realignments b - December 2010 to December 2011 c - Includes printing expenses incurred by previous term d - Collegian consolidation activities last May 27-29, 2011 and Nov. 5-6, 2011 e - Actual expenses not indicated by Accounting Office
Yow graduating cuties, curls and others! Im becks for the last time this year and I have so many Sir Chief and Maya moments level sa kakiligan na chika sayo before I go the beach to have fun with the bitchessss! Panahon na naman kasi ng pagbubukahan ng bulaklak at nako jusko, maraming bulaklak talaga ang nagbukahan as in with legs wide open level! Char. Anyway, bago pa sila majanine tugonon at maipagpalit sa mas guwapo or mas maganda sa kanila, iterch na ang list of valentine summer edition ng ating chikas! OPINYON Love story #1: So many bettables ngayon sa ating You Easy! As in Biyernes naaaaaay, they come in all forms 26 Abril and gender! Hihihi. From kuyang 2013 nakakaDroooooools to kuyang diladilaan mo ang Maayyyyyyyooooo and ateng from Europe na ang gandith ng legs to ateng from Chenelyn. Grabe dito, super hot ng in-cuming You Easy ahh! Anyway, dahil siguro sa kainitan ng kemehan sa kanilang opisina nung cummitteetee devirginazation, hindi napigilan ng ating mga bettables na mamasa down there, char, mamasa sa pawis I mean. Hihi. Super fresh pa rin ni kuya chair from Kalakal huh! In fair kay koya, I heard si mother eh nakikipagshare ng special bond with someone na handang magbuwis ng dugo para sa kanya. Naku! I hope for good na yan mother ha. Ano kayang reaction ng ex niyang colorful dito? Hihi char lang Love story #2: How true ang chika na may girlfriend na si koya gurl from the gayest college in UP? Juskrez, tama nga teorya ko na siya na lang ang may hindi alam na bekibels siya. Naku girl, daig pa ng pilantik ng daliri mo ang pagkababae ng gurlet mo. Pero anyhow, kung si tita Swardiz at Joel Cruise eh nakeri pa ang flowers, sinetchi ba naman ako to question you di ba? Gora girl! Magkulutan kayo and Ill support you all the way to your closet! Sabi nga ni Krissy kalurki love love love! Love story #3: May chika akez na ang favorite appetizer natin sa Shakeys eh dumamubs or dumadamubs (pa rin) kay ate doktora? If ever na true iterch, maloloka ang mga fans ni favorite dish! Lalo na siguro yung mga valedictorian ng Assumption college. Naku ha, move on move on din. Keri? Hihi, wag kalimutang magpadilig cuties, curls and others ha? See you next sem and congrats sa mga hindi pa gagraduate! For sure, ilan sa mga nakaaway niyo or ex niyo siguro ay gagraduate na. Kaya ayan na! Kataastaasang pagpupugay sa mga bulaklak na bumuka ngayong summer! Sana magpollinate pa kayo to spread the love and shamels. I labya majora!