You are on page 1of 5

HEKASI 1. Manuel A.

Roxas (1946-1948) (Lalawigan ng Capiz) siya ang huling pangulo ng pamahalaang KOMONWELT at unang pangulo
ng ikatlong Republika ng Pilipinas. Mga programa: Batas Belt (Ugnayang pangkalakalan o Trade Relation) ng 1946 Pinalawig nito ang malayang kalakalan sa susunod na walong taon sa pagitan ng dalawang bansa na unang pinagtibay ng Batas TydingMcDuffie.

Batas ng Rehabilitasyon ng Pilipinas (1946) Iti ay nagtalaga ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng $620 milyon

Kasunduan ng Pangkahalatang Relasyon o Treaty of General Relations Ito ang kasunduan na nagsasaad na pormal na pagsuko ng mga Amerikano sa pamamahala sa Pilipinas maliban sa usaping military.

Paglagda ng kasunduang pangmilitar a. kasunduan sa base military (MARSO 14, 1947) b. kasunduan sa tulong pangmilitar (MILITARY ASSISTANCE ACT 1947)

Party rights Nangangahulugan ito na magkakaroon ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga likas na yaman ng bansa Namatay siya noong Abril 15, 1948 dahil sa atake sa puso sa Pampanga (Clark Air Base)

2. ELPIDIO R. QUIRINO (1948 1953) ( Vigan Ilocos Sur ) Ikalawang Pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas.

Mga Programa: a. Pagtatag ng Bangko Sentral sa Pilipinas b. Presidents Action Committee On Social Amelioration (PACSA) c. Minimum Wage Law d. Magna Carta sa Paggawa e. Mutual Defense Treaty Ito ay isang kasunduan na nagsasabing kailangang suportahan at tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa oras ng digmaan.

3. RAMON F. MAGSAYSAY (1953 1957) (Lalawigan ng Zambales) Ikatlong Pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas Tinagurian siyang The Guy dahil sa kanyang karisma Naging gabay niya ang katagang Those Who Have Less in Life Should have more in Law.

Mga Programa: a. Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) b. Bureau of Agriculture Extension (BAEX) C. Agriculture Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) d. National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) e. Isa siya sa nagtatag ng (SEATO) South East Asia Treaty Organization Siya ay namatay dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Bundok Marunggal sa Cebu.

4. CARLOS P. GARCIA (1957 1961) (Bohol) Ikaapat na Pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas Naging panuntunan niya ang Pagtitipid, Patakarang PILIPINO MUNA, at Pagbabagong sigla ng kultura. Pilipino muna Ang patakarang ito ay ay may layuning bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino bago ang mga dayuhan. Itinaguyod niya ang taunang Republic Culture Heritage Awards. Nilagdaan niya ang kasunduang Bohlen-Serrano noong 1959 na pumabor sa Pilipinas.

5. DIOSDADO P, MACAPAGAL (1961 1965) Ikalimang Pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas Nakilala siya bilang Poor Boy from Lubao Tinawag niya ang kanyang pangasiwaan bilang Bagong Panahon Nilagdaan niya ang Kodigo ng reporma sa lupang pangsakahan

Mga Programa: a. Emergency Employment Administration (EEA) b. Binatikos niya ang limang taong kabuhayan c. Itinatag niya ang samahang MAPHILINDO noong Agosto 5, 1963 na binubuo ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia. d. Nilipat niya ang araw ng kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.

6. FERDINAND E. MARCOS (1965 1971) (Ilocos Norte) Ikaanim na Pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas Nakilala siya sa Islogan na This nation can be great again Mga Programa: a. Ipinatanim niya ang Miracle Rice b. Green Revolution ito ang programang naghihikayat sa mga tao na magtanim ng gulay c. Reforestation o muling pagtatanim ng punong kahoy sa kagubatan d. Communist Party of the Philippines (CPP) e. New Peoples Army (NPA) f. Philippine Civic Action Group (PHILCAG) g. Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) 1967

1. Manuel A. Roxas (1946 1948) 2. Elpidio R. Quirino (1948 1953) 3. Ramon F. Magsaysay (1953 1957) 4. Carlos P. Garcia (1957 1961) 5. Diosdado P. Macapagal (1961 1965) 6. Ferdinand E, Marcos (1965 1986)

___________________________ 1. Pilipino muna

___________________________ 2. Green Revolution

___________________________ 3. Kasunduan sa pangkalahatang relasyon

___________________________ 4. Party Rights

___________________________ 5. MAPHILINDO

___________________________ 6. ASEAN

___________________________ 7. Kodigo ng Reporma sa Lupang Pangsakahan

___________________________ 8. PACSA

___________________________ 9. SEATO

__________________________ 10. Miracle Rice

You might also like