You are on page 1of 12

tambalang ganap silid-aralan punong-kahoy isip-bata sulat-kamay bahay-kubo

tambalang di-ganap anak-araw anak-pawis bahag-hari hampas-lupa hapag-kainan

Ang dalawang ayos ng pangungusap. Karaniwan - ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang panaguri kaysa simuno o paksa. Di-karaniwan - ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang simuno o paksa kaysa panaguri. Ito ay ginagamitang ng pang-ugnay na ay na syang nag-uugnay sa simuno at panaguri. Halimbawa ng karaniwang ayos. Nagpunta ako sa probinsya. Titingin lang muna tayo. Masaya ang grupo namin sa paaralan. kami ay pupunta masaya kami sa paaralan Halimbawa ng di-karaniwang ayos. Ang mga estudyante ay matatalino. Ang aking ina ay mapagmahal. Si Jose Rizal ay isang bayani. Si Aling Linda ay nagwawala.

Ibang kasagutan: Ayos ng pangungusap Karaniwang Ayos- ayos ng pangungusap kung saan mas nauna ang panaguri kaysa simuno o paksa. hal. Masayang magkakaibigan sina Ben at Lito.

Di-karaniwang Ayos- ayos ng pangungusap kung saan mas nauna ang simuno kaysa panaguri. hal. Sina Ben at Lito ay masayang magkakaibigan.

IBANG KASAGUTAN Karaniwan- walang ay Di Karaniwan- may ay

Karaniwan- sa pangungusap na karaniwan ang panaguri ay nauuna kaysa sa simuno. halimbawa: Pangalagaan ang sarili. Ugaliing sepilyuhin ang ngipin. Di- karaniwan- sa pangungusap na di- karaniwan ay nauuna ang simuno kaysa panaguri. At mayroon itong ay. halimbawa: Ang sarili ay pangalagaan. Ang ngipin ay ugaliing sepilyuhin.

Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos. 1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap. Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain. Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap. Mga Halimbawa Punung-puno ng ibat ibang damdamin / ang musika. Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM. Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino. Ang Punung-puno ng ibat ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.

2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay. Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri. Mga Halimbawa Ang musika / ay punung-puno ng damdamin. Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music. Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

diptonggo- mga salita sa Filipino na nagtatapos sa ay, aw, ey, iy, iw at oy. Pinagsama itong mga patinig na a,e,i,o at u sa katinig na w at y. Hal.: apaw, kahoy, sayaw, buhay Mga Diptonggo Ang diptonggo ay ang pagsasama o pagtatambal ng mga patinig na ( a,e,i,o,u) at ng malapatinig na w at y. Halimbawa: /ay/ /aw/ /iw/ /ey/ /oy/ /uy/ buhay galaw aliw keyk kahoy baduy kulay araw bitiw iba'y takaw sisiw baybay sayaw Ang diptonggo ay mga salitang nagtatapos sa -ay. Halimbawa: Buhay . Ang tao ay binigyan ng buhay hindi para sayangin kundi para gamitin sa mga bagay na maganda.
Ang diptonggo ay alin mang patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y. halimbawa: aw- bahaw, araw, apaw, sabaw, inihaw, kalabaw iw- saliw, sisiw, giliw, baliw, bitiw, agiw, aliw

Ang klaster o kambal katinig ay mga salita na nag-uumpisa sa dalawang katinig. Halimbawa: pluma, plaka, braso, trak, tren, bruha, prito Klaster Ang klaster o kambal katinig ay dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa isang pantig. Ang mga salitang may klaster sa Filipino ay parami ng parami dahil sa impluwensya ng Ingles na ipinalalagay na bahagi na ng wikang Filipino. Hal.; tsart , nars , torso , braso Ukol sa mga klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, masasabing magkakaroon ito ng variant o pagkakaiba sa pamamagitan ng paglalagay ng isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig. Hal.; kwento = kuwento , sweldo = suweldo , byenan = biyenan Mapapansin na kapag ang isang klater ay nagkaroon ng singit na patinig, nagkakaroon na ng dalawang pantig, kaya ito ay hindi na maituturing na klaster.

Mga Posisyon ng Klaster 1. Posisyong Inisyal (una o simula) ng pantig. Hal.; trak , drama , plano 2. Posisyong Midyal (gitna) ng pantig. Hal.; sombrero , eroplano , lantsa 3. Posisyong pinal (hulihan) ng pantig. Hal.; isport , kard , relaks

1. tsokolate 2. tsinelas 3. klase 4. blusa 5. groto 6. plato 7. plorera 8. prutas

9. grasa 10. klima 11. blader 12. blangko 13.prinsesa 14.presko 15. grado 16. klinika 17. gramo 18. preso 19. proyekto 20. prito
Ang kambal katinig ay katulad sa klaster na binubuo ng dalawa o higit pang magkakatabing konsonant sa loob ng isang salita. Ang "kambal-katinig" sa Tagalog ay mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at KATINIG o konsonant subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito. Walang higit sa tatlong magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog (mga salitang-hiram sa Spanish) hindi tulad sa Filipino na posible ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat. Ito ay resulta ng paghihiram ng salita sa mga salitang dayuhan. Halimbawa: titser - ts ay 'yong tinatawag na kambal katinig gripo - gr naman tinatawag na kambal katinig dito etc.-ang etc ay et chetera

1. Diptonggo alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy. Halimbawa: Sayaw giliw langoy aruy

Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig kayat hindi na maituturing na diptonggo. Halimbawa ng Diptonggo: Ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na sa dalawang patinig. Ang pagpapantipg sa sayawan" sa-ya-wan at hindi sayaw-an 2. Klaster o Kambal Katinig magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita. Halimbawa: Klaster sa unahan Klaster sa hulihan

trabaho kard

nars

plano braso relaks

Pares Minimal
Pares Minimal. Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran. Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran pala:bala. Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan kapwa nasa pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad ala at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita. Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay na ponema. tela - tila belo - bilo butas - botas mesa - misa diles - riles ewan - iwan Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal. Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema. Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi

natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.
Ang pares minimal ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. Tignan ang halimbawa: uso-oso

Mga Halimbawa ng Pares minimal: 1.gulong-bulong 2.bahay-buhay 3. lanta-kanta 4.dali-tali 5.pala-bala 6.gabe-gabi 7.baga-maga 8.upo-opo 9.kulang-gulang 10.uso-oso 11.sabit-kabit 12.pusa-kusa
Mga Pares Minimal-ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang panema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares- minimal. Halimbawa: 1.tila-dila 7.usa-oso 8.upo-opo 9.damas 2.iwan-ewan 10.paso-baso 3.pala-bala 11.puro-puno 4.patas-batas 12.tela-tila 5.mesa-misa 6. pana-mana

Karagdagang kasagutan: 1.puno-pulo 2.patay-palay 3.huli-muli

4.baga-baka 5.marumi-madumi 6.mana-sana 7.roon-doon 8.balo-belo 9.pala-bala 10.alok-alog Ang ibang halimbawa ay: Upo-Opo Mesa-Misa Sita-Kita misa-mesa

Ano ang Sawikain? Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. Iba't ibang Sawikain ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas. anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero. balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan. Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. basa ang papel---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. busilak ang puso---malinis ang kalooban Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu. di madapuang langaw---maganda ang bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo. di makabasag-pinggan---mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena. hampaslupa---lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa. haligi ng tahanan---ama ilaw na tahanan---ina Halimbawa:

Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.

Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim- mag-ingat sa pagpapasya. Kung may isinuksok may madudukot - kung marunong magtipid, hindi ka mawawalan. Kung hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin - huwag kang gagawa ng mga bagay na ayaw mong gawin din sa iyo. Ang lingon ng lingon sa pinanggalingan, bangin ang kababagsakan - sa pagtanaw ng utang na loob, isipin din ang sariling kapakanan.

Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsusulat, gumagamit tayo nito. Kaya ngat maging ang mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at pahayagan ay gumagamit din nito upang bigyang diin at gawing kaakit-akit ang kanilang pagsasalita at pagsusulat. Katulad ng sawikain, ang salawikain ay may ibang kahulugan bukod sa literal na ibig sabihin ng mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito. Ito ay ginagamit din sa pagpapahayag ng damdamin, ideya at kagustuhan sa paraang kaayaaya sa pandinig at pagbasa.

1.lahat ng gubat ay may ahas. 2.nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is Wealth Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - A person who does not remember where he came from will never reach his destination. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish. Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits. Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gain Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall. Masakit ang katotohanan. -The truth hurts. Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the whole body. Huli man daw at magaling, naihahabol din. - Better late than never.

Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep. Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current. Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa lung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew. Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad. Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is already dead. Maraming salita, kulang sa gawa. A man that talks too much accomplishes little. Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done.

1. Puri sa harap, sa likod paglibak 2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron 3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan 4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya 5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila 6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan 7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare 8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo 9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat 10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot 11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa 12. Sagana sa puri, dukha sa sarili
ang mga salawikain[1][2], kawikaan[1], kasabihan[1], wikain[1], o sawikain[1] ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.[3]

oy- okoy, baboy, langoy, tsampoy, kasoy ay- gulay, kilay, barangay, sangay, lawa, bagay, tangway, sangay,buhay, patay uy- baduy, tuyo, labuyo, luya, kuya

ey- beybi, bokey, beybleyd

You might also like