You are on page 1of 2

Sigaw ng migranteng Pilipino:

Tama na ang bulok na sistema at bulok na serbisyo!

NO MORE BS AQUINO!
Ilang Flor Contemplacion pa ang hahatulan ng kamatayan at makikipagsapalaran sa buhay at kamatayang pangingibang bayan para lamang buhayin ang kanilang pamilya? Tuwing may umaalis ng bansa para magtrabaho, may bagong nawawasak na pamilya ng mga tinaguriangbagong bayani sa lalong pagsahol ng programang labor export ng gobyerno. Ang pagkamatay ni Flor ay mahigit 19 na taong nagpakita at nagpalasap ng pait ng kabilang mukha ng migrasyon kapag ito ay sapilitan at pwersahan. Na ang kamatayan ng bawat migranteng Pilipino sa deathrow man, gutom o pangungulila ay nagpapahaba sa buhay ng naghihingalong ekonomiya ng ating bansa. Ang mga OFW noon ay OFW pa rin hanggang ngayon. Mas masahol ang kalagayan nila at ng kanilang mga pamilya ngayon. Mahirap ang buhay, baon sa utang, at hindi pa rin mapatid-patid ang tanikala ng kahirapan ng mamamayang Pilipino sa ilalim ni BS Aquino.

NO M O R E

ynoy Aquino o BS Aquino. Siya ang hari ng mga hari dahil sa kriminal na kabiguang iahon ang mamamayan sa kahirapan at trahedya. Pinatatakbong negosyo ang gobyerno. Pinakamalaki ang nahuhuthot niya bilang pangulo. Pinagkakitaan ng kaniyang gobyerno kahit ang mga biktima ng bagyo. Winasak ng gobyerno ang kabuhayan ng mamamayan dahil sa mga anti-mamamayang patakaran at sa ngalan ng proyektong pangkaunlaran. Pork Barrel King na, Disaster President pa! as mahirap ang mamamayan. Mas masahol ang kagutuman at kawalan ng trabaho. Pinakamataas ang presyo ng langis, kuryente, bilihin, pamasahe at serbisyo. Walanghabas ang mga dagdag-bayarin, buwis at pasanin sa mamamayan. Si BS Aquino ang Price Hike King. FW at migrante. Pinakamarami ang lumabas ng bansa sa ilalim ni BS Aquino. Libu-libo ang stranded sa labas ng bansa, nakakulong, nasa deathrow. Puro walang pondo at walang magagawa ang sagot ng mga ahensya sa bawat hinaing ng mga OFW. Biktima sila ng pagmamaltrato, illegal recruitment, human trafcking. Si BS Aquino ang Trafcker-inChief ng migrante at mamamayan. emittance ng mga migranteng kayod-kalabaw ang malaking bumubuhay sa ekonomiya. Umabot na ito ng $23 bilyon noong 2013. Ngunit sa kabila nito, sila ay ginagawang gatasang-baka ng gobyerno. Nakaamba ang mga anti-OFW na mga batas tulad ng forced remittance bill at kaliwat-kanang mga singilin at bayarin ng mga OFW tulad ng pagtaas Philhealth premium, pagtaas ng singil sa passport fee, NBI clearance at maraming pang iba. BS Aquino, hindi gatasang-baka ang mga OFW! konomiya para sa iilan. Kayat kahit gawing araw ang gabi sa pagtatrabaho hindi makakaahon ang migrante at mamamayan kung ang mga programa ni BS Aquino ay magsisilbi sa dayuhan at malalaking kapitalista. Para tayong sumasayaw sa bubog sa nakaambang cha-cha (charter change) na magbebenta ng buung-buo sa soberanya ng ating bansa. UKING! Tapos na ang palabas! Pahirap sa migrante at mamamayan ang gobyerno ni BS Aquino. Walang nililikhang trabahong may nakabubuhay na sahod sa ating bayan at hindi pinauunlad ang agrikultura at industriya ng bansa para sa bayan. obra na! Papanagutin ang gobyerno ni BS Aquino ! Ayaw na natin ng bulok na sistema at serbisyo. Ayaw na natin ng korapsyon at pangungurakot ng gobyerno. Panagutin si BS Aquino sa kriminal na kapabayaan at kapalpakan sa kalamidad. Ayaw na natin ng gobyernong binubugaw ang migrante at mamamayan na makipagsapalaran sa ibang bayan. Tama na, sobra na! Sigaw ng migrante at mamamayan, No More BS!

B S

Magkita-kita sa Marso 17, 2014, anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion, sama-sama tayong kumilos at magpakilos. 10:00 sa Isettan-Recto, martsa tungong Mendiola.

You might also like