You are on page 1of 8

Tomo 92 Lunes Hulyo 28 2014 Espesyal na Isyu

Paniningil. Naghain ng tatlong magkakahiwalay na impeachment complaints ang grupong Bayan Muna, Kabataan, at Gabriela laban kay Pangulong Aquino sa Kamara noong Hulyo 22-24. Iginiit
ng mga grupo na nilabag ni Aquino ang konstitusyon sa paggamit ng DAP at tahasang pagkiling sa US nang lagdaan nito ang EDCA. | Chester Higuit
2
Lunes 28 Hulyo 2014
BALITA
Aquino, pinapatalsik dahil sa katiwalian,
palapastanan sa Salian Batas
PANAHON NA PARA PATALSIKIN
si Pangulong Benigno Aquino
III matapos siyang magtala
ng 116 na kaso ng korapsyon
at balewalain ang soberanya
ng bansa, ayon sa mga
impeachment complaints
laban sa kanya.
Matapos ang sunud-sunod
na kilos-protesta kontra sa
maanomalyang Disbursement
Acceleration Program (DAP)
at pagbabalik sa mga base
militar ng US, nagsampa
ng magkakahiwalay na
impeachment complaint ang
grupong Bagong Alyansang
Makabayan (BAYAN), Youth Act
Now, at Makabayan Coalition,
na agarang inendorso ng
Makabayan bloc sa Kamara
noong ika-21 hanggang 24 ng
Hulyo.
Sa 23-pahinang impeachment
complaint, nanawagan ang
Youth Act Now na patalsikin si
Aquino sa bisa ng mga kasong
culpable violation of the
constitution, betrayal of public
trust, at graft and corruption.
Nakasaad sa inihaing petisyon
na ninakaw umano ni
Aquino ang kapangyarihan
ng Kongreso na pamahalaan
ang pambansang badyet
nang gamitin niya ang DAP
para sa 116 na proyektong
hindi nakasaad sa General
Appropriations Act (GAA).
Matapos ideklarang
unconstitutional ng Korte
Suprema ang DAP, naglabas
ang Department of Budget
and Management noong ika-
15 ng Hulyo ng listahan ng 116
na proyektong pinaggamitan
umano ng programa.
Kabilang dito ang P625
milyong nationwide survey
ng Department of Agrarian
Reform, P500 milyong media
campaign ng Department
of Tourism, at P238 milyong
communications upgrade ng
Malacanang.
Sa tatlong taong
implementasyon ng programa,
nakakalap si Aquino ng halos
P144 bilyon mula sa ibat
ibang ahensya ng gobyerno
para umano sa mga priority
projects ng Palasyo.
Batay sa panuntunan ng
Korte Suprema, hindi umano
maaaring galawin ng Pangulo
ang ilang nakalap na pondo ng
DAP dahil hindi ito savings,
taliwas sa sinasabi ni Aquino.
Sa paliwanag ng Korte, ito raw
ay pondo ng ilang proyekto
sa GAA na hindi pa nilalabas
ng DBM. [T]o consider
unreleased appropriations
as savings would seriously
undercut the congressional
power of the purse, ayon sa
Korte Suprema.
Alinsunod sa Article 220 ng
Revised Penal Code at Section
3 ng Anti-Graft and Corrupt
Practices Act, isang porma
ng korapsyon ang walang
pahintulot na paglilipat, o
technical malversation, ng
pondo ng gobyerno sa ibat
ibang proyekto.
The DBM list strengthens our
claim that DAP is nothing more
than presidential pork with very
little benefit for the poor and
the entire economy, nakasaad
sa pahayag ng BAYAN.
Sa inihaing petisyon ng
Makabayan Coalition,
nilapastangan umano ni
Aquino ang soberanya ng
bansa nang payagan niya ang
malaya at libreng paggamit ng
mga Amerikanong militar sa
mga base ng bansa sa ilalim ng
Enhance Defense Cooperation
Agreement (EDCA).
Maliban kung may pahintulot
ng Senado, malinaw na
ipinagbabawal sa Section 25,
Article XVIII ng Saligang Batas
ang foreign military bases,
troops, or facilities sa bansa.
[Aquino] has opened the door
to the return of US military
bases, committ[ing] culpable
violations of the Constitution
and betrayal of public trust.
He must be impeached, ani
Alliance of Concerned Teachers
Party-list Representative
Antonio Tinio.
Nakasaad sa Section 1, Article
XI ng 1987 Saligang Batas
na maaaring patalsikin ang
presidente sa mga batayang
culpable violation of the
constitution, betrayal of public
trust, graft and corruption,
bribery, treason, at iba pang
high crimes.
Maaaring magsampa ng
impeachment complaint ang
sinumang indibidwal o grupo,
na siyang iinendorso ng isang
kongresista. Isang-katlong boto
ng buong Kamara ang rekisito
upang umusad ang reklamo sa
Senado.
Nauna nang binalewala ng
ilang kaalyado ni Aquino ang
mga impeachment complaint
dahil umano sa dami ng
kapartido ng pangulo, na hindi
bababa sa 111. Samantala,
kinakailangan ng Makabayan
Block ang 90 boto mula sa 292
kongresista sa loob ng Kamara.
Beyond the numbers game,
the call to oust Aquino
is all about demanding
accountability from the
President, ani Kabataan Party-
list Representative Terry Ridon.
Bagaman tila suntok sa
buwan ang impeachment ni
Aquino sa Kongreso, isang
moral na responsibilidad
pa rin ang impeachment na
maisasakatuparan lang sa
pagkilos ng mga mamamayan
sa labas ng Batasan, paliwanag
ni Bayan Muna Party-list
Representative Carlos Zarate.
Hindi man ito magtagumpay
sa Kongreso, ang kasaysayan at
taong bayan pa rin ang huling
huhusga, ani Zarate.
Ronn Joshua Bautsta
3
Lunes 28 Hulyo 2014
BALITA
Laban kontra EDCA,
umabot na sa Korte Suprema
Aquino, pinaratangang diktador dahil sa DAP
WALANG IPINAGKAIBA SA
isang diktador si Pangulong
Benigno Aquino III
nang ipatupad nito ang
Disbursement Accelaration
Program habang patuloy na
ginigipit ang badyet para sa mga
batayang serbisyo, ayon sa ilang
progresibong grupo.
Ayon sa grupong Bagong
Alyansang Makabayan
(BAYAN), inabuso umano ni
Aquino ang kapangyarihan
ng presidente nang agawin
nito ang kapangyarihan ng
Kongreso na pamahalaan
ang pambansang badyet at
balewalain ang desisyon ng
Korte Suprema kaugnay ng DAP.
Nakasaad sa Section 25
Article VI ng Saligang Batas na
Kongreso ang nagtatakda nang
paglalaanan ng pambansang
badyet. Samantala, ayon
sa iisang probisyon,
tanging pagpapanukala at
implementasyon lamang ng
badyet ang maaaring gawin ng
pangulo sa prosesong ito.
Ngunit mula 2010 hanggang
2013, inilipat ni Aquino nang
walang pahintulot ng Kongreso
ang ilang pondo sa pambansang
badyet para sa 116 na priority
projects umano sa ilalim
ng DAP.
Nang kastiguhin ng Korte
Suprema ang ilang parte ng
DAP noong ika-1 ng Hulyo, tila
balak umano ni Aquino sirain
ang doktrina ng separation
of powers ng Saligang Batas,
dagdag ni Reyes.
Ayaw nating umabot pa
sa puntong magbabanggaan
ang dalawang magkapantay na
sangay ng gobyerno, kung saan
kailangan pang mamagitan ng
ikatlong sangay. Mahirap pong
maintindihan ang desisyon
ninyo, ani Aquino sa talumpati
niya noong ika-15 ng Hulyo.
Ayon sa Section 1 Article
VIII, may kapangyarihan ang
Korte Suprema na ipawalang-
bisa ang kahit anong programa
ng gobyerno kung nakitang
lumalabag ito sa Konstitusyon.
Lumalabas na may dictatorial
tendencies ang pangulo. He does
not care for the constitute-+-ion
and goes as far as threatening
the SC. Magkakaroon ng
constitutional crisis if the
executive does not follow the
ruling of the SC, ani Reyes.
Agad namang dinepensahan
ng mga kaalyado ni Aquino
ang DAP dahil umano sa mga
mabuting nagawa nito sa
ekonomiya. Ayon sa National
Economic and Development
Authority, naka-ambag ng 1.2
puntos sa Gross Domestic
Product ng Pilipinas ang
tatlong taong implementasyon
ng EDCA.
[Subalit] kung titingnan,
DAP funds actually go to non-
priority projects that hardly
benefit the poor, ani Reyes.
Sa 144 bilyong pondong
nilabas ng DBM sa ilalim ng DAP,
P40 bilyon ang napunta lamang
sa pagbabayad ng insurance
claims ng Bangko Sentral ng
MATAPOS KASTIGUHIN
ng Korte Suprema ang
Disbursement Acceleration
Program ni Pangulong Benigno
Aquino, ipinababasura naman
ng mga progresibong grupo
sa mataas na hukuman ang
Enhanced Defense Cooperation
Agreement (EDCA).
Naghain nang magkahiwalay
na petisyon ang grupo ng Bagong
Alyansang Makabayan (BAYAN),
Kilusang Mayo Uno (KMU)
at sina dating Senador Rene
Saguisag at Wigberto Tanada
upang humingi ng Temporary
Restraining Order (TRO) laban
sa panibagong kasunduan sa
pagitan ng US at Pilipinas na
nilagdaan ni Aquino noong Abril.
Kinundena ng grupo ang
tahasang paglabag ng EDCA, sa
Section 7, Article II ng Saligang
Batas na nagbabawal sa mga
dayuhang hukbo, base militar o
pasilidad sa bansa maliban na
lamang kung pahihintulutan ng
Senado ang kasunduan.
Aquino betrayed public trust
when he approved a pact that
violated national sovereignty, so
lopsided and disadvantageous
[to our] national interest,
ani BAYAN Secretary General
Renato Reyes.
Sa ilalim ng EDCA,
binibigyang pahintulot ang
hukbong Amerikano na
mamalagi at magtambak ng
kanilang mga armas sa mga
base militar ng Pilipinas. Kasama
rin sa kasunduan ang hindi
maaaring pagdulog sa korte para
sa anumang alitan sa pagitan ng
Pilipinas at US.
Nakasaad sa Section 25,
Article XVIII ng Saligang Batas,
na rekisito ang pagsang-ayon
ng Senado para sa pagpapatayo
ng mga dayuhang hukbo, base
military, o pasilidad sa bansa.
Isang executive agreement
lamang umano sa pagitan
ng Malacanang at US ang
EDCA kung kayat hindi ito
nangangailangan ng ratipikasyon
mula sa Senado, ayon sa
administrasyong Aquino. Ngunit
hindi ito sinasang-ayunan nina
Saguisag at Tanada, dalawa sa
itinuturing na Magnificent 12
na nagpasara ng mga base militar
ng US sa bansa noong 1991.
[The contents of] EDCA [hold
like a treaty] and must therefore
comply with the constitutional
requirements for the validity of
a treaty, nakasaad sa petisyon
nina Sauisag at Tanada.
Simula nang ipatupad ang
RP-US Mutual Defense Treaty
noong 1951 sumailalim sa isang
kasunduan ang dalawang bansa
na ipagtatanggol ang bawat
isa sa panahon ng digmaan.
Sinundan ito ng Visiting Forces
Agreement noong 1998 na
nagbigay pahintulot sa militar ng
US na malayang makapasok sa
teritoryo ng Pilipinas.
Samantala, nilagdaan ng
kasalukuyang administrasyon
ang EDCApangatlong
kasunduan sa pagitan ng US at
Pilipinas.
The president,thru EDCA,
have once again put the country
at a disadvantage. It essentially
caters to the need of the US to
position its military across the
pacific, ani UP Student Regent
Neill Macuha.
Sakaling hindi maglabas ng
TRO ang Korte Suprema laban sa
EDCA, Malaya nang magagamit
ng US ang mga dati nitong base
militar sa Clark, La Union at
Quezon City kasama ang tatlong
pang pasilidad ng AFP Oyster
Bay Naval Base sa Palawan,
Fort Magsaysay sa Nueva Ecija
at San Miguel Naval Station sa
Zambales, ayon kay dating AFP
Chief of Staff Emmanuel Bautista.
Kaugnay nito, naglaan ng
P500 milyon ang gobyerno
para sa pagpapatayo ng mas
malaking daungan sa Oyster Bay
Naval Base.
Hindi na maikakaila na tuta
ng US si Aquino. Isinusuko na
niya sa mga dayuhang militar
ang kontrol nating mga Pilipino
sa sarili nating bansa, ani
Menchani Tilendo, konsehal sa
University Student Council ng
UP Diliman.
Isa ang EDCA sa mga batayan
ng inihaing impeachment
complaint laban kay Aquino
noong ika-21 ng Hulyo.
With the raging fundamental
problems that our country is
faced with, it is high time that we
arrest this kind of administration
that allows US to hold a strong
grip of it, ani Tilendo.
Pilipinas at Bureau of Customs,
habang P52 bilyon naman
ang inilaan sa pork barrel ng
Malacanang at Kongreso.
Ayon sa isang memorandum
ng DBM, kinukuha ng
Malacanang ang badyet para sa
DAP mula sa mga pondo katulad
ng P33 bilyong unprogrammed
funds at P30 bilyong savings sa
Personnel Services noong 2011.
Magugulat ka na lang na
ang laki ng na-iipong pondo
[ngunit] magtataka ka kung
bakit underfunded ang mga
social services, ani Reyes.
Ngayong taon, makakaranas
ng budget cut ang 26 sa 112 na
state universities and colleges
(SUCs) sa bansa. Kabilang
dito ang Mindanao State
University na tatanggap ng
pinakamalaking budget cut
na mahigit P660 milyon at UP
na makatatanggap ng P157
milyong budget cut.
Sa tala ng Kabataan Partylist,
halos kalahati lamang ng mga
proposed budget ng SUCs
ang inaprubahan sa ilalim
ng administrasyong Aquino
taon-taon.
If Aquino really wants to
help the poor and stimulate
the economy, then he should
put the funds directly to social
services and not presidential
pork, ani Reyes.
Julian Bato
Hans Christian Marin
Minsan, kailangan
din natin ng space.
Maglayout ka na lang sa Philippine Collegian.
Akyat na sa Rm. 401, Vinzons Hall.
Magdala ng Bluebook, bolpen, at portfolio.
4-5
Lunes 28 Hulyo 2014
LATHALAIN/KULTURA
BIHIS NG MGA PANGAKO AT PAGMAMAYABANG
ang pangulo sa kanyang mga talumpati tuwing
SONA. Kasangkapan ang pambansang wika,
gamit ang hungkag na pagmamalaki sa pagiging
Pilipino, ikinukubli niya ang katotohanang ang
tunay niyang amo ay hindi ang sambayanan
kundi ang dayuhang imperyalistang interes.
Inuupos kahit ang natitirang lakas ng wikang
pambansa. Sa ilalim ng pangulong minsan ay
nagsabing napakasarap maging Pilipino, wala na
ngayong espesyal na pagtatangi
sa Filipino, sa mga katutubong
wika, at sa potensyal ng
mga itong pagyamanin ang
kamalayang makabayan.
Taliwas sa pinapalabas
na imaheng makabayan ng
administrasyon ang inilabas na
memorandum ng Commission
on Higher Education (CHED) na
nagtatanggal sa Filipino bilang rekisitong
asignatura sa mga kurikulum sa kolehiyo. Para
sa pamahalaan ni Aquino, walang kaso ang libo-
libong guro ng Filipino na mawawalan ng trabaho,
kung ang kapalit ay pagiging mahusay sa wika ng
mga banyagang korporasyon na nakikinabang sa
likas na yaman at lakas-paggawa ng bansa.
Napakabagal din ng pagtugon ng pangulo sa
mga nasalanta ng delubyo, tulad ng mga biktima ng
bagyong Yolanda, na hanggang ngayon ay hindi pa rin
nakakaahon dahil sa kakulangan ng pangmatagalan
at makabuluhang suporta mula sa pamahalaan.
Samantala, tila isang tutang dinalaw ng amo ang
pangulo sa pagbisita ng mga opisyal ng Estados
Unidospuno ng giliw at mabilis pa sa alas kuwatro.
Nagbubulag-bulagan rin ang administrasyong
Aquino sa karahasang pinapalaganap ng kaniyang
amo, hindi lamang sa labas ng bansa kundi
maging sa loob ng sarili nating bakuran. Hanggang
PAGTALIMA SA MGA SINUMPAANG
TUNGKULINito ang marka ng rehimen ni
Pangulong Benigno Simeon Noynoy Aquino III.
Kasabay nang paghagupit ng bagyong
Yolanda sinalanta rin ang bansa ng samut saring
pangungurakot ng pamahalaanisang halimbawa
ng kawalan ng malasakit ng gobyerno sa mga
mamamayan. Sa pagputok ng usapin ng pork
barrel, nabunyag din ang tunay na iniingatang
interes ng pangulo na tinaguriang pork barrel king.
Tinatayang P386 bilyong pondo ang nakurakot
ng kasalukuyang administrasyon. Dagdag pa ni
dating pambansang ingat-yaman Leonor Briones,
hawak ni Aquino ang 9.24 bahagdan ng P2.606
trilyong proposed national budget, na ginagamit
bilang discretionary fund.
Sa kabila ng mga protesta, kotrolado pa rin ng
pamahalaan ang pondo ng bayan sa pamamagitan
ng paglalaro sa teknikalidad ng konstitusyon.
Kinukubli ang pork barrel gamit ang ibang
pangalan: Priority Development Assistance Fund
(PDAF) at Disbursement Acceleration Program.
Patuloy ang panawagan ng estado
na makamit ang katarungan
at maibalik ang pondo sa
mga mamamayan, ngunit
sadyang mapagkubli
ang panguloisa sa
mga pangunahing
salarin na humahawak
sa PDAF upang gamitin
sa mga itinuturing na
unprogrammed funds.
Bagaman nakulong
na ang ilang sangkot sa
kurapsyonEnrile, Estrada,
at Revillapanandaliang pagtakas lamang
ito ni Aquino sa kaniyang pananagutan.
Sa paglitis sa kapwa maysala, unti-unting
UMAALINGASAW ANG AMOY NG DUGO SA
DAANG MATUWID.
Sa ikaapat na taon ng kanyang termino,
pinatunayan ni Pangulong Benigno
Simeon Noynoy Aquino III na
siya ang numero unong kalaban
ng mamamayang Pilipino. Sa
kasalukuyang gawi ni Aquino,
ipinapamalas ang kanyang
tunay na persepsyon sa
daang matuwidisang
bansang naghihirap bunsod
ng kaniyang kapabayaan.
Hinayaan ng pangulo
na panatilihin ng militar
ang kultura ng paglabag sa
karapatang-pantao, na minana pa
mula sa nakaraang administrasyon.
Halos 200 katao na ang namatay
bunsod ng extrajudicial killings sa ilalim
ng kanyang administrasyonmga lider-
magsasaka, manggagawa, at manunulat na
kritikal sa kanyang mga palisiya.
Sa ilalim ng administrasyong Aquino, ang
karapatan ay isang pribilehiyo para sa iilan. Sa
halip na isipin ang kapakanan ng taumbayan,
hinahayaan ng pamahalaan na ipagpatuloy ng
militar ang kanilang hindi-makataong gawain,
tulad ng panggagahasa sa mga kababaihan,
paninira ng ari-arian, at ilegal na pagdetine sa
mga hinihinalang rebelde.
Hinayaan ring makatakas noong 2011
si Heneral Jovito Palparan, ang tinaguriang
berdugong heneral na utak sa pagkawala
nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan,
dalawang mananaliksik mula sa Unibersidad ng
Pilipinas na biktima ng sapilitang pagkawala sa
kanayunan walong taon na ang nakalipas.
sa kasalukuyan, hindi pa rin napapanagot ang
Estados Unidos sa pagkawasak ng bahagi ng
Tubbataha reef noong nakaraang taon.
Patuloy rin ang pangulo sa lalo pang paglalapit
ng mga mamamayan sa peligro sa pamamgitan ng
nilagdaan niyang Enhanced Defense Cooperation
Agreement (EDCA), isang kasunduang lalo
lamang naglalantad sa bansa sa panganib ng
pandaigdigang gahum ng Estados Unidos.
Aakuin ng mga Pilipino ang gastos ng
pagpapagawa ng mga kakailanganing imprastraktura
ng mga tropang Kano sa bansa. Bahagi ng badyet
para sa mga batayang serbisyo ang kinaltasan habang
kailangan namang punan ang mga gastusing
kaakibat ng nasabing kasunduan.
Tila nakakapit ang pangulo sa
paniniwalang kakampi ng Pilipinas
ang Amerikamaging siya ay
naniniwala sa kabalintunaang ito.
Umaasa ang administrasyon ng suporta
mula sa Amerika laban sa agresyon ng
Tsina, ngunit malinaw na walang dapat na
asahan mula sa pagkakaibigang ito. Isa ang
Tsina sa pinakamalaking katuwang ng Estados
Unidos sa pangangalakal, at hindi tatalikuran
ng Amerika ang mabuti nitong relasyon sa Tsina
para lamang ipagtanggol ang Pilipinas.
Binawi na ng pangulo ang anumang
pagpapanggap at ngayoy tahasan na sa pagsisilbi sa
interes ng imperyalistang US. Kaya ngayong darating
na SONA ng pangulo, ganap na ring babawiin
ng mga mamamayan ang tiwala nito sa isang
gobyernong handang isangkalan ang kapakanan ng
bansa alang-alang sa pabor na ibibigay ng dayuhan.
Ngayong lantad na ang katotohanang ang amo
ng pangulo ay hindi ang malawak na hanay ng mga
mamamayan, na walang maaasahan sa kanyang
mga pangako at huwad na nasyunalismo, wala
na ring dapat na asahan ang pangulo kundi mas
umiigting na protesta at panawagan para patalsikin
ang pangulong taksil sa sariling bayan.
nabunyag ang pagpapanggap ni Aquino dahil
sa patuloy niyang pagtatanggol sa ibat ibang uri
ng kurapsyon.
Napanagot man ang ilang may sala, hindi
pa rin mabibigyan ng hustisya ang mga
mamamayang biktima ng kurapsyon hanggat
hindi nananagot ang tunay na maysala.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
patuloy naman sa pagbibigay ng insentibo
ang pangulo sa kanyang mga kaalyadomula
2004 hanggang 2012, umabot sa P581 milyon
ang kickback ng mga kaalyadong senador ni
Aquino, sa pamamagitan ng mga dummy non-
governmental organizations.
Bukod sa pork barrel, tinatangkilik din ni
Aquino ang pagbibigay ng tax exemptions sa
piling mining at housing corporations bilang
suporta sa mga investors. Higit sa 40 bahagdan
ng mga malalaking pribadong kumpanya sa
bansa ang nabigyan na ng ganitong insentibo.
Sa pagkiling ni Aquino sa iilan, tila isinasantabi
niya ang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang
karapatan ng mamamayan. Habang nagpapakasasa
sa pondo ng bayan ang kanyang mga kaalyado,
hindi pa rin nakakabangon ang Tacloban mula
sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Kung
nailaan lamang ang pondo ng bayan sa
pagpapatibay ng mga infrastraktura at
pagsasaayos ng daluyan ng tubig-baha,
nabawasan sana ang mga pinsalang
dulot ng bagyo.
Patuloy ang panganganak ng
ibat ibang uri ng kurapsyon ng
ating pamahalaang hinulma na ng
isang siglo ng huwad na demokrasya.
Hanggat hindi nagbabayad ang tunay na
salarin, at hanggat hindi nakakamtan ng mga
mamamayan ang kanilang karapatan, mananatili
pa rin tayong alipin sa ilusyon ng matuwid na
daan ni Aquino.
At tila mailap pa rin ang katarungan para kay Juan.
Sa bawat sulok ng siyudad, mayroong mga
batang umiiyak habang ginigiba ang kanilang
mga bahay na tatayuan ng mall o parking lot.
Halos magpatayan ang higit sa 12 milyong
Pilipinong walang trabaho para sa
mga trabahong kakarampot na
nga ang kita ay wala pang
benepisyo at nanganganib
ring mawala bunsod ng
kontraktuwal i sasyon.
Sa huling tatlong
taon, trumiple din
ang yaman ng mga
bilyonaryong kasosyo
ng administrasyon sa
pribatisasyon ng mga
pampublikong serbisyo.
Sa kabila ng mga sariling
puri ng administrasyon at mga
kaalyado nito, nariyan pa rin ang
taumbayan na handang bumalikwas.
Saksi ang masa sa mga pagkakataong nabigo
siyang gampanan ang mga tungkulin bilang
pangulo. Habang ang mga Pilipinong nasalanta
ng ibat ibang kalamidad ay nagsisiksikan sa
mga bunkhouses at naghihintay ng relief
goods, mahimbing ang tulog nina Enrile,
Estrada, at Revilla sa mga dekalibreng piitan na
kumpleto pa sa pasilidad: may aircon, banyo, at
magandang kama, milya-milyang layo sa init at
ingay ng Bilibid.
Ang karanasang ito ng paghihirap at pagtitiis
ay tila nakaukit na sa isipan ng mamamayang
Pilipino. Sa huli, ang pamana ni Aquino ay
isang daang matuwid tungo sa isang mapait
na kamatayan para sa karaniwang Pilipino.
Ang bawat mukha ng kapabayaan na ito ang
nagpapatibay sa iisat malakas na tugon ng
masa: patalsikin si Aquino!
#PapetNaPangulo #Baboy #Berdugo
Reynaldo V. David, Jr. Julian Inah G. Anunciacion Julian Bato
Niresiklong retorika na naman ang aalingawngaw mula sa Batasan Com-
plex sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Simeon Benigno
Noynoy Aquino III: mga bagay na nagawa, mga bagay na kunyariy
nagawa, at mga bagay na balak gawin. Ngunit ang tunay na kalagayan ng
bansa ay hindi magmumula sa Batasan kundi sa lansangan. Ang hatol ng
bayan ay magmumula sa hanay ng mga mamamayang galit at sawa na sa
4 taong panlilinlang, pandaramabong, pagpapabaya, at pagpapahirap sa
ilaliim ng pangulong dapat nang patalsikin sa puwesto.
HATOL NG
BAYAN
Sources: DOLE, EILER, IBON, National Statistical Coordination Board, NSO Labor Force Survey, IBON Foundation, Manila Electric Company, Department
of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Bureau of Agricultural Statistics, Commission on Higher Education, Kabataan
Partylist, up.edu.ph, National Statistics Ofce, Department of Social Welfare and Development, Department of Foreign Afairs
Hagupit ni Yolanda
Lumalalang kahirapan Presyo ng edukasyon
Pananamantala sa lakas-paggawa Huwad na pamamahagi
Sinaliksik nina
Kareena Abunging
Andrea Lucas
Infographics at
disenyo ng pahina ni
Jan Andrei Cobey
4-5
Lunes 28 Hulyo 2014
LATHALAIN/KULTURA
BIHIS NG MGA PANGAKO AT PAGMAMAYABANG
ang pangulo sa kanyang mga talumpati tuwing
SONA. Kasangkapan ang pambansang wika,
gamit ang hungkag na pagmamalaki sa pagiging
Pilipino, ikinukubli niya ang katotohanang ang
tunay niyang amo ay hindi ang sambayanan
kundi ang dayuhang imperyalistang interes.
Inuupos kahit ang natitirang lakas ng wikang
pambansa. Sa ilalim ng pangulong minsan ay
nagsabing napakasarap maging Pilipino, wala na
ngayong espesyal na pagtatangi
sa Filipino, sa mga katutubong
wika, at sa potensyal ng
mga itong pagyamanin ang
kamalayang makabayan.
Taliwas sa pinapalabas
na imaheng makabayan ng
administrasyon ang inilabas na
memorandum ng Commission
on Higher Education (CHED) na
nagtatanggal sa Filipino bilang rekisitong
asignatura sa mga kurikulum sa kolehiyo. Para
sa pamahalaan ni Aquino, walang kaso ang libo-
libong guro ng Filipino na mawawalan ng trabaho,
kung ang kapalit ay pagiging mahusay sa wika ng
mga banyagang korporasyon na nakikinabang sa
likas na yaman at lakas-paggawa ng bansa.
Napakabagal din ng pagtugon ng pangulo sa
mga nasalanta ng delubyo, tulad ng mga biktima ng
bagyong Yolanda, na hanggang ngayon ay hindi pa rin
nakakaahon dahil sa kakulangan ng pangmatagalan
at makabuluhang suporta mula sa pamahalaan.
Samantala, tila isang tutang dinalaw ng amo ang
pangulo sa pagbisita ng mga opisyal ng Estados
Unidospuno ng giliw at mabilis pa sa alas kuwatro.
Nagbubulag-bulagan rin ang administrasyong
Aquino sa karahasang pinapalaganap ng kaniyang
amo, hindi lamang sa labas ng bansa kundi
maging sa loob ng sarili nating bakuran. Hanggang
PAGTALIMA SA MGA SINUMPAANG
TUNGKULINito ang marka ng rehimen ni
Pangulong Benigno Simeon Noynoy Aquino III.
Kasabay nang paghagupit ng bagyong
Yolanda sinalanta rin ang bansa ng samut saring
pangungurakot ng pamahalaanisang halimbawa
ng kawalan ng malasakit ng gobyerno sa mga
mamamayan. Sa pagputok ng usapin ng pork
barrel, nabunyag din ang tunay na iniingatang
interes ng pangulo na tinaguriang pork barrel king.
Tinatayang P386 bilyong pondo ang nakurakot
ng kasalukuyang administrasyon. Dagdag pa ni
dating pambansang ingat-yaman Leonor Briones,
hawak ni Aquino ang 9.24 bahagdan ng P2.606
trilyong proposed national budget, na ginagamit
bilang discretionary fund.
Sa kabila ng mga protesta, kotrolado pa rin ng
pamahalaan ang pondo ng bayan sa pamamagitan
ng paglalaro sa teknikalidad ng konstitusyon.
Kinukubli ang pork barrel gamit ang ibang
pangalan: Priority Development Assistance Fund
(PDAF) at Disbursement Acceleration Program.
Patuloy ang panawagan ng estado
na makamit ang katarungan
at maibalik ang pondo sa
mga mamamayan, ngunit
sadyang mapagkubli
ang panguloisa sa
mga pangunahing
salarin na humahawak
sa PDAF upang gamitin
sa mga itinuturing na
unprogrammed funds.
Bagaman nakulong
na ang ilang sangkot sa
kurapsyonEnrile, Estrada,
at Revillapanandaliang pagtakas lamang
ito ni Aquino sa kaniyang pananagutan.
Sa paglitis sa kapwa maysala, unti-unting
UMAALINGASAW ANG AMOY NG DUGO SA
DAANG MATUWID.
Sa ikaapat na taon ng kanyang termino,
pinatunayan ni Pangulong Benigno
Simeon Noynoy Aquino III na
siya ang numero unong kalaban
ng mamamayang Pilipino. Sa
kasalukuyang gawi ni Aquino,
ipinapamalas ang kanyang
tunay na persepsyon sa
daang matuwidisang
bansang naghihirap bunsod
ng kaniyang kapabayaan.
Hinayaan ng pangulo
na panatilihin ng militar
ang kultura ng paglabag sa
karapatang-pantao, na minana pa
mula sa nakaraang administrasyon.
Halos 200 katao na ang namatay
bunsod ng extrajudicial killings sa ilalim
ng kanyang administrasyonmga lider-
magsasaka, manggagawa, at manunulat na
kritikal sa kanyang mga palisiya.
Sa ilalim ng administrasyong Aquino, ang
karapatan ay isang pribilehiyo para sa iilan. Sa
halip na isipin ang kapakanan ng taumbayan,
hinahayaan ng pamahalaan na ipagpatuloy ng
militar ang kanilang hindi-makataong gawain,
tulad ng panggagahasa sa mga kababaihan,
paninira ng ari-arian, at ilegal na pagdetine sa
mga hinihinalang rebelde.
Hinayaan ring makatakas noong 2011
si Heneral Jovito Palparan, ang tinaguriang
berdugong heneral na utak sa pagkawala
nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan,
dalawang mananaliksik mula sa Unibersidad ng
Pilipinas na biktima ng sapilitang pagkawala sa
kanayunan walong taon na ang nakalipas.
sa kasalukuyan, hindi pa rin napapanagot ang
Estados Unidos sa pagkawasak ng bahagi ng
Tubbataha reef noong nakaraang taon.
Patuloy rin ang pangulo sa lalo pang paglalapit
ng mga mamamayan sa peligro sa pamamgitan ng
nilagdaan niyang Enhanced Defense Cooperation
Agreement (EDCA), isang kasunduang lalo
lamang naglalantad sa bansa sa panganib ng
pandaigdigang gahum ng Estados Unidos.
Aakuin ng mga Pilipino ang gastos ng
pagpapagawa ng mga kakailanganing imprastraktura
ng mga tropang Kano sa bansa. Bahagi ng badyet
para sa mga batayang serbisyo ang kinaltasan habang
kailangan namang punan ang mga gastusing
kaakibat ng nasabing kasunduan.
Tila nakakapit ang pangulo sa
paniniwalang kakampi ng Pilipinas
ang Amerikamaging siya ay
naniniwala sa kabalintunaang ito.
Umaasa ang administrasyon ng suporta
mula sa Amerika laban sa agresyon ng
Tsina, ngunit malinaw na walang dapat na
asahan mula sa pagkakaibigang ito. Isa ang
Tsina sa pinakamalaking katuwang ng Estados
Unidos sa pangangalakal, at hindi tatalikuran
ng Amerika ang mabuti nitong relasyon sa Tsina
para lamang ipagtanggol ang Pilipinas.
Binawi na ng pangulo ang anumang
pagpapanggap at ngayoy tahasan na sa pagsisilbi sa
interes ng imperyalistang US. Kaya ngayong darating
na SONA ng pangulo, ganap na ring babawiin
ng mga mamamayan ang tiwala nito sa isang
gobyernong handang isangkalan ang kapakanan ng
bansa alang-alang sa pabor na ibibigay ng dayuhan.
Ngayong lantad na ang katotohanang ang amo
ng pangulo ay hindi ang malawak na hanay ng mga
mamamayan, na walang maaasahan sa kanyang
mga pangako at huwad na nasyunalismo, wala
na ring dapat na asahan ang pangulo kundi mas
umiigting na protesta at panawagan para patalsikin
ang pangulong taksil sa sariling bayan.
nabunyag ang pagpapanggap ni Aquino dahil
sa patuloy niyang pagtatanggol sa ibat ibang uri
ng kurapsyon.
Napanagot man ang ilang may sala, hindi
pa rin mabibigyan ng hustisya ang mga
mamamayang biktima ng kurapsyon hanggat
hindi nananagot ang tunay na maysala.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
patuloy naman sa pagbibigay ng insentibo
ang pangulo sa kanyang mga kaalyadomula
2004 hanggang 2012, umabot sa P581 milyon
ang kickback ng mga kaalyadong senador ni
Aquino, sa pamamagitan ng mga dummy non-
governmental organizations.
Bukod sa pork barrel, tinatangkilik din ni
Aquino ang pagbibigay ng tax exemptions sa
piling mining at housing corporations bilang
suporta sa mga investors. Higit sa 40 bahagdan
ng mga malalaking pribadong kumpanya sa
bansa ang nabigyan na ng ganitong insentibo.
Sa pagkiling ni Aquino sa iilan, tila isinasantabi
niya ang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang
karapatan ng mamamayan. Habang nagpapakasasa
sa pondo ng bayan ang kanyang mga kaalyado,
hindi pa rin nakakabangon ang Tacloban mula
sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Kung
nailaan lamang ang pondo ng bayan sa
pagpapatibay ng mga infrastraktura at
pagsasaayos ng daluyan ng tubig-baha,
nabawasan sana ang mga pinsalang
dulot ng bagyo.
Patuloy ang panganganak ng
ibat ibang uri ng kurapsyon ng
ating pamahalaang hinulma na ng
isang siglo ng huwad na demokrasya.
Hanggat hindi nagbabayad ang tunay na
salarin, at hanggat hindi nakakamtan ng mga
mamamayan ang kanilang karapatan, mananatili
pa rin tayong alipin sa ilusyon ng matuwid na
daan ni Aquino.
At tila mailap pa rin ang katarungan para kay Juan.
Sa bawat sulok ng siyudad, mayroong mga
batang umiiyak habang ginigiba ang kanilang
mga bahay na tatayuan ng mall o parking lot.
Halos magpatayan ang higit sa 12 milyong
Pilipinong walang trabaho para sa
mga trabahong kakarampot na
nga ang kita ay wala pang
benepisyo at nanganganib
ring mawala bunsod ng
kontraktuwal i sasyon.
Sa huling tatlong
taon, trumiple din
ang yaman ng mga
bilyonaryong kasosyo
ng administrasyon sa
pribatisasyon ng mga
pampublikong serbisyo.
Sa kabila ng mga sariling
puri ng administrasyon at mga
kaalyado nito, nariyan pa rin ang
taumbayan na handang bumalikwas.
Saksi ang masa sa mga pagkakataong nabigo
siyang gampanan ang mga tungkulin bilang
pangulo. Habang ang mga Pilipinong nasalanta
ng ibat ibang kalamidad ay nagsisiksikan sa
mga bunkhouses at naghihintay ng relief
goods, mahimbing ang tulog nina Enrile,
Estrada, at Revilla sa mga dekalibreng piitan na
kumpleto pa sa pasilidad: may aircon, banyo, at
magandang kama, milya-milyang layo sa init at
ingay ng Bilibid.
Ang karanasang ito ng paghihirap at pagtitiis
ay tila nakaukit na sa isipan ng mamamayang
Pilipino. Sa huli, ang pamana ni Aquino ay
isang daang matuwid tungo sa isang mapait
na kamatayan para sa karaniwang Pilipino.
Ang bawat mukha ng kapabayaan na ito ang
nagpapatibay sa iisat malakas na tugon ng
masa: patalsikin si Aquino!
#PapetNaPangulo #Baboy #Berdugo
Reynaldo V. David, Jr. Julian Inah G. Anunciacion Julian Bato
Niresiklong retorika na naman ang aalingawngaw mula sa Batasan Com-
plex sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Simeon Benigno
Noynoy Aquino III: mga bagay na nagawa, mga bagay na kunyariy
nagawa, at mga bagay na balak gawin. Ngunit ang tunay na kalagayan ng
bansa ay hindi magmumula sa Batasan kundi sa lansangan. Ang hatol ng
bayan ay magmumula sa hanay ng mga mamamayang galit at sawa na sa
4 taong panlilinlang, pandaramabong, pagpapabaya, at pagpapahirap sa
ilaliim ng pangulong dapat nang patalsikin sa puwesto.
HATOL NG
BAYAN
Sources: DOLE, EILER, IBON, National Statistical Coordination Board, NSO Labor Force Survey, IBON Foundation, Manila Electric Company, Department
of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Bureau of Agricultural Statistics, Commission on Higher Education, Kabataan
Partylist, up.edu.ph, National Statistics Ofce, Department of Social Welfare and Development, Department of Foreign Afairs
Hagupit ni Yolanda
Lumalalang kahirapan Presyo ng edukasyon
Pananamantala sa lakas-paggawa Huwad na pamamahagi
Sinaliksik nina
Kareena Abunging
Andrea Lucas
Infographics at
disenyo ng pahina ni
Jan Andrei Cobey
6
Lunes 28 Hulyo 2014
LATHALAIN
GUGUHO ANG SISTEMA NG
isang gadget sa sandaling
tanggalan ito ng microchip ang
maliit na bahaging halos ga-kuko
ang laki ngunit hindi masukat
ang kapasidad. Pinagagana ng
bawat piraso nito ang mga relo,
cellphones, laptops, calculators,
at maging mga malalaking
satellite. Katumbas ng walang
sukat na kapangyarihan ng bawat
microchip ang taglay ng kanilang
mga manggagawang maliit kung
ituring ng kumpanya.
Walong oras kada araw ang
binubuno ni Mang Lino* mula
Lunes hanggang Biyernes sa
paghahanda ng =mga materyales
na gagamitin sa paglikha ng libu-
libong microchips. Tumatayo
siyang Materials Controller sa
NXP Semiconductors Cabuyao,
Inc., isang multinational company
sa Laguna na nagsusuplay ng
microchips sa ilang mga sikat na
technology brands tulad ng Apple,
Huawei, Panasonic at Samsung.
Daing ni Mang Lino ngayon
ang sahod niyang tila napako
na sa kabila ng 19 taon niyang
paninilbihan sa NXP. Bukod sa araw-
araw na gastusin, kailangan din
niyang asikasuhin ang pagpapaaral
ng dalawang anak sa kolehiyo at
dalawa rin sa high school. Kaya
isang malaking hamon para sa
kanya nang iligal siyang mapatalsik,
kasama ang 24 pang union leaders
ng kumpanya noong Mayo 5.
Mabigat na pasanin
Upang igiit ang P60 na
dagdag-sahod, lumahok si Mang
Lino sa serye ng mga kilos-
protesta kasama ang ibang NXP
Semiconductors Cubayao, Inc.
Workers Union (NXPSCIWU)
leaders. Ito ang pangunahing
dahilan kung bakit itinanggal ang
mga lider ng NXPSCIWU, ayon sa
NXPSCI management.
Sakto lang talaga ang
natatanggap [kong sahod] galing
sa trabaho. Kaya naman gusto sana
naming itaas ang sahod, pero ang
nangyari tinanggal pa kami kaya
wala na rin akong naipon, ani
Mang Lino.
Sa gitna ng sabay-sabay na
gastusin, kinailangan niyang
dumiskarte at mangutang
nang mawala ang tanging
pinagkakakitaan. Ang gusto
ko lang naman, dinggin ang
aming panawagan at makabalik
kami sa trabaho. Parang naging
pangalawang tahanan ko na ang
NXPSCI, ani Mang Lino.
Sadyang hindi sasapat ang
P25 dagdag-sahod na handang
ipagkaloob ng kumpanya
alinsunod umano sa panukala
ng base nito sa Netherlands na
3.5 bahagdan lamang na pagtaas.
Ayon sa NXPSCI, malulugi ang
kumpanya sakaling pagbigyan
ang P60 na dagdag-sahod. Sa gitna
kanilang pagtanggi na dagdagan
ang pasahod ng kanilang mga
manggagawa, lumutang naman
ang balita tungkol sa pinansyal na
kalagayan ng NXP --- P208 bilyon
ang kinita nito sa taong 2013 mula
P188 bilyon noong 2012, ayon sa
financial report nito.
Patid na koneksyon
Secure connections for a
smarter world, ang slogan ng
NXP. Sa kanilang mga likhang
microchip nakasalalay ang pag-
usad ng produksyon sa ibat
ibang industriya, ngunit sa likod
ng bawat mabisang microchip
nagkukubli ang kwento ng mga
manggagawang tinanggalan ng
kapangyarihan.
Bukod sa maliit na sahod, isa
pang banta ang kontraktwalisasyon
sa mga manggagawang kasapi
sa unyon na humantong sa
pagpapatalsik sa trabaho ng
mga regular tulad ni Mang Lino.
Matapos ang malawakang
tanggalan noong 2006-2009 dahil
umano sa krisis-pinansyal, unti-
unti nang nagsagawa ang NXPSCI
ng kontraktwalisasyon. ani Reden
Alcantara, pangulo ng NXPSCIWU.
Katumbas ng mga gawain
ng mga regular na manggagawa
ang ibinibigay sa kanila para
sa limitadong panahon sa mas
mababang sweldo. Ayon pa kay
Alcantara, katumbas ng sahod ng
isang regular na manggagawa ang
sahod ng tatlong kontraktwal.
Sa kasalukuyan, tinatayang
may 2,000 kontraktwal na
manggagawa ang NXP at ilan sa
mga itoy mahigit dalawang taong
nang nagtatrabaho sa kumpanya.
Hindi nila natatamasa ang mga
pribilehiyo tulad ng pagiging
kasapi ng unyon at pagkakaroon
ng karampatang kita bunsod ng
mababang pasahod sa kanila.
Ani Elmer Labog, pangulo ng
militanteng organisasyon Kilusang
Mayo Uno (KMU), Hindi pwedeng
umangal ang mga kontraktwal sa
napakahirap na kalagayan nila
sa paggawamas mababa ang
pasahod, mas mahaba ang oras
ng paggawa, walang sapat na
proteksyon at siyempre walang
kasiguruhan sa trabaho.
Pagkiling
Sa kabila ng malaking ambag
ng mga manggagawa sa patuloy
na pagdaloy ng ekonomiya,
pinahihintulutan pa rin ng
pamahalaan ang sistema ng
kontraktwalisasyon.
Dahil sa Department of
Labor and Employment (DOLE)
Order No. 18-A noong 2011 na
inaprubahan ni PNoy, nanatiling
ligal ang kontraktwalisasyon, ani
Labog. Sa ilalim ng kautusan ng
DOLE, pinagtitibay lamang nito ang
paglaganap ng mga labor agency at
contracting-out sa trabaho.
Batay sa datos ng KMU, 60-70
bahagdan ng mga manggagawa
ay kontraktwal. Kabilang sa mga
kumpanyang nagsasagawa ng
kontraktwalisasyon ay Coca-Cola,
Honda, Nestle, Procter & Gamble,
Toyota at Universal Robina
Corporation sa mga kumpanyang
talamak ang ganitong sistema. Sa
tinatayang 1,300 na manggagawa
sa Toyota, humigit-kumulang 700 o
53.8 bahagdan sa kabuuang bilang
ng mga kontraktral.
Dagdag pa rito, iniiwasan
ng gobyerno ang usapin ng
P125 na dagdag-sahod para sa
lahat ng manggagawa sa bansa.
Ayon kay National Wage and
Productivity Commission Executive
Director Crisanta Sy, libu-libong
manggagawa ang mawawalan
ng trabaho kung ipatutupad ang
panukalang dagdag-sahod. Ang
impact ay nandun sa ating mga
unskilled workers. Kapag tinaasan
ang [gastusin] ng mga employers sa
sahod ng mga manggagawa, sila ang
unang-unang matatanggal. aniya.
Taliwas sa pahayag ng
pamahalaan, kayang-kayang
suportahan ng mga employer sa
Pilipinas ang hinihinging dagdag-
sahod, ayon sa IBON, isang
institusyong pampananaliksik.
Noong 2009, nakapagtala ang mga
kumpanya ng P1,629.5 bilyong
kabuuang kita at 3.94 milyong
empleyado, base sa datos ng
National Statistics Office. Maaaring
makatanggap ng karagdagang
P3,802 kada buwan ang mga
manggagawa na magkakahalaga
ng P194.9 bilyon lamang.
Sa bawat oras na hindi
pinapakinggan ng administrasyon
ang milyun-milyong manggagawa
ang napagkakaitan ng disenteng
sahod at buhay. Ituring man
silang maliliit na mga bahagi, ang
kapangyarihan nilang lumilikha
ng yaman sa oras na maibalik sa
serbisyo, tulad ng mga microchips
sa loob ng mga gadgets.
*hindi tunay na pangalan
Ang
Maliit,
Malaki
at ang MAKAPANGYARIHAN
Franco Caal & Aldrin Villegas
D
i
b
u
h
o

n
i

J
i
r
u

R
a
d
a
7
Lunes 28 Hulyo 2014
OPINYON
KUNG NANDOON LANG AKO SA
biglaang pagpupulong ng United Nations
Human Rights Committee (UNHRC)
noong Hulyo 23, marahil ay binato ko
na ng sapatos ang
delegasyon ng
Estados Unidos.
Paano ba naman
kasi, wala itong takot
at pag-aalinlangan
sa pagboto ng no sa
panukala ng UNHRC
na magkaroon
ng masinsinang
i mb e s t i g a s y o n
sa mga naging
paglabag sa batas ng
Israel at oo, tanging
ang US lamang ang
sumalungat sa 47
bansang miyembro
ng UNHRC. Tila
ba wala itong
pagpapanggap sa
kagustuhan nitong magpalaganap ng
kultura ng impunity sa buong mundo,
lalo na sa tumitinding krisis sa Israel at
Palestine ngayon.
Kung tutuusin, hindi ko na kailangang
ipaliwanag ang masalimuot na kasaysayan
ng hidwaan ng dalawang estado na nakaugat
sa matagal nang hindi pagkakasundo
sa teritoryo. Bukod sa malaki-laki pang
espasyo ang kakailanganin ko para doon,
maiintindihan mo na agad ang kawalan
ng hustisya mula pa lang sa mga balita
sa diyaryo at TV. Nagdulot lamang ng
pagkasawi ng daan-daang sibilyan
ng Palestine ang sunod-sunod na
pag-atake ng
armadong pwersa
ng Israel sa Gaza
Strip, kayat kinilala
ng UNHRC ang
pangangailangan
ng panghihimasok
ng ibat ibang
bansa.
Oo, malayo
nga talaga tayo
sa kaguluhan,
ngunit kung hindi
pa mabagabag
ang damdamin
mo sa mga
litratong nagkalat
sa internet
burol ng isang
buong pamilyang
nasawi, mga batang duguan at
pilit sinasalba ng mga doktor,
mga residente ng Gaza na agad na
nakalikas ngunit naninirahan sa gilid
ng patalim, at ang mga pinulbos
nilang tahanan baka pusong bato ka
talaga tulad ng US.
Ngunit kung pag-iisipan ko
nang mabuti, hindi na rin ako
nagtataka na ipinagpipilitan ng US
na isantabi muna ang pagpapanagot
sa pamahalaan ng Israel sa paglabag ng
karapatang-pantao ng mga taga-Gaza.
Maliban pa sa kaalyado nila ang Israel at
nagbibigay pa ng suporta sa armadong
pwersa nito, maraming bansa na rin ang
naging biktima ng pang-aapi ng US at
hindi ko na kailangang lumayo pa upang
humanap ng halimbawa.
Sino ba naman ang makakalimot sa
kaso ni Nicole, ang Pilipinang ginahasa
ng mga sundalong Amerikano noong
2005? Baka kailangang ipaalala pa sa
iyo na hindi nanagot ang mga akusado
at nagawang makabalik sa US matapos
mapawalang-sala ng Court of Appeals.
Ngayon, nandito na naman ang mga
Amerikano at muling magpapatayo ng
mga base militar na tahasang lalabag sa
ating konstitusyon.
Hinding-hindi matutumbasan
ng salapi ang pinsalang naidulot ng
pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha
Reef, na siyang sumira sa daan-daang
kilometro ng coral. Dagdag pa sa lahat ng
ito ang malawakang kontraktwalisasyon
ng mga dayuhang kompanya sa ating
mga manggagawang Pilipino, na
karamihan dito ay galing pa sa industriya
ng Business Process Outsourcing ng US.
Hindi lamang mga bata, matatanda
at mga pamilyang nasawi ang biktima,
kundi tayo rin mismong mga Pilipino at
hanggang ngayon, hindi pa rin nananagot
ang tunay na mga maysala.
KILALA ANG BARANGAY LAIYA SA SAN JUAN,
Batangas bilang isang magandang beach resort para sa
mga residenteng malapit sa Maynila. Subalit para kay Aling
Clemen, ito ang lugar na kinalakhan niya ang kanyang
tahanan na sadyang napakalayo sa kanya ngayon.
Hindi inakala ni Aling Clemen na ang mga karahasang
napapanood niya sa mga teleserye ay mararanasan niya
sa tunay na buhay. Noong Hulyo 3 sinugod ng mga
armadong pulis ang kanilang lugar, pinalayas sila sa
kanilang mga tahanan, at hindi pinahintulutang lumapit
sa kanilang kabuhayan sa may tabing-dagat. Sinubukan
umanong umalma ng kanilang mga kapitbahay, subalit
tutok ng baril ang isinukli sa kanila ng armadong
kalalakihan dahilan para balutin sila ng takot.
Ayon sa mga awtoridad, pagtatayuan daw ng
pribadong resort ang lugar ni Aling Clemen at ang
tahanan ng halos 100 pa niyang kasamahan na apektado
ng gaganaping demolisyon. Hindi lang ako ang nawalan
ng tirahan. Napakarami naming pamilya na nakikinabang
doon at nabubuhay nang tahimik, ani Aling Clemen.
Nang gibain ang kanilang tahanan, walang sapat
na tulong na ipinadala ang pamahalaan liban sa
pagbibigay ng P7,000 bilang tulong. Ganoon na lang
ba ang halaga ng pagkawala ng aming tahanan?
Pansamantalang nagtayo ng barong-barong sa
kahabaan ng Department of Agrarian Reform sina
Aling Clemen at ang iba niya pang kasamahan na
biktima rin ng demolisyon.
Bilang protesta sa pagpapabaya ng ahensiya sa
kanila tuloy ang piket ni Aling Clemen kasama ang
kanyang pansamantalang kapitbahay. Sa katunayan
magma-martsa sila patungo sa State of the Nations
Address (SONA) ng Bayan, hindi para mapakinggan
ang mapanlinlang na talumpati ng pangulo, kundi
upang ipanawagan ang karahasan ng estado.
Sanay man sa mapayapang pamumuhay sa tabing
dagat, handa nang igiit at ipagsigawan ni Aling Clemen
ang kanyang karapatan sa SONA ng Bayan. Ang alaala
ng kanilang tahimik na pamumuhay sa Batangas ang
nagbibigay pag-asa sa kanilang bumangon araw-araw
handang harapin ang hamon ng kinabukasan.
Oo, malayo nga
talaga tayo sa
kaguluhan, ngunit
kung hindi pa
mabagabag ang
damdamin mo
sa mga litratong
nagkalat sa internet
by Gloiza Plamenco
by Chester Higuit
Sa Gitna ng Sigalot
PARA KAY RJB, na pumasa ng
UPCAT (pero di tumuloy)
by John Keithley Difuntorum
Hindi rin pala
produkto ng
karunungan ang
kamalayan. At mas
lalong hindi rin
pala nakukulong
sa unibersidad ang
pagkatuto.
KAMUSTA NA, KAIBIGAN? HINDI
MO na ata ako kilala. At maaaring hindi
na tayo magkakilala pang muli.
Naaalala ko pa nung araw na sabay
tayong kumuha ng UPCAT. Aligaga ako
noon dahil naiwan ko yung maswerte
kong bolpen sa bahay niyo. Binigyan mo
ako ng bolpen (na wala ng tinta ngayon)
at sinabi mong hindi ko kailangan ng
swerte. Sabi mo na para sa ating walang
ibang pagpipilian, ang lahat ng bagay
ay inaasa sa kapalaran. Nakita ko sa
mga mata mo ang isanlibong dekada
ng paniniwalang namana mo sa iyong
dugo. Manghang-mangha ako sa iyo
noon - ikaw na naglalakad ng may
katiyakan, ikaw na palaging naghihintay
sa unang patak ng ulan, ikaw na
nakikipagsapalaran sa nakaraan, ikaw
na nabubuhay sa kasalukuyan.
Hindi mo ako sinamahang tumuloy
sa UP, kahit parehas tayong nakapasa.
Ang sabi mo, ang pag-aaral sa kolehiyo
ay isang luhong para lamang sa mga
may karapatang mangarap. Tumango
lang ako noon pero ang nasa isip ko
ngayon, kung naibebenta lang ang
kamulatan malamang ay hindi ka na
mahihirapan pa. Kung mapapakain lang
ng mga matatalinhaga mong salita
ang kumakalam na sikmura, sana
ay kasama kita sa landas na parehas
nating ipinaglaban.
Siguro nga
ang lahat ng
bagay sa atin ay
palaging taliwas
sa inaasahan.
P u m a s o k
ako ng UP na
umaasang ito
ang kasagutan
sa lahat ng aking
k a t a n u n g a n .
Ngunit hindi
rin pala libre
ang mangarap
sa Unibersidad.
Hindi rin pala
produkto ng
karunungan ang
kamalayan. At
mas lalong hindi
rin pala nakukulong sa unibersidad
ang pagkatuto. Tinatangay ito ng
hangin palabas ng apat na sulok
ng eskwela, hinihipan ang mga
namumuong dumi at alikabok
ng lipunang ginagalawan, hindi
nagpapatangay sa simbuyo ng masang
kuntento na sa isang kapalarang
dinidikta ng mga makapangyarihan.
Alam kong malabo
na tayong muli
pang magkasama,
k a i b i g a n .
Ma g k a s a l u b o n g
man tayo sa daanan
ay hindi mo na
ako makikilala pa.
Maari ding hindi na
rin kita lingunin sa
daang pinili mong
tunguhin. Pero alam
kong babalik pa rin
ako sa lugar na ating
kinamulatan, kagaya
ng nawalang anak
na nahanap na ang
daan pauwi. Alam
kong babalik ka rin
isang araw at sana
ay magkita tayong muli, bitbit ang mga
lumang alaala at bagong pananaw sa
isang tagpuang tila napag-iwanan na ng
panahon.
Delubyo ng
demolisyon
Mahirap ang aking [naging]
karanasan sa buhay. Ang
tanging nagpapatibay lang
sa [akin] ngayon ay ang
aming pagkakaisa.

PANAHON NA NANG PANININGIL


ng taumbayan. Sa muling
pagharap ni Pangulong Benigno
Aquino III sa Kongreso para
sa kanyang State of the Nation
Address (SONA), paglaban at
panawagan ng pagpapatalsik ang
isasalubong ng sambayanan.
Matagal nang lipas ang
palugit ni Aquino upang
patunayang nagsisilbi ang
kanyang pamahalaan sa interes ng
taumbayan. Sa nagdaang apat na
taon ng kanyang panunungkulan,
lalong sumidhi ang kahirapan at
lumala ang kalagayan ng higit na
nakararaming mamamayan.
Bagaman paulit-ulit na
ibinabandera ni Aquino ang
paglago umano ng ekonomiya,
nananatiling mababa ang
kalidad ng pamumuhay ng mas
nakararaming Pilipino. Tinatayang
umaabot sa 23.7 milyon ang
mga labis na naghihirap o iyong
mga nabubuhay lamang sa
P52 kada araw, ayon sa IBON
Foundation. Samantala, umaabot
sa 2.9 milyon ang bilang ng mga
walang trabaho, ayon mismo sa
datos ng gobyerno. Malinaw na
tanging mga malalaking negosyo
at dayuhang namumuhunan ang
nakikinabang, habang walang
pagbabagong nararanasan ang
ordinaryong Pilipino.
Subalit sa halip na harapin
at managot para sa tunay na
kalagayan ng bayan, tiyak muling
mamumutawi sa SONA ni Aquino
ang mga kasinungalingan at
huwad na signos ng pag-unlad.
Maliban pa sa malawakang
panlilinlang, inaasahang patuloy
na ipagtatanggol ni Aquino ang
kontrobersyal na Disbursement
Acceleration Program (DAP)
sa kabila ng paglabag nito sa
Konstitusyon ayon sa Korte
Suprema.
Higit pa, patuloy na itinatanggi
ni Aquino ang kriminal na
responsibilidad niya at ng kanyang
administrasyon sa samut saring
mga kontrobersyang nakapalibot
sa kaban ng bayan. Huwad ang
pangako ni Aquino na pagwawaksi
ng korupsyon sa pamahalaan.
Maliban sa DAP, nananatiling
may pananagutan si Aquino sa
mas malawak na sambayanan
tulad ng mga biktima ng ibat
ibang kalamidad, pinakahuli na
ang mga apektado ng bagyong
Yolanda. Hindi katanggap-tanggap
kung paanong sa loob ng apat na
taon, patuloy na binarat ni Aquino
ang badyet para sa serbisyong
panlipunan habang walang
pakundangan niyang ginagamit
ang pera ng taumbayan upang
pagsilbihan ang kanyang pulitikal
na interes.
Saksi ang mamamayan sa ilang
taong baluktot na pamamahala at
palisiya ni Aquino. Bukod sa hindi
sapat na inilalaang badyet, patuloy
sa pagbulusok ang serbisyong
panlipunan tulad ng edukasyon
at pangkalusugan. Sa bawat sulok
ng bansa, sa mga paaralan at
pagamutan, sakahan o pagawaan,
tumatambad ang kawalan at
kakulangan ng pamahalaan.
Sa Unibersidad ng Pilipinas
lamang, ramdam ang kapabayaan
na siyang pangunahing nag-
uudyok sa higit pang mga
suliraning para sa mga estudyante,
kasama ang pag-igting ng
komersyalisasyon ng edukasyon
at pagtatanggi ng pamantasan sa
karapatan ng mga kabataan sa
edukasyon.
Samantala sa ibang sektor ng
lipunan, patuloy ang panggigipit
sa marapat at nakabubuhay na
sahod para sa mga manggagawa,
at tunay na reporma sa lupa sa mga
magsasaka.
Malaon nang basag ang ilusyon
ng tuwid na daan, at walang
estadistika o mabulaklak na salita
ang makapagkukubli sa tunay na
kalagayan ng bayan. Umabot na
sa sukdulan ang pagtataksil ni
Aquino sa taumbayan, at marapat
nang wakasan ang pinatag niyang
landas para sa iilan.
Mula sa mga sakahan,
pagawaan, komunidad, at
pamantasan, dadaluyong ang
mamamayan upang bawiin ang
ipinagkatiwala ngunit inabusong
kapangyarihan kay Aquino. Sa
lansangan, muling makikipagtuos
ang taumbayan.
Wakas ng landas
E
D
I
T
O
R
Y
A
L
Malaon nang
basag ang ilusyon
ng tuwid na
daan, at walang
estadistika o
mabulaklak
na salita ang
makapagkukubli
sa tunay na
kalagayan ng
bayan
8
Lunes 28 Hulyo 2014
OPINYON
Mary Joy Capistrano
Punong Patnugot
Gloiza Runa Plamenco
Kapatnugot
Ronn Joshua Bautista
Tagapamahalang Patnugot
Julian Inah Anunciacion
Tagapamahala ng Pinansiya
SONA: Bulsa ng masa butas sa mahal na bilihin
Manggugulo sa SONA aarestuhin, kakasuhan
PNoy wala namang nagawa, wag nang pahabain BAYAN MUNA
BULGAR 27 Hulyo 2014
BANDERA 24 Hulyo 2014
Emmanuel Jerome L. Tagaro
John Keithley Difuntorum
Ysa Calinawan
Patnugot sa Grapiks
Amelyn Daga
Pinansiya
Paul John Alix
Tagapamahala sa Sirkulasyon
Gary Gabales
Amelito Jaena
Glenario Ommamalin
Sirkulasyon
UP Systemwide Alliance of
Student Publications and Writers
Organizations (Solidaridad)
College Editors Guild of
the Philippines (CEGP)
Kasapi
Trinidad Gabales
Gina Villas
Mga katuwang na Kawani
Silid 401 Bulwagang Vinzons,
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman,
Lungsod Quezon
Pamuhatan
981-8500 lokal 4522
Telefax
kule1415@gmail.com
www.philippinecollegian.org
fb.com/philippinecollegian
twitter.com/kule1415
Online
Ukol sa Pabalat
Dibuho ni Ysa Calinawan
SONA GAWING 5 MINS. LANG
PILIPINO STAR NGAYON 27 Hulyo 2014
Kilos-protesta, ilalarga ng mga guro sa SONA ni PNoy
REMATE 23 Hulyo 2014

You might also like