You are on page 1of 2

Hinggil sa 160% pagtaas ng

Philhealth premium
Gabay sa Pagtalakay, Inilabas ng Migrante International, Enero 2012

Ano ang Philhealth?
Ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ay isang
government-owned and controlled corporation (GOCC) na nangangasiwa
sa programang serbisyong-pangkalusugan ng pamahalaan. Nangongolekta
ito ng taunan/buwanang kontribusyon mula sa mga pambansa at lokal na
yunit ng gobyerno para sa taunang premium ng mga sponsored member
at mula sa mga miyembro ng susing programa nitong tinaguriang National
Health Insurance Program (NHIP). Sinumang miyembro at kaniyang
beneficiary na regular na naghuhulog sa Philhealth ay maaaring makinabang
sa programang ito sa pormang discount sa alinmang rehistradong ospital,
pampubliko man o pribado.

Ang Philhealth Board ay pinamumunuan ng kalihim ng Department of
Health. Mayroon itong 12 pang ibang kasapi, kabilang na ang ang mga
kalihim ng DOLE, DILG at DSWD. May mga kasapi rin ng board na mula sa
pribadong sektor kabilang na ang CEO at president ng Philhealth bilang
Vice-Chairperson, ang presidente at CEO ng SSS, presidente at general
manager ng GSIS, at mga kinatawan ng National Anti-Poverty Commission,
at mga sektor ng labor, OFW, self-emplyed, at health care providers.

Ano ang napipintong 160% pagtaas sa premium ng Philhealth?
Noong Disyembre 15, naglabas ng Circular No. 022 ang Philhealth Board na
nagsasaad ng 160% pagtaas ng singil sa premium para sa NHIP. Magiging
epektibo ang sirkular sa darating na Hulyo 2012 at aapektuhan nito ang
lahat ng mga miyembro at enrollee ng Philhealth, kabilang na ang mga
overseas Filipino worker (OFW). Sakop ng sirkular ang a) sponsored
program, b) partial subsidy scheme, c) individually paying and overseas
workers program, at d) employed sector na bahagi ng NHIP:

a) Sponsored program mga mahihirap na benepisyaryo ng
Philhealth ayon sa rekomendasyon ng DSWD
b) Partial subsidy scheme mga miyembro na bahagyang iniisponsor
ng mga LGU
c) Individually paying and overseas workers program mga kawani
ng gobyerno, mga OFW na dumaan sa POEA o mga indibidwal na
kusang nag-enrol sa Philhealth (self-employed professionals)
d) Employed sector -- mga miyembro mula sa pribadong sektor

Bakit natin ito tinututulan?
Tinututulan ng Migrante International ang 160% pagtaas sa Philheath
premium rate dahil isa na naman itong porma ng legalized kotong sa mga
OFW.

Isa itong dagdag-bayarin at pahirap sa mga OFW. Hindi ito dumaan sa kahit
na anumang konsultasyon. Labag din ito sa diwa ng OEC kung saan isinasaad
na hindi dapat singilin ng kahit na anong porma ng buwis ang mga OFW.
Gayundin, awtomatikong aapektuhan nito ang lahat ng mga agency-new
hires dahil kabilang ang Philhealth enrollment sa mga rekisito para
makakuha ng OEC.

Bukod dito, labag din ito sa Republic Act 8042, na inamyendahan ng RA
10022, na nagbabawal sa anumang dagdag-singilin sa mga serbisyo ng
gobyerno para sa mga OFW at mga dependent nila.

Mas masaklap pa, pwersado ang mga OFW na magbayad ng higit na mataas
na premium gayong hindi naman nakasisigurong makakamit nila ang mga
benepisyo. Dahil na rin sa kawalan ng tiyak at maayos na sistema ng
serbisyo ng Philhealth sa mga ospital at health facilities sa ibang bansa at sa
kumplikadong proseso ng pag-avail dito, mas karaniwang hindi
napapakinabangan ng mga OFW ang mga serbsiyo ng Philhealth kahit pa
regular silang nagbabayad.

Obligadong mag-renew ang mga OFW sa tuwing natatapos ang kaniyang
kontrata kahit pa hindi naman niya nagamit ang serbisyo ng Philhealth.
Halimbawa, may isang OFW na natapos na ang kontrata. Nagkasakit siya
nang umuwi siya ng bansa. Dahil sa annual o taunan lang ang bisa ng P900
premium na kanyang binayaran, hindi niya mapapakinabangan ang kanyang
Philhealth hanggat hindi siya muling nagbabayad ng panibagong P900 kahit
pa taun-taon siyang nagbabayad noong siya ay nagtatrabaho pa.

Para naman sa mga dependent ng mga OFW, limitado ang makukuhang
serbisyo tulad ng pagbabawal sa mga outpatient at rekisitong dapat ay 24
oras o higit nang naka-confine ang pasyente. Hindi rin sakop ng Philhealth
and mga check-up at konsultasyon sa doktor.

Madalas din, dahil sa Pilipinas kailangang iproseso ang mga papeles at iba
pang mga rekisito sa serbisyo ng Philhealth, hindi na ito tuluyang nagagamit
pa ng mga OFW dahil sa labas ng bansa nagkakasakit ang OFW.

Higit pang hindi makatwiran ang 160% pagtaas ng Philhealth premium sa
kabila ng kaliwat kanang pagbayo ng krisis sa ekonomiya sa loob at labas ng
bansa sa mga OFW at mamamayan.

Ano ang nasa likod ng pagtaas ng singil sa Philhealth premium?
Ayon sa sirkular, gagawin ang napipintong pagtaas bilang bahagi ng layunin
ng gobyernong Aquino na makamit ang universal health care at
millennium development goals nito, sang-ayon sa dikta ng neoliberal
globalisasyon.

Walang ibang layunin ito kundi ang gradwal na paghugas-kamay ng
gobyerno sa responsibilidad nitong magbigay-serbisyo sa mamamayan.
Kabilang at hindi hiwalay ang panibagong pasaning ito sa mga sunud-sunod
at samut saring atake sa mga manggagawa sa loob at labas ng bansa sa
pamamagitan ng sistematikong pagpapatupad ng rehimeng Aquino ng mga
programa nito sa ekonomiya alinsunod sa pribatisasyon,
komersyalisasyon/korporatisasyon at deregulasyon. Bukod sa Philhealth,
magtataas din ng premium ang SSS, nakaamba ang pribatisasyon ng ilang
mga ahensya ng gobyerno, ipapatupad ang K-12, at iba pa.

Kailangang ilinaw na hindi tayo tutol sa programa para sa serbisyong
pangkalusugan, isa rin itong hangarin ng ating mga kababayang OFW.
Gayunpaman, naninindigan tayong ang serbisyong pangkalusugan ay isang
batayang serbisyo na dapat sanay libreng ipinamamahagi sa mga OFW at
mamamayan. Nagtatago ang 160% premium hike sa likod ng balat-kayo ng
universal health care gayong ang totooy walang intensyon ang gobyerno
na magbigay ng libreng serbisyong-pangkalusugan sa OFW at mamamayan.
Sa halip, anumang serbisyong igagawad nito ay magmumula mismo sa mga
kontribusyon at bulsa ng OFW at mamamayan.

Kung tutuusin, doble-doble na ang kotong na nakukuha ng gobyerno mula
sa mga OFW para sa serbisyong pangkalusugan. Tinatayang Php1.5 bilyon
ang nasisingil ng gobyerno mula s Philhealth pa lamang. Labas pa ito sa
USD$25 mandatory contribution sa OWWA na dapat ay sakop din ang
serbisyong pangkalusugan, at labas pa sa medical insurance na dapat sanay
binabayaran ng mga employer para sa mga OFW ngunit sa ilang mga
pagkakataon ay kinakaltas sa mga sahod nila.

Kaya naman gayon na lamang ang galit ng mga OFW nang tahasang ilipat
ang Medicare sa ilalim ng OWWA sa Philhealth noong 2003 nagamit
lamang ito sa korupsyon at pagpapabango ni dating pangulong Gloria
Arroyo sa nakaraang eleksyon habang nasakripisyo ang serbisyong
pangkalusugan para sa mga OFW na magmumula sana sa OWWA.

Ano ang dapat nating gawin?
Mula nung ibinalita ang pagtaas sa singil sa Philhealth premium, kagyat na
tumutol agad ang maraming OFW at kapamilya sa labas at loob ng bansa.
Dahil dito, may bali-balitang sinuspinde ang pagsasapatupad ng Sircular na
ito ngunit wala pang malinaw at opisyal na pahayag ang Philhealth. Sa
kasalukuyan, nananatiling nakaamba pa rin ang paniningil ng mas mataas na
premium sa Hulyo.

Dapat patuloy at mariin na tutulan ng Migrante International at mga
tsapter at kasaping OFW nito sa buong mundo ang 160% pagtaas ng singil sa
Philhealth premium. Mahigpit nating pagkaisahin ang mga tsapter, kasapi at
masa sa ating pagsusuri at tindig sa pangongotong na ito ng gobyerno.

Kailangang kalampagin ang Philhealth, DOH, POEA at administrasyong
Aquino at mariing iparating sa mga ahensyang ito na hin di makatwiran ang
napipintong pagtaas. Sobra-sobra na ang paghuhuthot sa mga OFW habang
hindi naman maayos at nakasasapat ang serbisyo, tulong at benepisyong
natatanggap ng mga OFW mula sa gobyerno.

Mainam ding makipagkaisa tayo sa iba pang mga sektor ng lipunan na
apektado at tumututol din sa pwersahang paniningil na ito.

Ang ating mga panawagan:
Ibasura ang Philhealth Sirkular 022! Tutulan at labanan ang 160% pagtaas
sa singil ng Philhealth premium!

Serbisyo, hindi negosyo! Proteksyon, hindi koleksyon!
Itigil ang pangongotong sa mga OFW! Itigil ang paniningil ng mga di-
makatwirang bayarin mula sa mga OFW! ###

You might also like